Professional Documents
Culture Documents
AP Reviewer Grade 6 MT
AP Reviewer Grade 6 MT
AP Reviewer Grade 6 MT
HALCON
QUARTER 2
SISTEMA NG EDUKASYON NG MGA PILIPINO
NA IPINATUPAD NG MGA AMERIKANO
Pamahalaang Sibil
- Itinatag ito noong Hulyo 4,1901 kapalit sa Pamahalaang
Militar.
- William Howard Taft ang gobernador-sibil.
- Pagbigay ng pagkataon ang mga Pilipino na makalahok sa
pamahalaan.
- Ang Susog Spooner na ipinakula noong 1901 ni Senador
John Spooner ang nagbigay-daan upang palitan ang
pamahalaang militar sa pamahalaang sibil.
PATAKARANG KOOPTASYON
(PILIPINASYON)
Ito ay naglalayong unti-unting sanayin ang mga Pilipino
na maging kawani ng pamahalaan.
Binuo ang patakarang ito upang higit pang mapatatag ang
patakarang pampulitika at pangkabuhayan sa unang
dekada ng pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Napasailalim sa mga Pilipino ang pamahalaang local sa
bansa.
PAMAHALAANG KOMONWELT
Ang pagpapatibay ng Batas Tydings-McDuffie ang naging wakas
ng mapayapang pakikibaka ng mga Pilipino para sa Kalayaan.
Nakatitiyak na ang mga Pilipino sa malapit mang dumating ang
araw ng pagsasarili mila sa pananakop ng mga Amerikano.
Ang pagtatag ng pamahalaang Komonwelt ay nagbigay ng
bagong pag-asa sa mga Pilipino tungo sa bagong panahon sa
kasaysayan ng bansa.
Noong Nobyembre 15,1935 pinasinayaan ang pamahalaang
Komonwelt sa Gusali Ng Lehislatura. Sa harap ng halos
kalahating milyong Pilipino.
Pangulo- Manuel Louis Quezon
Vice President- Sergio Osmena
Kabilang sa mga programang ipinatupad ng pamahalaan tungo
sa adhikaing pagsasarili ang katarungang panlipunan,
patakarang homestead para sa mga magsasaka, pagkakaroon
ng pambansang wika, pagkilala sa karapatang bumoto ng
kababaihan, at pagpapalago ng kabuhayan.
Hulyo 10, 1934- Ang halalan sa 202 na delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal.
Hulyo 30,1934- naganap sa hall ng Lehislatura ng Pilipinas sa
Maynila ang sesyong pampinasaya ng Kumbensiyong
Konstitusyonal.
House Bill- Not Official Law
3 sangay ng pamahalaan
1. Tagapagpaganap/Ehekutibo-Pangulo
2. Tagapagbatas/Lehislatibo- Mga senador at congressman
3. Tagapaghukom/Hudikatura- Korte Suprema/Supreme
Court
Ehekutibo- Ang pangulo ang pipirma ng house bill para
maging official ang batas.
Lehislatibo- Gagawa ng mga batas at ipapabasa ng ilang
beses sa mga senador o congressman para mapa pirma ng
Ehekutibo o Pangulo.
Hudikatura- Korte Suprema para sa mga taong nag break
ng batas. Iba ang parusa ng taong nagpatay on purpose
kaysa sa taong nagpatay na hindi on purpose.