Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGBABALANGKAS

- Isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang sulatin na nakaayos ayon sa


pagkakasunod-sunod ng mga ito.
- Mahahalagang bahagi lamang ang nakapaloob ditto
- Nagsisilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin
- Naglalaman ito ng mga pangunahing ideya at mga suportang ideya.

Tesis ng Pangungusap-pangkalahatang ideya o susing ideya. Karaniwang nakalagay sa umpisa ng


balangkas. Isa o dalawang pangungusap lamang.

Mga Uri ng Balangkas


1. Pamaksang Balangkas/Papaksa (topic outline)
- ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas
ginagamitan ito ng mga pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag)
2. Pangungusap na Balangkas (sentence outline)
- ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor
(minor) na ideya.
3. Patalatang Balangkas (paragraph outline)
- ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.
MGA LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS
1. Maisaayos ang mga ideya.
2. Malaman ang mga importanteng detalye.
3. Matukoy ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya.
4. Malaman kung anong bahagi ang tatanggalin kung kinakailangan.
5. Mapadali ang pagsulat ng sulatin.
6. Magkaroon ng direksiyon ang pagsulat.

PARAAN SA PAGGAWA NG BALANGKAS


1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.
2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas.
3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon.
4. Gamitin ang Roman numerals (I, II, III ... ) sa pagsulat ng pangunahing diwa o paksa.
5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang
salita ng bawat pangunahing diwa.
6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng Roman numerals at malaking letra.
7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ang pangunahing diwa ang mga
kaugnay na paksa.
8. Gamitin ang malaking letra (A, B, C ... ) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).
9. Gamitin ang Arabic numerals (1, 2, 3 ... ) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta
sa kaugnay na paksa.
10. Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan ito sa malaking
letra.
MGA PARAAN SA PAG-AAYOS NG PAKSA
• Ayon sa panahon - maaring ang ayos nito ay kronolohikal. Karaniwan itong
ginagamit kung ang paksa ay may kaugnayan sa paglalahad ng kasaysayan.

• Paraang lokihal - ang paksa ay nakaayos ayon sa mga ugnayan ng mga


ipinahahayag na ideya. Ginagamit ito sa pagpapaliwanag ng konsepto.

• Ayon sa kahalagahan ng mga ideya - Inuuna dito ang mga mahahalagang ideya
kaysa sa mga di-gaanong mahahalaga.

MGA PORMAT NG BALANGKAS


DALAWANG LEBEL
Pamagat
Tesis na Pangungusap:
A. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
B. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya
C. Pangunahing Ideya
a. Suportang Ideya
b. Suportang Ideya

TATLONG LEBEL
Pamagat
Tesis ng Pangungusap:
1. Pangunahing Ideya
A. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
2. Pangunahing Ideya
A. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye
B. Suportang Ideya
a. Detalye
b. Detalye

MGA PRINSIPYO SA PAGBABALANGKAS


• Iwasan ang paggamit ng SIMULA, KATAWAN at WAKAS.
• Ang mga ideyang ilalagay sa bahaging I, II, III ay nararapat na mga pangunahing
ideya.
• Siguraduhing “parallel” ang mga ideya sa gagawing balangkas.
• Maging konsistent sa paggamit ng mga bantas.
• Siguraduhing hindi bitin ang mga bahagi ng balangkas.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas


1. Basahin muna nang pahapyaw ang isang tekstoagtala ng mga paksa o detalye.
2. Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto kung ito ba ay nasa ayos kronolohikal (may
pagkakasunod-sunod o order), mula sa simple patungo sa mga kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga,
malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya.
Balangkas ng Maikling Kuwento
I. Pamagat:
II. Mga Tauhan:
A._____________
B._____________
C._____________
III. Tagpuan:
____________
IV. Mga Pangyayari
A._____________
1. ___________
2. ___________
B._____________
1. ___________
2. ___________
3. _________
V. Mga Suliranin
A.
1.____________
2. ____________
3.____________
VI. Solusyon
___________
VII. Aral
___________

Gawain 1: Lumikha ng isang balangkas para sa kuwentong ito. Gamitin ang pormat ng balangkas
ng maikling kuwento. Lagyan ng tesis na pangungusap.
Pamalaye
Sa bayan ng Panay ay may magandang dilag na nagngangalang Mira. Maraming binatang
nanliligaw sa kanya dahil bukod sa maganda na, napakabait at napakatalino pa. Sa mga binatang
nagpapapansin dito, may isang namumukod-tanging nakakuha ng atensyon ng dalaga at siya ay si Lucas.
Si Lucas ay isang binatang simple ngunit napakasipag at may ginintuang puso. Dahil sa katangian niyang
ito, naibigan siya ng nasabing dilag. Mula noon ay nagmahalan ang dalawa at nangako sa isa’t isa na
walang iwanan.
Hindi nagtagal napagdesisyunan nilang mag-isang dibdib. Ngunit bago ang kasalan ay may
tradisyon sa Panay na sinusunod at ito ay ang Pamalaye.
Ang Pamalaye ay isang kaugalian kung saan bago ang kasalan, ang binata ay pumupunta sa
tahanan ng kanyang mapapangasawa kasama ang kanyang pamilya. Dito pinag-uusapan ang pagtatakda
ng kasal at iba pang bagay na kakailanganin. Pagkatapos magkasundo ang dalawang panig ay may salo-
salo na magaganap.
Kaya’t si Luas ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Dinala niya ang kanyang pamilya sa bahay
nina Mira. Nagdala rin sila ng mga pagkain. Dahil sa mahal nila ang isa’t isa, at hindi sila mapaghiwalay,
nagkasundo ang mga magulang nila na sila’y ipakasal na.
Hindi naglaon, sina Mira at Lucas ay ikinasal sa isang simpleng okasyon ngunit nagging masaya
at makahulugan dahil kasama nila ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaanak at mga kaibigan.
Gawain 2: Lumikha ng isang balangkas tungkol sa pagluluto ng iyong paboritong ulam/putahe.
Lagyan ng tesis na pangungusap.

You might also like