Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

HEOGRAPIYA NG ASYA BILANG ISANG REHIYON


I. MGA LAYUNIN
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko
2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya
3. Nakakagawa ng mapa tungkol sa paghahati ng heograpiya ng Asya

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Heograpiya ng Asya
Kagamitan: Tulong biswal, larawang may kaugnayan sa paksa, Mapa ng Asya
Sanggunian:

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paghahanda
1. Pagbati

“Magandang umaga sa inyong “Magandang umaga po Binibining


lahat,excited naba ang lahat sa Eufinado, opo ma’am excited na kami"
unang araw ng klase?”

" Paki ayos ang inyong mga upuan “Opo Ma'am”


at puluton ang mga basurang
nakakalat sa sahig "

2. Panalangin

“Bago tayo magsimula, tayo ay (Nanatiling nakatayo para sa


mananalangin muna." pagdarasal)

"Bb. Galarpe, maaari mo bang " Opo Ma,am "


pamunuan ang pagdarasal?"
(Pumunta sa harapan si Nina Galarpe
para pamunuan ang pagdarasal)

“Sa ngalan nang Ama, Anak, at Espirito


Santo” “Amen.”

“Ama naming…”

3. Pagtala ng liban

" Magsi upo ang lahat" "Salamat po Bb. Eufinado"


(Nagsi upoan ang lahat ng mga
mag-aaral)

" Kamusta kayong lahat?" " Mabuti naman po Ma'am"

"Mayroon bang lumiban sa klase "Wala po Ma'am”


ngayon?"

"Magaling. Simulan na natin ang


ating aralin"

B. Pagbabalik Aral

“Bago tayo dumako sa ating bagong (Nagsi taasan ng kamay ang mga
aralin magkakaroon muna tayo ng balik estudyante)
aral. Sa nakaraang taon, ano ba ang
inyong tinalakay?"

"Kint, ano ang inyong nakaraang "Base sa aking naaalala, ang nakaraang
talakayan?" talakayan ay tungkol sa patuloy na
pagtugon ng mga hamon sa
pagkabansa ng mga Pilipino mula 1986
hanggang sa kasalukuyan."

“Magaling! Ano naman ang ginawa ng (Nag taas ng kamay si Graciela Carino)
pamahalaan tungkol dito?"
"Bb. Carino,ano ang ginawa ng “Ang pamahalaan ay nag gumawa ng
pamahalaan tungkol dito ?" mga programa sa pagtugon ng mga
hamon sa pagkabansa ng mga Pilipino
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.
Bawat pangulo ay may kontribosyon na
nakapagdulot ng kaunlaran sa lipuanan
at bansa”

“Napakahusay! Tatlong bagsak para sa


inyung lahat.”

C. Pagganyak

"Ngayon, bago tayo dumako sa ating


talakayan sa araw na ito, magkakaroon
tayo ng isang aktibidad. Ihahati ko ang
klase sa apat na grupo at sasagutin ang
sumusunod na mga tanong.’’

" Mayroon akong Mapa na ipapakita sa


inyo at pag-aralan ninyu ito at sagutin ang “Maliwanag po, ma’am”
tatlong tanong sa pisara. Bibigyan ko
kayo ng dalawang minuto para
magpaliwanag. Maliwanag ba ang
panuto?"

(Sisimulan ang aktibidad) (Lalahok ang mga mag-aaral sa


aktibidad)

“Palakpakan ang ating mga sarili sa (Magpapalakpakan)


pakikiisa sa ating laro!”

“Paano nahahati ang daigdig ayon sa ‘’Ang ating mundo ay nahahati sa pitong
mapa?” mga kontinente, ang Kontinente ay
tumutukoy sa pitong malalaking lupain
na naghahati sa buong daigdig”
“Magaling!" (Magpapalakpakan)

D. Pagtatalakay

"Ngayon ay dadako na tayo sa ating


talakayan, Ang paksa natin para sa araw
na ito ay ang “ Heograpiya ng Asya Bilang
Isang Rehiyon”"

“Sa inyong palagay ano nga ba ang (Nag taas ng kamay si Fraulyn)
Heograpiya?” Mag taas ng kamay ang
gustong sumagot.” “Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng
mundo at ng mga taong naninirahan
dito.”

“Tumpak! Ang ang heograpiya ay ang


pag-aaral sa mga pisikal na katangian ng
daigdig, ang iba’t ibang lugar sa mundo at
ang relasyon ng tao sa kanyang
kapaligiran.”

“Ang Asya ay sumasaklaw sa 30% ng


kabuuang land area ng daigdig at 8.7%
ng kabuuang total surface area ng
daigdig. Tinatayang 44,579,000 kilometro
kwadrado. "

(Nag taas ng kamay si Shaira)


“Sa tingin ninyo anong kontinente ang
“ Ang Asya po ma’am ang
pinakamalaki?” pinakamalaking kontinente, pangalawa
naman ay ang Africa”

“Magaling! bigyan nation si Shaira ng


tatlong palakpak”
“Opo ma’am, ang Asya ay nahahati sa
“Ang asya ba ay nahahati sa rehiyon?”
iba’t ibang rehiyon”

‘’Tama! Ito ay nahahati sa mga rehiyon.


Ang Rehiyon ay isang lugar (area) na
may isa o higit pang magkakatulad na
katangian na nagbibigay rito ng kaibahan
sa ibang mga lugar na nakapaligid dito”

"Opo ang Asya sa nahahti sa anim na


“Alam nyo ba kung ilang rehiyon ang
rehiyon"
bumubuo sa Asya?”

“Tama, ano-anong rehiyon naman ang (Nag taas ng kamay si Marcelyn Aringo)
mga iyon?”

“ Yes, Bb. Aringo?” "Ang anim na Rehiyon ng Asya ay ang


Kanlurang Asya, Asya Sentral, Hilagang
Asya, Timog Asya, Silangang Asya, at
Timog-Silangang Asya."

"Magaling! Nag papatunay lang na


nakinig kayo sa leksyon ng guro ninyo
noon”

" At ngayon ipapaliwanag ko ang


konsepto ng Asya tungo sa
paghahating-heograpiko. Kanlurang Asya,
Asya Sentral, Hilagang Asya, Timog Asya,
Silangang Asya at Timog-Silangang
Asya."
"Ang paghahati-hati ay naaayon sa
ipinahihiwatig ng pagkakakilanlan at
kaugnayan ng mga lupang sakop nito na
batay sa pisikal, politikal, kultural, at
historikal na pagkakaiba-iba sa isa’t isa"

" Ngayon nais kong malaman kung bakit


mahalagang pag-aralan ang pagkakahati
ng mga rehiyong ito?”

“.
Ngayon nais kong malaman kung bakit
mahalagang pag-aralan ang pagkakahati
ng mga rehiyong ito?”

“Tama ang iyong sagot. Ito ay upang


malaman ang mga bansang kabilang
nito.”

“Ngunit ating tandaan ang mga bansang


kabilang sa isang rehiyon ay may
magkakatulad na katangian. Maliwanag
ba?

(Nagtaas ng kamay si Nina)


“Mahalaga po ba malaman kung bakit
pinag-aralan ang pagkakahati ng mga
“Ngayon ating iisa-isahin ang mga rehiyon sapagkat ito ay upang mapadali
bansang kabilang sa bawat Rehiyon sa ang pagkakatulad sa mga
Asya.” mahahalagang bansang kabilang nito.”

“Unahin natin ang Kanlurang Asya. Ito ay


nagsisilbing “crossroad” ng tatlong
kontinente Asya, Europa at Africa. Ito ay
binubuo ng mga bansang Saudi Arabia,
Lebanon, Jordan, Iraq, Kuwait, UAE,
Yemen, Omar, Qatar, at Bahrain. Judaism,
Kristiyanismo at Islam ang relihiyon.”

“Pangalawa ay ang Hilagang Asya o Asya


Sentral, ito ay binubuo ng mga bansang
Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, “Maliwanag po ma’am.”
Turkmenistan, Uzbekistan. Ito ang mga
bansang kabilang sa tinatawag na sentral “Opo ma’am.”
continental. Mahabang taglamig at
maikling tag-init ang nararanasang klima
sa mga lugar na ito. Ang malaking bahagi
sa rehiyong ito at kilala sa tawag na
Russian Asia o Asian Russia.”

“Bago tayo dumako sa pangatlong


rehiyon meron ba kayong mga
katanungan sa dalawang nauna?”

“Mabuti naman at nakikinig kayo ng


maayos. Ngayon naman isusunod natin
ang pangatlong parte. At ito ay ang Timog
Asya o ang Katimugang Asya. Ito ay
binubuo ng mga bansa sa timog ng
Himalaya. Kabilang dito ay ang
Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India,
Maldives, Nepal, Pakistan at Sri Langka.
Kasama rin ang Burma at Tibet sa rehiyon
na ito.”

“Pang-apat ay ang Silangang Asya. Ito ay


kinabibilangan ng bansa ng People’s
Republic of China, Hilagang Korea, Timog
Korea, Mongolia, Japan at Taiwan.”

“At ang pang-lima ay ang


Timog-Silangang Asya. Binubuo ito ng “Naintindihan po ma’am. Wala po
Pilipinas, Indonesia, Thailand, Malaysia, kaming katanungan”
Vietnam, Singapore, Myanmar,
Cambodia, Laos, Brunei, East Timor.”
“Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan
meron ba kayong mga katanungan na
nais niyong ibahagi?”

“Magandang katanungan, Shaira. Ang


pag-aaral at pakikinig sa ating talakayan
ngayon tungkol sa anim na Rehiyon ng
Asya ay upang malaman natin ang
kanilang kakayahan nila at upang
malaman natin kung anong klase ng
pamumuhay meron sila sa kanilang
rehiyon, at par din maintindihan natin ng
lubusan ang kanilang kultura.

“Naintindihan niyo ba ang naging


talakayan natin sa anim na rehiyon ng
asya?

“Mabuti at kayo ay nakinig ng maayos.”

“Magaling! Magbigay ng limang bagsak


para inyong mga sarili” (Nagtaas ng Kamay si Shaira)
“Sa naging talakayan po natin bakit
pinakamahalagang pag-aralan natin ang
“May tanong pa ba kayo tungkol sa Asya?”
Heograpiya ng Asya Bilang Isang
Rehiyon?”

“Mabuti naman at gano’n

“Opo ma’am. Naintindihan po.”


(Limang bagsak)

“Wala na po ma’am!”
“Klarong-klaro po ma’am!”
E. Paglalapat
“Ngayon ay hahatiin ko kayo sa 6 na
pangkat at kayo ay gagawa ng mapa ng
Asya. Bawat pangkat
pipili ng isang rehiyon at ipaliwanag ang
mga pisikal na katangian nito.

“Maliwanag ba ang panuto’’


“Opo ma’am,maliwanag po”

(Mag babahagi ng kanilang sagot o


opinion ang mga mag-aaral)

“Napakahusay ninyong lahat! Maraming


salamat sa inyung ibinahaging mga
sagot.”

F. Pagbubuod

“Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa


relasyon ng mga tao sa lugar na kanyang
tinitirahan. Ito ay isa sa mga sangay ng
social sciences. Dito pinag-aaralan ang
mga pisikal na katangian ng mundo at
ang epekto nito sa mga tao. Nagkakaroon
din ng pang-unawa sa kultura ng mga tao.
Ito ay kaugnay ng kasaysayan.
Mahalaga na pag-aralan ang heograpiya
upang magkaroon tayo ng mas malalim
na pag-intindi sa mga pangyayari sa ating
kapaligiran. Ito ay dahil karamihan sa mga
nangyayari ay bunga ng mga pagbabago
sa pisikal na katangian ng daigdig.
Napakahalaga nitong pag-aralan dahil
nalalaman dito ang mga anyong tubig at
iba pang likas na yaman, napag-aaralan
ang topograpiya ng lugar at nalalaman
ang ugnayan ng kultura ng tao sa
kanyang lugar na pinagmulan.Ang Asya
ay nahahati sa anim na rehiyon o
subrehiyon. Kanlurang Asya, Asya
Sentral, Hilagang Asya, Timog Asya,
Silangang Asya,Timog-Silangang Asya.”

“Maraming salamat sa inyung pakikinig.”

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin mo kung saang rehiyon nakapaloob ang sumusunod na bansa.
Isulat ang HA para sa Hilagang Asya, SA sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang
Asya, KA sa Kanlurang Asya, TA para sa Timog Asya at AS para sa Asya Sentral.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Kazakhstan
_______ 2. India
_______ 3. Saudi Arabia
_______ 4.Vietnam
_______ 5. China
_______ 6. Tajikistan
_______ 7. Siberia
_______ 8. Japan
_______ 9. Lebanon
_______ 10. Uzbekistan
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang na nakalaan

Asya Continent Aegan Rehiyon Heograpiya

_________1.Sumasaklaw sa 30% ng kabuuang land area ng daigdig at 8.7% ng


kabuuang total surface area ng daigdig. Tinatayang 44,579,000 kilometro
kwadrado
_________2.Ang pinakamalaking dibisyon ng lupain batay sa pagkakahati sa mga
dambuhalang masa ng lupa (land mass) ng mundo na makikita sa globo o
mapa.
_________3. Pinaniniwalaang nagmula sa salitang Aegean na Asu ang salitang Asya o
Asia
_________4. Ang pag-aaral ng mundo at ng mga taong naninirahan dito
_________5. Isang lugar (area) na may isa o higit pang magkakatulad na katangian na
nagbibigay rito ng kaibahan sa ibang mga lugar na nakapaligid dito.

You might also like