Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon 11 Q2
Komunikasyon 11 Q2
Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Cadiz City
VNHS-Sewahon Extension High School
Ikalawang Markahang Pagsusulit
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
PANGALAN: _______________________________________________________
Panuto: Piliin ang tamang titik at i-shade sa iyong ZIPGRADE answersheet.
21.
Ayon sa panayam, ang Tagalog ang siyang pinagbatayan ng Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas at ang
Tagalog ay dayalekto na isang rehiyon. Samantalang sa bawat larangang kinabibilangan ng isang tao ay may
kanya silang wikang ginagamit na iba sa wika ng ibang larangan. Gayunpaman, tuwing sasapit ang Buwan g
Wika ay wikang Filipino pa rin ang pangunahing ginagamit. Ang mga pagbabago namang nagagnap ay dahil
sa ebolusyong nangyayari sa ating wika dahil buhay ang wika at nagkakaroon ito ng mga pagbabago.
Ang mga wikaang binanggit sa panayam ay tungkol sa pagkakaiba ng dalawang wikang _____.
a. Bisaya at Tagalog c. Ingles at Filipino
b. Filipino at Rehiyunal d. Tagalog at Filipino
22. Sinabi ng kinapanayam na taga-UP na _____ ang paggamit ng salita sa bawat larangan.
a. nag-iiba b. pang-edukasyon c. magkakatulad d. pare-pareho
23. Ang paksa sa panayam o balita ay _____ kapag sumasapit ang Buwan ng Wika.
a. Wikang dayuhan b. Wikang Filipino c. Wikang magkakaiba d. Wikang Tagalog
24. Ang pinag-uusapan sa panayam ay _____ kaya nababanggit ang mga salitang jeproks hanggang jejemon.
a. ebolusyon ng wika b. kasaysayan ng wika c. paano ginagamit ang wika d. pinanggalingan ng wika
Sa panahon ng COVID 19 ay madalas ang pagbabalita ng mga doktor tungkol sa kumalat na sakit at ang pag-
iingat na maaaring gawin upang maiwasan ito. Isa na rito ang social distance lalo na sa mga pampasehong
sasakyan na halos nagkakadikit-dikit ang mga pasehero. Kaya para mapangalagaan ang kaligtasan ay sumunod sa
mga pag-iingat na dapat gawin.
25. Sa balita ay nagsalita ang _____ upang ipahayag ang ulat tungkol sa corona virus na kumalat sa bansa.
a. doktor b. enhinyero c. frontliner d. nurse
26. Karaniwang ginamit ang wikang _____ sa balita dahil sa paksa nito.
a. dayalekto b. matematika c. pang-agham d. rehiyunal
27. May mga balitang dumadaan (nagpa-flash) sa ilalim ng nagsassalita na ginagamit ang wika ayon sa _____ nito.
a. edukasyon b. gamit c. isyu d. sinabi
28. Ang pagbanggit ng salitang _____ ay wikang pangmatematika subalit nauugnay pa rin ito sa paksa para sa
kalinawan ng isyu.
a. bahagdan b. bilang c. frontline d. growth rate
29. Ano ang wikang ginamit na may kaugnayan sa transportasyon at covid 19 na ibinalita upang mapanatili ang
kaligtasan ng tao?
a. face mask b. lockdown c. quarantine d. social distance
30. Batay sa iyong napuna sa pakikinig ng balita, anong wika ang ginamit upang mailahad ng malinaw ang balita?
a. Filipino b. Filipino at Ingles c. Ingles d. lahat ng wika
May mga panayam sa video tungkol sa mga pagbabagong nagaganap sa wikang pambansa tulad sa isang
kinapanayam na ayon sa kanya ay naririnig niya ang salitang ‘ganern’. Marami ng bagong wika kaya iba’t ibang
salita na ang maririnig. Magkagayon pa man, Tagalog pa rin ang dapat gamitin, anila. Kaya anumang mga
pagbabago ang magaganap Tagalog pa rin ang maririnig ng marami sa ating bansa
31. Ano ang wikang ginamit para masabi na may pagbabago sa wikang Filipino?
a. bagong wika b. katext messaging c. modernong wika d. text language
32. Wika ang pinag-uusapan, ano ang dapat gamiting wika ayon sa unang kinapanayam?
a. barayti b. Filipino c. Ingles d. Tagalog
33. Binanggit ng isang kapanayam ang pagbabago sa wika, anong salita ang ginamit ng kinapanayam bilang
pagbabago?
a. bekimon b. ganern c. jejemon d. w8t
Ayon sa balita, nang panahon ng pandemic, halos lahat ng tao sa Pilipinas ay kailangang tumigil sa bahay. Kasabay
nang pagtigil na ito ang paghinto rin sa pagpasada ng mga sasakyan lalo na ng mga papublikong sasakyan. Kaya
naman ang mga taong may matinding pagnanais na makauwi ay nagtiyagang maglakad gaano man ito kalayo.
Tinugunan ito ng pamahalaan para makabiyahe ang publiko. Naglabas sila ng mga tren ng MRT at LRT para
magbiyahe nang sa ganyon ay may masakyan na ang mgamamyan sa kanilang pupuntahan.
34. Ano ang salitang ginamit sa bagay na pinag-uusapan sa balita bilang kalutasan sa isyu ng suliranin ng publiko sa
pagbibiyahe?
a. bagon b. barko c. eroplano d. tren
35. Ano ang binanggit na salitang tumutukoy sa isang lugar na pinupuntahan ng mga tao kaugnay ng transportasyon?
a. airport b. express way c. terminal d. transportation
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng social media ang inilalarawan sa bawat bilang.
36.
Anong damdamin ang namayani sa Facebook post na binasa mo gamit ang wika?
a. Hindi alintana ang dulot ng sakit sa tao.
b. Binigyang babala ang mga tao laban sa sakit.
c. Binigyang linaw ng pinuno ang desisyon sa di pagsunod sa bagong ordinansa ng kanyang lalawigan.
d. Tinapat ang mamamayan sa problema ng bayan.
37.
Ano ang naging tungkulin ng wika sa nabasa mong Facebook post sa itaas?
a. pagpapahatid ng impormasyon sa kaganapan sa isang lugar
b. pagpapaalala ng matinding pag-iingat
c. panghihikayat sa pakikiisa sa bayan
d. pagtulong sa mga mamamayan sa oras ng krisis
38.
Paano ginamit ang wika sa nabasa mong pahayag sa vlog sa itaas?
a. Binigyan ngn iba’ibang kulay.
b. Ipinadama sa tao ang kahalagahan ng pahayag.
c. Isinulat ito sa malalaking letra
d. Ipinahayag ang naranasang krisis at ang matutuhan mula dito.
39. Ito ay isang platform sa Internet na karaniwang sa salitang Ingles nagkakaintindihan ang lahat.
a. Pahayagan b. Radyo c. Social Media d. Telebisiyon
40. Malaki ang naitulong nito para sa mga taong nawalay sa pamilya dahil sa pagtatrabaho lalo na sa mga mag-aaral
na kailangan nang agarang kasagutan sa kanilang mga asignatura.
a. Internet b. Microsoft c. Netflix d. YouTube
41. Saan ginagamit ang salitang “netizen”?
a. diyaryo b. radyo c. social media d. telebisyon
42. Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa;
a. Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika
b. Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika
c. Laganap ang pagpapaikli ng mga salita
d. Laganap ang code switching
43. Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pag-unlad ng wikang Filipino sa Internet?
a. Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika
b. Paglalagay ng akdang pampanitikan sa internet
c. Paglalagay ng diksyunaryong Filipino
d. Lahat ng nabanggit
44. Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa ating wika?
a. madaling basahin
b. madaling maisulat
c. madaling maunawaan
d. madaling maisulat at maunawaan
45. Tinawag na Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa;
a. Marami ang may iba’t ibang unit ng cellphone.
b. Maraming text ang nagpapadala at nakatatanggap sa ating bansa araw-araw.
c. Marami ang gumagamit nito sa paghahanapbuhay.
d. Marami sa mga Pilipino ang walang hanapbuhay.
46. Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang paggamit ng social media?
a. dahil sa mga aplikasyon nito
b. dahil sa mga larawan nito
c. dahil sa ito’y nasa Internet
d. dahil sa kagandahan nito.
47. Kung malayo ka sa pamilya o mahal mo sa buhay at nais mo ang agarang komunikasyon na walang kaukulang
halaga ay may mga aplikasyon na magagamit, maliban sa;
a. Messenger b. Skype c. Twitter d. Viber
48. Sa mundo ng social media, ito ang kahulugan ng pinaikling salita na ILY.
a. I Leave You! c. I Lose You!
b. I Like You! d. I Love You!
49. Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Pilipino sa social media tulad ng lol, sml, skl ay tinatawag na:
a. code switching ng mga salita
b. Pagpapaikli ng mga salita
c. Pagpapaliit ng mga salita
d. Pagmamali ng mga salita
50. Ang mga makabuluhang bagay na naidudulot ng Internet sa mga mamamayan ay ang mga sumusunod, MALIBAN
sa:
a. Napabibilis ang komunikasyon.
b. Napadadali ang pag-aaral.
c. Napagagaang ang hanapbuhay.
d. Napauuso ang fake news.