Senakulo 2024

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

SENAKULO

(KANLUNGAN ANG PAG-IBIG NI KRISTO)


INTRODUCTION:

I. SA HARDIN NG GETSEMANI

HESUS: Dito muna kayo at mananalangin ako, maghintay lamang kayo dito at manalangin ng hindi kayo
madaig ng tukso.

(lalayo sa mga kasama, luluhod at mananalangin sa harap ng isang malaking bato.)

HESUS: Ama ko, iligtas mo ako sa sarong ng paghihirap, Diyos ko, kupkupin mo ako, nananalig ako
sayo,inaalay ko ang lahat saiyo, ngunit kung hindi ang kalooban ko ang masusunod nawa ang
kalooban mo ang maganap sa akin..

(mananaghoy)
(isang minuto pag hihinagpis) (pasok instrumental -Lord here I am)
Maglalakad at madadatnang natutulog ang mga alagad
(lalapit kay Pedro, at sa iba pang alagad)

HESUS: Pedro,natutulog pa ba kayo at nagpapahinga?? Hindi ba kayo makakapagpuyat kahit ilang oras
man lamang?Bumangon na kayo! Dumating na ang oras na ang anak ng tao ay ipagkakanulo sa
kamay ng makasalanan! Lumakad na tayo at paparito na sila.

II. ANG PAGDAKIP KAY HESUS


(Papasok si Hudas at ang mga Kawal)
KAWAL 1: Sandali! Baka Niloloko mo kame!
KAWAL 2: kung ang iyong guro nga ay nagawa mong lokohin, kami pa kaya?
HUDAS: Tinitiyak ko sa inyo, wala na silang ibang mapupuntahan.
KAWAL : Paano naming makikilala ang Kristo na iyan?
HUDAS: ito ang tandaan niyo, kung sinong hahagkan ko, siya ang dadakpin niyo.
(makakasalubong ang grupo ni Hesus)
HESUS: Sino ang hanap ninyo?
KAWAL 2: si Hesus Nazareno!
HESUS: Ako nga si Hesus Nazareno na hinahanap niyo.
HUDAS: Magandang gabi po, Guro! (hahalikan si Hesus)
(lalapit ang mga kawal at dadakipin si Hesus, ngunit tatagain ni Pedro ang tenga ng isang kawal ngunit
lalapitan agad ni Hesus ang kawal at hahawakan ang kanyang tenga)
MALKO(Kawal 1): Aray ko!!!
HESUS: Pedro, ibalik mo ang tabak sa lagayan, ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay!
(Aalis si Pedro)
(instrumental TITLE- JESUS IS ARRESTED)
KAWAL: Dakpin ang taong yan!

III. SA HARAP NI ANAS

ANAS: Ikaw nga ba ang Hari na diumanoy makapangyarihan sa mga Hedeo? Dapat kang mamatay! Kung ang
turo mo ay patuloy mong papalaganapin! Dapat pati ang iyong mga alagad ay dinakip din!
KAWAL 1: Siya Lamang po ang sinulit sa amin.
ANAS: Nasaan ang iyong mga alagad?! Sino-Sino sila? At ano itong tinuturo mong doktrina? Mangusap ka
Hesus nais kitang makilala! Kung nais mong ang iyong sintesya ay gumaan,Sa akin ka mangusap,
Magpakilala ka!
HESUS: Hayagaan akong nangangaral sa Sinagoga, wala akong ikinubli na kahit sino,tanungin silang nakikinig,
alam ng lahat ang aking sinasabi.
(sasampalin ni Kawal 1 si Hesus)

KAWAL 1: Ganyan ba dapat sumagot sa Pari?


HESUS: Kung masama ang aking sinabi, patunayan mo, at kung masama, bakit mo ako sinampal?
ANAS: wala itong saysay kausap, dalhin siya kay Kaypas!

IV. SA HARAP NG KAYPAS

KAWAL 2: Magbigay pugay sa pinakamataas na pari!


KAWAL 1: Siya si Hesus na taga-Nazaret mapagpagawa ng gulo!
KAYPAS: Dumulog na ito sa sanggunian. Ikaw ang Hesus Nazareno? Na nagsasabing isang Hari?
KAWAL 1: Kung ikaw ay isang Hari, nasaan ang iyong kaharian?
KAYPAS: Magsalita ka! (hahawakan sa mukha si Hesus) Hindi bat ikaw ay anak ng isang di hamak na karpintero
lamang?! Ipagtanggol mo ang iyong sarili!
HESUS: Lagi akong nagsasalita sa templo ng aking ama. Ipagtanong nyo sa mga taong nakikinig sa akin.

KAWAL 1: Sa ganyang paraan mo ba kinikilala ang pinakamataas na pari? Isa kang arogante!

KAYPAS : Sabihin mo sa amin Hesus na taga Nazareth..ikaw ba ang sinasabing tagapagligtas at anak ng Diyos na
buhay?

HESUS: Ako nga. At makikita mo ang anak ng tao na nakaupo sa kanang bahagi ng kataas-taasang Ama at bababa
mula sa alapaap ng langit.

KAYPAS: Ikaw ba ang Mesias na anak ng Diyos? (hindi sasagot si Hesus)


Inuutos ko sayo, sa ngalan ng Diyos na buhay.
Sabuihin mo sa amin.ikaw ba ang Kristo? Ang anak ng Diyos?

HESUS: Ikaw na ang nagsabi, ako nga.

(Sisirain ni Kaypas ang Kanyang damit)

KAYPAS: Hindi na natin kailangan ng mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Diyos!
Ano ang inyong hatol?

(sisigaw ang taong bayan)

TAONG BAYAN: Kamatayan! Dapat Syang mamatay!

KAYPAS: Bawal sa atin mga hudeo ang humatol ng kamatayan. Kaya’t dalhin sya sa gobernador.

V. ANG HATOL NI PILATO

PILATO: Walang kasalanan ang taong ito. Yan ang pasya ni Herodes, Yan din ang pasya ko. Gayunman,
Dahil kayo ay mapilit, nais kong ipaalala sa inyo, na sa ganitong pista. Maaari kong palayain ang
kahit sinong bilanggo na nais nyo..

ANAS: Kahit na sino huwag lang si Hesus!

TAO 1: OO nga wag lang ang taong yan..

PILATO Kahit na sino? Kahit na si…


Si Barabas. Isang pusakal, kilabot na mamamatay tao, Napatunayang nag-alsa na sumira sa
katiwasayan ng bayan.

KAYPAS: Hamak na mas mabuti si Barabas kaysa kay Hesus!

TAO 2: Si Barabas! Piliin nyo si Barabas!


PILATO: Sinong palalayain ko? Si Hesus o si Barabas?

TAO 3: Si Barabas, piliin nyo si Barabas!

PILATO: Inuulit ko..Sinong palalayain ko, Si Hesus o Barabas…

TAONG BAYAN: Si Barabas…Palayain si Barabas…Patayin si Hesus Patayin!

PILATO: Walang kasalanan ang taong ito. Kaya’t parurusahan ko na lang bago palayain..

KAWAL 1: Handa na ang hagupit!

KAWAL 2: Handa na ang setro at koronang tinik!

(itatali sa isang haliging bato at paghahampasin ng mga kawal)


(Music-Sugat ni Kristo)

KAWAL: Tama na yan!!!!!Ang sabi’y hagupitin, hindi patayin…Hala damitan yan at palayain!!! Ngayon
din……Kilos!!!!

(nagbalabal ng pulang damit at pinutungan ng koronang tinik at inabutan ng tambo)

PILATO Masdan ninyo ang inyong Hari!!

TAONG BAYAN: Wala kaming hari maliban kay Ceasar! Ipako sa Krus!!!

PILATO: Wala siyang kasalanan. Dapat lang palayain.

TAO1: Kapag siya ay pinalaya, hindi ka kaibigan ni Ceasar. Ang sinumang ginawa ang sarili bilang hari
ay hindi kaibigan ni Ceasar.

PILATO Kung gayon! Ako si Pontio pilato, presidente’t hukom dito, na sakop ng imperyong Romano. Ang
hatol ko’t sintensya’y ukol sa kanyang pagkakasala. Sa kanya’y ipapasan krus ng kamatayan. At
kung dumating man sa lupang Golgota, ipako’t iparipa, sa gitna ng dalawang palamara! Kunin
nyo na siya. Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong iyan.

(maghuhugas ng kamay)

TAONG BAYAN: Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!

(Music-pananagutan)
(inalisan si Hesus ng damit pinaltan ng puting damit at ibinigay ang Krus)

VI. VIA CRUSIS

HESUS Ama ko, Salamat sa Krus na ito upang matubos ko sa sala ang tao

KAWAL 1: Tumayo ka na!

HESTAS Ikaw ay nababaliw na! Bakit nakuha mo pang halikan ang krus na iyong kamatayan!

DIMAS: Tumahimik ka Hestas! Pabayaan mo sya, sya ay walang kasalanan!


KAWAL 2: Tumigil kayo! Lakad!

(ang unang pagkadapa ni Hesus)

Kawal 1: Lampa! Ang ikli pa ng nilalakad mo bagsak na! tayo!

(makikita at lalapit sina San Juan, Maria Magdalena At Maria)

MARIA: Juan, mananatili ba ako rito? O dapat lumisan? May lakas ba akong mamasdan ang anak kong
naghihirap?

JUAN: Kapag hindi nyo sya hinintay. Baka lalo nyo po syang tangisan!

KAWAL 2: Sino ang babaeng iyan?

TAO1: Ang ina ni Hesus

KAWAL 2: Ikaw nga ba ang ina ng taong iyan?, tingnan mo ang pakong gagamitin sa Anak mo!
(nakangiting parang nang aasar)

MARIA: Diyos ko! (Mangingilid ang Luha)


Ano ang iyong sala aking anak? At ikaw ay ginaganito. Yaong krus na iyong pasan iyo ng
bitawan at kita’y hahalinan. Aakuin ko ang lahat-lahat upang hindi ko makita ang iyong
pagdurusa…

(titignan ni Hesus si Maria, ngunit magpapatuloy ito sa paglalakad) (babagsak muli si Hesus)

KAWAL 1: Hindi na ito aabot sa kalbaryo! Tumayo ka!

KAWAL 2: Maghanap kayo ng tutulong sa taong yan!

KAWAL 1: Ikaw! Tulungan mo ang taong iyan sa pgbubuhat!

(ituturo si Simon ng Serene)

SIMON: Ako? Bakit ako?

(hihilahin ng isa sa mga kawal si Simon)

KAWAL 2: Sabing tulungan mo!

SIMON Sige po!!!!

KAwal 1: Anong pangalan mo?

SIMON: Simon po! Simon na taga Cirene

KAWAL 2: Buhatin mo ang Krus at tulungan mo sya

SIMON tutulungan ko ang taong ito ngunit hindi ako makasalanang tulad niya.

(music- Sa iyong mga yapak)

(lalapit si Veronica)
BABAE: Huwag Beronika., Wag kang mangahas lumapit kay Hesus! Magagalit ang iyong ama!

VERONICA: Wala akong dapat ikatakot pagka’t ako’y alagad niya!

(lalapit si Veronica kay Hesus)

VERONICA: Panginoon, tulutan nyong aking ipahid sa iyong mukhang kahapis-hapis ang Birang kong sakdal
linis.

HESUS lumapit ka Beronika,

(pupunasan ni Veronica ang mukha ni Hesus)

(titignan ni Veronica ang kanyang birang)


(maglalakad na muli si Hesus)

VERONICA: Aaalis akong masaya ang aking puso iniwanan ako ng Panginoon ko ng isang ala-ala.

(ipapakita ang kanyang birang na may mukha ni Hesus)

HESUS: Herusalem, Herusalem! Pinapatay mo ang propeta! At binabato ang isinugo sa’yo ng
Diyos..Gaano kadalas kong inibig na tipunin ang iyong mga anak…..Tulad ng paglimlim nga
inahin sa kanyang mga sisiw! Datapwat tumanggi ka!

(Music: Kung yung nanaisin)

(babagsak muli si Hesus at pagbababatuhin ng mga tao)

BABAE 1: (umiiyak) Wala bang makapipigil nito?

BABAE 2: Tama na!!! Ihinto nyo nayan!!!Tama na!!!

(pipigilin ang mga taong bumabato)

BABAE 3: Panginoon ano ang iyong sala, bakit sayo ay hindi sila naawa?

HESUS Mga Kababaihan ng Herusalem, wag nyo akong tangisan, ng tangisan ninyo ay ang inyong mga
anak at inyong mga sarili. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, “Mapapalad
ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao,at amga dibdib na hindi nagpasuso,Sa
mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, Gumuho kayo sa amin! At sa mga
burol” “Tabunan ninyo kami” sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano
naman kaya ang gagawin sa tuyo?”
(iiyak at tatangis ang mga kababaihan ng Herusalem)
(muling pagbabatuhin si Hesus ng mga tao)
(habang pipigilan ni Simon ang mga tao)

SIMON Tama na! Itigil niyo na! Layuan nyo sya…Lumayo kayo sa kanya!!! Kapag hindi nyo siya
tinigilan! Hindi ko na bubuhatin ang krus na yan kahit isang hakbang pa!
(Matatawa ang mga kawal)

KAWAL 1: Tayo na dyan ! tulungan mo na siya! Sulong!

(pagkatayo palang ni Hesus ay babagsak na itong muli)


SIMON Haring makapangyarihan, malapit ka na sa iyong pupuntaha. Naririto na tayo sa kalbaryo!

VII. ANG PAGPAPAKO KAY HESUS

(Ipapako si Hesus, habang kinukutya siya ng kawal)

KAWAL 1: kung ikaw nga ay makapangyarihan bakit hindi mo biyakin ang krus na iyan at tunawin ang mga pakong
ito! Ipakita mong ikaw ay makapangyarihan!
(magtatawanan ang mga kawal)
(itatayo ang krus)

HESUS: Ama! Patawarin mo sila!Sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa!

(lalapit si Maria, Juan, Magdalena, Veronica, Mga kababaihan ng Herusalem)

MARIA: Hesus, aking anak.. naririto ako, ang iyong Inang umiibig sa iyo… (iiyak)

MAGDALENA: Naririto rin ako, Hesus… Ang makasalanang sumasamba sa iyo… Nakaluhod ako sa iiyong
paanang minsan ay hinugasan ko ng aking mga luha. Hahagkan ko ang paa mo ng
marahan….upang huwag masaktan ang iyong mga sugat.

JUAN: Panginoon, Narito ako…..ang kaibigang nagmamahal sa iyo, aming guro… Patawad, kung
iniwan ka namin sa gitna ng panganib at kasawian..

VERONICA: Malasin ninyo siya… Mayroon pa bang hihigit ng pagpapakasakit ng tulad ng sa kanya! Ang
Panginoon at Hari, at Kristo ng Israel! …Ipinako sa krus na animo’y isang karaniwang
magnanakaw!

HESTAS: Tumigil kayo! Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin? Bakit dinaragdagan pa ng inyong mga
panaghoy, (titingin kay Hesus) Ikaw! Sabihan mo ang mga yan magsitigil!

DIMAS: Tumigil ka Hestas! Ang taong ito ay matuwid. Wala siyang kasalanang tulad natin.

(titingin kay Hesus si Hestas)

HESTAS: Hindi bat ikaw ang Mesiyas?! Kung ikaw nga ang Mesiyas, iligtas mo ang iyong sarili, pati na rin
kami!

DIMAS Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarurusahang tulad niya! Matuwid lamang na
tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa, ngunit ang taong ito’y walang ginawang
masama. Hesus! Alalahanin mo ako kapag naghahari ka na!

HESUS (titignan si Dimas) sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y, isasama kita sa paraiso……

KORO Isang magnanakaw, pinangakuan ng paraiso! Ano pa kayang higit na patunay. Na naparito ka
upang sagiping kaming makasalanan…

(doom music)

(lalapit sina Magdalena, Maria, Juan, mga kababaihan ng Herusalem at Veronica sa paanan ng Krus)
MARIA: (titingala at sisigaw) Anak ko……tulutan mo rin akong mamatay na kasama mo..

VERONICA: nais magsalta ng ating Panginoon….

HESUS: Babae (titingin kay Maria) masdan mo ang iyong anak….Anak,(titingin kay Juan) masdan mo
ang iyong ina..

MARIA: (sisigaw muli) Anak ko!

JUAN: Panginoon, Ipinapangako kong hindi ko pababayaan ang ating Ina.

MAGDALENA: Ang buong mundo ay naghihirap! Patungo siya sa dilim….at dala niya ang sikat ng
araw…..Siya’y malayo na….napakalayo na upang maabot ng aking tinig….(mananaghoy)

(mababalot ng iyak at panaghoy ang paligid)


(at sisigaw si Hesus)

HESUS: Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan…

TAO1: Tinatawag niya si Elias.

TAO2: Tingnan natin kung siya’y sasagipin ni Elias.

(kukulog)

HESUS: Ako’y nauuhaw.

(may isang mangkok na puno ng alak ang siyang pagtutubugan ng isang kawal ng espongha at idadampi sa bibig ni Hesus)

(at pagkainom ni Hesus siya ay sisigaw)

HESUS: Naganap na!

(kukulog at kikidlat na sound effects)


(sisigaw muli si Hesus)

HESUS: Ama! Sa mga kamay mo’y / ipinagtatagubilin ko/ ang aking espiritu!

KAWAL 1: Patay na ba ang Nazareno?

KAWAL 2: Oo, mukhang nilagutan na siya ng hininga

KAWAL 1: Siguraduhin mo!

(kukuha ng sibat ang kawal at tutusukin ang tagilran ng katawan ni Hesus)

(mababalot ng iyak , kulog at kidlat ang tunog ng paligid)

KAWAL 1: Tunay nga ang taong ito’y Anak ng Diyos…

(MUSIC- KANLUNGAN)

MAGSASARA NG PUTING TELA


CHARACTERS

PILATO: MARIA:

ANAS: JUAN:

KAYPAS: MAGDALENA:

TAO 1: VERONICA:

TAO 2: SIMON:

TAO 3: MGA KABABAIHAN 1.

KAWAL 1: 2.

KAWAL 2: 3.

DIMAS: BABAE:

HESTAS: TAONG BAYAN (5)

HUDAS: 1

PEDRO: 2

KAWAL 3: 3

You might also like