Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Masining na Pagkukuwento :Baitang 3

Ang Pagong at Ang Kalabaw

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa
kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad
mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko. Hindi tulad mong
lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”

Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit
mo ang aking kakayahan. Dapat mong malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang
sinasabi. Tinanggap naman ni pagong ang hamon ni kalabaw.

“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.”

“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng
kalabaw.

“Bukas ng umaga, sa lugar ding ito,” ang daling sagot ng pagong.

Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at
mabilis tumakbo.

Subalit si pagong ay matalino. Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya
ang mga ito sa tuktok bawat bundok hanggang sa ikalimang bundok.

Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya
sa karera.

“O, paano, di pa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng
kaiabaw.

“Okey, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na
iyon ay siyang panalo,” sabi ng pagong.

Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang
bundok ngunit laking gulat niya ay naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang
kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok. Ganon din ang
kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa
pagtakbo ang kalabaw hanggang sa ikatlong bundok. Muli ay may isang pagong na naman doon,
ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.

Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng
malakas ang pagong. Matigas ang likod nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay ang
kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa pagsipa sa mahina
at maliit na pagong.

Aral

 Iwasan ang pagiging mayabang.


 Huwag dayain ang kapwa.

You might also like