Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

D A G D A G K A A L A M AN- (F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

ANG MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na
kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o
paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng
mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa : paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan
May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong bayan. Ang isa sa mga sikat na
mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa
mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite,
Athena, at iba pa.
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

You might also like