Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Financial Literacy: Panahon ng Isama sa Kurikulum ng DepEd

Isinulat ng Pangkat Isa

Ang 2021 estadistika sa kahirapan mula sa Philippine Statistics Authority, batay sa


Republic Act No. 8425, ay naglalantad ng patuloy na kahirapan sa sektor tulad ng mga
mangingisda, magsasaka, mga bata, at mga tao sa rural na lugar. Ang data ay nagbibigay-diin
sa karamihan ng pamilyang may kita na mas mababa sa opisyal na mga limitasyon ng
kahirapan, na naglalabas sa kahinaan ng mga nagtatrabaho sa sarili at mga di-bayarang
miyembro ng pamilya bilang mga indikator ng sektor na hindi opisyal. Ang isang survey ng
OCTA Research noong ikalawang quarter ng 2023 ay nagpapakita na ang 43% ng mga
pamilya, o 11.3 milyong tao, ay kulang sa pagkain, na may epekto ang limitasyon sa kita sa
mga sambahayan sa lahat ng antas ng kita. Kinilala nina Montalbo et al. ang pangkalahatang
kakulangan ng literasi sa pinansiyal sa mga mamimili, na nagpapalala sa mga suliraning
pinansiyal. Upang matugunan ito, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nag-integrate ng
edukasyon sa pinansiyal sa K to 12 Basic Education Curriculum, na naglalayong itanim ang
tamang kasanayan sa paggawa ng desisyon sa pinansiyal at praktikal na kaalaman, na may
pokus sa pagsasama-samang pag-unlad at pagtatayo ng bansa.

Ang financial literacy ay tumutukoy sa abilidad ng isang indibidwal na epektibong


mailapat ang kanyang pinansiyal na kakayahayan pagdating sa mahusay na pagba-badyet,
pamumuhunan, at pamamahala ng sariling pera. Kung ang isang tao ay walang sapat na
kaalaman sa pananalapi, maaaring wala silang sapat na kakayahan makapagsagawa ng
desisyon sa pamumuhunan, pagba badyet, panghihiram ng pera, at lalo na sa usaping
insurance (BusinessMirror, 2022). Ang mga batang nagmula sa kahirapan ay mas madaling
kapitan ng kawalan ng katiyakan at kawalang-tatag sa kanilang pamamahala sa pananalapi
dahil nakukulangan sila sa pagmamahal ng kanilang magulang, kaya mas naiisip nila ito at dito
sila naka-pokus, na nagreresulta sa hindi nila pagbibigay pansin sa pamamahala ng kanilang
pananalapi (Compassion International, 2020). Kaya kailangan ng mga kabataan na magkaroon
ng ideya sa pamamahala ng kanilang salapi dahil marami itong mga benepisyo katulad ng hindi
ka kaagad mauubusan ng salapi, maiiwasan mo mangutang sa iba, at higit sa lahat pwede ka
makapag pundar ng negosyo para hindi magutom ang iyong mga anak (Ealing Directory, 2023).
Ayon sa pag-aaral ni Peng et al. (2007), ang mga kursong may kinalaman sa Financial Literacy
at business o edukasyong pampinansyal ay nakakatulong magbigay ng kaalaman at positibong
epekto sa estudyante, dahil nabibigyang linaw dito kung paano ang tamang pamamahala ng
mga pinansyal pakungkol sa mga usaping pera at pamumuhunan. Kaya naman ang mga
estudyante na business major ay mas marunong at mas may disiplina pagdating sa paghawak
at paggastos ng pera, at pamamahala ng mga problemang pampinansyal, dahil mas
natatalakay ng mga business major nila ang ganitong mga usapin at aralin (Abichuela 2020).
Dito sa Pilipinas, may mga kabataan naman na may alam na patungkol sa mga pinansyal dahil
ang Department of Education (DepEd) ay mas nagpalawig ng curriculum o hakbang ng pag-
aaral na tinatawag na K-12, mayroong strand dito kung saan mas pinag-aaral ang business at
pinansyal at ito ay ang Accountancy, Business and Management (ABM), ngunit hindi ito sapat
na maging daan upang malaman ng mga estudyante at kabataan ang tamang pamamahala ng
mga pinansyal. Kaya naman ang DepEd ay dapat magpalawak pa ng asignaturang pag-aaral
na tumatalakay sa usaping pampinansyal na kung saan ito ay naangkop sa iba’t ibang strand at
lebel ng edukasyon, sapagkat ang Financial Literacy ay isang kasanayan na dapat ay inuturo sa
lahat ng lebel ng edukasyon at hindi dapat limitado dahil ito ay makakatulong sa paghubog ng
ating pagkatao at kaalaman pakungkol sa pera at pinansyal na makakatulong sa plano sa
hinaharap.

Ang kahalagahan ng maayos at sistematikong pagbabadyet ng bawat isang pamilyang


pilipino ay may kaakibat na mahalagang papel sa pag unlad ng ekonomiya sa ating bansa.
Ngunit dahil sa pagtaas ng populasyon sa Pilipinas, dumagdag ito sa mga balakid upang
makamit ang masaganang ekonomiya. Ang isa sa mga dahilan ng krisis na ito ay ang teenage
pregnancy, o ang maagang pagbububtis ng mga kabataan na kung saan ang kakulangan sa
edukasyon at ang tamang pag gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak patungkol sa
tamang pagpaplano ng pamilya ang syang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng mga
kabataang nabubuntis sa murang edad. Ayon sa pag aaral na isinagawa ng Association of
Southeast Asian Nations o ASEAN, nitong nagdaang dekada, ay pumapangalawa ang Pilipinas
sa mga bansang may mataas na kaso ng teenage pregnancy na may limampu’t-anim na
porsiyentong bilang kumpara sa nangungunang bansang Laos na may animnapu’t-apat na
porsiyento, at ayon naman sa pag aaral na isinagawa ng Philippine Statistics Authority o PSA
tinatayang nasa tatlumpu’t-limang bilyon ang nalalagas sa pera ng Pilipinas kada taon dahil sa
teenage preganancy (Dela Peña, 2023). Kung kaya’t maraming kabataan ang nababaon na
agad sa utang, nangungutang dahil sa padalos-dalos na paggastos at kakulangan sa
kasanayan sa pamamahala ng pera. Bukod sa edukasyong pang sekswal inimumungkahi rin
ang pagtuturo sa kanila ng tamang budgeting, pag-iipon, at pamumuhunan at ang pagkakaroon
ng matibay na pundasyon sa kaalaman sa pinansyal ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito sa
iyo ng kaalaman na kailangan mo upang maayos na pamahalaan ang iyong pera (Metrobank,
2023). Dahil sa problemang ito, ipinatupad ng DEPED ang DepEd Order No. 022, Series of
2021 na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral at mga tauhan ng pagtuturo at hindi
nagtuturo na gumawa ng mga tamang desisyon sa pananalapi sa pamamagitan ng paggawa ng
Financial Education bilang isang mahalagang bahagi ng mga aralin at aktibidad sa paaralan
para sa mga mag-aaral (DEPED, 2021). Ang mga indibidwal na marunong sa pananalapi ay
alam kung paano gamitin ang potensyal na benepisyo ng kanilang mga mapagkukunang
pinansyal. Ang mga taong marunong sa pananalapi ay maaari ding magplano para sa kanilang
kinabukasan (hal., pag-iipon para sa pagreretiro at pamumuhunan sa segurong
pangkalusugan). Kaya ang kaalamang pang pinansyal ay nag-aambag sa pagpapabuti ng
pangkalahatang kapakanan ng mga indibidwal at kani-kanilang mga mga pamilya (Magante et
al., 2023).

Ang madalas na pag-utang ay repleksyon nang pagkakaroon ng mababang kaalaman


sa buhay pang-pinansyal, marahil ito’y maaaring sanhi ng kakulangan sa pag-plano para sa
kanilang estadong pang-pinansyal sa kanilang kinabukasan, at pag-bahagi ng kanilang gastusin
(Suitor & Yetter, 2018). Ayon sa Tonik Bank (2023), mahigit 47.1% ng populasyon ng mga
Pilipino na nasa hustong edad ang sangkot sa siklo nang pag-utang. Pumapatak naman sa
halagang P427 bilyong piso sa pagtungtong sa buwan ng Abril 2023 ang nauutang ng mga
mamamayang Pilipino kinokonsiderang isang “bad loan,” o ang pag-utang ng walang pormal na
araw nang pagbayad, kung kaya’t humahaba’t dumarami ang nangiging bayarin sa utang ng
isang sambahayan (Tonik Bank, 2023). Bilang kadagdagan, isinasaad sa resulta ng surbey na
isinagawa sa kolaborasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasama ang World Bank,
mayroong 23 milyong Pilipino ang pinoproblema ang kanilang pang-araw-araw na
paghuhugutan ng pera para sa kanilang pangangailangan (Mylenko, 2015). Maraming Pilipino
ang inuunang isipin paano gagastusin ang kanilang pera sa halip na maglaan muna ng
porsyento sa pag-iipon, walang natitira rito kung kaya’t sa utang ang bagsak ng maraming
Pilipino (National Economic and Development Authority, 2023). Ayon sa pananaliksik nila Suitor
at Yetter (2015), tumaas sa 5 hanggang 7 porsyento ang kaalamang pang-pinansyal ng
kanilang simuno o respondante kumpara sa normal na tao matapos kumuha ng klaseng
patungkol dito. Sa pag-aaral naman nila Kaiser et al. (2022), napatunayan dito na malaking
tulong ang pag-sasaad ng asignaturang pang-pinansyal sa kurikulum dahil sa positibong dulot
na epekto nito sa kaalaman, at kaugalian tungo sa kanilang pinansyal. Ang pag-aaral at
pagpapalawak ng kaalamang pang-pinansyal ay hindi matitiyak na malulutas nito ang
problemang kahirapan sa ating mundo, sa halip ay magsisilbing gabay ito sa maraming
indibidwal sa usapang wastong distrubusyon ng kanilang pera para sa kanilang benepisyo sa
kinabukasan (Huston, 2010). Ang taong may epektibong kaugaliang buhay pang-pinansyal ay
marunong mag-plano, mag-ipon, mamuhunan at mag-negosyo (Lusardi at Mitchell, 2014).
Bilang kadagdagan, ang indibidwal na may alam sa tamang kagawiang pang buhay-pinansyal
ay responsible sa transaksyong pag-utang (National Economic and Development Authority,
2023) At ang tanging paraan lamang upang makamit ang mga nabanggit na katangian ay ang
pagkakaroon ng pormal na edukasyon patungkol sa buhay pang-pinansyal sa edukasyong
kurikulum, lalo na para sa bansang umuunlad palang kagaya ng Pilipinas.

Ang kahirapan ay laganap sa ibat-ibang panig ng mundo, maraming dahilan kung bakit
ang tao ay nag hihirap sa kasalukuyan. Isa sa dahilan nito ang hindi wastong pag gamit ng
kanilang pera, kaya marapat na isama ng departamento ng edukasyon o DepEd sa curriculum
ang asignaturang makakatulong na mapalawig ang kaalaman sa buhay-pinansyal na kung saan
ang pag aaralan ang wastong pag gamit ng pera. Ang mga maaring dahilan ng hindi wastong
pag gamit ng pera ay maagang pag bubuntis, pangungutang at marami pang iba. Dahil sa
kakulangan ng kaalaman sa pag titipid, ang mga perang pinaghirapan ay nasasayang o hindi
nagagamit ng tama. Ang mga taong may kaalaman sa wastong pag gamit ng pera ay maaring
maiplano ang kanilang kinabukasan at mapapabuti ang pang kalahatang kapakanan ng
indibidwal at maging kanilang pamilya.

Sanggunian:

Mylenko, N. (2023, October 2). How good are Filipinos with their finances? World Bank Blogs.
https://blogs.worldbank.org/eastasiapacific/how-good-are-filipinos-with-their-finances
National Economic and Development Authority (2023). Financial literacy for Filipinos: understanding for
better living. https://nro13.neda.gov.ph/financial-literacy-for-filipinos-understanding-for-better-
living/
Kaiser, T., Lusardi, A., Menkhoff, L., & Urban, C. (2022). Financial education affects financial knowledge
and downstream behaviors. Journal of Financial Economics, 145(2), 255–272.
https://doi.org/10.1016/j.jfineco.2021.09.022
Huston, S. J. (2010). Measuring financial literacy. Journal of Consumer Affairs, 44(2), 296–316.
https://doi.org/10.1111/j.1745-6606.2010.01170.x
DepEd expands financial education in K to 12 to improve literacy of Filipinos | Department of Education.
(2021, July 8). https://www.deped.gov.ph/2021/07/08/deped-expands-financial-education-in-k-
to-12-to-improve-literacy-of-filipinos/
Why financial literacy should be taught in schools | Metrobank. (2023).
https://www.metrobank.com.ph/articles/learn/what-is-financial-literacy
Peña, K. D. (2023, March 1). Teenage pregnancies: P35B annual PH loss, other costs | Inquirer News.
INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1736395/teenage-pregnancies-p35b-annual-ph-
loss-other-costs
No teacher left behind: Toward improved Financial education. (n.d.).
https://serp-p.pids.gov.ph/publication/public/view?slug=no-teacher-left-behind-toward-improved-
financial-education
BusinessMirror. (2022, September 11). Empowering Filipinos through financial literacy | BusinessMirror.
https://businessmirror.com.ph/2022/09/12/financial-literacy-philippines/
Compassion International. (2020, March 3). Effects of poverty on children.
https://www.compassion.com/poverty/effects-of-poverty-on-children.htm#:~:text=They%20are
%20less%20likely%20to,exceedingly%20vulnerable%2C%20and%20constantly%20threatened
Money & Benefits | Ealing Directory. (n.d.).
https://www.ealingfamiliesdirectory.org.uk/kb5/ealing/directory/advice.page?
id=7Nw9rot5Pm4&localofferchannelnew=0
Melinda Verano Abichuela, Financial Literacy Among CSU Students, International Journal of
Management, 11(12), 2020, pp 2039-2044. http://iaeme.com/Home/issue/IJM?
Volume=11&Issue=12
Cravener, T. P. &. S. B. &. J. F. &. G. (2007). The impact of personal finance education delivered in high
school and college courses. Ideas.repec.org.
https://ideas.repec.org/a/kap/jfamec/v28y2007i2p265-284.html

You might also like