Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

-Una, gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Hindi nagbabago ang Likas na
Batas Moral. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa
pangangailangan ng sitwasyon. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi
natatapos. "Gawin ang masama at iwasan ang mabuti." Mula sa pagsilang ng tao,
nakatatak na ito sa kaniyang isip, kaya kayang kilalanin ng tao ang mabuti at
masama.
Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Mahalaga ring maunawaan ang mga pangaiawang prinsipyo na makukuha sa
kalikasan ng tao:
1 Kasama ng lahat ng may buhay, Sino mang tao ay ginagawa ang lahat upang
pangalagaan ang kaniyang buhay. Mulat ang lahat ng tao sa prinsipyong ito.
Natural itong dadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos.
2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao
(nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak. Likas sa tao ang naisin na magkaroon ng anak. Tungkulin ng magulang
na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak. Inaasahang ang kabutihang nakatanim
sa bawat magulang batay sa Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin
upang hubugin ang kaniyang anak.
3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan. Sa pamamagitan ng prinsipyong ito, nararapat
na maunawaan na kung tunay na hindi humihinto ang tao sa paghahanap ng
katotohanan, hindi rin nararapat na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya
nga maituturing na masama ang magsinungaling. Sa pamamagitan lamang ng
pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang katotohanan.

You might also like