Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

BREAKOUT 3

DUGURAN | MACAZO | DE JESUS | ESPINA | CORTEL

“Kung makakausap ko si Boni”


ISANG PICTORIAL ESSAY

Q1 W3 AKADEMIKONG PAGSULAT: WRITTEN WORK 3 11/30/23


Ang araw ngayon ay upang alalahanin si Boni.
Ang buhay niya ay nagbibigay ng mensahe ng
tatag, pagmamahal sa bayan, at sakripisyo.
Bilang isang lider ng rebolusyon, ipinakita niya
ang kahalagahan ng pagkakaisa at
determinasyon upang makamit ang kalayaan
mula sa kolonyal na pamumuno.
Kaya sa araw na ito, bigyan nating oras na
kilalalin muli kung sino si Andres bonifacio sa
ating bansa.
Marahil, maalala natin siya sa bawat dugong
dadanak sa iba’t ibang sulok ng bansa. O ‘di
kaya’y sa mga pagmumukha ng maralitang hindi
makakain ng tanghalian. O sa buntong hininga ng
mga manggagawang nakakasabay ko sa jeep.

Lahat ng ito ay paghihirap na hindi kailanman


natin dapat iniinda.

Makita sana ng lahat ang sistemang bumubulok


sa atin.

Boni, ang hirap mahalin ng Pilipinas kung araw-


araw ganito ang pamumuhay.
Mula sa pagdaramdam ng hinanakit ng mga Pilipino, ang bawat yapak natin ay mabigat.
Dinadala natin ang kalayaang ibinigay ni Bonifacio.
Dapat nating dalhin ang pag-ibig niya para sa ating bayan. Kung kaya lang ng lahat na
kilalanin ang kalaban (hindi ang masang nag-aalsa), rebolusyon ang paraan, sa hanay ng
pagmamahal para sa ating lupa.
Kaya hindi natin maitatanggi ang mga
boses na umaangat sa kabila ng
paninikil at pagpapatahimik.
Ito ay nagsusumidhing pag-ibig para
sa bayang inaasam na maging mas
mabuti.
Binigyan tayo ni Bonifacio ng kalayaan, ng lakas para lumaban.
Sa lahat ng kaniyang sakripisyo, at pagsubok, sana ay palagian nating
alalahanin ang pag-ibig na umuusbong para sa ating bayan.
Palagi’t lagi para sa masa, at sa bayan.
“Kung makakausap ko si Boni”
ISANG PICTORIAL ESSAY

BREAKOUT 3
DUGURAN, JILIANNE GABRIELLE
MACAZO, PRECIOUS JOY
ESPINA, CURT HAROLD
DE JESUS, RICHELLE ANNE
CORTEL, ALEXA

Q1 W3 AKADEMIKONG PAGSULAT: WRITTEN WORK 3 11/30/23

You might also like