Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

Filipino 6

1. Naibibigay ang natuklasang kaalaman sa teksto


2. Nakapagbubuod ng mga pangyayari

Science 6
1. Use information from secondary sources to describe that living things
interact with each other in the natural environment, such as through
competition, or predation
2. Explain how interaction between living things and interaction between
living and non-living things may bring good or harm to the living things
involved
S
“ a wakas, tapos na rin ang pagsasanay. Ito na
ang araw na pinakahihintay!” halos sabay na wika ni-
na Iyok at Oyok Tabugok*. Abot-tainga ang kanilang
mga ngiti. Papayagan na silang mamasyal sa malayo
dahil napagtagumpayan nila ang mga pagsasanay
kung papaano ililigtas ang sarili sa oras ng panganib.

*tabugok – tawag ng mga taga Nipa, Palanas, Masbate sa maliit na


pugita
Langoy rito,
Langoy roon.
Tinungo nina Iyok at Oyok ang tirahan ni Dok
Tabugok, ang nagbigay sa kanila ng pagsasanay.

Katok dito,
Katok doon.
Binuksan ni Dok Tabugok ang pintong gawa sa
isang napakaganda’t napakalaking kabibe na ang
kulay ay parang dugong natuyo.
“Ngayon na ang araw na kayo ay papayagan
kong mamasyal sa may aplaya ng Nipa,” wika ni Dok
Tabugok.

“Pero tandaan ang mga paraan kung ano ang


dapat gawin sa oras ng panganib. Kayo ay may
taglay na kakayahan para ano mang sakuna ay
inyong maiwasan,” dagdag ni Dok Tabugok.
Tinanong niya kung ano-ano ang mga kakayahang
ito.
“Ako ay may siyam na utak na puwedeng
gamitin. Sa oras ng panganib mag-isip nang tama at
huwag maging matakutin. Laging alalahanin, ang
mga galamay ay puwedeng putulin. Autotomy ang
tawag dito, upang sa panganib ay huwag
mapasubo,” sagot ni Iyok.

“Ako rin ay may tatlong puso. Suplay ng


hemocyanin* ay dapat ding siguruhin. Mayroon din
akong tintang itim, ibuga lamang upang paligid ay
dumilim,” wika naman ni Oyok.

*hemocyanin – isang protinang mayaman sa copper na nagiging


dahilan para maging kulay asul ang dugo ng mga tabugok
“Kaya niyo ring magbalatkayo upang hindi
makita ng mga tao,” dagdag ni Dok Tabugok.
Unang pinuntahan nina Iyok at Oyok ang aplaya
ng Nipa na may maraming sunggaki, tayum, at
siyok-siyok.

Gapang dito, gapang doon.


Langoy rito, langoy roon.
Tawa rito, tawa roon.

Maya-maya lamang, biglang nagkagulo sa


kanilang paligid. Maraming mga paa ang
nagtatampisaw sa tubig. May mga nakabota. May
mga maliliit na paa. May nakasapatos na gawa sa
goma. Mayroon namang walang sapin ang paa.
Napakaraming paa ang kanilang nakikita.
“Magbalatkayo tayo, Oyok!” sigaw ni Iyok na
takot na takot.

Ginaya nila ang kulay ng mga bato sa paligid, at


nagtago sa isang gilid.

Habang papalayo nang papalayo ang mga


paang kanilang nakikita, mabilis silang lumangoy
palayo sa aplaya ng Nipa.
Narating nila ang medyo malalim na bahagi ng
dagat. Pero sila ay nagulat dahil ang kanilang
napasok ay isang lambat ng mga mangingisda.
Nakita nina Iyok at Oyok ang unti-unting pagdala sa
kanila ng lambat sa may mababaw na bahagi ng
dagat.
“Ano ang gagawin natin, Oyok?” tanong ni Iyok.

“Maghanap tayo ng butas at doon tayo


dadaan. Madulas naman ang ating balat, kaya
nating tumakas,” sagot ni Oyok na nilalakasan ang
loob. At sa nakitang butas, ang dalawa ay
nakatakas.
Pero sa kanilang paglabas sa lambat ng mga
mangingisda, mga namamana naman ang kanilang
nakaharap.
Lingon dito,
lingon doon.
Mga namamana ay naghahanap
ng kanilang mapapana.
Kaya’t langoy rito,
langoy roon.
Hindi alam nina Iyok at Oyok kung
saan paroroon.
“May tinta tayong itim, ngayon na ang oras para
ito ay gamitin,” sabi ni Iyok kahit ang dibdib ay puno
nang takot.

Sabay na ibinuga nina Iyok at Oyok ang kanilang


tintang itim. Ang paligid ay biglang dumilim,
sinamantala ang pagkakataon at ito ay ginawa
nilang tabing. Gapang dito, gapang doon. Mabilis na
iginapang ang kanilang mga galamay.
“Whoosshhh!” tunog ng mga sibat na pinakawalan
ng mga namamana. Kitang-kita nina Iyok at Oyok
ang napakaraming sibat! Paroo’t parito ang mga ito,
kaya binilisan nila ang paglangoy para makatakas.

“Bilis, Oyok! Buga uli tayo ng tintang itim!” sigaw ni


Iyok na nanginginig na sa takot. Buga rito, buga roon.
Pilit na pinapadilim ang kanilang paligid.
“Aaa!!! Ang sakitttt! Tinamaan ang isa kong
galamay, Iyok!” sigaw ni Oyok na namimilipit sa sakit.
Tinamaan pala siya ng sibat ng mga namamana.
Kumapit nang mahigpit sa bato ang kaniyang mga
panghakab upang huwag mahila ng mga
namamana.

Maya-maya, naramdaman ni Oyok ang


unti-unting pag-angat ng kaniyang galamay na may
tama ng sibat. Kaya buong tapang niyang ginamit
ang nalalabing depensa upang makatakas, ang
putulin ang galamay niyang may tama ng sibat.
Nakatakas ang dalawang magkapatid sa mga
namamana. Mabilis silang lumangoy at tumuloy sa
tirahan ni Dok Tabugok.
Ikinuwento ng magkapatid kay Dok Tabugok ang
lahat ng nangyari.

“Tutubo pa ba ang galamay ni Oyok?” tanong ni


Iyok.

“Siyempre naman, tutubo pa iyan. Pagkalipas


nang ilang buwan, babalik na ang galamay ni Oyok.
Iyan ang ating pambihirang abilidad,” sagot ni Dok
Tabugok.
“Talagang pambihira ang ating kakayahan!”
manghang wika ni Iyok.

Kahit pala may kakayahan tayo, kailangan pa rin


nating mag-ingat,” wika naman ni Oyok habang
tinitingnan ang bahagi ng kaniyang galamay na na-
putol.
Pagkalipas nang ilang linggo, ang galamay ni
Oyok ay unti-unti nang tumutubo. Masaya pa rin
silang magkapatid na naglalaro, pero hindi na sila
lumalayo. Wala na rin silang balak na bumalik sa
aplaya ng Nipa. Doon na lamang sila sa tirahan ni
Dok Tabugok at nagpaturo ng iba pang kayang
gawin ng mga tabugok sa oras ng panganib.
Nang matapos ang pagsasanay nina Iyok at
Oyok kung papaano iligtas ang sarili sa oras ng
panganib at sakuna, pinayagan sila ni Dok
Tabugok na mamasyal. Pero sa pamamasyal,
nakaharap nila ang mga panganib. Magagamit
kaya nila ang kanilang mga natutunan? Ano
kaya ang mangyayari sa magkapatid?

You might also like