Reaction Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ayon sa mga bidyo na aking napanood, ang Female Genital Mutilation (FGM), Breast Ironing, at

Feet Binding ay mga aktibidad na dapat na pag-usapan nang may seryosong pag-unawa at
paggalang sa kanilang malalim na nakasanayan na kultura at tradisyon.

Ang FGM, ay nangangahulugang bahagi o kabuuan ng pag-alis ng panlabas na bahagi ng ari ng


babae kahit hindi ito kinakailangan. Madalas itong pinapayagan batay sa mga paniniwala sa
kultura o relihiyon, ngunit kahit pinapayagan ito, hindi natin maipagkakaila na nagdudulot ito ng
matinding epekto sa mga apektadong indibidwal. Ako’y nalulungkot dahil ito ay hindi lamang
sumisira sa karapatan ng mga babae na maging malinis at malusog ang pangangatawan, kundi
nagpapatuloy din ng diskriminasyon sa kasarian at mga di-pantay na sitwasyon.

Ang Breast Ironing, isa pang nakasasamang tradisyon, ay nangangahulugang pagmamasa ng


dibdib ng isang babae upang pigilin at itigil ang kanilang paglaki. Ito ay madalas na ginagawa
upang sila’y maprotektahan mula sa mga hindi kanais-nais na tingin o maagang panganganak.
Gayunpaman, ako ay naiinis dahil maaari itong magdulot ng pisikal na pinsala, impeksyon, at
pangmatagalang trauma sa indibidwal, ngunit ito ay pinagpapatuloy pa rin hanggang sa
kasalukuyan.

Ang Feet Binding, na noon ay ginagawa sa Tsina, ay nangangahulugang ang masikip na pagbalot
ng mga paa ng mga batang babae upang pigilan ang likas nilang paglaki, na nagreresulta sa
maling hugis na paa na nananatili hamambuhay. Bagaman ito ay bumaba na sa nakalipas na mga
dekada, ito pa rin ay isang konkretong halimbawa ng mga malulupit na paraan na ginagawa dati
upang makasabay sa mga katawa-tawang mga pamantayan ng kagandahan at ideyal na
kababaihan.

Sa kasalukuyang panahon at pamantayan, ang mga aktibidad na ito ay masasabing walang saysay
at hindi makatao. Sa huli, kung gusto nating matanggal ang FGM, Breast Ironing, Feet Binding,
at mga katulad na sanayin ng tuluyan. Tayo ay nangangailangan na sama-samang kumilos
kasama buong lipunan upang iligtas at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat indibidwal,
anuman ang kanilang kasarian o kultural na pinagmulan.

You might also like