Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

MGA PAHAYAG NG PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.


Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay
maging katanggap -tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga
pahayag na ito ay dinudugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa
katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensiya- ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring


nakasulat, larawan, o video.

2. Kapani -paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, kalakip
na ebidensiya ay kapani -paniwala at maaaring makapagpatunay.

3. Taglay ang matibay na konklusyon - isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya,


pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

4. Nagpapahiwatig - hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya


subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

5. Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.

6. Nagpapatunay/katunayan -salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala


sa ipinahahayag.

7. Pinatutunayan ng mga detalye - makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang
pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para sa makita ang katotohanan sa
pahayag.

You might also like