Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

DEOGRACIAS A.

ROSARIO
Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog

Intro:

Ako si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17,1894.


Nagsimulang magsulat sa "Ang Demokrasya" noong 1915. Sa taong 1917 naman akong
magsimula sumulat sa Taliba.

Ako'y naging pangulo ng Samahang ilaw at panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at


Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. At kinilalang Ama ng
Maikling kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, ako ang nagbigay ng tiyak na anyo sa
maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa aking mga akda ang
palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ko
(Deogracias A. Rosario) ay ganito ang kanyang sinabi:
"Kadalasang ginagamit ko (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga
alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan
kong gumamit ng mga tauhang galing sa masa: at paulit-ulit na lumilitaw sa aking mga akda
ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay
nagiging makawika at makabayan.

Ako'y binawian ng buhay sa edad na 42 noong Nobyembre 26, 1936.

Works:

Ako si Deogracias Rosario, isang manunulat sa gulang na 13, una akong nag sulat para sa
“Ang Mithi”, isa sa tatlong unang pahayagan sa bansa na nakatulong ng husto sa pag-unlad
ng maikling kwentong Tagalog.

Ang mga kwento ko ay kabilang sa mga antolohiya, ang pinakamahusay na akda.


Nakapagsulat ako ng mahigit walong pong maikling kwento, dalawang nobela, at dalawang
deserye ng nobela. Marami din akong personal na salaysay, artikulo, at tula na inilathala.

Mas kilala ako sa larangan ng maikling kwento at angking galing sa pagsusulat. Kung kaya’t
tinagurian akong ama ng makabagong maikling kwentong tagalog.

Isa sa aking mga naisulat ay ang maikling kwento na may akdang “Aloha”. Ang Aloha ay
kwento tungkol sa isang amerikanong nagngangalang Dan Merton na nagkagusto sa isang
Kanaka na si Noemi. Sa pagdating nila sa Amerika, hahadlang ang ama ni Dan Merton
ngunit mas mananaig ang pagmamahalan ni Noemi at Dan sa isa’t isa. Ipinakita ko sa
kwento ang diskriminasyon sa isang tao dahil sa kanyang kulay ng balat at lahi. Ipinakita ko
din sa kwento na may ibang bagay na hindi matutumbasan ng salapi.
Isa rin dito ang kwentong may akdang, “Walang Panginoon”. Nais kung ipahiwatig ang
pagkawala sa mahigpit na gapos, pagkalaya sa pagiging sunud-sunuran mula sa mga
malulupit, maabuso at mahigpit na kamay. Sa panahong walang panginoon, walang pang
aalipusta, lahat ay pantay-pantay, walang dukha o nakaangat, walang maputi o maitim.
Noong araw na namatay si Don Teong; isa sa mga karakter ng aking kwento, ay ang araw
na sila ay walang panginoon. Sila ay nakawala sa mapangahas, mapang-abusong kamay ni
Don Teong. Simula noong araw na iyon nakamit nila ang inaasam na kalayaan.

You might also like