Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Ipinakita ni:

Cassandra Pitel,
Neil Cambay,
Francis Buenavista
TALA AN NG MGA
N ILA LA MAN
01

02

03
01 Wikang Pambansa
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pag pa-paabot
ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang
kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa
paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng
mga tao.
01 Wikang Pambansa
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang
nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng
language - tawag sa wikang Ingles - nag mula ang salitang
lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang ‘‘dila“, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha
ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika“
sa malawak nitong kahulugan pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
02 Wikang Panturo
Ang Wikang Panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal
na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. Nagsimulang ipagamit
ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong
Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng
Wikang Pambansa.
02 Wikang Panturo
Sa isang sirkular noong Mayo 3, 1940, iniatas ni Direktor
Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo
ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na
Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting
binuksan ang asignatura sa elementarya at sekundarya na
nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikkang
Pambansa bilang wikang panturo.
03 Wikang Opisyal
Ang sa Wikang Opsiyonal sa Pilipinas ay nagpapahiwatig ng
paggamit ng iba't ibang wika batay sa kagustuhan ng mga kalahok.
Sa aspeto ng edukasyon, maaaring suriin kung paano nakakatulong
ang ganitong uri ng komunikasyon sa mas malalim na pang-unawa
ng mga aralin at paksa. Sa larangan ng negosyo, maaaring i-examine
ang epekto nito sa mga transaksyon at ugnayan sa loob at labas ng
bansa. Sa kultura, maaaring tuklasin kung paano ito nakakatulong o
nakakasagabal sa pagpapalaganap ng iba't ibang wika at tradisyon
sa bansa.
03 Wikang Opisyal
Ito ay maaaring isagawa sa iba't ibang larangan tulad ng edukasyon,
negosyo, at kultura, kung saan ang mga tao ay may kalayaang
pumili ng wikang gagamitin depende sa sitwasyon o
pangangailangan. Ang layunin nito ay mapalakas ang mas
mabuting pang-unawa at ugnayan sa pagitan ng mga taong may
magkaibang wika. Ito ay naglalayong mapadali at mapabilis ang
komunikasyon sa pagitan ng mga taong may iba't ibang wika, na
maaaring makatulong sa mas mabuting pang-unawa at ugnayan sa
kanilang mga interaksyon.

You might also like