Tula 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Umali, Jastine Claire N

BSAIS-2D

Kababaihan!

Mahalaga ang mga kababaihan


Sila'y madaming ambag sa lipunan
Kababaihan ang yaman ng bayan
Kahalagaha'y di matutumbasan

Sila ang nagsisilbing ilaw ng tahanan


Katuwang ng haligi ng tahanan
Kahanga-hanga at marapat na tularan
Respeto sa kababaihan aking kahilingan

Babae kami, hindi babae lang


Kababaihan hindi dapat nila-lang
Kababaihan na nagsilbing sandigan
At nagsilbing lakas ng kalalakihan

Mga kababaihan ay dapat respetuhin


Kabaitan nila'y wag abusuhin
Dahil kung tutuusin
Dapat sila'y pahalagahan natin
Magat, Shaira May C.
BSAIS - 2D
KABABAIHAN : NATATANGI AT DI PANGKARANIWAN

Sa Lipunan na ating ginagalawan


Mahina ang tingin sa mga kababaihan
Hindi pantay kung kanilang tignan
Inaabuso, tinutukso ng iilan.

Babae ka lang, sinasabi ng marami,


Dapat sa bahay lang dahil walang silbi
Ginawang anino at sunud sunuran,
Minamaliit kanilang sariling kakayahan.

Kung anong kaya ng kalalakihan,


Ay sya rin kaya ng kababaihan
Sila din ay may kalakasan,
Kaya sa lipunan ating pahalagahan.

Tumindig, ipaglaban dahil isa kayong yaman.


Igalang, irespeto at sila’y protektahan
Gandang tinatangi ipagsigawan,
Dahil isa kang mahalagang sangkap ng lipunan.

You might also like