Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

REVIEWER IN PAGPAG

PAGSULAT

Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang
iba't ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

Ayon kay Rivers

Ang pagsulat ay isang gawain ng paglikha sa pagtatamo ng isang kasanayan o skill-getting


hanggang sa aktuwal na magagamit o skill-using.

Dimensiyon ng Pagsulat

● Artistic and Aesthetic appeal- Ang pagpapaganda ng sulatin upang mapalabas ang
hiwaga na paggamit ng wika.

● Expressive purpose- - Ang paggamit ng wika sa pagbibigay ulat.

● Functional purpose - Ang pinakagamiting dimensyon hinggil sa hikayat ng pagsulat


kabilang sa dimensyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ng liham sa
patnugot ng isang pahayagan.

Pamamaraan ng Pagsulat

● Pag-asinta- Isip ka ng konsepto


● Pagtipon - Data gathering
● Paghuhugis- pagaayos
● Pagtatama- pagtama ng gramatika
● Pagrerebisa - pag ulit

Mga Bahagi ng Pagsulat

● Panimula - introduction ng storya


● Katawan- laman ng storya
● Konklusyon- wakas at mag hinuha o opinion ng magsusulat.
● Rekomendasyon- iminimungkahi ng isang ideya na may layunin na matulungan ang
isang tao o isang sitwasyon.

PAGBASA

Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay isa sa makrong kasanayan ng isang indibidwal na kakikitaan kasanayang


makilala ang mga limbag na mga simbolo maaring letra at di letra na tumutulong upang matamo
ang kahusayang pangliterasi.

Ayon kay Arrogante

Ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa


tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.

Ayon kay Thorndike

Ang pagbasa ay hindi pagbibigay sagot lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran
at pag-iisip.

Apat na hakbang ng pagbasa:

● Ayon kay William S. Gray, "Ama ng Pagbasa".


● Ang pagbasa ay pagkilala sa akda ay may akda.
● Ang pag-unawa sa binasa
● Ang reaksyon sa binasa ay mahalaga
● Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating
kaalaman.

URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN

● SKIMMING - Pinakamabilis na pagbasa.

● SCANNING- Isang tiyak na impormasyon.

● ANALYTICAL- Malalim na pag-iisip.


● CRITICAL - Ay tumutukoy sa proseso ng pagkilala ng mga nakasulat na simbolo at ang
pagbibigay nito ng makabuluhang kahulugan.

● ORAL- Pagbigkas sa mga salita.

● SILENT- Mata lang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito.

● MASINSINAN- Binigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon.

● MAPANURI - Sinusuri ang mga lingwistikang ginagamit ng makata sa sariling akda.

Teorya sa Pagbasa

Teoryang Bottom Up

Ayon sa teoryang ito ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon
(response), Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-
yugtong pagkilała ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto (Badayos,2000).

Proseso: Nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa (up)

Teoryang Top-Down

Bilang reaksyon sa nanunang teorya, isinilang ang teoryang 'top-down Napatunayan kasi ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (top)
tungo sa teksto (down).

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay


isang prosesong holistik. Ayon sa mga proponent nito ang mambabasa ay isang napaka-aktib na
participant sa proseso ng pagbasa,na sya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowedge) na
nakaimbak sa kanyang isipan at may sanling kakayahan sa wika (language proficiency) at
kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor pamamagitan ng teksto
(Badayos, 2000).

Proseso: Nagsisimula Sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down)

Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa
nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling
konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Ito ay may dalawang direksyon o bidirectional.

Proseso: Kumbinasyon ng teoryang Bottom-Up at Top-Down.

Teoryang Iskema

Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay nagdaragdag sa dati


nang iskima, ayon sa teoryang ito.

Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang. Ang pagbasa at pagsulat ay may resiprokal na
ugnayan sa isa't-isa mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskema sa paksa.

Maaaring binabasa niya na lamang ang teksto upang patunayan kung ang
hinuha o hula niya sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito,
masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon.
Hindi teksto ang inikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo
sa isipan ng mambabasa.

Proseso: Pag-uugnay ng dati nang iskima sa kanyang binabasa.

Ang pagbasa at pagsulat ay may resiprokal na ugnayan sa isa't-isa

PAGBUO > Kahulugan Pag - aanalisa Interpretasyon komunikasyon > IDEYA > PROSESO
ekpresyon klaripikasyon

Pamantayang Isinasaalang-alang sa Malalim na Ugnayan ng Pagbasa at Pagsulat

Nabibigyang-diin - PAKSA
Malinaw at nauunawaan

Diin > Kalinawan > Kaugnayan > Kasapatan > Kaisahan (Ugnayang LOHIKAL)

Kalap na DATOS - Diwa ng PAKSA


May isang pangunahing PAKSA

TEKSTONG DESKRIPTIBO
ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ay maihahalintulad sa isang larawang ipinita o iginuhit kung saan kapag nabasa ito ay parang
nakita na rin ang orihinal na obra.

Ito ay isang uri ng tekstong nagtataglay ng impormasyong naglalarawan sa pisikal na katangian


ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano at
gumagamit ng panguri.

KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

● Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha


sa mga mambabasa.

● Ito ay maaaring maging obhetibo subhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa


manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.

2 URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Subhetibo

kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-
akda. gumagamit ng matalinhagang salita, tayutay at idyoma.

Obhetibo

kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas o direkta ang


paglalarawan.

WIKA

kailangan para sa mabisang paglalarawan

PANG-URI > PANG-ABAY

DETALYE

Ang malinaw na paglalarawan ay hindi nangangahuluganng simple lamang o mababaw lamang


na paglalarawan. Kinakailangan ang mga suportang detalye upang mapatibay ang inihayag na
paglalarawan.
PANANAW

Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paglalarawan,ngunit pakatatandaan na kailangang


maging sensitibo sa pinakaangkop na paglalarawan sa lahat ng paglalarawang maaaring gamitin
upang maging mabisa ang pananaw ng manunulat tungo sa isipan ng mambabasa.

IMPRESYON

Dahil sa ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng


mambabasa, mahalagang isaalang-alang ng manunulat ang pag-iiwan ng kongkreto o tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa upang masabing ganap ang impresyong taglay ng binuong
tesktong paglalarawan

TEKSTONG IMPORMATIBO

TEKSTONG IMPORMATIBO

Di-piksiyon

Layunin:

1. magbigay ng mga impormasyon

2. magpaliwanag nang malinaw at


walang pagkiling tungkol sa iba' t
ibang paksa.

Katangian:

1. Tiyak - espesipiko at detalyado

2. Pokus - nakapokus sa paksa

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Layunin ng may-akda
2. Pangunahing ldeya o Konsepto
3. Pantulong na Kaisipan
4. Estilo sa pagsulat ,may mabisa
5. at malawak na sanggunian.
Estilo sa pagsulat, Kagamitan at Sanggunian

● Paggamit ng nakalarawang presentasyon.


● Pagbibigay diin sa mahahalagang diwa konsepto sa teksto.
● Pagsulat ng talasanggunian

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Paglalahad ng totoong pangyayari

- maaari itong magsalaysay ng mga


kongkretong tala na nagmula sa nakaraan isang historical account.

TEKSTONG NARATIBO

KAHULUGAN

Nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksiyon. Maaaring ang


salaysay ay tumutukoy sa karanasan ng nagkukuwento.

URI NG NARATIBO

1. Naratibong nagpapabatid o informative narratıve


2. Naratibong masining o artistic narrative

3.Naratibong nagpapabatid o informative narrative

- magbigay o maghatid ng kaalaman o impormasyon.

1. Naratibong nagpapabatid o informative narrative- enriched expository texts that provide to-be-
learned conceptual information within a storyline with the aim to foster comprehension.

1.1. nagpapaliwanag o expository narrative -


Nagbibigay sa mambabasa ng mga katotohanang kailangan nila tungkol sa isang tiyak na paksa
upang mapalalim ang kanilang pag-unawa dito.

1.2. pangkasaysayan o historical narrative-


Pagbibigay o pagkukuwento ng mga karanasan sa na nagyari sa totoong buhay sa pamamagitan
salaysay.
1.3. pakikipagsapalaran o narrative of adventure - Isang salaysay na umiikot sa mga kapana-
panabik at mapangahas na karanasan.

1.4. patalambuhay o biological narrative - A nonfiction account ng buhay.

1.5. anekdota o anecdote - Isang maikling nakakatawa o kawili-wiling kuwento tungkol sa isang
tunay na pangyayari o tao.

1.6. kathang salaysay o sketch - Isang piraso ng sulatin na sa pangkalahatan ay mas maikli kaysa
sa isang maikling kuwento, at naglalaman ng napakakaunting balangkas.

4.naratibong masining o artistic narrative


- isinusulat upang magbigay ng aliw.

KATANGIAN

Mayroong Iba't-ibang Pananaw o punto de vista

1.Unang Panauhan - nagpapahayag ng mga kaganapan mula sa kanyang sariling pananaw gamit
ang unang panauhan na "ako" o "kami".

2.1kalawang Panauhan- Ay tumutukoy sa


taong kausap o kinakausap.

3.Ikatlong Panauhan -ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.

4. Kombinasyong Pananaw O Paningin - Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't
ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

Mayroong paraan ng pagpapahayag ng saloobin, diyalogo o damdamin.

● Direkta o Tuwirang
Pagpapahayag - Naglalahad ng ensaktong mensahe o impormasyong ipinahayag ng isang
tao.

● Di- direkta o Di-


tuwirang
pagpapahayag - Binabanggit lamang muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao.
Halimbawa

1. Direkta o Tuwirang
Pagpapahayag

"Mahal kita Ana",sabi ni


Manuel

2. Di- direkta o Di-


tuwirang pagpapahayag

"Mahal ni Manuel si Ana."

ELEMENTO

1.Tauhan

>Pangunahing tauhan - main character


>Katunggaling tauhan - kaaway ng main character.
>Kasamang tauhan- side characters o mga kasama ng main character.
>May akda - kung sino ang nagsulat o kung sino gumawa nito.

Ayon kay E.M. Foster

>Tauhang bilog- hindi nagbabago ang ugali.


> Tauhang lapad - bago ugali
>Tauhang parisukat- may nabago may hindi.

2.Tagpuan

Ito ang nagsasad ng tiyak na oras at panahon na.pinangyarihan nang mahahalaga at


pinakamahalagang pangyayari sa isang kwento.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

2. Pag-uulat Pang-impormasyon sa anyo namang ito ang manunulat ay naglalahad ng isang


konseptong totoo halimbawa nito ay napapahong isyu.
3. Pagpapaliwanag sa anyo namang ito gumagamit ang manunulat ng mga anyo o mga
talaugnayan upang mas madaling maunawaan ang kongkretong impormasyon maaring gumamit
ng iba't ibang anyo flowchart.

Banghay

Tawag sa daloy ng pagkakasunod-sunod ng kwento na kadalasan ay binubuo lamang ng lima o


anim makabuluhang bilang/talata.

1. Introduction/ Introduksyon
2. Problem / suliranin
3. Rising action/ pataas na aksyon
4. Climax/ tunggalian
5. Falling action/pababang aksyon
6. Ending/katapusan

NARASYON

● In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kwento.

● Deus ex Machina-isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kanyang Arts Poctica


kung saan nagbibigay-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay.

4. Paksa o 'Tema

Ayon Iñigo Ed-Regalado ang pinakapuso o sentral na ideya na iniikutan ng mahahalagang


pangyayari sa isang kwentong naratibo.

Genre ng isang Naratibong Teksto

● Drama
● Melodrama
● Komedya
● Trahedya
● Trahe-komedya

Creative Non-Fiction o Malikhaing katotohanan


kilala bilang literary non- fiction o narrative non-fiction isang bagong genre ng malikhaing
pagsulat na gumagamit ng istilo o teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at
tumpak na salaysay o narasyon.

NARASYON

Diyalogo- ginagamit ang Þag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nangyari.

Foreshadowing- nagbibigay ng mga


pahiwatig o hints tungkol sa mangyayari
sa kwento.

Analepsis- (Flashback) ipinapasok ang mga pangyayari naganap sa nakalipas.

Plot Twist- ito ang tahasang pagbabago sa


inaasahang kalalabasan ng isang kwento.

Prolepsis- (Flash-forward) ipinapasok sa narasyong ito ang mga bagay na mangyayari palang sa
hinaharap.

Ellipsis- pag-alis ng ilang yugto sa kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na magpuno
sa naratibong antala.

Comic Book of Death- pinapatay ang mahahalagang tauhan ngunit ay biglang lilitaw upang
bigyang linaw ang kwento sa huli.

Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.

You might also like