May 333

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MONICA MAY M.

CORONICA 11-MONSTERA

Gng. Queen Gladys Valdez Opeña- Fiel

Tekstong Deskriptibo
Ang Deca Homes Resort ay matatagpuan sa pagitan ng 9A at 9B ng Deca Homes. At pwede
lang itong lakarin mula sa inyong bahay. Pasyalan para sa lahat. Sa pagpunta ng Deca Homes
Resort, agad kang sasalubungin ng sariwang simoy ng hangin na nagpapadama ng
kahalumigmigan at kaginhawahan. Ang resort na ito ay isang pahingahang na nagdudulot sa
pakiramdam ng paglaya at kapayapaan sa mga bumibisita rito. Sa pagpasok mo sa loob ng
resort, mababanaag agad ang tanawin at malalawak na palaruan at malalaking puno na
nagdadala ng hangin at nagsisilbing tagapagtanggol sa init ng sikat ng araw. Makikita rin dito
ang mga magagandang mga bulaklak sa kapaligiran.

Ang sentro ng resort ay mayroong swimming pool na nagbibigay-ligaya sa bawat bumibisita.


Dati meron itong tubig na kumikislap sa araw ay nag-aanyaya sa iyo na lumangoy at
magpahinga sa ilalim ng mababaw na tubig. Ang mga batang naglalaro't tumatawa habang
nagtatampisaw ay nagdudulot ng masayang tunog na nagpapalakas sa pakiramdam ng
pagiging bata. Makikita ang mga pasilidad na nag-aalok ng iba't ibang aktibidad para sa mga
bisita. Mayroong mga volleyball net para sa mga nagmamahalan sa sports, court ng basketball
para sa mga patimpalak, at playground para sa mga batang may pagnanasa sa paglalaro.
Pwede mo rin ipagdiriwang ang iyong kaarawan habang nanonood ng magandang tanawin ng
bundok Apo.

At sa isang lugar na puno ng mga alaala at kasiyahan na hindi ko malilimutan. Ito ay hindi
lamang isang simpleng resort para sa akin, kundi isang espesyal na lugar na binabalikan ko
upang magpahinga at magsaya . Ang masasayang alaala ng paglalakbay kasama ang mga
kaibigan at pamilya sa Dea Homes Resort ay nagbibigay ng ligaya sa puso ko. Ang mga
masasayang pagninilay-nilay at tawanan habang naglalakad sa paligid ng resort ay
nagpapalakas ng samahan at pagkakaibigan.Mayroon din itong mga pasilidad tulad ng mga
kainan at mga kubo para sa pribadong pahinga.

Higit sa lahat, ang pagkakaroon ng pagkakataon na makalayo sa gulo ng lungsod at


makipag-ugnayan sa kalikasan ay isang biyaya. Ang Deca Homes Resort ay isang sagradong
lugar para sa akin kung saan ako ay nakakahanap ng katahimikan at kapayapaan. Tuwing gabi,
napakalamig sa pakiramdam habang ikaw ay naglalakad at naguusap sa kasama mo. Ang
simoy ng hangin ay nagdadala ng maganda sa pakiramdam. Maganda rin ang tanawin tuwing
gabi pero napakadelikado kase ang dilim na ng daan walang ka ilaw-ilaw halos wala kang
makita sa dilim pero may mga ilaw naman pero hindi yung malakas ang pag-ilaw.

Sa sumakabilang banda, ang serbisyo ng kanilang mga tauhan ay hindi mapapantayan, dahil sa
kanilang pag-aalaga at pagmamalasakit sa mga bisita. Sa kabuuan, ang Dece Homes Resort
ay isang lugar na dapat pasyalan para sa mga gustong magkaroon ng hindi malilimutang
bakasyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa bawat pagbisita sa Deca Homes
Resort, ang bawat sandali ay puno ng mga espesyal na alaala at pagnanasa na bumalik muli.
Dito, sa piling ng kalikasan at mga kaibigan, maaari mong kalimutan ang anumang problema at
bigyang halaga ang mga simpleng bagay sa buhay.

Sa bawat pagbabalik, hindi mo lang nadarama ang init ng sikat ng araw; nadarama mo rin ang
init ng pagmamahal at kasiyahan na dala ng bawat sandali sa lugar na hinahanap-hanap ko
ang kakaibang kasiyahan at kasayahan na hindi matutumbasan ng anumang ibang lugar. Ito ay
isang lugar na hindi ko magsasawang balik-balikan, dahil dito ako lubos na nakakahanap ng
kaligayahan at kapanatagan sa puso at isipan ko. Sa kabuuan, ang Deca Homes Resort ay
isang lugar na puno ng ganda at saya para sa lahat. At hindi ka magsasawa pumunta sa lugar
na ito sa sobrang ganda.
MONICA MAY M. CORONICA 11-MONSTERA

Gng. Queen Gladys Valdez Opeña- Fiel

Tekstong Informatibo

K-12: SUSI SA PAG-UNLAD NG LITERASIDAD SA BAWAT MAG-AARAL

Christine Mae F. Mata Abm- A

Hindi natin maikakaila ang kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas. Ika nga, ang edukasyon ang
susi sa pag-abot ng ating mga pangarap. Iba't-ibang paraan ang ginawa ng ating pamahalaan
upang magkaroon ang Pilipinas ng sapat na edukasyon, upang sa pagdating ng makabagong
panahon, mabawasan ang karukhaan mayroon ang ating bansang sinilangan, Isa sa mga
paraang ito, ang implementasyon ng K-12 Program.

Ayon sa Anakbayan Up Los Baños noong taong 2012 ang K-12 program ay sinimulang
ipinatupad ng pamahalaan noong school year 2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng
edukasyon sa ating bansa. Sa programang ito, ginawang sapilitan ang pagpasok ng mga bata
sa kindergarten, nagkaroon rin ng junior high school na nagsisimula grade 7 hanggang grade
10 at senior high school na mayroon lamang dalawang taon, ang grade 11 and 12. Ayon sa
DepEd ang K-12 ay para rin sa dumaraming bilang ng out-of-school youth at solusyon daw sa
bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Ayon naman kay Tecson, Jollina Gayle noong 2014, bago humantong sa positibong layunin,
may mga negatibong reaksyon ang karamihan sa pag iimplementa nito. Ang pagpapatupad ng
K-12 ay upang makalikha ng mga semi-skilled na manggagawa upang matugunan ang
pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na
rin sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng hayskul, iilan na lamang
ang nanaising makapagtapos ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon.
Hindi daw ang pagpapatupad ng K-12 ang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa
ating bansa, ayon nga kay Trillanes, "Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna
ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa
sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga
estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod".

Bagama't may mga negatibong reaksyon nanaig pa rin ang kagustuhang ipatupad ang
programang ito ng ating pamahalaan sa layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon at
paunlarin ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na henerasyon. Layunin din nito na mas
ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho, kapag natapos ang mga kabataang ito sa high
school, nasa sapat na silang gulang (18 taong gulang) at sapat na kakayahan upang maghanap
ng magandang trabaho. Sa katunayan, ang programang ito ay naglalayong ang mga
nagsisipagtapos sa K-12 ay maari nang ituring na mga propesyunal at may mataas na pinag-
aaralan sa ibayong-dagat.

Ang K-12 program ay isa lamang sa paraan upang mapaunlad ang edukasyon sa bansa,
paraan upang mabigyan ng panibagong pagkakataon ang bawat mag-aaral upang madagdagan
ang kanilang kaalaman at mapaghandaan ang magiging buhay nila sa hinaharap. Subalit na sa
atin pa rin ang kagustuhan at paraan kung paano tayo matututo dahil kahit ano mang paraang
ipatupad ng pamahalaan ay nasa satin pa rin ang aksyon kung paano natin ito gagamitin at
kung paano tayo nito matutulungan. Ika nga, "ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili.

You might also like