Proyekto Sa Filipono Sa Piling Larangan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Proyekto sa

Filipino sa
Piling
Larangan

Ipinasa kay: Ma’am Wendie Ortega-Alaman


Ipinasa ni: Roxan Obedencio
Talaan ng Nilalaman

Abstrak
Epekto ng Pambubully sa mga mag-aaral ng Stem-11 Prudience……………………1

Buod/Sinopsis
Sunflower… ……………………………………………………………………………………………………………..2

Bionote
Bionote ni Roxan Obedencio……………………………………………………………………………………3
Bionote ni Aljon Quiricon Mojana…………………………………………………………………………..4

Talumpati
Talumpati tungkol sa Pangarap……………………………………………………………………………….5

Memorandum…………………………………………………………………………………………………..6
Adyenda………………………………………………………………………………………………………………….7
Katitikan ng Pulong……………………………………………………………………………………………8
Epekto ng Pambubully sa mga mag-aaral ng Stem-11 Prudience

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidudulot ng


pambubully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral na
sa Stem 11-Prudience. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambubully sa
pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang naranasan, at pati na
rin ang pagtukoy sa mga paraang ginagawa ng mga biktima sa paglaban dito.
Ginamit ng mga pananaliksik ang pamamaraang paglalarawan o Kwantitatibo. Ang mga
mananaliksik ay nagsuri sa Stem 11- Prudience na gumamit ng tala-sagutan at gumamit ng ilang
mga libro at Internet uopang makakuha pa ng ibang pang mga datos na kinakailangan sa
pag-aaral na ito.
Pamamaraan ng pagpili ng mga respondente ay mayroong isang seksyon ang HUMSS 11
na may apat na pung mag-aaral na binubuo ng dalawampu’t tatlo(23) na lalake at dalawampu’t
tatlo(23) na babae.
Ipinapakita sa talahanayan blg. 2 na may 13 (37%) para sa Kulang sa pansin ang at
Masama talaga ang ugali ng bully , 6 (17%) Pisikal na kaanyuan , 3 (9%) Naiiba sa kanila, 5
(15%) May nakitang mali o katawa-tawa, 7 (20%) Patunay na mas mataas sila, at 1(3%)
Naging biktima tin ng pambubully. Isinasaad dito kung ano naging dahilan ng pambubulas sa
mga respondente.

1
Sunflower

Nagkakilala sina Maxine at Gab sa isang swimming pool ng gabing iyon, kasama
ang mga schoolmates nila.

Noong nagkakilala na silang dalawa, nanligaw si Gab kay Maxine at sinagot


naman niya ito. Isang gabi, pumunta si Maxine sa bahay ni Gab, ngunit biglang
pumasok ang nanay nito at pinagalitan siya, dahil may babae sa kanyang kwarto.
Kinabukasan, nakipaghiwalay si Maxine kay Gab dahil immature daw ito. Makalipas ang
ilang araw, silang dalawa ay nagkaayos at naging magkaibigan. Isang araw, noong nag
date sila, napansin ni Gab na may bukol si Max sa kanyang hita, ngunit sabi nitong
huwag na itong intindihin.

Lumipas ang tatlong taon, nagka-cancer si Maxine at kailangan ipa chemo ito.
Noong una, hindi makapaniwala si Gab na cancer ito, ngunit iyon na ang totoo.
Masayang naglalakad si Gab, dala-dala ang isang sunflower na bulaklak, ngunit nang
dumating ito sa kwarto ni Maxine, ay pumanaw na pala ito. Pero kahit pumanaw na si
Maxine, mahal na ahal ito ni Gab at hindi ito magbabago.

Kahit mawalan tayo ng minamahal, dapat nating mahalin ang tao ng buong puso
magpakailanman.

2
Bionote ni Roxan Obedencio

Si Roxan Obedencio ay labing anim na taong gulang, nagtapos siya ng


elementarya sa Sagcungan Intergrated School. Sa kasalukuyan, siya ay nasa
ika-11 baitang ng Don Antonio Jayme Memorial High School, kumuha ng
Hummanities and Social Sciences(HUMSS) strand. Noong nasa ikalawang
baitang siya, nakatanggap siya ng karangalan bilang “Best in Writing”. Sa
sekondarya naman ay nakatanggap siya ng karangalan bilang “With Honors”.
Siya ay kasalukuyang nasa Senior High, at nangangarap na makapag-aral sa
magandang unibersidad at makapagtapos bilang isang Pulis.

3
Bionote ni Aljon Quiricon Mojana

Si Aljon Quiricon Mojana ay 28 taong gulang, ang kanyang pangunahing trabaho


ay guro. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa mababang paaralan ng Labu-o.
Noong siya ay tumuntong sa sekondarya, nag-aral siya sa President National High
School (PRNHS). Siya ay nag-aral sa kolehiyo sa University of Southern Mindanao
(USM), sa kursong Bachelor of Secondary Education in Social Studies (BSE-social
studies). Nakakuha siya ng master’s degree sa Holy Cross of Davao College
( MAed-TSS). Siya ngayon ay nagtuturo sa Junior High School bilang Teacher 1 ng
Araling Panlipunan (AP) sa ikawalo at sampung baitang ng Don Antonio Jayme
Memorial High School. Aktibo rin siyang residente ng Baranggay Labu-o.

4
Talumpati tungkol sa Pangarap

Bata pa lamang ako, marami na akong mga pangarap na nais kong tuaprin sa
aking paglaki. Dahil sa sitwasyon ng aming buhay, natututo akong mangarap dahil
gusto kong mairaos ang aking pamilya sa kahirapan.

Ang aking pamilya ang aking naging inspirasyon upang mangarap sa buhay, nais
kong ibigay ang buhay sa hinahangad nila. Kahirapan din ang dahilan kung bakit natuto
akong mangarap sa buhay, marami akong nais maranasan ngunit malabo pang
mangyari dahil sa hirap ng aming buhay.

Ako, ikaw, lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay. Tayo magiging matapang
sa hamon ng ating haharapin patungo sa ating pangarap, wag sumuko at wag matakot.
Patulog tayong mangarap at tuparin ang mga hangarin natin sa buhay para sa ating
sarili at para sa ating pamilya.

You might also like