Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAIKLING PAGSUSULIT SA ESP MODYUL 2.

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Seksyon:___________________

PANUTO: Bilugan ang tamang sagot.(DITO NA MISMO SA ANSWER SHEET ang sagot, 2 POINTS EACH)

1. Sino sa mga sumusunod ang pinaniniwalaan mong makaiimpluwensiya ng iyong masusing pag-iisip at pagdedesisyon
sa buhay?

A. Doktor B. Guro C. Kaklase D. Taga-ulat ng balita

2. Alin sa mga sumusunod na tao ang masasabi mong magiging magandang impluwensiya sa kabataan kung ang
pagbabatayan ay ang aspektong politikal?

A. Guro B. Mambabatas C. Aktor D. Pari

3. May mag-asawang nabubuhay sa pag-aalaga ng mga manok. Taon-taon, binabaha ang kanilang manokan na
nagdudulot ng pagkamatay sa daan-daang nilang mga alaga. Hindi na kinaya ng asawang lalaki ang pagkalugi kaya
naisip niya na ibenta ang lupa kahit na alam niya na walang bibili nito. Sinabi niya ito sa kaniyang asawa sa isang
paghihinagpis. “Bumili ka ng mga bebe”, ang mahinahong sagot ng asawang babae. Tama nga ang kaniyang asawa.
Anong aspekto ang naimpluwensiyahan sa kaniya ng asawang babae?

A. Intelektuwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Politikal

4. Sa isang pagtitipon, tinanong ang isang lalaki kung paano niya napapanatili ang pagiging makatarungang tao at kung
paano niya nalalabanan ang mga tuksong tawag ng laman. Sumagot ang lalaki, “Nagdadala ako ng kasama na parang
mga disipulo upang magsabi sa akin kung may mali sa aking ginagawa”. Anong aspekto ang nais maimpluwensiyahan ng
lalaki?

A. Intelektuwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Politikal

5. Ayon sa kasaysayan, ang pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ang pinakaepektibong pangulo sa
larangan ng pagtatalaga ng mga mahahalagang gawain sa kaniyang mga napipiling tao. Ano ang kaniyang sekreto?
Pinipili niya ang mga kapareho niyang mag-isip, matalino at may kakayahan. Dahil dito, ang pamamalakad ni Pangulong
Raegan ang siyang kinikilala at sinusundan ng mga lider sa buong mundo. Anong impluwensiya ang iniwan ni Pangulong
Reagan?

A. Intelektuwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Politikal

6. Masasabi mong may impluwensiya ang kapuwa mo sa iyong pangkabuhayang aspekto kung:

A. Naturuan ka niyang kilalanin ang makatutulong sa iyo?


B. Naturuan ka niyang alamin kung saan ka magaling?
C. Nagabayan ka niyang magpasya ng kritikal?
D. Nagabayan ka niya sa iyong pakikipagkaibigan?

7. Hinikayat ni Madel si Tere na pag-isipan munang mabuti ang pagsampa ng kaso laban sa pananakit ng kanilang
kapitbahay. Anong aspekto ang nais maimpluwensiyahan ni Madel?

A. Intelektuwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Politikal

8. Gusto ni Noan na maimpluwensiyahan ang politikal na aspekto ni Glenn. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
nito?

A. Tinulungan ni Noan si Glen sa pagpili ng maayos na motorsiklo.


B. Nag-usap sila tungkol sa alternatibong uri ng pamahalaan na mayroon sila.
C. Nagplano silang masolusyunan ang problema sa mga taong hindi pa rin sumusunod sa patakaran sa basura.
D. Tinulungan ni Noan si Glen sa kaniyang binubuong kanta.

9. Gusto nang tumigil sa pag-aaral ni Lina dahil sa pang-aapi sa kaniya ng kaniyang mga kaklase na itinatago niya sa
kanilang guro. Anong aspekto ng pagkatao ni Lina ang nangangailangan ng tulong?

A. Intelektuwal B. Panlipunan C. Pangkabuhayan D. Politikal

10. Isa sa mga pangungusap dito ay hindi totoo, alin dito?

A. Ang impluwensiya ng ating kapuwa ay kumakapit sa ating buong pagkatao.


B. Ang impluwensiya ng ating kapuwa ay umiikot lamang sa apat na aspekto.
C. Ang tao ay likas na panlipunanag nilalang kaya hindi siya maihihiwalay sa kapuwa.
D. Higit na uunahin dapat ang aspektong pangkabuhayan kung nais ng tao na magpatuloy ang buhay
MAIKLING PAGSUSULIT SA ESP MODYUL 2.1

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Seksyon:___________________

PANUTO: Bilugan ang tamang sagot.(DITO NA MISMO SA ANSWER SHEET ang sagot, 2 POINTS EACH))

1. Sino sa mga sumusunod ang maaari mong ituring na kapuwa?


A. Ang mga nagtatrabaho sa hospital na itinataya ang buhay dahil sa nakamamatay na Novel Corona Virus.
B. Ang mga pulis na nagbibilad sa init para harangin ang naglalakbay sa kabila ng pagbabawal ng batas.
C. Ang mga nasa gilid ng kalsada dahil walang masilungang bahay.
D. Ang lahat ng mga tao na nabanggit.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagkapuwa?


A. “Mga walanghiya kayo! Sinaktan niyo ako! Gagantihan ko kayo!”
B. “Maghahanda tayo ng pagkain para sa mga bilanggo.”
C. “Umalis ka na. Huwag mo nang hintayin na may masamang mangyari sa ‘yo!”
D. “Sasama lang ako sa ‘yo kung papayag ka sa mga hihilingin kong kondisyon.”

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapuwa?


A. Paglikom ng pondong pambili ng pagkain para sa mga nawalan ng trabaho.
B. Hindi paglabas ng bahay dahil sa takot sa kumakalat na nakamamatay na sakit.
C. Pagsingil ng upa sa bahay kahit alam na walang kinita ang nangungupahan.
D. Pagsasawalang-kibo sa kabila ng pag-apak sa mga karapatan ng mamamayan.

4. Sa mga sumusunod na sitwasyon, sino ang maituturing mong kapuwa?


A. Ang lalaking nakatira sa dyip dahil sa kahirapan.
B. Ang isang pulitiko na nangako ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan.
C. Ang nangangasiwa ng malaking kumpanya at nangunguna sa bansa.
D. Ang babaeng matatag at malakas sa gitna ng mga pagsubok.

5. Sino sa mga sumusunod ang nararapat na pahalagahan bilang kapuwa?


A. Enhinyero B. Kaaway C. Guro D. Senador

6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging daan upang matukoy kung sino ang ating kapuwa?
A. Pagkilala sa dignidad nila bilang tao
B. Pagbibigay ng agarang tulong
C. Pagkuha ng simpatiya nila
D. Paghanap ng maibibigay sa kanila

7. Sino sa mga sumusunod na tao ang maituturing mong kapuwa mo mag-aaral?


A. Si Trina na palaging huli kung pumasok dahil sa kaka-YouTube sa gabi.
B. Si Fe na walang baon sa tanghalian pero pumapasok pa rin.
C. Si Cris na nakita mong umakyat kanina sa pader at sumira sa mga tanim.
D. Si Jay-R na nagsumbong ng lahat ng ito sa inyong guro.

8. Anong paraan ang gagamitin mo para makilala nang mabuti ang iyong kapuwa?
A. Magbabayad ako ng makikipanayam sa kanila.
B. Magbabasa ako ng mga ulat tungkol sa kanila.
C. Personal akong bibisita sa kanila.
D. Maghihintay ako sa sasabihin ng pamahalaan.

9. Ano ang halaga ng pagtukoy sa kapuwa?


A. Mas makikilala mo ang kapuwa mo sa pamamagitan nito.
B. Maraming malalaman tungkol sa pangangailangan nila.
C. Mabibigyang-pansin ang pinakagusto nila.
D. Magbibigay ito ng tamang solusyon sa kanilang problema.

10. Alin sa mga sitwasyon ang naglalarawan ng tunay na pagtukoy sa kapuwa?


A. Pakikisalamuha sa lahat ng uri ng tao.
B. Pakikipag-usap sa mga kakilala tungkol sa iba’t ibang sitwasyon.
C. Pagtanaw sa kanilang kinalalagyan.
D. Pagbibigay ng anumang hilingin nila. IV. PAGLINANG NG KAALAMA

You might also like