Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

3rd Quarter AP 10

Mga Isyu at Hamong Pangkasarian

Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay


sa kaniyang mag-anak.
Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng pagkain
para sa ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na alagaan ang mga
anak at maging abala sa mga gawaing-bahay. Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay nagtatrabaho
sa labas ng bahay at ang mga babae ay inaasahang manatili sa loob.
Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng ideya ng feminismo,
nagkaroon na ng malaking pagbabago sa gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa
kasalukuyan ay hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at sa lipunan.

Pag-iiba ng Sex at Gender


• Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng sex at kasarian
• Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa Estados Unidos at Inglatera
• Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal; kasarian sa katangiang sikolohikal o pagkilos
• Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya ng kultura

SEX GENDER
Panlahat (universal) Kultural/nakatali sa kultura
Hindi nababago Nababago
Kategorya - babae o lalaki Kategorya - feminine o masculine
Katangiang pantay na pinahahalagahan Katangiang may tatak ng inekwalidad o di-
Ang babae ay may buwanang regla pagkakapantay-pantay
May bayag ang lalaki Sa Estados Unidos, mas mababa ang kita ng
Ang babae ay lumalaki ang dibdib tuwing babae kaysa lalaki
nagdadalaga Sa Vietnam, mas maraming lalaki ang
Mas malaki ang buto ng lalaki naninigarilyo
Sa Saudi Arabia, hindi maaaring magmaneho
ang babae
Sa maraming bansa, ang gawaing bahay ay
ginagawa ng babae

Pagkakaiba ng Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI)

Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na


makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa.

ORYENTASYONG SEKSUWAL (SEXUAL ORIENTATION)


HETEROSEXUAL HOMOSEXUAL BISEXUAL
Mga taong nagkakanasang Mga taong nagkakaroon ng Mga taong nagkakanasang
seksuwal sa miyembro ng seksuwal na pagnanasa sa mga seksuwal sa dalawang kasarian.
kabilang kasarian, mga lalaki na taong nabibilang sa katulad na
ang gustong makatalik ay babae kasarian, mga lalaking mas
at mga babaeng gusto naman gustong lalaki ang makakatalik
ay lalaki at mga babaeng mas gusto ang
babae bilang sekswal na
kapareha

Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at


personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan
sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
sila ang mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki; mga babaeng
LESBIAN O TOMBOY may pusong lalaki at umiibig sa kapwa
babae

mga lalaking nakararamdam ng


atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may
GAY O BAKLA iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos
na parang babae

mga taong nakararamdam ng atraksyon


PAGKAKAKILANLANG
BISEXUAL sa dalawang kasarian
PANGKASARIAN
(GENDER IDENTITY)
mga taong walang nararamdamang
atraksiyong seksuwal sa anumang
ASEXUAL
kasarian

kung ang isang tao ay nakararamdam na


siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang
TRANSGENDER pangangatawan ay hindi magkatugma,
siya ay maaaring may transgender na
katauhan

PEMENISMO/ FEMINISM
• Ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa
pulitikal, ekonomik, at kultural na larangan
• Layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim ng
batas para sa mga kababaihan
• Ito ay batay sa paniniwalang ang pang-aapi sa kababaihan sa lipunan ay dulot ng patriyarka.
Layunin ng peminismo na wakasan ang patriyarka upang palayain ang mga kababaihan,
kalalakihan, at mga minorya (LGBT, PWD, IPs, etc.)

MGA NILALABANAN NG PEMENISMO


• Tutol sa biological determinism o ang kaisipang ang gawi o kilos ng tao ay likas at ipinapasiya ng
kanyang genes, sukat at laki ng utak, o iba pang katangiang biyolohikal
• Geddes at Thompson (1889) – ang mga babae ay nagiimbak ng enerhiya (anabolic) habang ang
mga lalaki ay gumagamit ng enerhiya (katabolic) kaya’t mas angkop sa pulitika at pagtugon sa
isyung panlipunan
• 1970s, dahil sa buwanang regla, nagiging emosyonal ang mga babae; hindi sila maaring maging
piloto
• Dahil sa mas malaki ang corpus callosum ng babae, mas mahina siya sa gawaing visual-spatial
katulad ng pagbasa ng mapa

PATRIYARKA
• Isang hirarkikal na panlipunang sistema ng pag-iisip kung saan ang dominasyon o pangingibabaw
ng kalalakihan sa kababaihan sa lipunan ay nagdudulot ng lantarang di pagkakapantay-pantay sa
pulitikal, ekonomik, at kultural na aspeto ng buhay.
• Nasa kamay ng mga kalalakihan ang kapangyarihan sa lahat ng mahahalagang institusyong
panlipunan at mahirap itong makamtan ng mga kababihan. Hindi ibig sabihin nito na ang mga
kababaihan ay lubos na walang kapangyarihan, o lubos na walang karapatan, impluwensya o
pagkukunang yaman.

PEMENISMO SA IBA’T IBANG PANAHON

Panahon Adhikain
First Wave huling bahagi ng ika- pantay na kontrata; karapatan sa ari-
19 siglo at simula ng arian; paglaban sa pag-aari sa babae
ika-20 siglo; bilang asawa; karapatan sa pagboto o
industriyalismo Women’s Suffrage Movement.
Second Wave 1960s – 1990s kalayaan ng kababaihan o Women’s
Liberation; pagwakas sa diskriminasyon
at sexismo; pagtaguyod ng karapatang
sibil at pulitikal ng kababaihan; CEDAW;
karapatang reproduktibo.

Third Wave Gitnang bahagi ng postmodern o kritikal at interseksyunal


1990s na pagtingin sa kasarian at sekswalidad
at ang kaugnayan nito sa lahi, uri, sexual
orientation, at iba pa.
Fourth Wave Huling bahagi ng pagwakas sa karahasang sekswal, di-
1990s pataas pantay na sahod, iba’t-ibang uri ng
opresyong panlipunan, at iba pa.

GENDER ROLES SA PILIPINAS

Panahon Lalaki Babae

Pre-kolonyal Maraming asawa; maaaring Pagmamayari ng lalaki; maaaring patayin


(Boxer Codex) makipag hiwalay pag sumama sa ibang lalaki; maaaring
makipag hiwalay
Espanyol Mas malawak ang mga Limitado ang mga karapatan; maaaring
karapatan sumama sa pag-aalsa

Amerikano Pareho sa itaas Hindi lang para sa bahay at simbahan;


karapatang bumoto (plebesito noong Abril
30, 1937) at makapag-aral

Hapones Pareho sa itaas Bahagi ng pag-aalsa

Kasalukuyan Pareho sa itaas Maybahay o may karera; mas malawak ang


mga karapatan

GENDER ROLES SA IBANG PARTE NG MUNDO

Rehiyon Bansa Babae


Kanlurang Asya Lebanon (1952) Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20
Syria (1949, 1953) siglo nang payagang makaboto
Yemen (1967)
Iraq (1980)
Oman (1994)
Kuwait (1985, 2005)

Saudi Arabia Walang karapatang bumoto; hindi


maaaring magmaneho, magbanko,
makipagkita sa mga lalaking di
kapamilya, at lumabas ng di takip ang
buong katawan maliban sa mata’t
kamay
Afrika Egypt (1956) Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20
Tunisia (1959) siglo nang payagang makaboto;
Mauritania (1961) maraming nabibiktima ng female genital
Algeria (1962) mutilation o ang pagbabago sa ari ng
Morocco (1963) babae na walang benepisyong medikal
Libya (1964)
Sudan (1964)

Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas

Mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.

Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa


mga sinaunang priestess at shaman.

Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan –
halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi
nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga
espiritu.

Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga
babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng
panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-babae

Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal.

Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa
bansa.

Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit
nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993

Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in
the Philippines noong 1994.

Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-
kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992.
Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa
Pilipinas.

Dekada 90
ProGay Philippines noong 1993
Metropolitan Community Church noong 1992
UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992
CLIC (Cannot Live in a Closet)
Lesbian Advocates Philippines (LeAP)

Partidong Akbayan Citizen’s Action Party


- Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community

Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB


- unang LGBT lobby group na nabuo noong 1999.

Ang Ladlad – political party na itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University
noong Setyembre 21, 2003
Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas
bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na
kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.
Ano ang reaksiyon o sa mga nalaman mong impormasyon?
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Africa at Kanlurang Asya

Ikalawang bahagi ng ika-20 siglo lamang pinayagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang
Asya ang mga babae na makaboto.
Ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Hanggang ngayon sila ay
hindi pa maaaring bumoto (ayon sa pangako ni Haring Saud, sa taong 2015 pa lamang sila
makakaboto sa halalan).
May pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa
kamag- anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid).
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan
ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta
ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).

Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda)
ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa africa at Kanlurang Asya.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan
(bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang
siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.
May mabuti bang dulot ang Female Genital Mutilation o FGM sa mga babae?
Ano sa palagay mo ang epekto sa:
a) emosyonal,
b) sosyal,
c) sikolohikal na kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
Sa pag-aaral na isinagawa ni Margaret Mead,

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkultura pangkat sa lugar na ito.
Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli.
Ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”)
Walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay
kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa
kanilang pamilya at pangkat.
Pangkat ng Mundugumur
(o kilala rin sa tawag na biwat)
Ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat

Ang Tchambuli o tinatawag din na chambri


Ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga
bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang
abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan


Hindi lamang ang mga kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging
ang lalaki din ay biktima nito. Ang tinawag ni hillary clinton (2011) na “invisible minority” Ay ang mga
LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
GLOSSARY
Anti-Violence Against Women and Their Children Act - Isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Bakla – Lalaking nakaramdam ng atraksiyon sa kapwa lalaki, may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae.

Babaylan – Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga


sinaunang priestess at shaman.

Bisexual – Taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit


nakararamdam din ng kaparehong atraksiyon sa katulad niya ng kasarian

Female Genital Mutilation – Isang prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal.

Foot Binding - Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o
bubog sa talampakan.

GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms Integrity, Leadership and Action)
– Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women.

Gender – Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki.

Marginalized Women - Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o
may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

Lesbian– Tinatawag ding tomboy, mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.

LGBTQ - Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak.

Oryentasyong Seksuwal – Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na


atraksiyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyong seksuwal sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya , iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.

Queer o Questioning - mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na
pagkakakilanlan.

Purdah – Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng pagtatabing ng tela sa


kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan.

Sex – Tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae at lalaki.

Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kanyang pag-iisip ang pangangatawan ay hindi magkatugma , siya ay maaring may transgender na
katauhan.

Women in Especially Difficult Circumstances - Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o


masikip na katayuan tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga
biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

You might also like