Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
Lungsod ng dabaw
http//www.deped-davaocity.ph
Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Taong-Panuruan: 2021-2022

Pangalan : _______________________________________________
Taon at Pangkat:___________________________________________
Iskor:____________

Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na


sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Ito ay isang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya,


impormasyon, karanasan at mga saloobin
A. Kultura B. Komunikasayon
C. Wika D. Diyalekto

2. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?


A. Filipino B. Pilipino
C. Tagalog D. Ingles

3. Ano ang kahulugan ng wika ayon kay Archibald A. Hill?


A. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
B. Ang wika ang pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao.
C. Ang wika ay nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura.
D. Ang wika ay midyumng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng
buhay panlipunan.

4. Ito ay katangian ng wika na nangangahulugang ang wika ay nagbabago,


nadadaragdagan at nalilinang.
A. Ang wika ay buhay
B. Ang wika ay may masistemang balangkas
C. Ang wika ay sinasalitang tunog
D. Ang wika ay arbitraryo

5. Sa Ilokano ang bahay ay balay, habang sa Chavacano ito ay casa. Anong


katangian ng wika ang ipinapakita dito?
A. Ang wika ay buhay
B. Ang wika ay may masistemang balangkas
C. Ang wika ay sinasalitang tunog
D. Ang wika ay arbitraryo

1
6. Sa proseso ng komunikasyon, hindi maiiwasan ang mga sagabal na
maaaring maging daan ng miskomunikasyon. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa ng sikolohikal na sagabal?
A. Hindi kaagarang naipaparating ng mga empleyado ng Gutierrez
Group of Companies ang kanilang mga hinaing sapagkat hindi sila
maaaring dumiretso sa pangulo ng kumpanya.
B. Dahil sa maingay na sound system sa mall hindi narinig ni Lea ang
pagtatapat ng pag-ibig ni Carlo sa kanya.
C. Ang dating matalik na magkaibigan ay naging mahigpit na magka-
away na dahil sa pagkakaiba sa paniniwala nila sa pulitika.
D. Si Noah ay pinipilit ng kaniyang inang matuto ng Nihonggo ngunit
wala siyang interes dito. Kaya, hindi siya nakikinig sa guro niyang
Hapon.

7. Nakikinig si Lina sa isang pangangampanya ng isang politiko sa kanilang


plaza. Anong uri ito ng komunikasyon?
A. interpersonal na komunikasyon
B. intrapersonal na komunikasyon
C. pampubliko na komunikasyon
D. wala sa pagpipilian

8. Pinag-usapan ng mag-asawa ang posibilidad na mangibang bansa upang


magkaroon sila ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
A. interpersonal na komunikasyon
B. intrapersonal na komunikasyon
C. pampubliko na komunikasyon
D. wala sa pagpipilian

9. Ang "epal (mapapel), iskapo (takas), elib (bilib), istokwa (layas), haybol
(bahay) at bomalabs (malabo)" ay mga halimbawa ng anong antas ng wika?
A. Pambansa B. Balbal
C. Lalawiganin D. Pampanitikan

10. Sadyang may pusong-mamon lang talaga si Ramon at siya ay


napakadaling magpatawad. Anong antas ng wika ang salitang
nakasalungguhit?
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Kolokyal D. Lalawiganin

11. Ito ay espesyalisadong wika na ginagamit ng mga grupong teknikal at


propesyonal.
A. Dayalekto B. Sosyolek
C. Idyolek D. Jargon

2
Para sa bilang 12 hanggang 15: Tukuyin kung anong tungkulin ng wika ang
ginamit sa mga sumusunod na pahayag.

12. Si Andrea ay lumapit kay Henry upang magtanong kung saan


matatagpuan ang Isla Reta
A. Heuristik B. Regulatori
C. Instrumental D. Impormatibo

13. Nagbigay ng impormasyon ang PAG-ASA hinggil sa pagdating ng


bagyong Yolanda.
A. Heuristik B. Regulatori
C. Instrumental D. Impormatibo

14. Kinapanayam ni Toni Gonzaga ang grupong ASKALS sa kanilang


matagumpay na paglalaro ng football.
A. Heuristik B. Regulatori
C. Instrumental D. Impormatibo

15. “Bawal ang maingay rito!” Ito ang babalang nakapaskel sa silid aklatan
A. Regulatori B. Interaksyonal
C. Instrumental D. Impormatib

16. Ano ang Language Acquisition Device?


A. Ito ang likas na kakayahan at natural na paggamit ng wika.
B. Ito ay tumutukoy sa kakayahang maunawaan ng isang indibidwal
ang wika batay sa estruktura o sa literal na kahulugan nito
C. Ito ang sentro sa lahat ng ating gawain, ito ang kaibahan natin sa
Iahat ng bagay na nilikha sa mundo.
D. Ito a tumutukoy sa kakayahan ng indibidwal na magamit ang wika
nang tama batay sa alituntuning panggramatika, sosyo-kultural, at
kontekstuwal.

17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na kahulugan ng creole?


A. Ang creole ay isang wika na naging pidgin at kalaunan ay naging
isang likas na wika.
B. Ang creole ay nabuo dahil ang dalawang tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika
C. Nagkaroon ng creole sapagkat may komunidad ng mga
tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika.
D. Isang magandang halimbawa ng creole ang Chavacano.

18. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng impluwensya ng teknolohiya sa


komunikasyon?
A. Pinadadali nito ang paghahatid ng berbal na mensahe sa
pamamagitan ng midya.
B. Nakakuha ng mga kuro kurong impormasyon
C. Nakahahanap ng kaibigan
D. Pampalipas oras

3
19. Ang Iloko, Waray at Chabakano ay ilan lamang sa mga wika sa pilipinas
na tinatawag na_________
A. Opisyal B. Panturo
C. Dayalek D. Pambansa

20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Static or Frozen register?


A. Pagtatalumpati B. Usapang magkasintahan
C. Appointment sa doktor D. Panata sa kasal

21. Ang mga akademikong sulatin ay gumagamit ng anong uri ng register?


A. Formal register B. Casual register
C. Intimate register D. Consultative register

22. Ito ay mga impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na


kakilala o kaibigan.
A. Formal register B. Casual register
C. Intimate register D. Consultative register

23. Ito ay ginagamit ng mga may katungkulan at/o may mga employer sa
isang tanggapan kung lumiliban nang walang paalam.
A. Over time B. Sick leave
C. Under time D. AWOL

24. Ito ang terminong ginagamit ng may alam sa musika.


A. Nagsha-sharp B. Justice
C. Lesson plan D. Earning

25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng modernisasyon ng


komunikasyon sa mga makabagong Pilipino?
A. Paggamit ng internet B. Paggamit ng cellphone
C. Paggamit ng Facebook D. Pagpapadala ng sulat

26. Alin sa sumusunod ang mas ginagamit na ng mga mag-aaral sa ngayon


sa pakikipagkomunikasyon sa mga malalayong kamag-anak?
A. Facebook B. Telegrama
C. Sulat D. Youtube

27. Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng mga ideya, nosyon, teorya, at


pangkalahatan, ang kahulugang maaaring nasa pasulat o pasalitang paraan,
tinuturing na pagpapalitan ng pagpapahayag.
A. Konteksto B. Pragmatik
C. Diskurso D. Interlokyutor

Para sa item 28 hanggang 31: Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng


mga salita batay sa kausap, pinag- uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan nito.
4
28. Nagsusuot sila ng vakul upang hindi maramdam ang init ng araw,
samantalang táyo ay suot-suot ang sombrero kahit walang init at nása loob
ng mall.
A. Batay sa lugar B. Batay sa kausap
C. Batay sa panahon D. Batay sa pinag-uusapan

29. Ang batalan ay katumbas ng banyo ngayon.


A. Batay sa lugar B. Batay sa kausap
C. Batay sa panahon D. Batay sa pinag-uusapan

30. Aligaga ang mga frontliners sa pagamutan dahil ilang beses na


nagkacode blue sila sa dami ng sugatan ngayong umaga bunga ng trahedya
sa minahan.
A. Batay sa kausap B. Batay sa panahon
C. Batay sa pinag-uusapan D. Batay sa grupong kinabibilangan

31. Ang mga magsasaka ay maagang lumulusong sa bukid upang hindi sila
abutan ng matinding init sa kanilang pagtatrabaho, samantalang ang mga
manggagawa sa Maynila ay lumulusong din sa baha bago makarating sa
opisina tuwing umuulan ng malakas.
A. Batay sa lugar B. Batay sa kausap
C. Batay sa panahon D. Batay sa pinag-uusapan

32. . Hayan, malamig na naman ang kape mo, kasinlamig ng pag-ibig mo sa


kaniya.
A. Batay sa lugar B. Batay sa kausap
C. Batay sa pinag-uusapan D. Batay sa panahon.

33. Ito ay tumutukoy sa isang sangay ng lingguwistika na inilalarawan bilang


pagaaral ng ugnayan ng mga anyong lingguwistiko at mga gumagamit nito.
A. Sematinka B. Pragmatiks
C. Perlocution D. Locution

34. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng illocutionary force?


A. Iniulat ng mamamahayag ang naganap na baha sa kalakhang
Maynila.
B. Tinupad ni Carlo ang kaniyang pangako sa kanyang ina na siya ay
makapagtatapos ng pag-aaral.
C. Nagtanong si Sarah kung maaari ba siyang magpasama sa labas?
D. Isinalaysay ni Maria ang kwento ng kanyang paglalakbay sa Africa.

35. Madalas na paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay


ng mga salita.
A. Radyo B. Telebisyon
5
C. Kalakalan D. Text

36. Ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan
nila ang wikang ginagamit dito.
A. Broadsheet B. Radyo
C. Pahayagan D. Tabloid

37. Ang tawag sa mga taong gumagamit sa sitwasyong pangwika sa social


media at internet.
A. Citizen B. Mamayan
C. Netizen D. Kabayan

38. Isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal na imbestigasyon ng


mga proposisyong haypotetikal tungkol sa mga natural na pangyayari.
A. Eksperimentasyon B. Pananaliksik
C. Pagtuklas D. Eksplorasyon

39. Isang uri ng pananaliksik na nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng


mga ebidensiya at aktuwal na mga datos. Ito ay nailalarawan, naihahambing,
at natutuos upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o
disertasyon na isang trabahong siyentipiko.
A. Pure Research B. Applied Research
C. Empirikal o Mala-siyentipiko D. wala sa nabanggit

40. Ang lahat ng nakasaad ay ang kahalagahan ng pananaliksik MALIBAN sa


isa:
A. Napalalawak ng pananaliksik ang kaalaman ng mga tao hinggil sa
mga bagay at ilang diskurso na kailangan pagtuunan ng pansin.
B. Umuunlad ang mga kasulukuyang sitwasyon o bagay dahil sa
pananaliksik.
C. Nagsisilbi itong ugat sa pagkatuto.
D. Nakatutulong sa araw araw na buhay ng mga tao upang magkaroon
ng kaalaman at magamit sa inobasyon at pagbuo ng mga bagong
ideya.

6
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Answer Key sa Filipino 11

1. B 21.A
2. A 22.B
3. B 23.D
4. A 24.A
5. D 25.D
6. C 26.A
7. C 27.C
8. A 28.A
9. B 29.C
10.B 30.D
11.D 31.A
12.C 32.C
13.D 33.B
14.C 34.C
15.A 35.D
16.A 36.D
17.B 37.C
18.A 38.B
19.C 39.C
20.D 40.C

Inihanda ni:

LEA MARIE SABROSO- GUTIERREZ


Subject Teacher

Iniwasto ni :

LYN VINCENT J. BALATERO, Ed D.


Head Teacher

VICENTE S. GAZO
Supervising Head

Inaprobahan ni: :

ENGR. ARMANDO S. MORALES


Cluster Head 8B PSDS

7
8

You might also like