Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Address/ Kinatatayuan: Sta. Mesa , Maynila

PAMAGAT: PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP, AT PNU SA


KURIULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA
PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO

MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACE A. MORENO, AIZA R. GONZAGA, JOY


ZERLAINE S. FELLIZAR, ARNEL C. BALAURO, OLIVER GLENN S. OMAC AT ROLINA
B. CASTILLO

Kurso: Batsilyer sa Artes sa Fili[inolohiya minor sa Komunikasyong Pngmadla

Pondo: Personal at sa mga magulang

Petsang Nagsimula: Oktubre, 2006

Petsang Natapos: Oktubre, 2007

I. Panimula

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo.


Oto ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga
guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon.

Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibesidad sa Pilipinas tulad ng UP,


PUP, at PNU, ihahain sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging
ginagampanan ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking
kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang
Filipino.

II. Mga Layunin ng Pag-aara

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang kursong may
malaking kinalaman sa wikang Filipino?

2. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad


sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad


sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang
Filipino?
4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon
ang mga sumusunod:

a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang


Filipino

b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang


pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino

5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programngpangkolehiyo sa tatlong piling


unibersidad sa Pangkalahatang Edukasyon na inihain ng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensiyang pangwika kaugnay sa


pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. Saklaw at Limitasyon

You might also like