1. Ang kwento ay tungkol sa katatagan ng pag-ibig ng isang magkasintahan. Nagsimula
ang kwento ng ipinapahayag ng magkasintahan ang pagmamahal nila para sa isa’t isa, sila ay si Roman at si Ninay. Tapos biglang tumatak sa isip ni Roman ang kanyang kinabukasan, iniisip niya ang malungkot na mangyayari kapag siya’y malayo kay Ninay, pero sinabi niya na malaki na daw sila at kinakailangang ipagpatuloy ang kanilang pag- aaral. Kaya humingi ng pahintulot si Roman kung pwede siyang lumisan sa Maynila, pero natatakot si Ninay na baka siya ay makalimutan ni Roman. 2. Patuloy pa rin nilang pinaguusapan ang paglisan ni Roman, at sinasabi niya na hindi niya makakalimutan si Ninay saan man siya pupunta. Ang pagpatuloy ng pag-aaral ay nais ng magulang ni Roman, at hindi maiwasan ni Ninay na umiyak. Sa huli, pinayagan ni Ninay si Roman na lumisan papunta sa Maynila. 3. Dumating ang araw, nagpaalam si Roman sa kanilang nayon at patuloy nang umalis. Nakaranas si Ninay ng sobrang kalungkutan, pero nasanay na siya ng lumipas ang ilang araw. Natapos na ang apat na taon, at si Roman ay hindi nakatapos ng hayskul, dahil lagi siyang naglilibang at nahirapan siyang mag-aral, subalit sa kabila ng pagkabigo ay mayroon naman siyang pinagkakakitaan at ito ay sapat na para sa kanyang pangangailangan. 4. Apat na ang taon na lumipas, at hindi pa nakakallimutan ni Roman si Ninay, at si Ninay naman ay patulong pa ring umaasa na hindi siya kalilimutan ni Roman. Isang araw ay bumalik si Roman mula Maynila, pero siya ay nakakaranas ng sakit. Nabalitaan ni Ninay ang pagbalik at kalagayan ni Roman, kaya agad niyang pinuntahan ito pagkatapos ng hapunan, kasama ang kanyang maliit na kapatid. 5. Nang nakarating na sila sa bahay ni Roman, sinabihan sila wag magsalita ng malakas dahil magigising si Roman, subalit nang marining ni Roman ang tinig ni Ninay ay dumilat siya at sinubukang tumayo pero hindi niya kaya, at tinawag niya si Ninay. Nag-usap sila at sinabi ni Ninay kay Roman na magpagaling siya, at mas lalong lumakas ang tiwala ni Roman na siya ay gagaling. 6. Isang masayang araw ang dumating at gumaling si Roman, kaya inisip ng kanyang magulang na ipagdiwang ang kanyang pagkagaling at pasalamatan ang Diyos dahil dito. Sila ay nag-awitan at nagtulaan, at nang uwian na, inisip ni Roman na iuuwi niya si Ninay sa kanyang bahay. Nakarating na sila sa bahay ni Ninay at sinabi ni Roman ang kanyang planong mag-usap at maging tapat sa kanya, kaya pumunta sila sa lagi nilang inuupuan kapag lulubog na ang araw. 7. Tinanong ni Roman kay ninay kung siya ay napatawad na niya, at iginiit ni Ninay na wala naman siyang ginawang kasalanan. Sinabi ni Roman ang kanyang plano na hilingin ang kamay ni Ninay at titira sila sa Maynila, pero gusto lamang ni Ninay na manatili sa nayon. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, pinipilit pa rin ni Roman na sumama si Ninay sa kanya sa Maynila, pero ayaw pa rin niya at sinabi niya na hindi ganyan ang Roman na nakilala niya bago lumisan sa Maynila. 8. Patuloy nang umalis si Roman ng may galit sa kanyang puso. Hindi nakatulog si Ninay at nakaranas siya muli ng kalungkutan halos buong araw, at pinangkako niyang hindi siya muling magmamahal upang hindi na muling masaktan ang kanyang damdamin. Pagkatapos ng ilang oras, dumating si Roman at nagulat si Ninay, sinasabi niya na hindi na siya aalis, humingi siya ng tawad mula kay Ninay at pinatawad naman siya, pinangako niya na hindi na siya muling luluwas. 9. Ang plano ni Roman ang maging magbubukid na lamang siya at magiging sapat ito sa plano nilang magkaroon ng pamilya. Inakala ni Ninay na siya ay nagbibiro pero hindi dahil sinabi niya sa kanyang magulang na siya ay magiging magsasaka na lamang at hindi siya luluwas kailanman. Sobrang natuwa si Ninay at nagpasalamat si Roman. Sa huli, nabigyan sila ng pahintulot upang magpakasal at patuloy nang lumaki ang pagmamahal nila sa isa’t isa.