Aral Pan 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Araling Panlipunan Grade 7

Pangalawang Markahang Pagsusulit


Pangalan: Baitang at Pangkat: Iskor:

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon at katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong at itiman
ang bilog .
PANUTO: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan.
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain.
C. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
D. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao.

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?


A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulat.
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado.
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat.
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat.

3. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng Langit” ang kanilang emperor, ano ang
iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
A. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
B. Namumuno siya dahil pinili siya ng mamamayan na anak ng Diyos.
C. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at tinalaga siya ng Diyos.
D. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.

4. Sa Tsina, ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae. Tinatanggalan sila ng kuko, binabalian ng buto sa daliri
at binabalutan ng bondage at bakal ang paa. Ano ang implikasyon nito sa kanilang kultura?
A. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain.
B. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
C. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
D. Naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.

5. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?


A. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay.
B. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang.
C. Dahil ito ang nagsilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino.
D. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba’t iba nilang wika.

6. Hindi naging malawak ang mga Karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay batay sa
kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng paniniwala nila ang suttee o
sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy ng sinusunog na asawang lalaki. Bahagi din ng kulturang
India na,
maaari
lamang kumain ang babaeng asawa kung tapos ng kumain ang kaniyang asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtingin
ito sa mga kababaihang Asyano?
A. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan.
B. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa imperyo.
C. Hindi pinagkalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
D. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado ang kanilang mga karapatan sa lipunan.

7. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?


A. Mga seda at porselana C. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel D. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform

8. Maaaring narinig mo na mula sa isang galit na tao ang mga katagang “Kakarmahin din sya balang araw” o di kaya,
“Makarma sana siya.” Kapag ito’y napakinggan, tila ba ang tao na nagsasabi nito ay nais mapahamak ang taong
kanyang
pinagsasabihan. Marahil nakatatak sa isipan ng ibang mga tao na ang karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit
hindi ito ang tunay na diwa ng karma. Ang tunay na diwa ng karma ay …
A. Ang Mabuti at di-mabuting gawa at may katumbas na Mabuti at di-mabuting resulta.
B. Ang paniniwala na ang gawang mabuti ay resulta ng mabuting gawa lamang sa kapwa.
C. Ang pagtugon sa masamang pangyayari sa kapwa ay produkto nang negatibong karanasan din sa kapwa.
D. Ang ating mga gawain ay kasama natin maglalakbay kahit saan at kahit gaano kalayo man ang ating marating
sa buhay. Kung ano man ang ating nagawa noon ay siyang naghubog kung ano tayo ngayon.
9. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang
diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Hanging Garden C. Taj Mahal D. Ziggurat

10. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
B. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito.
C. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa.

11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa Kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.
B. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
C. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon.
D. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay
malayo sa mga tao.

12. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang suttee o sati bilang kultura ng India noong sinaunang panahon?
A. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog.
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalaki
C. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal.
D. Nagpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay.

13. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at
kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao.
Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
B. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
C. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa.
D. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa.

14. Ito ay ang kaisipang Asyano na sinasabing ang pinuno ay hindi maaaring palitan o tanggalan ng tungkuling
mamuno?
A. Cakravartin B. Devaraja C. Divine Origin D. Sinocentrism

15. Anong kabihasnan ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?


A. Indus B. Lungshan C. Shang D. Sumer

16. Alin sa mga sumusunod na Sistema ng pagsulat ang nalinang sa kabihasnang Indus?
A. Caligraphy B. Cuneiform C. Pictogram D. Stero

17. Si Amaterasu Omikami ang kinikilalang diyosa ng araw ng mga Hapones na kung saan pinaniniwalaang sa
kanya nagmula ang mga emperador ng Japan. Sino naman ang pinaniniwalaang diyos ng pag-ibig at
kaligayahan ng mga taga Mesopotamia?
A. Inanna B. Indra C. Marduk D. Nammu

18. Sa panahong ito umaasa ang mga tao sa kanyang kapaligiran, ang mga lalaki ay nangangaso at ang mga
babae ay nagluluto. Anong panahon ang tinutukoy nito?
A. Neolitiko B. Mesolitiko C. Paleolitiko D. Metal

19. Mahalaga ang naging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya, Pictogram sa Indus, Calligraphy sa
Tsina at Cuneiform sa Sumer. Ano ang pinatutungkulan nito?
A. Sistemang politikal C. Sistemang panrelihiyon
B. Sistemang pagsulat D. Sistemang pang-ekonomiya

20. Nagsimula ang kabihasnang Tsino sa lambak ng ilog Huang Ho. Saan naman nabuo ang kabihasnang Sumer?
A. Ilog Pasig C. Ilog Brahmaputra
B. Ilog Cagayan D. Ilog Tigris at Euphrates

21. Iba-iba ang sistema ng pagsulat ang nalinang ng mga sinaunang kabihasnan. Ano ang tawag sa sistema ng
pagsulat ng mga Tsino?
A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglyphics D. Pictogram
22. Kilala ang Tsina sa pagiging tanyag pagdating sa usaping politikal. Ano ang tawag sa pamumuno kung saan
ang posisyon o kapangyarihan ay naisasalin sa angkan o pamilya?
A. Botohan B. Dinastiya C. Kapangyarihan D. Lakas at kakayahan

23. Sa lumang vedic sa India, ang mga kababaihan lamang na mula sa angkan ng ang maaaring mamili
ng sariling mapapangasawa.
A. Brahmins B. Kshatriyas C. Vaishyas D. Sudras

24. Nagpatuloy ang pagbabago dahil sap ag-agapay sa pagbabago ng kapaligiran. Natutong magpaamo ng hayop at
gumawa ng mga damit na galing sa mga balat ng hayop bilang proteksiyon ng kanilang katawan. Anong panahon
ang tinutukoy dito?
A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D. Metal

25. Sa panahon ng pamumuno ni Jimmu Tenno hanggang sa pamumuno ni Emperador Hirohito ng Japan, mataas
ang pagtingin ng mga mamamayan sa kanilang buhay para rito. Ano ang dahilan nito?
A. Naniniwala sila na sensitibo ang kanilang hari.
B. Naniniwala sila na ang kanilang pinuno ay hari ng buong daigdig.
C. Naniniwala sila na mula sa angkan ng mga Diyos ang kanilang pinuno.
D. Lahat ng nabanggit

26. Ano ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang Shang na karaniwang nakasulat sa mga oracle bones?
A. Calligraphy B. Cuneiform C. Pictogram D. Sanskrit

27. Ang mga kaisipang Asyano ay naging batayan o pundasyon sa pagbuo ng pamayanan, estado at imperyo sa Asya.
Alin ang kaisipang naging gabay ng mga Tsino?
A. Banal na pinagmulan C. Naliwanagan
B. Devaraja D. Sinocentrism

28. Naniniwala ang mga Tsino ng kabihasnang Shang sa paggalang at pagsamba sa mga ninuno. Alin sa mga
sumusunod na dahilan ang nagpapaliwanag dito?
A. Ang mga ninuno ay itinuturing na Diyos
B. Ang mga ninuno ang kanang kamay ng Shang
C. Ang mga ninuno ang nagbibigay biyaya sa Shang
D. Ang mga ninuno ay tagapamagitan sa mga nabubuhay

29. Tanyag ang Tsina sa pagbuo ng sinaunang kabihasnang Asyano. Ang kanilang imperyo ay itinuturing na Zhongguo
o middle kingdom. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng katawagang ito?
A. Kabilang sila sa gitnang kaharian
B. Kabilang sila sa sentro ng imperyo ng daigdig
C. Kabilang sila sa maliit at maunlad na kabihasnan
D. Kabilang sila sa sibilisado dahil sa turo ni Confucius

30. Ang mga sumusunod ay kabilang sa sinaunang kabihasnan sa Asya. Alin ang HINDI?
A. Indus B. Persian C. Shang D. Sumer

31. Pinakamahalagang tuklas sa panahong Paleolitiko ang apoy. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
pangunahing gamit nito?
A. Pantaboy sa masamang espiritu.
B. Magbigay liwanag sa tahimik at madilim na gabi.
C. Upang makita ang mga taong manloloob sa kanilang bahay.
D. Ginamit sa pagluluto, pagbibigay init at proteksiyon sa mababangis na hayop.

32. Alin ang HINDI kabilang sa mahalagang kontribusyon ng mga sinaunang lipunan sa Asya?
A. Hanging Gardens of Babylon C. Great Wall of China
B. Mahabharata D. Ruta ng mga Espanyol

33. Dumating sa Mesopotamia ang mga Sumerian 600 na taon na ang nakalilipas. Samantala ang unang sibilisasyon
sa Tsina ay nagsimula 3000 taon na ang nakalilipas. Bakit magkakaugnay ang Ilog Huang Ho sa Tsina at Ilog Tigris
at Euphrates sa mga kabihasnang ito?
A. Ito ay sentro ng kanilang pamahalaan.
B. Ito ay sentro ng paglalaban ng mananakop.
C. Dito nagsimula ang mga lagalag na tribu sa bansa.
D. Dito kapwa nagsimula ang unang kabihasnan ng dalawang bansa.

34. Bakit mahalaga ang pilosopiyang Confucianism sa tradisyunal na panahon ng Tsina?


A. Umunlad ang ekonomiya ng Tsina.
B. Nagkaroon ng katahimikan at katangiang politikal ang Tsina.
C. Naging pamantayan ito ng tamang pagkilos at kaayusan sa lipunan.
D. Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang Tsina sa mga karatig bansa.

35. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong
kultura, mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
B. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
C. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa.
D. Ang lumang kultura at tradisyon ay pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa.

36. Paano tinatrato ang kababaihan sa sinaunang Asya?


A. Mas mataas na kalagayan sa lipunan.
B. Hindi sila binigyan ng karapatan at pagpapahalaga sa lipunan.
C. Walang nakukuhang pakinabang ang mga magulang at lipunan.
D. Pinakikinabangan ng mga magulang na parang produkto na maaaring ibenta.

37. Alin ang HINDI totoo ayun sa kodigo ni Hammurabi?


A. Ipinagkakasundo sa isang lalaki ang babae kapalit ng pera o dote.
B. Parang produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan ang mga batang babae.
C. Nakakapili ang mga kababaihan ng mapapangasawa pagsapit ng sapat na gulang.
D. Ang mga kababaihan ay walang layang magdesisyon para sa ikabubuti ng kanilang kalagayang panlipunan.

38. Kung sakaling ipatutupad sa kasalukuyang panahon ang batas ni Haring Hammurabi tungkol sa kababaihan, ano
ang maaaring maging epekto nito sa kababaihan?
A. Madaling tanggapin at sundin.
B. Maaring tutulan at ipaglaban ang Karapatan.
C. Mauuwi sa malawakang kaguluhan at karahasan.
D. Mawawalan ng pagkakataon ang mga kababaihan na maipakita ang kanilang kakayahan.

39. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa kalagayang panlipunan ng mga kababaihan
noong sinaunang kabihasnan sa Asya?
A. Ang mga kababaihang Muslim ay kinakailangang magbelo.
B. Pinagsusuot ng sapatos na bakal ang mga babaeng Tsino para hindi makalayo sa tahanan.
C. Tradisyon ng mga Hindu na pagtalon ng asawang babae sa apoy ng sinusunog na asawang lalaki.
D. Karapatang sunugin ng babae ang asawang lalaki kapag kulang ang dote o bigay-kayang ipinagkaloob.

40. Ang Tsina ay matatag, maunlad at may maayos na kabuhayan nang matapos ang imperyong Romano sa
kanluran kaya naman tinawag at nakilala ito bilang:
A. Dynastic Cycle B. Gitnang Kaharian C. Estadong Dharma D. Panginoon ng daigdig

41. Ang sistema ng panggagamot ay nagmula pa sa Tsinan a isinasagawa sa pamamagitan ng pagtuturok ng karayom
ay tinatawag na .
A. Acupuncture B. Ayurveda C. Buljo jikji simcha yojeol D. Ikebana

42. Ang ziggurat ay pinakamalaking gusali sa Sumer, ito rin ang templo kung saan matatagpuan ang kanilang lider. Ano
ang
tawag sa lider-ispiritwal at politikal ng mga Sumerian.
A. Emperador B. Hari C. Haring pari D. Regent

43. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang higit na maunawaan ng iba pang Asyano ang naging pamumuhay
at kultura ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Magdaos ng mga pagtatanghal na magpapakita ng mga bagay na sumasalamin sa naging pamumuhay sa
sinaunang kabihasnan.
B. Magsaliksik sa mga libro at internet ng impormasyon hinggil sa naging pamumuhay sa sinaunang kabihasnan.
C. Imbitahan ang mga tao na nagtataguyod sap ag-aaral patungkol sa pagsibol ng mga sinaunang kabihasnan.
D. Magpunta sa bawat lugar kung saan sumibol ang mga sinaunang kabihasnan.

44. Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones at Korean sa pinagmulang lahi ng kanilang mga emperador.
A. Animism B. Divine origin C. Devaraja D. Sinocentrism
45. Pinaniniwalaang umusbong sa mga lambak-ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya, ang Sumer, Indus at
Shang. Bakit dito umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
A. Sapagkat maraming isda ang maaaring makuha dito.
B. Sapagkat dito nakikipagkalakalan ang mga sinaunang Asyano.
C. Sapagkat dito maraming luwad na magagamit sa paggawa ng ladrilyo.
D. Sapagkat dito maaaring kumuha ng kabuhayan ang mga sinaunang tao dahil sa malusog na lupain nito.

46. Bakit higit na marami ang nalalaman natin sa Kabihasnang Sumer kaysa sa Kabihasnang Indus?
A. Dahil mas mahusay ang mga Sumerian.
B. Dahil unang natuklasan ang kabihasnang Sumer.
C. Dahil walang naganap na kalakalan sa kabihasnang Indus.
D. Dahil hindi pa nababasa ng mga eksperto ang mga nakalimbag na sulatin sa Indus.

47. Ang mga tao noon ay nakapamuhay ng permanente at nakapagtatag ng mga pamayanan, ibig lang sabihin nito
na nakabuo sila ng mga kabihasnan. Ano ang kabihasnan?
A. Pamumuhay na may kaguluhan.
B. Pamumuhay sa matahimik na kagubatan.
C. Pamumuhay na dulot ng walang kaalaman.
D. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.

48. Kapansin-pansin ang pagkakatulad ng plano ng lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa sa kabihasnang Indus. Ano
ang ipinahihiwatig nito?
A. Nagdidigmaan ang dalawang lungsod.
B. Iisa ang gumawa ng dalawang lungsod.
C. May magandang ugnayan ang dalawang lungsod.
D. Sentralisadong pamumuno ang pamunuan ng dalawang lungsod.

49. Kung ang mga sinaunang Asyano ay natuklasan ang paggamit ng kagamitan na yari sa tanso, at sinundan ng
pagkakatuklas ng kagamitang yari sa bakal na mas nagustuhan nila. Bakit kaya nila ito mas higit na
nagustuhan?
A. Dahil higit na matibay kaysa sa tanso.
B. Dahil mas higit na modern ang bakal kaysa sa tanso.
C. Dahil higit na mataas ang presyo ng bakal kaysa sa tanso.
D. Dahil higit itong pinagtuunan ng mahabang panahon sa paggawa.

50. “Huwag mo gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”. Bakit ito binigyang halaga ni Confucius sa mga Asyano?
A. Dahil sa pagpapahalaga sa pamilya.
B. Dahil sa pagpapahalaga sa mga pinuno.
C. Dahil sa pagpapahalaga sa kabutihang asal.
D. Dahil sa pagpapahalaga sa mga nakatatanda.

51. Sa sinaunang kabihasnan sa Asya, ang mga tao ay may pinaniniwalaang mga diyosa. Ano ang patunay nito?
A. Mga nakalimbag na akda sa mga pahayagan.
B. Natagpuang mga labi ng mga namatay na kababaihan.
C. Mga kwentong pinagpasa-pasahan ng ating mga ninuno.
D. Natagpuang petroglyph sa hilagang Asya na naglalarawan ng mga hayop at mga babaeng Shaman na may sungay.

52. Sa sinaunang Tsina, ayon sa ideolohiya ng Confucianism, ang mga babae ay may tungkulin sa bawat yugto ng
kanilang buhay, kasama na rito ang .
A. makilahok sa kalakalan.
B. may karapatang mamili ng mapapangasawa.
C. pagsilbihan ang kanilang asawang lalaki at pamilya nila.
D. ikinakasal sa mapapangasawa at sa buong pamilya ng lalaki.

53. Ang mga sumusunod na batas ay naaayon sa kodigo ng batas ni Haring Mannu MALIBAN
sa ?
A. Ang lahat ng mga ritwal na walang paggalang sa babae ay walang saysay.
B. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng kamatayan.
C. Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki sa kanyang asawang babae.
D. Ang ama ng isang babae na tumatanggap ng dote ay maihahalintulad sa isang tao na nag-aalok ng babae sa lalaki.
54. Sa Japan, kilala siya bilang diyos ng araw, itinuturing na pinakamahalagang diyos at pinaniniwalaang ninuno
ng maharlikang pamilya?
A. Amaterasu Omikami B. Inanna C. Indra D. Marduk

55. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa kalagayan at gampanin ng kababaihan sa sinaunang lipunan,
MALIBAN sa .
A. Tinitingnan ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya.
B. Sa Babylonian pinapayagang maging high priestress ang mga babae.
C. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng kamatayan.
D. Itinuturing na ang mga anak na babae ang siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.

56. Sa larangan ng literature, alin ang itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan?


A. Epiko ng Biag ni Lam-Ang C. Epiko ng Manas
B. Epiko ng Gilgamesh D. Epiko ng Mahabharata at Ramayana

57. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga naging pamana ng mga Hapones MALIBAN sa isa:
A. Cha-no-yu (Tea Ceremony) C. Origami (Paper Folding)
B. Ikebana (Flower Arrangement) D. Feng Shui (Geomancy)

58. Alin sa mga sumusunod na pamana ng sinaunang Asyano ang HINDI naimbento sa panahon ng dinastiyang Han?
A. Kalendaryo C. Paggamit ng 12 zodiac signs
B. Star Map D. Pagtatala ukol sa planeta

59. Ang Sexagesimal System na kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig ay naimbento ng
mga:
A. Hindu C. Pilipino C. Sumerian D. Tsino

60. Bilang mamamayang Asyano, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa mga naging kontribusyon ng mga
sinaunang lipunan at komunidad sa Asya?
I. Ipagmamalaki ko ang mga gawang Asyano
II. Tatangkilikin ko an mga produktong Asyano
III. Sisikapin ko na makapag-ambag para sa lipunang Asyano
IV. Uunahin ko na tangkilikin ang mga produkto na naging ambag mula sa ibang kontinente

A. I-II-III B. I-II-IV C. I-III-IV D. II-III-IV

You might also like