Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KYLA S.

CORPUZ 10- Libra


Gawain 5
1. Si Kibuka ang pangunahing tauhan sa Ang Alaga.
Kalakasan: mapagkakatiwalaan, masipag, at mapagmahal
Kahinaan: negatibong mag isip, sobrang pag mamahal sa iba na hindi na niya naiisip ang sarili,
sensitibo
2. Ang isang alaga na mayroong pagpapahalaga ay nag reresulta ng maayos na kalusugan at
malapitin sa amo. Sinusuklian ng alaga ang kanyang amo sa pamamagitan ng pag iintindi at
pagsunod sa mga utos nito.
3. Labis labis na pagmamahal ni Kibuka sa kanyang alagang baboy. Dahil sa ating lipunang
ginagalawan, handa tayong ibigay at ibuhos ang lahat para lamang sa ating mga minamahal.
Dumadating din ito sa punto na tayo ay nauubos at hindi na nabibigyan ng pansin ang ating sarili at
patuloy tayong nilulunod ng kasiyahan.
4. Binibigyan ako nito ng aral, paalala, at reyalisasyon na hindi ko kailangang ibigay ang lahat sa iba
dahil walang permanente sa mundo. Kailangan ko munang mahalin ang aking sarili at wag na wag
itong pababayaan. Wag sanayin ang sarili sa kasiyahan dahil mas masakit ito kung mabibigla sa
katotohanan ng buhay.
5. Sarili- Mahalin ang sarili at bigyan ito ng pansin.
Lipunan- Mahalin at pangalagaan ang iyong paligid.
Daigdig- Walang permanente sa mundo, kung kaya’t tayo ay mag enjoy at gawin ang
nakakapagpasaya sa atin. Ngunit hindi rin maaaring takasan ang ating reyalidad.
6. Ang makatotohanang pangyayari ay ang pagkakaroon ng trabaho at retiro ni Kibuka at ang buhay
nito ngunit ang hindi makatotohanang pangyayari naman ay ang paggamit ng gamot na panlunas
sa lahat ng sakit.
7. Oo dahil ang bansang Africa ay kilala sa kanilang pagmamahalan, pagpapahalaga, at
pagtutulungan.
8. Hindi ginusto ni Kibuka ang sinapit ng kanyang alaga at di niya inakalang ganun ang mangyayari sa
kanyang alaga. Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang tanggapin ang reyalidad at
iyon lamang ang makakain sa kanilang hapag.
9. Hindi, ang ninanais kong wakas niya ay ang kanyang alaga ay karapat dapat na bigyan ng
mahabang buhay ang kanyang alaga at mabigyan ng maraming biik upang mabigyang ng kapalit
kung ito’y mawawala na.
10. Upang mag bigay ng aral kahit sa maikling kwentong paraan. Ito ay dapat ginanap sa isang bukirin
na puno ng mamamayan, panahon ng mga sinauna noong maayos pa ang pamumuhay ng mga
tao.

Gawain 5
1. Mapagmahal, determinado, matapang, at malakas
2. Ipinanganak si Sundiata nang hindi nakakalakad. Namatayan ng ama kaya ipinatapon sila sa likod
ng palasyo. Masama ang ugali ng isa pang asawa ng kanyang ama. Pinuntarya ni Sumaora ang
kaharian ng mga Mandinka.
3. Oo dahil katulad na lamang sa politika na may nagaganap na agawan ng posisyon o kapangyarihan
at maging sa mga pamilya o kamag-anak na nag aagawan ng mana.
4. Oo dahil napagtagumpayan niyang labanan ang mga pananalakay.
5. Ang pagdidisiplina ng kanyang ina katulad ng pamamalo ay hindi niya na lamang nilabanan bagkus
ay kanyang inintindi sapagkat parte ito ng pagdidisiplina. Pati na rin ang wakas ng kwento ay aking
nagustuhan.
6. Si Sundiata. Dahil hindi ko rin nagagawang lumaban kung ako ay dinidiplina ng aking mga
magulang dahil parte ito ng aking paglaki at disiplina sa sarili.
7. Hindi, dahil hindi niya naisip ang kapakanan ng iba.
8. Para sa huli ay wala tayong pagsisihan at upang tayo ay mag tagumpay sa anumang gagawin at
magkaroon ng maayos na resulta.

You might also like