Ang mga tao sa Panahong Paleolitiko ay gumagamit ng mga kagamitang
gawa sa matatalim na bato at graba. ang panahong ito ay naganap may 2 milyong taon na ang nakararaan. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang paggamit ng APOY. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, kinailangan nilang i- angkop ang kanilang sarili sa mga lupaing magmalalamig na klima. Dito rin natuklasan ang kainaman ng paggamit ng apoy sa pagluluto. Dahil sa kawalan ng tiyak na pananahanan, natuklasan nila ang pag-iimbak ng pagkain mula sa kanilang pangangaso. Patuloy na pagdami ng tao at nagbibigay-daan sa mesolitiko. Panahong Mesolitiko
Ang mesolithic o Middle Stone Age ay ang nasa pagitan panahong
Paleolitiko at panahong Neolitiko. Ang ilang kagamitan tuklas na panahong ito ay ang mga blade, point, lunate, trapeze, craper, at arrowhead. Karaniwan na rni ang mga kagamitang may kombinasyon ng kahoy o buto o di kaya'y balat ng hayop , pagpapalayok, at paggawa ng buslo. ito ang dahilan kung bakit tinawag na kulturang materyal ang Panahong Paleolitiko. Pangangaso at pag-iimbak ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, at iba pa ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa panahong ito. Nagsimula rin dito ang pagpapaamo sa mga hayop tulad ng aso at ligaw na lobo. Natuklasan ng Panahong Mesolitiko ay may mga nakagawin ritwal ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng isang pamilya o kamag-anak na kasapi ng isang pamayanan. Tinatayang ang panahong ding ito ang naging hudyat ng transportasyon ng tao mula sa pagiging taong barbaro. Panahahon Neolitiko
Ang panahong neolitiko ay naganap may 10,000 taon na ang
nakakaraan. Ang karamihan sa mga tuklas noong panahong ito ay naging batayan ng makabagong panahon. sa panahong ito, natutuhan na ng mga tao na pakinisin, patalasin, at patulasin ang kanilang mga kagamitan upang higit na maging kapaki-pakinabang sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. Sa pamamagitan ng pangangaso, natutuhan, ng taong magsaka at maghayupan nagsimula ang kanilang pirmihang paninirahan Sa panahon ng pirmihang paninirahan, napaunlad ng mga tao ang pagiging malikhain. Lumikha rin sila ng iba pang kagamitan. Natutunan nila ang paghahabi nang tela at pagawa ng kagamitan mula sa luwad at iba pang bagay na kapakipakinabang sa kanilang pamumuhay. Ang relihiyon ay higit ding organisado sa panahong ito. Panahong Metal
Nabuo ang panahong metal dahil na rin sa patuloy na paglaganap at
pagbabago sa lipunan. sa paglaon ng panaho, ang mga kagamitang bato ay napalitan ang mga kagamitang metal at sa pagdaloy pa ng panahon ay napalitan ng tanso, natuklasan naman ang mga sinunang tao ng higit na matitibay na metal na bakal na gamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.