Pangkat 1 ESP Position Letter

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
PAMBANSANG PUNONG REHIYON
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD QUEZON

PAARALANG SEKONDARYA NG
QUIRINO
MOLAVE ST., PROJECT 3, QUEZON CITY

Ang Aming Mapanindigang


Posisyon

Ipinasa nina: Ipinasa kay:

Alba, Precious Nicole Bb. Abegail Benito


Andaya, Sheilamae Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Arizala, Gerald Andrei
Arcillas, Nathalie
Atienza, Archie
Banatao, Xander Vincent
Dimson, Noemi
Dingal, Rachel
Dollente, Wendy Denice
Francisco, Renard Ivo
Masangcay, Clyde Neo
Morales, Benvolio
Olop, Hannah Bea
Pascual, Joarnie Anne
Primor, Nathalie
Santelices, Ravi Edriel

Address: Molave St., Project 3, Brgy. Duyan-Duyan, Quezon City


Telephone No.: 7744-3723/8508-7965
E-mail: quirinohighschool@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
PAMBANSANG PUNONG REHIYON
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD QUEZON

PAARALANG SEKONDARYA NG
QUIRINO
MOLAVE ST., PROJECT 3, QUEZON CITY

I. PAMAGAT
Alkoholismo: Ang Mapanirang Epekto ng Alak sa Sistema ng Tao

II. PANIMULA
• Ang alkoholismo ay isang problema kung saan nagkakaroon ng adiksyon o labis na
pag-iinom sa alak. (Localrehab, 2017). Maaari itong magbigay ng maraming
negatibong epekto, hindi lang sa sa sarili kundi pati na rin sa mga tao sa paligid.
Nagkakaroon ito ng masamang epekto sa sarili, lalong lalo na sa kalusugan. (Ritemed,
2022). Mapapansin natin sa kasalukuyan ngayon na marami nang umiinom na
kabataan. Ito ay ginagawa nilang "coping mechanism" kung ito'y tawagin nila. Sa
paraang ito, dito raw ay nailalabas nila ang kanilang mga problema at nakakaramdam
sila ng saya na tila ba'y nakakalimutan nila na wala silang problema. (Sandstone Care,
2022). Ngunit naiisip kaya nila ang kahihinatnan ng kanilang kalusugan at
kinabukasan sa pag inom ng alkohol sa murang edad?

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU


a. Sa pagsisimula, kung susumahin ay maraming tao na ang naging hilig ang pag-inom
ng alak; parte na ng kanilang buhay at ginagawa itong pang-alternatibo sa tubig, sa
araw-araw na pag-inom nito. Ayon sa Department of Health ay 40% ang estimadong
bilang ng mga Pilipinong kabataan ang naitalang umiinom ng alak noong makaraang
buwan(Amul, 2023). Maraming dulot ang alak sa katawan ng tao. Kanilang inilalathala
na ang pag-inom ng alak ay tunay na may magandang dulot sa isang indibidwal.
Maliban sa ito'y nakababawas ng lebel ng stress sa isang tao, ay ito ang kanilang daan
upang makalimot pansamantala sa kanilang problema o sa kung ano mang bigat na
nararamdaman nila. Nagsimula sa patikim-tikim, hanggang sa dumalas, at ang iba'y
inaaraw-araw na. Sa nakamamanghang dulot ng alak na kapag tumama sa iyo ay parang
isang drogang nakakaadik; nakagagaan sa pakiramdam at pampaantok, upang lisanin
ang tunay na mundo, ang kanilang mga problemang kinakaharap. Sa pagdaragdag, sa
pag-inom ng alak ay umiiba ang nagiging takbo ng isip ng tao maging ang bugso ng
damdamin nito. Ang mga bagay na hindi kayang gawin kapag sila'y nasa katinuan, ay
nagagawa nila kapag sila'y nalasing na sa alak. Nagiging sarado ang utak at wala ng
pakialam o ulirat sa mga nangyayari sa kanyang paligid, at tanging pagsasaya lamang
ang nasa isip.

Address: Molave St., Project 3, Brgy. Duyan-Duyan, Quezon City


Telephone No.: 7744-3723/8508-7965
E-mail: quirinohighschool@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
PAMBANSANG PUNONG REHIYON
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD QUEZON

PAARALANG SEKONDARYA NG
QUIRINO
MOLAVE ST., PROJECT 3, QUEZON CITY

b. Sa kabilang banda naman, marami pa rin sa mga indibidwal ang hindi pabor sa
alkoholismo sapagkat marami itong hindi magandang dulot sa kalusugan, maging sa
pamumuhay ng tao. Ang regular na pag-inom ng alak ay maaaring magdulot ng sakit
sa atay, kanser, sakit sa puso, stroke, atbp. Ito rin ay maaaring maging sanhi ng mga
komplikasyon sa utak gaya nalang ng at depresyon at anxiety. (Centers for Disease
Control and Prevention, 2024). Bukod sa epekto sa kalusugan, ayon sa nakararami, ang
labis na pag-inom ay nagdudulot ng matinding tensyon sa tahanan na nagdudulot sa
mga hidwaan at hiwalayan. Malaki rin ang ginagampanan ng alak sa mga krimen at
karahasan. Ayon sa pag-aaral, ng labis na pag-inom ay nagdudulot ng kawalan ng
kontrol sa sarili na maaaring mag dulot sa agresibong pag-uugali ng tao.

Kaugnay pa nito, iniisip na ito'y nagbibigay sigla at gising, ngunit sa totoo lang, ito'y
nagpapatamlay at nagpapabagal sa ating central nervous system. Kahit maliit na dami
ng alak ay may epekto sa ating pag-iisip at desisyon. Ang sobrang pag-inom nito ay
maaaring maging sanhi ng kamatayan. Kahit matanggal ito sa katawan, iniwan nito
ang lason na maaring magdulot ng mas malalang mga problemang pangkalusugan.
Ang pag-inom ng alak ay naglalagay rin ng panganib sa lipunan tulad ng pagtaas ng
bilang ng krimen tulad ng pagpatay, pambubugbog, pagtangka sa buhay, pagnanakaw,
at panloloob. Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming kabataan ang
umiinom ng alak ay ang impluwensiya ng kanilang mga kaibigan. Sa dami ng ating
nakakasalamuha, marami tayong nagiging kaibigan na maaaring tumulong sa atin o
magdulot ng negatibong impluwensiya. Ang peer pressure ang nagtutulak sa kanila na
subukan ang alak, lalo na kung ang kanilang mga kaibigan ay mahilig dito. Bukod pa
rito, maraming kabataan ang nahihirapan sa kanilang pag-aaral at napipilitang
magtrabaho nang maaga dulot ng sobrang pagod. Ang ilan sa kanila ay umaasa sa
alak upang mawala ang kanilang mga problemang pangkaisipan at makaranas ng
sandaling kaginhawaan. (Mheiy, 2021).

c. Kamakailan lamang, isinumite ang House Bill No. 1753 noong Hulyo 11, 2022, na
layuning pigilan ang "mga hindi kwalipikadong indibidwal" mula sa pagbili ng alak at
ipagbawal ang iba na bumili para sa kanila. (Cervantes, 2022) Subalit, ito ay hindi pa
rin lubusang nasusugpo, at marami pa ring nakakalusot sa regulasyon na ito.

Ang pag-inom ng alak ay karaniwan tuwing may mga pagdiriwang tulad ng kaarawan,
binyag, kasal, pagtitipon, at iba pang okasyon, na nagiging natural na gawi ng
marami.(Amul, 2023) Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), mahigit
kalahati (52.1%) ng kabataang lalaki at halos kalahati (18.9%) ng kabataang babae sa
Pilipinas, na nasa edad 15 hanggang 19, ay nag-aabuso ng alak. (Movendi, 2022)

Address: Molave St., Project 3, Brgy. Duyan-Duyan, Quezon City


Telephone No.: 7744-3723/8508-7965
E-mail: quirinohighschool@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
PAMBANSANG PUNONG REHIYON
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD QUEZON

PAARALANG SEKONDARYA NG
QUIRINO
MOLAVE ST., PROJECT 3, QUEZON CITY

IV. ANG SARILING POSISYON SA ISYU

V. KONKLUSYON
Sa pagsusuri sa alkoholismo, ang aming grupo ay matibay na nasuri ang mga epekto nito
sa indibidwal, pamilya, at lipunan. Ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng
malubhang mga suliranin sa kalusugan, pumipinsala sa mga relasyon, at naglalagay ng
panganib sa kabuuang kalagayan ng ating komunidad. Sa pagbibigay-diin sa mahigpit na
regulasyon, kampanya para sa kamalayan, at pagbibigay-suporta sa mga
nangangailangan, maaari nating labanan ang alkoholismo at makamit ang isang mas
maunlad at ligtas na lipunan para sa lahat. Ang ganitong hakbang ay hindi lamang
naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga indibidwal, kundi pati na rin ang
kabuuang kagalingan at kapakanan ng ating lipunan at sa susunod na henerasyon

Address: Molave St., Project 3, Brgy. Duyan-Duyan, Quezon City


Telephone No.: 7744-3723/8508-7965
E-mail: quirinohighschool@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
PAMBANSANG PUNONG REHIYON
SANGAY NG MGA PAARALAN NG LUNGSOD QUEZON

PAARALANG SEKONDARYA NG
QUIRINO
MOLAVE ST., PROJECT 3, QUEZON CITY

VI. SANGGUNIAN

Reyes, E. (2017, February 21). Ano ang Alkoholismo?


https://localrehab.net/alkoholismo/

Masamang Epekto ng Pag-Inom ng Alak sa Katawan.


https://www.ritemed.com.ph/masamang-epekto-ng-pag-inom-ng-alak-sa-katawan

Mally, C. (2022, December 20). Alcohol use as a coping mechanism. Sandstone Care.
https://www.sandstonecare.com/blog/alcohol-use-as-a-coping-mechanism/

Drinking too much alcohol can harm your health. Learn the facts | CDC.
https://www.cdc.gov/alcohol/fact-sheets/alcohol-
use.htm#:~:text=Over%20time%2C%20excessive%20alcohol%20use,liver%20disease%
2C%20and%20digestive%20problems.&text=Cancer%20of%20the%20breast%2C%20m
outh,liver%2C%20colon%2C%20and%20rectum.

Alcohol-Related Crimes: Statistics and Facts - Alcohol Rehab guide. (2023, November 14).
Alcohol
Rehab Guide. https://www.alcoholrehabguide.org/alcohol/crimes/

The Philippines’ blind spot for alcohol | Think Global Health. Council on Foreign Relations.
https://www.thinkglobalhealth.org/article/philippines-blind-spot-alcohol

The Philippines’ blind spot for alcohol | Think Global Health. Council on Foreign Relations.
https://www.thinkglobalhealth.org/article/philippines-blind-spot-
alcohol#:~:text=Filipinos%20often%20give%20bottles%20of,normalized%20by%20ubiq
uitous%20alcohol%20marketing.

Bill on liquor ban for under-21s filed. Philippine News Agency.


https://www.pna.gov.ph/articles/1178878

Ang Pag-Inom ng Alak ng Mga Kabataan - Term Paper.


https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Ang-Pag-Inom-Ng-Alak-Ng-Mga-
Kabataan/148725

Address: Molave St., Project 3, Brgy. Duyan-Duyan, Quezon City


Telephone No.: 7744-3723/8508-7965
E-mail: quirinohighschool@gmail.com

You might also like