Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA Region
Division of Puerto Princesa
San Jose National High School
Bgy. San Jose, Puerto Princesa City
Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Panahunang Pagsusulit
Pangalan: ___________________________________ Petsa: ________________
Baitang at Seksyon: _________________________ Iskor: ________________
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang tanong. Itimang mabuti ang bilog sa sagutang
papel.

1. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kung


saan
sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60?
A. Encomienda C. Polo y Servicio
B. Monopolyo D. Tributo

2. Ano ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa


aspetong
pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at
maliit na
nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan?
A. Extraterritoriality C. Kolonyalismo
B. Imperyalismo D. Protectorate

3. Ano ang tawag sa direktang pagkontrol at pamamahala ng imperyalistang bansa sa


kaniyang nasasakupan?
A. Colony C. Protectorate
B. Isolationism D. Sphere of Influence

4. Anong bansa ang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas sa masaganang produktong


pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng
Moluccas?
A. China C. Malaysia
B. Indonesia D. Pilipinas

5. Ano ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga


mananakop
ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar?
A. Extraterritoriality C. Polo y Servicio
B. Divide and Rule Policy D. Tributo

6. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo


at imperyalismo sa Asya?
A. Merkantilismo C. Panibagong ruta ng kalakalan
B. Nasyonalismo D. Pagpapalawak ng kapangyarihan

7. Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?


I- dahil sa ginto
II- dahil sa pampalasa
III- dahil sa maayos na daungan
IV- dahil sa plantasyon ng goma at reserba ng lata
A. I at III C. II at III
B. I, II, III, at IV D. I, II, at III

8. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng kolonyalismo?


A . Imbakan ng sobrang produkto.
B. Pang-aalipin at pang-aabuso sa mga katutubo.
C. Kawalan ng karapatan na pamahalaan ang sariling bansa.
D. Pagyabong at pag-unlad ng likas na yaman ng mga bansang Asyano.
9. Bilang isang Asyano, paano mo mapahahalagahan ang epekto ng imperyalismo?
A. Itatakwil ang lahat ng bagay na naging kontribusyon ng mga dayuhan.
B. Bibigyan ng kaunting pansin ang naging kontribusyon ng mga dayuhan.
C. Hindi bibigyan ng pansin ang mga naging kontribusyon ng mga dayuhan dahil
walang naidulot na mabuti sa Asya.
D. Pahahalagahan ang kontribusyon ng mga dayuhan tulad na lamang ng
pagkakaroon ng access sa serbisyong medikal, pagtulong sa bansa na magkaroon
ng modernisasyon ang ekonomiya, atbp.

10. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tributo?


A. Sapilitang pagbili sa mga ani ng katutubo sa mababang halaga.
B. Sapilitang pagtatrabaho sa kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
C. Buwis na binabayaran ng mga kalalakihan upang makaligtas sa sapilitang
paggawa.
D. Sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang
matustusan
ang pamahalaan nito.

11. Lubos na inabuso ng mga Espanyol ang pananakop sa ating bansa, alin sa mga
sumusunod na kaganapan ang ginawa ng ating mga ninuno upang makalaya tayo sa
pananakop?
A. Nakipag alyansa at nakipag sabwatan sila sa mga mananakop.
B. Mas pinag-igi ng ating mga ninuno ang pagtatrabaho sa mga mananakop upang
maawa sila at palayain tayo.
C. Humingi sila ng tulong mula sa mga karatig na bansa upang paalisin ang mga
dayuhang mananakop dito sa ating bansa.
D. Nagsiklab sila ng mga samahan na tinawag na propagandista at naghangad sila
ng
mga reporma at pantay na karapatan na sinundan naman ito ng mga grupong
Katipunero na pinaglaban ang ating kalayaan.

12. Ano-ano ang impluwensiya ng mga Kanluranin na ginamit at pinaunlad ni Emperador


Mutsuhito sa Japan?
A. Edukasyon, Ekonomiya, at Himagsikan.
B. Ekonomiya, Himagsikan, at Kabuhayan.
C. Edukasyon, Ekonomiya, at Sandatahang Lakas.
D. Ekonomiya, Sandatahang Lakas, at Himagsikan.

13. Aling pahayag ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”
B. “Ang pag-ibig sa bayan ang susi sa kaunlaran.”
C. “Magsakripisyo tayo upang tayo mismo ang umasenso.”
D. “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ng iilan ang kailangan.”

14. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa bayan?


A. Pagtangkilik ng sariling produkto.
B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas.
C. Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa.
D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.

15. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na ito? Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng
damdaming
makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay matutong:
A. Maging mapagmahal sa kapwa.
B. Maging laging handa sa panganib.
C. Makisalamuha sa mga mananakop.
D. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.

16. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop, paano


mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan bilang hakbang tungo sa paglaya?
1. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga.
2. Pagtangkilik sa mga produktong sariling atin.
3. Pakikiisa sa mga Pilipinong nagsusulong ng paglaya.
4. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.

A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 3 at 4 D. 1 at 4
17. Ano ang naging epekto ng pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
mamamayan nito?
A. Naging alipin ang Japan ng mga Kanluranin.
B. Mas lalong yumaman ang Japan matapos ang digmaan.
C. Naging malakas pa rin ang Japan matapos ang digmaan.
D. Nag-iba ang pagtingin ng mamamayan ng Japan sa kanilang emperador.

18. Ano ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan?


A. Naging mailap ang mamamayan sa mga Kanluranin.
B. Bumaba ang tingin ng mga nasakop na bansa sa kanilang sarili.
C. Umigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop.
D. Nagkaroon ng sigalot ang bawat bansang kaalyado ng malalaking bansa.

19. Hindi maiiwasan ang pagkatalo sa labanan o digmaan. Ano ang gagawin sa mga
bansang natalo sa digmaan?
A. Ang natalong bansa ay palalayain nang walang kahirap hirap.
B. Ang natalong bansa ay paaalisin sa kanilang bansang sinilangan.
C. Ang natalong bansa ay papatawan ng karampatang kaparusahan.
D. Ang natalong bansa ay bibigyan ng insentibo upang lisanin ang kanilang bansa.

20. Alin sa sumusunod ang naging MABUTING dulot ng unang digmaan sa mga
kababaihan?
A. Naging madali para sa kababaihan na gawin ang kanilang gusto.
B. Patuloy na naging sunod-sunuran ang kababaihan sa kalalakihan.
C. Mas lalong naging walang kakayahan ang kababaihan dulot ng digmaan.
D. Nagdulot ang digmaan ng oportunidad sa kababaihan. Ang dating trabaho ng
mga lalaki ay naisalin sa babae habang sila ay nasa digmaan.

21. Naging komplikado ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong
Agosto 1914. Alin sa sumusunod ang naging dahilan?
1. Ang pag-uunahan sa teritoryo
2. Pagkakaroon ng kilos-protesta
3. Ang pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
4. Pagkakaroon ng interes sa mga bansa sa Asya
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 1, 2, at 3 D. 1, 3, at 4

22. Alin sa sumusunod ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa China na naging daan sa
paglaya mula sa mananakop?
A. Demokratiko B. Komunismo C. Sosyalismo D.
Totalitaryanismo

23. Anong ideolohiya na kung saan ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay
lamang ng isang tao na ang namumuno ay maaring hari o reyna?
A. Demokrasya B. Komunismo C. Monarkiya D.
Sosyalismo

24. Alin sa mga konsepto ang HINDI kasama na nag-uugnay sa ideolohiya?


A. Nagsisilbing gabay ng pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito.
B. Nagsisilbing batayan ng pagkakahati-hati ng tao ayon sa estado ng buhay.
C. Nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang nagkakaisang bansa.
D. Nagsisilbing kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya
at pampolitika ng isang bansa.

25. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na ito? Ang Indonesia ay ipinaglaban ang kalayaan
mula
sa mga Dutch sa pamamagitan ng pagtatag ng samahan at niyakap ang komunismo
upang sila ay makalaya.
A. Ang pahayag na ito ay mali, dahil sosyalismo ang kanilang niyakap.
B. Ang pahayag na ito ay tama, dahil ito ang paraan nila upang lumaya.
C. Ang pahayag na ito ay mali, dahil ang bansang Indonesia ay demokratiko.
D. Ang pahayag na ito ay tama, dahil komunismo ang kanilang ginamit sa
pamamahala at tinanggap ang mga Dutch.
26. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo?
A. Pagpapairal ng diktadurya
B. Pagkawala ng antas o pag-uuri-uri
C. Ang produksiyon at produkto ay pag-aari ng estado
D. Ang produksiyon at kalakalan ay kontrolado ng pribadong pamahalaan

27. Ang lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay naghangad ng kalayaan sa


pananakop ng mga kanluranin dahil sa ideya ng demokrasya. Alin sa mga pahayag
ang
angkop na sagot?
A. Ang pahayag na ito ay tama, dahil ang ideolohiyang ito ang ginamit sa Timog- Silangang
Asya.
B. Ang pahayag na ito ay tama, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya
ay ginamit ang demokrasya.
C. Ang pahayag na ito ay mali, dahil magkakaiba ang ideolohiyang ginamit ng mga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
D. Ang pahayag na ito ay mali, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
ay
ginamit ang komunismo.

28. Alin sa mga kilalang peminista at politiko sa Japan ang namuno sa Kilusang Suffragist
na naglalayon ng karapatan para sa kababaihan?
A. Haritsuka Raicho C. Iwasaki Chihiro
B. Ichikawa Fusae D. Nogami Yaeko

29. Ano ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng grupong GABRIELA sa Pilipinas?


A. Upang mahikayat ang mga kababaihang maging miyembro ng samahang ito.
B. Upang tulungan ang mga kababaihang magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.
C. Upang matulungan ang mga kababaihang nais makawala sa pang-aabuso ng
kanilang mga asawa.
D. Upang tulungan ang mga kababaihang nakararanas sa pang-aabuso katulad ng
rape, domestic violence, at iba pa.

30. Bakit nawalan ng karapatan ang mga kababaihan sa Pilipinas na dati ay may mataas
na
pagtingin at paggalang sa kanila?
A. Dahil sa pagdating ng mga mananakop o sa panahon ng kolonyalismo.
B. Dahil may ilan na rin sa mga kababaihan ang naging alipin at sunod-sunuran.
C. Dahil sa unti-unti itong naglaho nang simulang lumaki ang populasyon ng mga
kalalakihan.
D. Dahil karamihan sa mga kababaihan noon ay naging aktibong mandirigma sa
panahon ng pananakop.

31. Sa iyong palagay, mahalaga ba para sa kababaihan na isulong ang kanilang mga
karapatan sa lipunan?
A. Hindi sapagkat ang babae ay sadyang nilikha upang umayon sa kalalakihan.
B. Mahalaga sapagkat ito ang magmumulat sa lahat na walang silbi ang lipunan kung
walang kababaihan.
C. Hindi mahalaga sapagkat nagiging ugat lamang ito ng hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga lalaki at babae.
D. Mahalaga sapagkat ang pagkakaroon ng karapatan sa lipunang kinabibilangan ay
parang pagkamit din ng kalayaan.

32. Alin sa sumusunod ang anyo ng pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na


karapatan?
I. Karapatang bumoto.
II. Karapatang makapagtrabaho.
III. Ang pantay na karapatan ng babae at lalaki.
IV. Ang pantay na karapatang makibahagi sa pang-ekonomiyang kabuhayan.

A. III at IV B. II at IV C. I ,II, at III D. I, II, III, at IV

33. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusan at samahang pangkababaihan?


I. Dahil sila ang bubuwag sa mga kalalakihang naghahari-harian sa lipunan.
II. Sapagkat sila ang may kapangyarihang baguhin ang lipunan at mga batas.
III. Sapagkat sila ang pangunahing tagapagtaguyod ng mga karapatan ng kababaihan.
IV. Sa pamamagitan ng mga samahang ito maririnig ang mga hinaing ng mga
kababaihan
mula sa mga pang-aabuso.

A. I, II, III, at IV B. I, II, at III C. I at II D. II at IV

34. Sa relihiyong Hinduismo makikita ang pag-uuri ng tao sa lipunan. Sino ang bumubuo
sa hanay ng mga alipin?
A. Brahmin B. Kshatriya C. Pariah D. Vaishya

35. Ano ang implikasyong dulot ng pagkakaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunang Hindu?
A. Ito ay nagsilbing batayan ng yaman ng mga mamamayan.
B. Nakapagdulot ito ng mabuting pamamaraan ng klasipikasyon ng tao.
C. Nagdulot ito ng kaguluhan dahil sa mas maraming mayayaman ang bumubuo sa
lipunan.
D. Nakapagpababa ito ng tingin sa sarili para sa mga mahihirap at ang kahalagahan nila
sa lipunan.

36. Ano ang implikasyong dulot ng pagkakaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunang Hindu?
A. Ito ay nagsilbing batayan ng yaman ng mga mamamayan.
B. Nakapagdulot ito ng mabuting pamamaraan ng klasipikasyon ng tao.
C. Nagdulot ito ng kaguluhan dahil sa mas maraming mayayaman ang bumubuo sa
lipunan.
D. Nakapagpababa ito ng tingin sa sarili para sa mga mahihirap at ang kahalagahan nila
sa lipunan.

37. Alin sa sumusunod ang HINDI napapabilang sa 10 utos ng Judaismo?


A. Huwag kang papatay ng iyong kapwa tao.
B. Sundin mo ang kautusan ng nakatatanda.
C. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
D. Igalang mo ang iyong ama at ina gaya ng paggalang sa iyong kapwa.

38. Ayon kay Confucius, ang likas ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi
natural.
Tinuran niya rin na ang tao ay may kalayaang kumilos ayon sa kanyang kagustuhan.
Sa
papaanong paraan ito maiiugnay sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa ng mabuti sa kapwa na may hinihinging kapalit.
B. Pagpili ng mga taong tinutulungan batay sa estado ng pamumuhay.
C. Pagbibigay tulong sa mahihirap ngunit labag sa kalooban at kautusan.
D. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan tulad ng mga nasalanta ng
sakuna.

39. Bakit mahalaga para sa isang mamamayan na makilahok sa mga pansibikong gawain?
A.Dahil kapag tayo ay nakilahok sa mga pansibikong gawain natutulungan natin ang
kapwa nating mamamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay.
B.Dahil maaring mabawasan ang mga suliraning kinakailangang bigyan ng solusyon ng
ating pamahalaan.
C. Dahil ang pakikilahok sa mga gawaing pansbiko ay ang basehan para ikaw ay
masabing mabuting mamamayan.
D. Dahil kung tayo ay tumulong sa ating kapwa, asahan natin na babalik din Ssa atin
ito
kapag tayo naman ang mangangailangan.

40. Ano ang makabagong paraan ng pananakop na hindi tuwirang kumukontrol sa mga
bansang dati nang sakop?
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo

41. Ano ang tawag sa gawain ng neokolonyalista na guluhin ang isang pamahalaan o
ibagsak
nang tuluyan,kung hindi mapasunod sa mapayapang paraan?
A. Dayuhang Pautang C. Labis na Pagdepende
B. Dayuhang Tulong D. Lihim na Pagkilos
42. Ano ang tumutukoy sa epekto ng neokolonyalismo na ang lahat ng aspeto ng
kabuhayan
ay kontrolado ng mga kanluranin o dayuhan?
A. Foreign Debt C. Loss of Pride
B. Continued Enslavement D. Over Dependence

43. Alin sa sumusunod na anyo ng neokolonyalismo na nabago ang anumang likas na


angkin
ng bansang tinulungan tulad pag-uugali, pananamit, pananalita, at iba pa?
A. Ekonomikal B. Kultural C. Militar D. Sosyal

44. Ano ang nararapat na gawin ng mga Asyano upang mapanatili at mapangalagaan ang
kanilang sariling kapakanan mula sa neokolonyalismo o makabagong pananakop ng
mga kanluranin?
A. Lumahok sa iba pang samahang panrehiyon at pandaigdig para sa higit na tulong
pinansyal, militar, at kultural.
B. Pumili ng mga bansang makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa
aspektong pinansyal, militar, at kultural.

C. Putulin ang ugnayan sa mga bansang Kanluranin at simulan ang pagsasarili sa


aspektong pinansyal, militar, at kultural.
D. Pag–aralan at suriin ang epekto ng mga kasunduang umiiral lalo na ang may
kaugnay sa aspektong pinansyal, militar, at kultural.

45. Sa paanong paraan isinasagawa ang neokolonyalismo upang ipagpatuloy ang dating
ugnayan ng mga kolonya ng mga bansang mananakop?
A. Paghihimasok sa politika ng pamahalaan.
B. Paglalagay ng foreign investment sa bansa.
C. Pagpapautang at pamumuhunan sa bansa.
D. Pagluluwas ng mga murang produkto na galing sa mga dayuhan.

46. Sino ang kauna-unahang Hapones ang nakatanggap ng Nobel Prize para sa panitikan
noong 1968?
A. Akira Kurosawa C. Matsuo Basho
B. Kawabata Yasunari D. Murasaki Shibuku

47. Ang sumusunod ay mga kilalang manlalaro sa iba’t ibang larangan ng palakasan na
nasa
Pilipinas MALIBAN sa isa, sino ito?
A. Efren “Bata” Reyes C. Paeng Nepomuceno
B. Lydia de Vega D. Yao Ming

48. Ang haiku ay isa sa pinakamahalagang pamana ng Japan sa daigdig ng literature. Isa
itong maikling tula na binubuo ng 17 pantigan o syllables at nahahati sa tatlong
linyang
may lima, pito, at limang pantigan. Sino ang pinakamahusay na manunulat ng haiku
sa
Japan?
A. Kawabata B. Matsuo Basho C. Murasaki D. Yasunari

49. Ang sumusunod ay pawang mga Asyanong kilala sa buong mundo. Ano ang iyong
nahihinuha sa kaisipang ito?
I. Efren ”Bata” Reyes : billiards II. Manny Paquiao : boxing
III. Leah Salonga : teatro ”Miss Saigon” IV. Yao Ming : basketball

A. Ang Asyano ay hinahangaan sa buong mundo


B. Ang Asyano ay magagaling at kilala sa buong mundo
C. Ang Asyano ay lumalaban at di umuurong sa anumang labanan
D. Ang Asyano ay maipagmamalaki sa buong daidig sa iba’t ibang larangan

50. Si Manny Pacquiao ay kinilalang isa sa pinakamahusay na boksingero sa buong


mundo.
Sa kasalukuyan siya ang nag-iisang may hawak ng korona sa walong dibisyon ng
boksing. Anong pagkilala ang ibinigay sa kanya bilang pagpapahalaga sa kanyang
katanyagan sa larangan ng palakasan at boksing?
A. Dakilang Kamao C. Dakilang Senador
B. Ang Dakilang Boksingero D. Pambansang Kamao
“The root of education is bitter, but the fruit is sweet”- Aristotle

Inihanda nina:

MARY JOY G. CANSINO


Master Teacher I, AP

RUBEN T. OROCIO JR.


Teacher II, AP

Binigyang pansin ni:

VILLAFLOR C. OCAMPO
Head Teacher IV, AP

You might also like