Posisyong Papel

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Catherine Joy P.

Balane CpE 301

Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

(Posisyong Papel)

Naging kontrobersya and desisyon ng Komisyon sa Lalong Mataas na

Edukasyon (CHED) nang ilabas ang Memorandum Order Blg.20 na naglalaman ng

pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Samu’t saring reasksyon ng

sambayanang Pilipino dahil ang tingin ng iba ay binabalewala ng CHED and ating

wika at panitikan na humuhulma sa kulturang Pilipino. Ang iba naman ay sumasang

ayon dahil mas makakapagpokus sa mismong kurso ang mga estudyante.

Ang organisasyong Tanggol Wika ay nagapila kontra sa Memorandum Order

Blg. 20 ngunit ibinasura ito ng korte suprema. Ipinahayag ng CHED na hindi naman

tuluyang tatanggalin ang Filipino at Panitikan dahil ito ay nilipat lamang sa Senior High

School. Ito ay tinanggal sa kurikulum ngunit malaya pa rin ang mga unibersidad kung

nais nila itong isama sa kanilang kurikulum. Depensa ng CHED ay para mas mabigyan

ng espasyo ang mga estudyante sa pag dalubhasa sa kanilang mga major subjects.

Ayon naman sa Tanggol Wika, ang Filipino at Panitikan ang simbolo ng ating pagiging

Pilipino at hindi maaring tanggalin ito sa kolehiyo at dapat nating ipaglaban ang ating

wika at bayan. Nagsampa ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Tanggol Wika

ngunit ito ay tinanggal ng korte suprema noong 2019. Kaya patuloy pa rin ang

pakikibaka ang Tanggol Wika na ibalik ang Filipino sa kurikukulum sa kolehiyo.


Maraming propesor at mga unibersidad ang apektado, dahil higit 10,000 na

propesor ang mawawalan ng trabaho. Lalo na sa mga pampublikong paaralan tulad

ng PUP na mayroong mahigit 70,000 na estudyante, na ang visyon ay pagpapaunlad

ng mamamayan at pagpapahusay ng pagbuo ng bansa. Nagiging salungat na ito sa

visyon dahil mas magiging prayoridad na ang mga English-related subjects dahil sa

globalisasyon. At mas binibigyan atensyon ng Ingles kumpara sa Filipino dahil mas

nagiging batayan ito ng akademikong larangan.

Sa halip na alisin ang Filipino, ay dapat mas pagtanyagin pa natin ang wikang

Filipino. Dahil sa modernisasyon ay halos Ingles ang gamit ng mga bata dahil mas

lantad sila sa linggwaheng Ingles sa Internet at Youtube. Madaming mga estudyante

ang hirap magsalita ng purong Filipino at mas sanay pa sa paggamit ng Ingles mapa

berbal o sulat. Bagamat ito ay resulta ng kakulangan ng pagpokus sa sarili nating

wika. Ang wika at panitikan mas pinapalalim pa ang pagkakaunawa sa ating

pagkakilanlan bilang Filipino. Nararapat lamang na patatagin natin ang Filipino at

Panitikan dahil ito ay sumisimbolo rin sa pagpapayaman ng ating bayan.

Ang iba naman ay sang ayon sa paglipat ng Filipino sa senior high dahil mas

prayoridad nila ang mga major subjects at sa tingin ay dagdag units lamang ang

Filipino. May mga kurso tulad ng Engineering at Architecture na hindi naman pokus

ang Filipino, mas pinipiling ilaan ang oras sa aktwal na output kumpara sa

pagmememorya ng kasaysayan o paggawa ng papel. Sapat naman na ang pagturo

ng Filipino mula Grade 1 hanggang Grade 12. At dapat dito magpokus ng paghahasa

ng wika sa elementarya at pagpapalalim ng panitikan sa high school. At sa kolehiyo


naman ay mas mabuting magpokus ang mga estudyante sa mga subjects na may

kaugnay sa kanilang kurso. Dahil dito iniihanda ang mga estudyante sa paglabas ng

eswkelahan at pagmulat sa realidad.

Magkakaiba man ang pananaw ngunit ang hatol ng korte suprema ay tiyak na.

Ang asignaturang Filipino ay tatanggalin na sa kurikulum ng kolehiyo. Ang LPU Cavite

ay sumunod dito kaya ang batch 2022 ay wala ng asignaturang Filipino. Maliit man o

Malaki ay lahat tayong mamamayan ay apektado nito. Ang bawat opinion nating

Pilipino ay para sa kabutihan at kinabukasan ng ating bansa. Sa puso’t diwa ating

paglakasin ang pagiging makabayan at paunlarin ang sariling atin. Filipino ang ating

wika, ang ating pagkakilanlan, matanggal man ito sa kolehiyo ay wag nating

kakalimutan. Kahit wala na sa unibersidad ay nararapat lang na ipreserba natin ang

ating wika. Ang wika ay namamatay kapag wala ng gumagamit.

You might also like