Professional Documents
Culture Documents
Esp Etika Explanation
Esp Etika Explanation
Hindi lamang limitado sa mga propesyunal o mataas na hanapbuhay ang paglilingkod sa kapwa. Kahit sino kaman
jan walang hahadlang sa paglilingkod sa iba. Sa bawat antas ng ating buhay, mayroon tayong magagawa upang
makapagsilbi sa ating kapwa. MAging isang miyembro ng pamilya, estudyante, kaibigan, o miyembro ng barangay,
may mga gawain tayo na maaaring makapag-ambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng iba.
1. Alamin ang iyong mga talento o gawain na maaaring ibahagi: Kilalanin ang mga kakayahan mo at alamin
kung paano ito maaaring makatulong sa iba. Halimbawa, kung magaling ka sa pakikisama at sa
paglilingkod sa simbahan, maaaring sumali ka sa isang grupo na nagtuturo sa mga bata at naglalaro sa
paligid. Dito, magagamit mo ang iyong talento upang makapagbahagi ng kasiyahan at magturo sa mga
kabataan.
3. Maging tapat at masaya sa paggawa ng mabuting layunin sa kapwa: Palaging isaisip na ang iyong mga
gawain para sa kapwa ay isang paraan ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya at kabutihan na patuloy
mong tinatanggap. Ang paglilingkod at paggawa ng mabuti ay nagdudulot ng kaligayahan hindi lamang sa
iba, kundi pati na rin sa iyo. Ito ay isang banal na paraan ng pasasalamat sa Diyos sa Kanyang kabutihan sa
iyo.
4. Maging mapagkumbaba sa paggawa at paglilingkod sa kapwa: Iwasan ang tukso na gawin ang paglilingkod
para lamang mapansin, makakuha ng papuri, o maging tanyag. Ang tunay na paglilingkod ay dapat gawin
nang walang pagyayabang o pagpapanggap. Ang kapwa ay makakakita at mararamdaman kung ang iyong
paglilingkod ay tapat at walang pagpapanggap. Ang pagiging mapagkumbaba ay nagpapakita ng tunay na
layunin ng paglilingkod - ang tulungan at magbigay ng tulong sa iba nang walang hinihinging kapalit.
Ang paglilingkod sa kapwa ay isang magandang paraan upang maipakita natin ang ating pagmamalasakit at
pagmamahal sa ating mga kapwa tao. Sa pamamagitan ng ating mga gawain, tayo ay nakakatulong sa pagpapabuti
ng lipunan at nagbibigay ng positibong epekto sa buhay ng iba.
1. Pagkuha ng gawain ng kapamilya dahil sa kanilang mahalagang iskedyul. Maaaring tumulong sa mga
gawaing bahay, pag-aalaga ng mga kapatid, o iba pang responsibilidad ng mga miyembro ng pamilya na
hindi nila mabigyan ng sapat na oras dahil sa iba pang mga gawain.
Myla
2. Pag-iipon ng mga gamit para sa mga biktima ng kalamidad. Maaaring mag-ipon ng mga damit, sapatos, o
iba pang mga pangangailangan na maaring ibigay sa mga taong naapektuhan ng mga sakuna o kalamidad.
Kent:
3. Pag-iipon ng mga kinasawaan ng mga gamit na hindi na ginagamit tulad ng school bag, pencil case,
payong, laruan na maaaring ibigay sa mga samahan na karaniwang nangongolekta sa panahon ng
kapaskuhan
Xander:
4. Pagpresinta sa guro na tumulong sa mga karaniwang gawain sa klase tulad ng paglilinis ng pisara, pag-
aalaga sa mga halaman, pagtatago ng mga aklat o gamit sa loob ng kabinet, pagguhit ng mga poster at
larawan, pagbubuo ng display sa bulletin board, at iba pa
Jisser:
5. Pagtanggap ng hamon na maging lider. Maaaring tanggapin ang hamon na maging lider o opisyal ng isang
samahan sa paaralan o sa barangay dahil sa iyong talino, kakayahan, at talento. Sa pamamagitan nito,
maaaring magamit ang iyong mga kakayahan sa pagtulong at paglilingkod sa iba.
Rodney:
6. Pagtulong sa mga matatanda at batang pulubi. Maaaring humingi ng suporta mula sa iyong mga
kapamilya upang tulungan ang mga matatanda at batang pulubi na madalas mong nadaraanan. Maaaring
magbigay ng pagkain, damit, o iba pang mga pangangailangan na makakatulong sa kanila.
(Khyle) Huwag palampasin ang pagkakataon na makagawa ng kabutihan para sa mga nangangailangan. Ipag-isipan
ang mga pagkakataon, sitwasyon, at mga taong maaaring matulungan. Ihandog ang mga talento at kakayahan sa
paggawa ng kabutihan para sa pagsulong ng kapwa.