Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Enola Holmes 2

Ang palabas ay nagsimula sa pagtakbo ni Enola sa mga pulis sa pelikula ngunit ito ay kalaunang kanyang
ipinaliwanag ang pangyayari. Siya ay nagsimula ng kanyang sariling detective agency sa kadahilanang sa unang
palabas ay natagpuan ni Enola ang kanyang ina at nailigtas si Viscount Tewkesbury, ngunit siya ay walang
makuhang kaso sapagkat ang kanyang kapatid na si Sherlock ay ang laging hinahanap at hindi sila nagtitiwala
sa kanya sapagkat siya ay bata lamang. Malapit na sanang mawalan ng pag-asa si Enola ngunit isang araw,
habang siya ay nagliligpit na ng mga gamit niya, biglang may dumating ng bata at tinanong siya kung totoo nga
ba na kanyang na hahanap ang mga nawawalang tao. Pagkatapos, agad naman siyang ginanahan at sinamahan
ng bata na si Bessie at agad ininspeksiyon niya ang kanilang bahay. Binigay ni Bessie ang mga detalye sa
kanyang kapatid na nawawala na si Sarah Chapman. Siya ay isang manggagawa sa Lyon Match Factory at isang
mananayaw sa isang bulwagan ng musika. Habang kanyang hinahanap si Sarah, si Enola ay may mga duda sa
pagkamatay ng mga kababaihan sa pabrikang nasabi sapagkat ang sabi-sabi ang mga ito raw ay namamatay sa
sakit na Typhus. Lalong gumulo ang mga pangyayari noong makita ni Enola ang kaibigan ni Sarah na si Mae na
patay sa isang apartment, kung saan dapat kikitain ni Chapman ang kanyang minamahal. Dahil doon, siya ang
naging pangunahing suspek sapagkat siya ang nakita sa lugar ng krimen ng mga awtoridad na sila
Superintendent Grail at Lestrade at mas lalong naging komplikado noong sila ay takasan ni Enola sapagkat may
papel na ibinigay si Mae kay Enola na gustong makuha ni Superintendente Grail. Matapos nito, si Enola ay
dumalo sa isang okasyon upang kumuha ng impormasyon sa anak ng may ari ng Lyon Match Factory at ang
minamahal ni Sarah Chapman na si William Lyon. Ngunit bago pa man siya makakuha ng impormasyon ay
naaresto na siya ng mga awtoridad. Sa tulong ng kanyang ina na si Eudoria at kaibigan nitong si Edith, siya ay
nakatakas mula sa kulungan habang si Sherlock, ang kanyang kapatid, ay may sariling kaso na tila ba
sinusubukan ang galing at talino niya. Ang kaso ni Sherlock ay ang pagbubunyag sa isang panggagantso kung
saan iba’t ibang banko at ahensya ng gobyerno ang pinapasukan at nilalabasan ng pera ngunit iisa lamang ang
taong nasa likod nito. Habang patuloy si Enola sa paghahanap kay Sarah, siya ay humingi ng tulong kay
Tewkesbury. Sila ay pumasok sa pabrika at doon nga ay nakita niya ang kanyang kapatid na si Sherlock at doon
din nila napagtanto na ang kanilang kasong hawak ay konektado sapagkat ang babae kanyang nakita sa okasyon
na nagpakilala bilang Cicely ay si Sarah Chapman. Doon din nila nakita na si William Lyon ay wala ng buhay
ngunit ito ay nag iwan ng papel na tila ba kapareho ng papel mula kay Mae at dito nga sinabi ni Tewkesbury na
maaari itong parte ng teatro na ang ibig sabihin ay “The Gods” o “Top row.” Matapos nga nito ay agad silang
pumunta sa teatrong pinag trabuhan ni Sarah at doon din nila ito nakita. Nakita nila roon ang mga ebidensya at
patunay na ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga kababaihan sa pabrika ay ang pagpapalit nila ng mga
sangkap sa posporo at laking gulat nila ng dumating si Superintendente Grail na may hawak na kutsilyo sa leeg
ni Bessie at matapos nilang mailigtas si Bessie dumating ang ministro ng kaban ng bayan na si Lord McIntyre at
kanyang pinaaresto si Sarah at Bessie at sinunog ang mga ebidensyang kanilang nakalap ngunit bago pa man
sila maaaresto, si Enola at Sherlock ay nagsalita na hindi sila ang may sala sapagkat ang tao sa likod ng lahat ng
ito ay walang iba kundi si Binibining Mira Troy ang kanyang sekretarya o mas kilala ni Sherlock sa pangalang
Moriarty. Matapos nito si Enola, Sarah, at Bessie ay bumalik sa pabrika upang sabihin ang katotohanan at
kumbinsihin ang mga kababaihan na umalis na sa kanilang pinagtatrabahuhan at sila ay nagtagumpay. Sa huli,
Naresolba ni Sherlock at Enola ang kanilang mga kaso at nailigtas nila ang daang-daang kababaihan mula sa
pabrika ng posporong gumagamit ng sangkap na pumapatay sa mga ito. Si Enola at Tewkesbury rin ay
tinanggap na ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

You might also like