Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan G9


Ikatlong Markahan
Ikapitong Linggo/Unang araw

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang pag-iimpok at


pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya (3 days)

I. Layunin
A. Natatalakay ang konsepto ng pag-iimpok at pamumuhunan.
B. Nasusuri ang aspeto ng pagiimpok at pamumuhunan.
C. Napahahalagahan ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang salik ng
ekonomiya.

II. Nilalaman
a. Paksa: PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN: Konsepto ng Pag-iimpok at
Pamumuhunan
b. Sanggunian: AP LeaP, Q3 Week 8
c. Kagamitan: LeaP, Modyul, Larawan, Meta Cards at Iba Pang Kagamitan sa
Pagtuturo at Pagkatuto

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain

a. Panalangin/Pagbati
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan ay tumayo muna ang lahat para
sa isang panalangin.

(Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng


Espiritu

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

Magandang Hapon Klase! Santo, Amen)


Magandang Hapon din po Ma’am
Ebora!
Maaari ninyo bang pulutin ang mga
kalat na inyong nakikita, at ihanay ng ayos (Ang mga mag-aaral ay pupulutin ang
ang inyong mga upuan. mga kalat at isasaayos ang hanay ng
mga upuan)
Maaari na kayong magsi-upo.
Salamat po.
b. Pagtatala ng Pumasok
(Magtatala ang guro ng mga
pumasok sa klase)

c. Balitaan/Kamustahan
Sino ang maaaring magbahagi ng
kanyang nabasa o narinig na balita? (Magbabahagi ang ilan sa mga mag-
aaral ng kanilang nakalap na balita.)
d. Pampasigla
Ang lahat ay inaanyayahan kong
magsitayo upang makilahok sa ating
gawaing pampasigla.

(Magpapakita ang guro ng isang video


presentation na gagayahin ng mga mag- (Ang lahat ay tatayo upang makilahok sa
aaral) gawain)

e. Balik-aral
Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin
ang konsepto ng patakarang pananalapi.

Bakit kailangang may mga polisiya o


patakarang ipinatutupad ang pamahalaan
Ma’am ang mga polisiya o patakarang
hinggil sa patakarang pananalapi?
ipinatutupad po ng pamahalaan hinggil sa
patakarang pananalapi ay mahalaga
upang mapanatili ang kaayusan at pag-

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

unlad sa ekonomiya ng isang bansa.


Ma’am ang mga polisiya at patakarang
pananalapi ay mahalaga upang mapanatili
ang kaayusan, pag-unlad, at katatagan ng
ekonomiya ng isang bansa. Ito ay
naglalayong mapangalagaan ang interes
ng mga mamamayan at magtaguyod ng
Mahusay! Hangad kong ang lahat ay pag-unlad.
naunawaan ang paksang ating tinalakay sa
nagdaang aralin.

f. Motibasyon
MEMORY GAME
Panuto: Ang guro ay tatawag ng mag-
aaral na pupunta sa unahan upang
pagmasdan ang mga larawan na nakalagay
sa pisara. Pagkatapos, kukuhanin ang
dalawang halos magkaparehong larawan at
bibigyan ito ng interpretasyon.

Ma’am ang mga larawan po na


magkakapareho ay piggy bank, bangko at
Magaling! Maraming salamat sa passbook na kung saan may kinalaman po

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

inyong partisipasyon. ito sa pag-iimpok at pamumuhunan.

B. Paglinang na Gawain

a. Aktibiti
Upang magkaroon kayo ng malalim na
pag-unawa sa paksang ating tatalakayin ay
naghanda ako ng isang video clip na inyong
panonoorin. Unawain at panooding mabuti
ang bidyo upang masagot ang mga
sumusunod na tanong na aking ibibigay.

https://wwwcom/videos/riverview/relatedvideo?&q=kahalagahan+ng+pag-
iimpok+at+pamumuhunan&&mid=4FE79F461951C03052B34FE79F461951C03052B3&&FORM=VRDGAR

(Tahimik at buong pokus manunuod ang


b. Analisis mga mag-aaral)
1. Ano ang pinagkaiba ng pag-iimpok
at pamumuhunan?
Ang pag-iimpok po ay ang paglalagay
ng pera o iba pang yaman sa isang
mapagkukunan tulad ng bangko,
investment account, o iba pang mga
instrumento upang magtamo ng interes o
kita. Ang pamumuhunan naman po ay
ang paggamit ng pera o iba pang yaman
upang bumili ng mga assets tulad ng
stocks, real estate, o negosyo na may
layuning kumita o magkaroon ng tubo sa
hinaharap.

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

Ang pag-iimpok ay mas nakatuon sa


pag-iingat at pagpapalago ng pera sa
pamamagitan ng paglagay sa mga secure
na mapagkukunan, samantalang ang
pamumuhunan po ay mas nakatuon sa
Magaling! Ako ay lubos na natutuwa pagbili ng mga assets na may potensyal
sa inyong mga kasagutan, ipagpatuloy na magdulot ng kita sa hinaharap sa
ninyo ang pagiging aktibo sa ating klase. kabila ng panganib.

2. Paano nagkakaugnay sa isa’t-isa


ang pag-iimpok at pamumuhunan?

Ang pamumuhunan at pag-iimpok ay


nagkakaugnay po sa pamamagitan ng
paggamit ng mga pondo at kita mula sa
isa't-isa upang mapalago ang yaman at
makamit ang mga pangmatagalang
layunin sa pananalapi. Ang pagkakaugnay
na ito ay nagbibigay-daan sa indibidwal
na palakasin ang kanilang pinansyal na
kalagayan at magtagumpay sa kanilang
mga layunin sa buhay.

Ang pag-iimpok po ay maaaring


magsilbing pangunahing pinagmulan ng
pondo para sa pamumuhunan.
Halimbawa, ang perang itinatabi sa
Mahusay! Ako ay natutuwa sa inyong bangko ay maaaring gamitin bilang
mga naging kasagutan. pangunahing pondo para sa pagbili ng
mga assets tulad ng stocks, bonds, o real
3. Bakit dapat mapangasiwaan nang estate.
maayos ang salapi o pera sa loob at labas
ng bansa?

Dahil ang wastong pangangasiwa ng


pera sa loob at labas ng bansa ay

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

mahalaga upang mapanatili ang


kalakalan, kaayusan, at pangmatagalang
pag-unlad ng isang bansa. Ito ay
naglalayong protektahan ang interes ng
mga mamamayan at magtaguyod ng
financial stability sa buong bansa.

Ang wastong pangangasiwa sa pera ay


mahalaga upang pangalagaan ang halaga
ng lokal na pera laban sa ibang mga
dayuhan. Kapag ang halaga ng pera ay
Magaling! Natutuwa ako at kayo ay hindi naaayon, maaaring magdulot ito ng
talagang nakikinig sa ating talakayan. pagbaba ng kapasidad ng bansa na bumili
ng mga inaangkat na produkto at
c. Abstraksyon serbisyo, na maaaring makaapekto sa
kalakalan at ekonomiya ng bansa.
Kuwento ng Pag-iimpok at Pamumuhunan
Panuto: Isaayos ang limang konsepto
sa isang flow chart ayon sa tamang
pagkakasunud-sunod nito (batay sa
ugnayang cause and effect). Isulat ang mga
salita sa loob ng mga hugis sa ibaba.
Matapos maisaayos ang mga ito gawan ito
ng MAIKLING KUWENTO upang higit na
maipakita ang ugnayan ng pag-iimpok at
pamumuhunan at ang papel nito sa
pagkakamit ng pambansang kaunlaran.

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

d. Aplikasyon
1. Paano nakatutulong sa pag-unlad
ng ekonomiya ng isang bansa ang pag-
iimpok at pamumuhunan?
Sa pamamagitan po ng pag-iimpok at
pamumuhunan, maaari po akong maging
bahagi ng pagpapalago ng ekonomiya ng
ating bansa. Sa pag-unlad po ng
ekonomiya, magkakaroon ng mas
maraming oportunidad para sa akin at
para sa mga susunod na henerasyon.

Ma’am ang pag-iimpok po ay


nagbibigay ng puhunan sa mga negosyo,
na nagbibigay-daan sa paglikha ng mga
bagong produkto at serbisyo. Ang mga
Mahusay! Ako ay natutuwa sa inyong bagong negosyo ay nagdudulot ng pag-
mga naging kasagutan. usbong ng mga bagong industriya at
trabaho para sa mga mamamayan.
2. Bilang mag-aaral ano ang kahalagahang
dulot ng pag-iimpok o pag-iipon ng pera sa
inyong tahanan? Ipaliwanag.
Ang pag-iimpok po ma’am ay
nagbibigay-daan sa aking pamilya na

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

magkaroon ng pondo para sa aming mga


hinaharap na pangangailangan tulad po
ng pang-edukasyon, pangkalusugan, at
pang-emergency. Sa pamamagitan po ng
pag-iipon ng pera, mas handa ang aking
pamilya sa mga hindi inaasahang
pangyayari at mga pangangailangan sa
hinaharap.

Ang pag-iimpok po ma’am ay


nagbibigay ng financial security sa aming
pamilya. Sa pamamagitan ng pag-iipon,
ang aming pamilya po ay mayroong
reserbang pera para sa mga pagkakataon
ng pangangailangan tulad ng pagkakaroon
Magaling! Maraming salamat sa ng sakuna, pagkawala ng trabaho, o
inyong pakikiisa at pakikinig sa ating pangangailangan sa pang-araw-araw na
talakayan. pamumuhay.

e. Pagtataya
Panuto: Magtala ng tatlong (3)
kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan. Isulat ng sagot sa inyong
notebook. Ang pag-iimpok at pamumuhunan po
ma’am ay nagbibigay-daan sa
pagpapalago ng yaman sa pamamagitan
ng paglago ng mga investment portfolio at
pagtubo ng kita mula sa mga negosyo at
iba pang oportunidad sa pamumuhunan.

Ma’am sa pamamagitan po ng pag-


iimpok at pamumuhunan, ang mga pondo
po ay maaaring magamit upang
matugunan ang mga pangangailangan sa
hinaharap tulad ng edukasyon,
pangkalusugan, at pangretiro.

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph
Pablo Borbon Campus

College of Teacher Education

Ang pag-iimpok at pamumuhunan po


ma’am ay nagbubukas ng mga
oportunidad para sa paglikha ng trabaho
sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
V. TAKDANG ARALIN negosyo at imprastruktura at nagbubunga
1. Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng rin po ito ng pag-unlad at kaunlaran ng
pananalapi? mga komunidad at bansa.
2. Ibigay ang mga institusyong
bangko.
3. Isa-isahin ang mga institusyong di-
bangko.
4. Ano-ano ang mga regulators?
Sanggunian: AP LeaP, Q3, Week 8
atbp.

Inihanda ni: Sinuri ni:

RHEA R. EBORA RENIEL M. SERRANO


Practice Teacher Cooperating Teacher

Rizal Avenue Extension, Batangas City, Philippines +63 43 779 - 8400 loc. 1128

www.batstate-u.edu.ph
cte.pb@g.batstate-u.edu.ph

You might also like