Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODYUL 10 – HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Ang pagpapahalaga (values) ay nagmula sa salitang Latin na “valore” na nangangahulugang


pagiging matatag at pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Mula sa kahulugan ito, maaari nating
masabi na kailangang maging matatag tayo kapag dahil sa pagbabalaga sa anumang bagay na
may saysay o kabuluhan sa atin. Katulad ng katapatan, may kabuluhan ito dahil magdudulot ito
ng magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kailangan ng pagiging matatag sa pagiging
matapat dahil mahirap ang magsabi lagi ng totoong masasaktan o masusugaling o hindi maging
matapat. Kailangan ding isaalang-alang ang katotohanan.

Ayon naman sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay anomang bagay na kaibig-ibig, kaakit-
akit, kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay ng inspirasyon, magaan at kasiya-siya sa
pakiramdam, at kapaki-pakinabang. Hindi mo pahahalagahan ang isang bagay kung hindi mo
nakikita ang alinman sa mga katangiang ito. Ang pagpapahalaga rin ay naghihikayat at
gumagabay para pumili at gawin ang tiyak na layunin para sa ikaunlad at ikabubuti ng
indibidwal. Isang halimbawa rin ang positibong pagtanggap sa sarili. Naaakit ka sa taong may
positibong pagtingin sa sarili, hinahangaan mo siya dahil nakapagbibigay inspirasyon at
pagkakaroon niya nito. Alam mo rin na magiging masaya ang pakiramdam mo at
makaimpluwensiya ka ng ibang kabataan kapag nalinang mo ito sa iyong sarili. Kaya
magkakaroon ka ng tiyak na layunin magkaroon nito upang mapaunlad ang sarili mo.

Ayon sa tradisyon, ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa saligan o batayan ng kilos o gawa at


sa ubod ng paniniwala. Nagmumula ang paniniwala ng tao at ang kaniyang pagpapahalaga sa
pananaw ng mundo.

Ganap na Pagpapahalagang Moral vs Pagpapahalagang Kultural na Panggawi

Obehitibo. Ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon, (has been), at kung ano ito dapat
(must be). Ito ay nananahan sa labas ng isip ng tao, mas mataas sa isip ng tao, at ito ay
nananatili kahit pa hindi ito nakikita ng ibang nilalang.

Subhehitibo. Ito ay pansarili o personal sa indibidwal. Ito ay samit, damdam, panlasa, ugali, o
hilig na bunga ng pag-udyok ng pandamdam, damdamin, isip, motibasyon, karansan, at
nakasanyan. Ito ay mga pagpapahalaga na maaaring ang kahihinatnan ay makikita lamang sa
paglipas ng panahon o matapos makita ang resulta o bunga.

Pangkalahatan. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon, o kalagayan. Hinango


mula sa Likas na Batas Moral, ito ay kumakatawan sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon, at
sa lahat ng tao na pangkalahatan.

Panlipunan. Ito ay naiimpluwensiyahan ng pagpapahalaga ng huan - ang nakagisnang kilos o


asal na katanggap-tanggap sa lipunan. Ito ay maaaring magbago sa unti-unting pagbabago o
upang sumunod sa panahon o sa pangyayari.
Eternal. Ito ay umiiral at mananatiliing umiiral. Hindi ito magbabago kahit lumipas man ang
mahabang panahon. Nagbabago ang panahon, paniniwala, mithiin, pangangailangan, at layon
ng tao ngunit hindi pa rin mababago nito ang ganap na halaga ng moral.

Sitwasyonal. Ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon, at pangyayari. Ito ay madalas na nag-


uugat sa subhehitong pananaw sa kung ano ang mapapakinabangan o hindi. Ang ginagawang
pagkilala ay madalas na binabatay sa kung ano ang mas kaaya-aya, kapuri-puri, makabuluhan,
at tumutugma sa pangangailangan sa kasalukuyang panahon.

May kaugnayan ba ang dalawang pagpapahalagang ito? Ang bawat tao o pangkat ng tao ay
may personal na opinyon, kaugalian, kultura ngunit kung minsan, ang mga ito ay hindi moral.
Hindi dahil pinapakialaman o ginagawa ng nakararami, ito ay tama at mabuti. Ito ang ugnayan
ng pangkawaroong mga pagpapahalagang kultural ay tiyak na gawi na hindi panti sa ganap na
pagpapahalagang moral. Dahil dito, mainam na magkaroon ng mga personal na
pagpapahalaga o ng pagpapahalagang kultural at gawi na kabatay sa Likas na Batas Moral
upang mas mapauland ang ating pagkatao.

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)

1. Mga Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa


pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa
mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan, at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa mga
pagpapahalagang ito ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang
tao, tulad ng mamahaling alahas, magarang sasakyan, o mamahaling bag at sapatos na
labis na hinahangad ng ilang tao.
2. Mga Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may
kinalaman sa mabuting kalusugan at well-being. Halimbawa, mahalaga sa tao ang
makapagpahinga kung siya ay pagod (dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam) at ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay
malusog at hindi magkakasakit. Mahalaga sa atin na may maipanustos na tigong
mahahalaga sa atin upang mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat ng nangangit
at mga mabuting kalagayan.
3. Mga Espirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas
ang pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang ito
ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi sa sarili kundi ng mas
nakararami. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a
Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler: a. Mga pagpapahalagang
pangkagandahan (aesthetic values) b. Pagpapahalaga sa katunayan (value of justice) c.
Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)
4. Mga Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas
ng mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalaga kaugnay ng kailangan
sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan at maging handa sa pagsalubong sa Diyos.
Ang pagkilos tungo sa kabutihang umiiral nang higit pa sa sarili at ang kalikasan ng tao
ay kabilang sa banal na pagpapahalaga.

Ayon kay Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang
pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti
o masama ng kilos ng tao ay nasa salalayang pagpapili ng pagpapahalaga. Sa gawa gawing
maituturing ng sariling konsensiya bilang mabuti, nakikita na mas pinipili ang mataas na
pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa
negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain kung
mas piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong
pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga. Halimbawa, sa araw ng linggo ay pinili
mong maglaro kasama ng iyong mga kaibigan kaysa magsimba kasama ng iyong pamilya.
Bagamat mahalaga ang paglalaro dahil nagbibigay ito ng kasiyahan at nagpapanatili ng
pakikipagkaibigan, nagiging negatibong pagpapahalaga ito dahil ito ay mas mababang
pagpapahalaga kaysa sa pagbibigay ng pasasalamat sa Diyos na mas mataas at positibong
pagpapahalaga.

Bumuo si Max Scheler ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga na tinawag niyang “ordo amoris” o order
of the heart. Ayon sa kanya, ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi ganap na
mauunawaan lamang ng isip. Naniniwala siyang ang puso ng tao ay kayang magbigay ng
kaniyang ito batay sa mga prinsipyong hindi mauunawaan ng isip. Nabuo niya ang hirarkiya ng
pagpapahalaga (mula sa tesis ni Tong-Keun Min na “A Study on the Hierarchy of Values”):

1. Mas tumatagal ang mas mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang


pagpapahalaga. Halimbawa, ang pagastos ng pera upang ibili ng aklat ay mas mataas
kaysa sa paggastos ng pera upang bumili ng pizza, dahil ang kaalaman na makukuha
sa aklat kaysa sa kasiyahan ng pisikal na kailangan ay mas matagal ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas.
2. Mas mahirap mabawasan ang antas ng pagpapahalaga. Kahit pa dumarami ang
nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito. Halimbawa, ang pagpapahalaga ng
material na bagay ay lumiliit habang nahahati ito. Katulad ng isang buong pizza, lumiliit
ang halaga nito habang hinahati. Ngunit ang pagpapahalaga sa karunungan ay hindi
nababawasan kahit pa mahati ito o ipamahagi sa napakaraming tao. Ang
pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpasalin-salin nito sa
napakaraming henerasyon, napananatili ang kalidad nito (indivisibility).
3. Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga
pagpapahalaga. Ito ay naging batayan ng iba pang mga pagpapahalaga. Halimbawa,
ang isang tao na pinahahalagahan ang karunungan ay nagiging makatarungan, may
paggalang sa karapatan ng iba, nagiging mapanagutan sa kaniyang mga kilos at may
disiplina sa sarili.

4. Ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas malalim
ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng pagpapahalaga, mas mataas ang antas nito.
Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan ng pagtatapos sa mataas na paaralan kaysa sa
pagsali sa isang liga ng basketball (depth of satisfaction).
5. Ang isang pagpapahalaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa
organismong nakararamdam nito. Ito ay umiiral lubos at malaya sa mga nakararamdam
nito. Halimbawa, Si Roselle Ambubuyog ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng
Ateneo de Manila University na nakakuha ng pinakamataas na karangalan bilang
Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics. Hindi naging hadlang ang kaniyang
kapansanan upang makatapos siya ng pag-aaral. Ang kaniyang pagnanais na
magtagumpay sa kaniyang larangan ay higit na mataas kaysa sa kaniyang pisikal na
kapansanan.

You might also like