Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI–WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City
Tel/Fax # - (034) 435–3960
email: negros.occidental001@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weebly.com

Lesson Exemplar in Health IV


Third Quarter
Lesson 1

I. Objectives:
A. Content Standards
The learner demonstrates understanding of the proper use of medicines
to prevent misuse and harm to the body.
B. Performance Standards
The learner practices the proper use of medicines.

C. Learning Competencies/Objectives
The learner describes uses of medicines. H4S-IIIa-1

II. Content:
Tamang Gamit, Iwas Sakit

III. Procedures:
A.References
1. Teacher’s Guide: TG. pp. 159-161
2. Learner’s Materials: LM. pp. 324-329
3. Textbook pages:
4. Additional Materials from Learning Resources:
B. Other Learning Resources
Medicine cabinet( aktwal), ibat-ibang uri ng gamot-(aktwal) para sa
lagnat, sakit ng tiyan, sakit ng ulo, betadine, bulak, mga larawan, video
clips, power point presentation

IV. Procedures:
A. Review previous lesson or presenting the new lesson:
Ipakita ang medicine cabinet sa mga bata. Magtawag ng isang bata
at isa-isahin ang laman nito.

Itanong:
1. Ano-ano ang nakikita ninyo sa loob ng medicine kabinet?
2. Bakit kailangan ang medicine kit sa ating mga tahanan o
paaralan?
3. Kilala ba ninyo ang mga gamot na ito?
4. Kailan kayo umiinom o gumagamit nito?

B. Establishing a purpose for the lesson:


Panuto: Kilalanin at i-grupo ang mga gamot na maaaring inumin at ang
mga gamot na panlinis o panghugas ng sugat o pamahid
Lamang na makikita sa loob ng medicine cabinet.

MGA GAMOT NA INIINOM

MGA GAMOT NA
PANGHUGAS O PAMAHID
SA SUGAT

Itanong:
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gamot na ating iniinom sa
sa tuwing tayo ay nagkakasakit?
2. Ano-ano naman ang mga gamot na maaaring panlinis o
panghugas
ng sugat o pamahid lamang?

C. Presenting examples/instances of the new lesson:


Alin kaya?
Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagpapahiwatig o
nagpapakita ng tamang paraan ng pag-inom ng gamot sa tuwing may
sakit.

_____1. Pag-inom ng gamot sa takdang oras.


_____2. Pag-inom ng gamot na may reseta.
_____3. Uminom ng gamot kahit na walang preskripsiyon galing sa doktor.
_____4. Gamitin ang gamut na may gabay ng mga magulang o nars.
_____5. Pag-inom ng gamot kahit walang sakit na nararamdaman.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1:


Panuto: Basahin ang islogan sa kahon. Idugtong sa pamamagitan ng
linya ang mga larawang nagpapakita ng suporta sa islogang
ito.
PAGHADLANG

SA
KARAMDAMAN,
MAINAM KAYSA

GAMUTAN

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2:


Itanong:
1. Kailan iinom ng gamot?
2. Bakit natin kailangang uminom ng gamot?

F. Developing mastery:

G. Finding practical applicatons of concepts and skills in daily living:


Pangkatang Gawain

Ano ang inyong gagawin sa susunod na sitwasyon?(Pagsasadula)

Pangkat 1- May lagnat ang kapatid mo. Inutusan ka ng nany mo na


bumili ng gamot sa parmasya ngunit wala kang dalang
reseta.
Pangkat 2- Nakita mong kinakamot ng iyong kapatid ang buo niyang
katawan dahil sa pangangati dulot ng allergy. Sinabihan ka
ng iyong tatay na painumin siya ng gamot para sa allergy.

Pangkat 3- Masakit ang iyong tiyan at pabalik balik ka sa pagtatae sa


kubeta.Pinayuhan ka ng iyong kapitbahay na uminom ng
gamot. Ano ang gagawin mo?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson:


Itanong:
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga karaniwang gamot na ating
iniinom kapag masama ang ating pakiramdam?
2. Bakit kailangan nating uminom ng gamot?
3. Anong pagbabago ang nagagawa ng gamot sa ating katawan?

I. Evaluating learning:
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Bakit tayo umiinom ng gamot?


A. Upang guminhawa at gumaling sa isang karamdaman.
B. Upang huwag ng gumaling sa sakit.
C. Upang mas lalong mapasama ang pakiramdam.
D. Upang mas bumigat ang pakiramdam.

2. Ito ay isang uri ng gamot mas madalas ibigay sa mga sumusunod na


karamdaman tulad ng namamagang tonsilitis, ubong madilaw na may
plema, impeksyon sa ihi (UTI0 at malaking pigsa o pamamaga ng
gilagid.
A. Antacid
B. Antibiotic
C. Antihistamine
D. Antidiarrheals

3. Ito ay isang uri ng gamot na inirereseta para sa pagtatae.


A. Antibiotic
B. Mefenamic Acid
C. Analgesic
D. Antidiarrheals

4. Ito ay isang uri ng gamot na iniinom para maiwasan na di matunawan


at pangangasim ng sikmura.
A. Antitussive
B. Anti-inflamatory
C. Antacid
D. Mefenamic Acid

5. Ito ay gamot para sa pangangati ng katawan o allergy.


A. Antihistamine
B. Analgesic
C. Antibiotic
D. Antidiarrheals

ML-
ID-

J. Additional activities for application or remediation:


Gumawa ng sariling slogan na nagpapakita kung bakit kailangan
nating uminom ng mga gamot. (Arts Integration)

V. Remarks:
VI. Reflection:

Inihanda ni:

HAZEL C. SARIEGO
Doña A. Barrera Memorial School
District of Enrique B. Magalona

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI–WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City
Tel/Fax # - (034) 435–3960
email: negros.occidental001@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weebly.com

LESSON EXEMPLAR IN HEALTH IV


THIRD GRADING
LESSON 2

I. Objectives:
A. Content Standards
Demonstrates understanding of the proper use of medicines to
prevent misuse and harm to the body

B. Performance Standards
Practices the proper use of medicines

C. Learning Competencies/Objectives
Differentiates prescription from non-prescription medicines
II. Content:
Gamot na Iba’t-iba, sa Botika Naroon Sila!

III. Learning Resources:


A. References
1. Teacher’s Guide: TG. pp. 161-164
2. Learner’s Materials: LM. pp.330-336
3. Textbook pages:
4. Additional Materials from Learning Resources:

A. Other Learning Resources:


Mga aktwal na mga gamot, larawan, videoclips, halimbawa ng mga
aktwal na reseta galing sa doktor
IV.Procedures
A. Review previous lesson or presenting the new lesson:
Itanong:
1. Ano- ano ang mga halimbawa ng gamot na ating tinalakay?
2. Saan natin nabibili ang mga gamot na ito?

B. Establishing a purpose for the lesson:


A. Tingnan ang nasa larawan.

Itanong:
1. Ano ang inyo nakikita o masasabi sa larawan?
2. Ano ang maaaring bilhin sa establishimentong ito?
3. Mayroon din ba ito sa inyong barangay?
B.
Itanong:
1. Nakasama na ba kayo sa inyong nanay o tatay na bumili ng gamot
sa parmasya?
2. Para sa anong klaseng sakit o karamdaman ang inyong biniling
gamot?
3. Ano ang napansin niyo sa dalawang bumibili ng gamot sa
parmasya?

C. Presenting examples/instances of the new lesson:


GAMOT SA BOTIKA
May dalawang uri ng gamot
Na nabibili sa botika:
Una ay gamut na may reseta
Pangalawa na ma’y kahit wala na.
Gamot na may reseta, doktorang may dikta
Gamot sa mga sakit na malubha’t malala na
Hindi puwedeng gamitin kung pahintulot ng doktor ay di kamtin
Pagkat lalo lang magdudulot sakit’ karamdaman natin
Gamot na walang reseta ay marami sa botika
Kahit sino sa atin ay maaaring bumili at makakuha
Basahing mabuti direksiyon sa etiketa
Upang di magkamali, maiwasan ang pinsala.
Itanong:
1. Ano ang dalawang uri ng gamot ayon sa ating tula?
2. Saan natin mabibili ang mga gamot na ito?
3. Ano-ano ang pagkakaiba nito?

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1:


Basahin ang mga resetang naibigay o ipinakita sa inyo. Ano-ano ang
mga nababasa sa resetang ito?

Punan ng mga detalye ang gawain sa ibaba.

Detalye

1. Pangalan ng doktor
2. Pangalan ng gamot
3. Paano ang pag-inom
4. Sukat ng inumin
5. Petsa ng pagbalik sa doctor

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2:


basahin ang kosepto at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba.

* Ang reseta ay isang dokumentong bahagi ng pangangalagang


pangkalusugan. Dito isinusulat ng isang doctor o iba pang mga kawaning
medikal na binigyan ng kapangyarihan ng batas ang mga instryksiyon para
sa kanilang mga pasyente.

* Ang over-the-counter (OTC) o mga gamot na nabibili nang hindi na


nangangailangan ng reseta mula sa doctor. Nabibili ito ng diretso mula sa
counter ng mga botika at pati na rin sa mga tindahan.

Itanong:
1. Bakit mahalaga ang reseta sa pagbili ng gamot sa botika?
2. Ano ang over-the-counter na mga gamot?
3. Ano ang pagkakaiba ng gamot na may reseta at gamot na walang
reseta?

F. Developing mastery:
Panuto: Suriin ang sumusunod kung Tama o Maling pamamaraan ito
sa paggamit ng gamot. Lagyan ng tsek(/) ang hanay ng iyong sagot.

Kalagayan Tama Mali

1. Binabasa nang mabuti ang diraksyon at tamang sukat


bago inumin ang gamot.

2. Iniinom ng mas marami sa itinakdang gamot para mas


mabilis ang paggaling.

3. Gumamit ng tamang panukat sa pag-inom ng gamot


para di masobrahan ang dami.

4. Uminom ng antibiotics na reseta lamang ng doktor.


5. Binibigay sa kapitbahay ang natirang gamot sa inyong
inyong bahay para makatulong

G. Finding practical applicatons of concepts and skills in daily living:


Pangkatang Gawain

Pangkat 1- Isulat sa organizer ang pagkakatulad ng gamot na may


reseta at gamot na walang reseta.

Gamot na may Gamot na walang


reseta reseta

PAGKAKATULAD
1. ______________________________________________________
2. ______________________________________________________
3. ______________________________________________________
Pangkat 2- Isulat sa organizer ang pagkakaiba ng gamot na may reseta
at gamot na walang reseta.

Gamot na may Gamot na walang


reseta reseta

PAGKAKAIBA
4. ______________________________________________________
5. ______________________________________________________
6. ______________________________________________________

H. Making generalizations and abstractions about the lesson:


Itanong:
1. Ano-ano ang dalawang klase ng gamot?
2. Ano- ano ang dapat isaalang-alang sa mga gamot na ito?

I.Evaluating learning:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod kung tama o mali ang pamamaraan
ng paggamit ng gamot. Isulat kung TAMA o MALI.

______1. Umiinom ng antibiotics na reseta lamang ng doktor.


______2. Binibigay sa kapitbahay ang natirang gamot sa inyong
bahay para makatulong.
______3. Binabasa nang mabuti ang direksyon at tamang sukat
bago inumin ang gamot.
______4. Gumamit ng tamang panukat sa pag-inom ng gamot
para di masobrahan ang dami.
______5. Iinom ng mas marami sa itinakdang gamot para mas
mabilis ang paggaling.
ML-
ID-

J.Additional activities for application or remediation:


Magpatulong sa magulang at tingnan ang mga gamot sa inyong
bahay. Ilista ang mga gamot na nakikita roon sa kuwaderno. Lagyan
ng tsek (/) ang hanay kung ito ay gamot na inireseta o gamot na
di-inireseta.
Gamot Walang Reseta May Reseta

1.
2.
3.
4.
5.

V.Remarks:
VI. Reflection:

Inihanda ni:

HAZEL C. SARIEGO
Doña A. Barrera Memorial School
District of Enrique B. Magalona
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI–WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City
Tel/Fax # - (034) 435–3960
email: negros.occidental001@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weebly.com

LESSON EXEMPLAR IN HEALTH IV


THIRD GRADING
LESSON 6
I.Objectives:
A. Content Standards
The learner demonstrates understanding of the proper use of
medicines to prevent misuse and harm to the body.

B. Performance Standards
The learner practices the proper use of medicines.

C.Learning Competencies/Objectives
The learner describes the proper use of medicines
H4S-IIIf-g-5

II.Content:
Sa Oras ng Karamdaman, Wastong Preskripsiyon ang Kailangan

III.Learning Resources:
A. References
1. Teacher’s Guide: TG. pp. 177-178
2. Learner’s Materials: LM. pp.356- 360
3. Textbook pages:
4. Additional Materials from Learning Resources:
B. Other Learning Resources:
Aktwal na halimbawa ng reseta galing sa doktor, pakete ng gamot,
bote ng gamot, organizer, mga larawan, aklat

IV.Procedures
A. Review previous lesson or presenting the new lesson:
1. Paano mo maiiwasan ang maling paggamit ng gamot?
2. Ano-ano ang mga epekto ng maling paggamit ng gamot?

B. Establishing a purpose for the lesson:


Tingnang mabuti ang aktwal na preskripsiyon mula sa lisensyadong
doktor, gayundin ang nakasulat sa pakete o lagayan ng likido at
tabletang gamot.
( Magpakita sa mag-aaral ng aktwal na preskripsiyon mula sa
lisensyadong doktor, likido at tabletang gamot.)

Itanong:
1. Bakit kailangan ng preskripsiyon ng doktor bago uminom ng
gamot?
2. Ano-ano ang makikita o mababasa ninyo sa nakasulat sa
Sa pakete ng gamot o medicine label?

C.Presenting examples/instances of the new lesson:


Panuto: Basahin ang dayalogo at pagkatapos ay sagutin ang mga
gabay na tanong.

(Sa silid-aralan, aktibong nakikisali sa talakayan sina Rona,


Ben, Belen at Roy…)

Gng. Castro: Magandang araw sa inyong lahat. Gusto kong malaman


mula sa inyo kung ano ang ginagawa ninyo bago uminom
ng gamot.
Rona: Sinasamahan ako ng Nanay ko sa kilinika upang magpatingin
sa doktor. Sinusunod ko ang preskripsiyon mula sa doktor sa
gabay ng aking mga magulang.

Gng. Castro: Tamang gawi ang ginagawa mo Rona. Ikaw naman, Ben.

Ben: Sinusuri kong mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot upang


malaman ko kung kailan mawawalang ng bisa.

Belen: Hindi kami bumubili ng gamot ni Nanay ko kung saan-saan.


Bumibili kami sa mapagkakatiwalaang botika upang hindi kami
makabili ng pekeng gamot.

Gng. Castro: Tama ang mga ginagawa ninyo mg bata. Ano naman
ang maibabahagi mo sa amin Roy?

Roy: Ipinahihiwalay namin ang lalagyan o taguan ng mga gamot


namin sa mga panlinis sa bahay at pamuksa sa insekto.
Sinisigurado namin na hindi kayang abutin ng mga nakababatang
kapatid ang imbakan ng mga gamot upang hindi nila pagllaruan.

Gng. Castro: Magaling! Ako ay nalulugod sa inyong ibinahagi ngayon.


Oras na para sa susunod ninyong asignatura. Paalam mga bata.

Mga Bata: Paalam din po Gng. Castro.

Itanong:
1. Ano-ano ang ibinahagi nina Rona, Ben, Belen at Roy sa
kanilang kaklase at guro?
2. Bakit kailangan nating kumonsulta sa doktor bago uminom
ng gamot?
3. Bakit kailangang bumili ng gamot sa mapagkakatiwalaang botika?
4. Nasiyahan ba si Gng. Castro sa mga ibinihagi ng kaniyang mga
mag-aaral? Bakit?

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1:


Panuto: Sagutan ang tseklist. Lagyan ng (/) tsek ang inyong sagot.

Mga Tanong Oo Hindi


1. Nagpapakonsulta ba ako sa doktor bago uminom ng
gamot?
2. Sinusuri ko ba ang nakasulat sa pakekr ng gamot?
3. Sinusuri ko ba ang mga nakasaad sa preskripsiyon ng
doktor?
4. Umiinom ba ako ng gamot na may gabay ng magulang
o nakatatanda?
5. Inaalam ko ba ang expiration date ng gamot na iinumin
ko?

Itanong:
Ginagawa niyo rin ba ang mga nakasaad sa tseklist bago kayo uminom
ng gamot?

E.Discussing new concepts and practicing new skills #2:


Mahal Kita Kaibigan!
Panuto: Sumulat sa iyong kaibigan upang ipaalam o ipaalala
sa kaniya ang tamang parran ng paggamit ng gamot.

_____________________
_____________________
___________________,
____________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.

___________________,
___________________

Itanong:
1. Tungkol saan ang sulat na iyog ginawa para saisang kaibigan?
2. Ano-ano ang mga paalala na iyong isinulat tungkol sa tamang
paraan ng paggamit ng gamot?

F. Developing mastery:
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa
ng sumusunod na pangungusap.

nakasulat bisa
doktor preskripsiyon
1. Kumonsulta sa ____________bago uminom ng gamot.
2. Bumili ng gamot sa _____________ botika.
3. Suriin kung kailan mawawalan ng ____________ ang gamot.
4. Sundin ang _________ na ibinigay ng doktor.
5. Basahin at suriing mabuti ang ____________ sa pakete ng gamot.

G. Finding practical applicatons of concepts and skills in daily living:


Nagkasakit ang iyong kapatid, bakit mahalaga na magpatingin muna sa
doktor bago siya painumin ng gamot?

Bakit napakahalag rin na basahin ang mga impormasyon na nakalagay


sa pakete ng mga gamot bago inumin?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson:


Isulat sa “House Organizer” amg lahat ng iyong natutuhan tungkol sa
tamang paraan ng paggamit ng gamot.

I.Evaluating learning:
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig
ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.

______1. Basahin at suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot


bago ito inumin.
______2. Bumili ng gamot sa hindi mapagkakatiwalaang botika.
______3. Suriin kung kailan mawawalan ng bisa ang gamot.
______4. Huwag sundin preskripsiyon na ibinigay ng doktor.
______5. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot.

ML-
ID-

J.Additional activities for application or remediation:


Magsaliksik ng iba pang paraan ng wastong paggamit ng gamot. Isulat
sa inyong kwaderno ang mga nakalap na impormasyon. Maaaring
gumamit ng pananaliksik sa internet, pahayagan at aklat.
V.Remarks:
VI. Reflection:

Inihanda ni:

HAZEL C. SARIEGO
Doña A. Barrera Memorial School
District of Enrique B. Magalona
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI–WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City
Tel/Fax # - (034) 435–3960
email: negros.occidental001@deped.gov.ph
Website: www.depednegrosoccidental.weebly.com

LESSON EXEMPLAR IN HEALTH IV


THIRD GRADING
LESSON 7
I.Objectives:
A. Content Standards
The learner demonstrates understanding of the proper use of
medicines to prevent misuse and harm to the body.

B. Performance Standards
The learner practices the proper use of medicines.

C. Learning Competencies/Objectives
The learner explains the importance of reading drug information and
labels, and other ways to ensure proper use of medicine.
H4S-IIIi-j-6

II.Content:
Paliwanag Mo, Kailanagan Ko!

III.Learning Resources:
A. References
1. Teacher’s Guide: TG. pp. 179-181
2. Learner’s Materials: LM. pp. 361- 365
3. Textbook pages:
4. Additional Materials from Learning Resources:

B. Other Learning Resources:


Picture cliparts, videoclips, aklat

IV.Procedures
A. Review previous lesson or presenting the new lesson:
Itanong:
1. Sa oras ng karamdaman, ano ang dapat natin gawin?
Iinom na tayo kaagad ng gamot?
2. Bakit kailangang komunsulat muna sa doktor bago uminom ng
gamot?
3. Ano-ano ang mga tamang paraan sa paggamit ng gamot?

B.Establishing a purpose for the lesson:


Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong ukol dito.
Bata, Isinugod sa Ospital…

Isang batang lalaki ang isinugod sa Amas Provincial Hospital


dahil sa pananakit ng tiyan bandang ika-2 ng hapon. Napag-
alamang umaga pa sumasakit ang tiyan ng bata at nakainom na rin
umano ng gamot sa bahay nila. Minabuti ng guro na dalhin na
lamang sa pagamutan ang bata dahil sa patuloy na pananakit ng
tiyan nito. Dito na nalaman ang nainom na gamot ng bata ay expired
na gamot. Payo ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of
Health, isaayos na mabuti ang mga gamot sa bahay at lagyan ng
tamang label. Nakabubuting magtanong muna sa nakatatanda ang
mga bata bago uminom ng anumang gamot.

Itanong:
1. Bakit hindi naalis ang pananakit ng tiyan ni Omar sa unang ininom
niyang gamot?
2. Ano ang payo ng Kagawaran ng Kalusugan upang maiwasan ang
nangyari kay Omar?
3. Kung ikaw si Omar, ano ang dapat mong gawin bago uminom ng
gamot?
4. Ano ang epekto ng pag-inom ng expired na gamot?

C.Presenting examples/instances of the new lesson:


Tingnang mabuti ang mga larawan. Ano ang inyong masasabi?

Itanong:
1. Alin sa mga larawan ang gusto mong tularan? Bakit?
2. Susundin mo rin ba ang ginawa ng bata sa larawan?

A. Discussing new concepts and practicing new skills #1:


Pangkatang Gawain
Pangkat 1,2 at 3
Panuto: Pag-usapan at isulat ang kahalagahan ng iba pang paraan
ng paggamit ng gamot. Itaka ang mga ito sa balangkas na nasa
manila paper.

Mga Panuntunan sa Paggamit ng


Gamot Kahalagahan

1. Gamitin ang gamot na may gabay


ng responsableng nakatatanda.
2. Basahin at suriing mabuti ang
nakasulat sa pakete ng gamot
(medicine label).
3. Kumonsulta sa doktor bago
uminom ng gamot.
4. Sundin ang mga panutong
nakasaad sa preskripsiyong
pangmediko.

E.Discussing new concepts and practicing new skills #2:


Bumuo ng tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng pare-
parehong
set ng plaskards na may nakasulat na tamang paraan sa paggamit ng
gamot. Sa pagkalembang ng guro ng bell, mag-uunahan ang
nakatalagang miyembro na maglagay sa pocket chart ng plaskard. Ang
pangkat na may maraming puntos ang panalo.
Mga Salitang nakasulat sa plaskards:

Gamitin ang Uminom ng Basahin at suriing


Bumili ng gamot gamot na may gamot ng mabuti ang
sa palengke. gabay ng kaibigan. nakasulat sa
nakatatanda. pakete ng gamot.
Basahin at suriing Sundin ang mga
Gamitin ang mabuti ang panutong Sundin ang payo
reseta ng nakasulat sa nakasaad sa ng kaibigan mong
kapitbahay mo. pakete ng gamot. preskripsiyong nagkasakit.
pangmediko.
Kumonsulta sa
Uminom ng doktor bago Bumili sa Bumili ng gamot
gamot sa takdang uminom ng tindahan. na walang reseta.
oras. gamot.

Sundin ang mga


Gamitin ang panutong Gamitin ang Uminom ng
gamotbna may nakasaad sa reseta ng kapatid gamot ng
gabay ng preskripsiyong mo. kaibigan mo.
nakatatanda. pangmediko.
F. Developing mastery:
A. SUNDIN SI DOK!
Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng pangungusap.

Kailangan kong magpakonsulta sa doktor sapagkat __

B.Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng makabuluhang


pangungusap.

1. Uminom ng gamot na may gabay ng magulang upang


_______________________________________________.
2. Dapat suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot upang
_______________________________________________.
3. Kumonsulta sa doktor bago uminom ng gamot upang
_______________________________________________.
4. Sundin ang mga panutong nakasaad sa preskripsiyong pangmediko
upang _________________________________________.
5. Uminom ng gamot sa itinakdang oras upang
______________________________________________.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living:


May sakit ang iyong kapatid at nakabili na kayo ng gamot na inireseta
ng
doktor. Binasa mo muna ng mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot
bago mo siya pinainom. Bakit mahalaga na basahin muna ang
nakasulat
sa pakete ng gamot bago ito inumin?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson:


Gaano kahalaga ang nakasulat sa pakete ng gamot?

Bakit kailangan itong basahin?

I.Evaluating learning:
Panuto: Basahin at lagyan ng (/) tsek ang pangungusap na nagsasaad
ng wastong paggamit ng gamot at (X) kung hindi.
____1. Gamitin ang reseta ng kapitbahay mo.
____2. Komunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.
____3. Basahinat suriing mabuti ang nakasulat sa pakete ng gamot.
____4. Uminom ng gamot sa takdang oras.
____5. Gamitin ang reseta ng gamot ng kapatid mo.

ML-
ID-

J.Additional activities for application or remediation:


Panuto: Gumawa ng poster tungkol sa kahalagahan ng tamang
paggamit ng gamot.

V.Remarks:
VI. Reflection:

Inihanda ni:

HAZEL C. SARIEGO
Doña A. Barrera Memorial School
District of Enrique B. Magalona

You might also like