Modyul6 Q3 AP8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

Modyul 6 – Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europa at iba’t-
ibang bahagi ng Daigdig
(Week 9)

Naikonseptwalisa ni
Miah C. Auman
Tisa National High School

1
Modyul 6: Pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europa at iba’t-
ibang Bahagi ng Daigdig
Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo sa


makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng
mga kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigang
kamalayan.

Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang
bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon
tungo sa makabagong panahon.

Kakayahan:
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at
iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Paksa/Subject:

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at


iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Subukin
Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay
sa Modyul 6 sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o
Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang
matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot
ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang pinuno ng Rebelyong Taiping na itinuring ang sarili bilang nakababatang


kapatid ni Hesus.
A. Ci Xi B. Hung Hsui-Chuan C. Kublai Khan D. Lapu-lapu
2. Saan nangyari ang “Seven Years’ War”?
A. Austria B. China C. India D. Pilipinas

2
3. Alin sa mga sumusunod ang layunin sa pagbuo ng Burschenschaften sa Germany?
A. Makuha ang pamumuno ng Austria.
B. Mapatalsik ang mga mapaniil na mga pinuno.
C. Magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong German.
D. Mapalago ang pakikipagkalakalan sa kabila ng pananakop.
4. Anong grupo ang nilabanan ng Greece noong 1821?
A. Katipuneros B. Nazi C. Ottoman Turk D. Quadruple Alliance
5. Ano ang kasalukuyang pangalan ng Peking?
A. Beijing B. Guangdong C. Shanghai D. Yunnan
6. Bakit sumiklab ang Digmaang Sepoy?
A. Nagkagulo ang mga Muslim at mga Hindu.
B. Nag-agawan ng teritoryo ang mga pinuno ng tribo.
C. Nagalit ang mga Ingles dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran.
D. Kumalat ang balita na ang mga cartridge para sa mga bagong armas
ay ginagamitan ng langis galing sa taba ng baka at baboy.
7. Sino ang haring Bourbon ng Spain na napilitang ibalik ang Konstitusyon?
A. Camillo Cavour B. Charles V C. Franz Joseph D. Ferdinand VII
8. Ano ang tawag sa pagmamahal sa bansa at paghahangad ng kasarinlan?
A. Imperyalismo B. Komunismo C. Merkantilismo D. Nasyonalismo
9. Alin sa mga sumusunod ang KABILANG sa Rebolusyong India?
A. Pag-aalsa ng mga Katipunero C. Rebelyong Boxer
B. Pag-aalsa ng mga Ottoman D. Rebelyong Sepoy
10. Alin sa mga sumusunod ang ninais na gawin ni Hung Hsui- Chuan ng China?
A. Mapaalis ang lahat ng mga dayuhang mananakop.
B. Makontrol ang mga produkto na galing sa ibang bansa.
C.Mapag-isa ang lahat ng mga Tsino sa kabila ng pananakop.
D. Mapalaganap ang kapayapaan sa China sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
11. Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pahayag tungkol sa pananakop ng mga
Espanyol?
A. Sinakop ang Pilipinas sa halos 233 na taon.
B. Malayang naibenta ng mga Pilipino ang kanilang mga produkto.
C. Walang buwis na ipinapataw sa mga mamamayan at sa mga produkto.
D. Hindi makatuwiran ang naging patakaran ng mga Espanyol gaya ng
sapilitang paggawa.
12. Anong estado ang nasa ilalim ng paghahari ni Ferdinand I ng Espanya?
A. Berlin B. Peking C. Rome D. Tuscany
13. Sinong mga katutubong Indian na ginawang sundalo ng mga Ingles?
A. Boxers B. Carbonari C. Katipunero D. Sepoy
14. Sino ang pinuno ng Katipunan na kung saan nag-alsa laban sa mga Espanyol?
A. Andres Bonifacio B. Diego Silang C. Jose Rizal D. Lion Kilat
15. Alin mga sumusunod na pahayag tungkol sa Treaty of Adrianople ay TAMA?
A. Makontrol ang pag-aalsa ng mga mamamayan.
B. Mapalago ang kalakalan ng Greece sa kabila ng pananakop.
C. Palayain ang mga bansang nasakop ng Great Britain at Russia.
D. Ibigay sa Greece ang kalayaan sa tulong ng tatlong puwersang Kanluranin.

3
Alamin
Mga mag-aaral, sa araling ito tatalakayin natin ang
pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Sa araling ito, ikaw ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:
A. Nabibigyang - kahulugan ang nasyonalismo;
B. Naipahahayag ang pagpahahalaga sa nasyonalismo sa Europe at sa iba’t-ibang
bahagi ng daigdig;
C. Naipamamalas ang mga tamang paraan ng pagmamahal sa bayan.

Panimulang Gawain
Mga mag-aaral, bago natin umpisahan ang pagtalakay sa araling ito,
atin munang awitin ang isang napakadamdaming linya sa ating Pambansang
awit ang Lupang Hinirang. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang ibig sabihin ng linyang ito?


Ipaliwanag sa dalawang
pangungusap lamang.

“Aming ligaya ng pag may mang-


aapi ang mamatay ng dahil sa’yo.”

Tuklasin at Suriin

Magandang araw mga mag-aaral!! Umpisahan na natin ang pagtalakay sa


paksang ito. Simulan natin ang pagbibigay ng kahulugan sa salitang
“Nasyonalismo”.

Ang Nasyonalismo ay ang pagmamahal sa bansa, nangangahulugang


paghahangad ng kasarinlan. Sa kabuuan, ang nasyonalismo ay isang positibong
puwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakakilanlan
at kung ito ay hindi sa tunguhin ng ibang bansa. Nagiging masama ito kung
gagawing batayan ng militarismo at pagsakop sa ibang bansa. Ayon nga sa
nasyonalistang si Claro M. Recto, walang masama sa pagtataguyod ng kapakanan
ng sariling bansa, ang masama ay ang pakikialam sa direksyong tutunguhin ng iba
pang bansa. Ang pakikialam at panghihimasok sa ibang bansa ay tinatawag na
imperyalismo.

4
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa
Congress of Vienna
Ang Congress of Vienna ay ipinatawag noong 1814 upang pagtibayin ang
Treaty of Paris na nagwakas sa mga digmaang inilunsad ni Napoleon Bonaparte at
upang buuing muli ang estrukturang politikal ng Europe.

Talahanayan 1.1 Mga Teritoryong Nakuha Ng Bawat Bansa Matapos Ang


Congress of Vienna
Bansa Mga Territoryo
Ceylon, Cape of Good Hope, Malta, Ionian Islands,
Great Britain at Heligoland Islands
Holland Belguim
Austria Lombardy, Venetia, Tuscany
Germany Nabuo ang 39 na estado
Prussia Pomerania, Saxony, Rhineland States
Russia Warsaw
Sweden Norway

Ang Digmaan Para sa Kalayaan ng Greece


Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa mga Ottoman Turk. Nakialam ang
Great Britain, Russia, at France upang palayain ang Greece mula sa mga Turk. Ang
naging resulta nito ay ang Treaty of Adrianople kung saan ibinigay sa Greece ang
kalayaan sa tulong ng tatlong puwersang Kanluranin. Si Otto, ang anak ng hari ng
Bavaria bilang unang hari ng Greece.

Unipikasyon ng Germany
Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim ng
pamumuno ng Austria. Sa ganitong konteksto, nabuo ang Burschenschaften, isang
radikal na kilusan na ang layunin ay magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong
German. Hangad nito na magkaroon ng mas malawak na partisipasyon sa
pamahalaan. Ang kilusan na pinangunahan nina Friedrich L. Jahn at Ernest M. Arndt
ay binuwag ni Metternich matapos mapatay ng isang kasapi nito ang makatang si
Augustuste F. Kotzebu. Noong Marso 1848, nagkaroon ng demonstrasyon at pag-
aalsa sa Berlin, kabisera ng Prussia. Ang Prussia ay isang dating makapangyarihang
kaharian sa lupain ng kasalukuyang Poland at hilagang Germany. Sa Frankfurt
Assembly noong 1848, may 800 Aleman (German) ang dumalo upang magkaroon ng
nagkaisang Germany. Si Bismarck ay itinalagang Punong Ministro ng Prussia noong
1862. Ipinahayag ang pagkatatag ng Imperyong German sa Palasyo ng Versailles
noong 1871. Naluklok si Bismarck bilang kauna-unahang Chancellor ng Imperyong
German. Dahil dito, umusbong ang Germany bilang isa sa pinakamakapangyarihang
bansa sa daigdig.

Ang Pag-aalsa ng Spain


Bilang reaksiyon sa kaayusang nalikha ng Congress of Vienna, nagkaroon ng
pag-aalsa sa Spain noong1820. Ang pag-aalsa ay natuon sa haring Bourbon na si
Ferdinand VII na napilitang ibalik ang Konstitusyon matapos itong maisantabi dahil

5
sa restorasyon ng monarkiya. Gayumpaman nang makialam na ang Quadruple
Alliance ay namumbalik sa kapangyarihan si Ferndinand VII.

Unipikasyon ng Italy

Nahati ang Italy sa ilalim ng mga dayuhang


pamumuno ang mga estado. Nasa ilalim ng
pamilyang Hapsburg ng Austria ang estado ng
Lombardy, Venetia, at Tuscany sa hilaga. Nasa
ilalim ni Fernand I, ang Espanol na haring
Bourbon, ang Sicily at Naples sa timog Italy. Sa
gitnang Italy, pinamahalaan ng Papa ang Papal
States, kabilang ang Rome, tanging ang Sardinia
ang pinamahalaan ng isang pamilyang Italyano,
ang House of Savoy. Ang hangaring pagkakaisa
ang nagtulak sa mga rebolusyonaryong Italyano
Camillo Benso Cavour (Italian) na magtatag ng mga kilusan. Nabuo ang
Risorgiment o ang kilusan upang makamtan ang
pagkakaisa at kalayaan. Noong 1820, nag-alsa ang mga Carbonari laban kay
Ferdinand I. Nagpadala ng hukbo ang Austria upang sugpuin ang mga nag-aalsa.
Napigilan ang mga rebolusyon sa Italya sa tulong ng mga pwersa sa Europe.
Noong 1861, nagbuklod-buklod ang lahat ng estado sa Italya, maliban sa
Rome at Venice na napasailalim sa hari ng Sardinia at ng konstitusyong liberal. Sa
pamumuno ng Punong Ministro na si Cavour, nakikipag-alyansa siya sa France at
natalo nila ang Austria. Isinulong niya ang pagkakaisa ng gitna at hilagang Italy.
Nagtagumpay silang palayain ang Sicily at Naples.

Ang Pag-aalsa ng France


Ang pag-aalsang naganap sa France ay
maituturing na karugtong ng mga ideyang ipinaglaban
ng Rebolusyong French. Ang July Revolt noong 1830
ay nasisilbing reaksiyon sa mga restriksyong
ipinatupad ni Haring Charles X hinggil sa
pamamahayag at sa pagbuwag sa Chamber of Deputies
o ang lehislatura. Noong 1830 sumiklab ang rebolusyon
sa Paris kung saan ang mamayan ay lumikha ng
kaguluhan sa mga kalsada.
Hindi nakayanan ni Charles na sugpuin ang
rebelyon kung kaya tumakas siya papuntang Great
Britain. Pinalitan siya ni Louis Philippe isang kasapi
ng Dinastiyang Bourbon at ginawaran ng titulong King
of the French.
Louis Philippe
Noong Pebrero 1848, isa na namang pag-alsa
ang isinagawa ng mga manggagawa na naniniwalang https://en.wikipedia.org/wiki/Louis_Phili
ppe_I
ang politikal at panlipunang katarungan ay
makakamit lamang sa pamamagitan ng rebolusyon. Ang mga ipinadalang tropa

6
upang sugpuin ang pag-aalsa ay kumampi sa mga nag-aalsa. Dahil dito nagbitiw sa
tungkulin ang ministro ni Louis na si Francois Guizot samantalang si Louis Philippe
ay tumakas papuntang Great Britain. Sa eleksyong isinagawa noong Disyembre
1848, nanalo bilang pangulo si Louis Napoleon Bonaparte, pamangkin ni Napoleon
Bonaparte. Binuwag niya ang Assembly at idineklara ang sarili bilang hari. Sa
Digmaang Franco- Prussian noong 1870, natalo si Louis at itinatag ang Third
Republic.

Imperyong Austria – Hungary

Sa Austria, ang mga rebolusyonaryo ay humingi ng


pagkakaroon ng liberal na konstitusyon at wakasan
ang piyudalismo. Hiniling din nila ang pagpapaalis
kay Metternich. Laking gulat ng mga
rebolusyonaryo nang pumayag ang emperor na si
Ferdinand I sa kanilang mga kahilingan.
(Bustamante, Eliza D., 2015)
Samantala ang Hungary na noon ay bahagi ng
imperyo, masidhi ang paghingi ng Kalayaan.
Malakas naman ang sigaw para sa pambansang
awtonomiya ng mga Croat, Slovak, at iba pang mga
pangkat-etniko na sakop ng territoryo. Aksidenteng
napatay sa isang demonstrasyon ang asawa ni
Franz Joseph: ang emperor Prinsipe Alfred Windischgratz, punong Ministro ng
ng Austria
Prague (kasalukuyang kabisera ng Czech Republic).
Sa galit nito, winasak niya ang lungsod ng Prague
hanggang sa matalo ang mga radikal at naluklok sa
kapangyarihan ang bayaw niya na si Felix Schwerzenberg bilang punong ministro.
Si Franz Joseph ang pamangkin ni Windischgratz, ay naging Emperor ng Austria
noong 1848.

Nasyonalismo sa Asya

Ang nasyonalismong nabuo sa Asya ay maaaring itinuring na reaksiyon sa


mapaniil na patakaran ng mga dayuhang imperyalista. Ang mga pag-aalsa at
paghihimagsik na naganap sa iba’t ibang bahagi ng Asya sa ika-19 na siglo ay bilang
pagtutol sa isang patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin sa kani-kanilang
kolonya. Ito ay tahasang makawala mula sa tali ng kolonyalismo.

7
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa India
Simula sa ika – 18 na siglo
namayani ang mga English sa India
matapos na matalo sila ng French sa
Seven Years’ War. Ang kanilang
tagumpay sa pagsupil sa mga lokal
na pinuno sa India ay dahil sa
tulong ng mga Sepoy. Ang Sepoy ay
mga katutubong Indian na
ginawang sundalo ng mg Ingles o
English upang talunin ang mga lokal
na hari at labanan ang mga kaaway
ng mga English sa ibang lupalop
Rebelyong Sepoy 1857 gaya ng Burma.
https://www.thoughtco.com/the-indian-revolt-of-1857-
195476 Noong 1857-1858, sumiklab ang
Rebelyong Sepoy. Ang sanhi ng nasabing pag-aalsa ay ang mga riple na ibinigay ng
mga English sa mga Sepoy noong 1857. Kumakalat ang maling balita na ang mga
cartridge para sa mga bagong ripleng Enfield ay ginagamitan o pinapahiran ng langis
na galing sa taba ng baka at baboy. Ang mga Hindu ay hindi kumakain ng baka at
ang mga Muslim naman ay hindi kumakain ng baboy kaya nagalit ang mga Sepoy
at nag-alsa. Nasugpo din kalaunan ng mga English ang pag-aalsang ito.

Ang Rebolusyon ng China

Sumiklab ang mga rebelyon sa China tulad ng


Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing at
Rebelyong Boxer laban sa mga dayuhan, na kung saan
nagpapakita ng kagustuhan ang mga Tsino na lumaya
sa mga dayuhan.
Ang Rebelyong Taiping (1850-1864) ay
pinasimulan ni Hung Hsui -Chuan, na itinuturing ang
sarili bilang nakababatang kapatid ni Hesus. Ninais
niyang mapalaganap ang kapayapaan sa China sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Umabot ng 14 na taon ang rebelyon bago ito nagapi ng
Ci Xi ang Empress Ever Victorious Army, isang hukbong Tsino na
Dowagers pinamunuan ng Amerikanong si Frederick Ward at
nang lumaon ay si Charles George Gordon ng England.
Ang Rebelyong Boxers ay naganap mula 1898-1900. Ang boxers ay nabibilang sa
isang kilusang tinatawag na Society of Righteous and Harmonious Fists. Hinimok ni
Ci Xi, Empress Dowagers ang Boxers na magalit sa mga dayuhan at patalsikin ang
mga ito upang matigil na ang pagsasamantala nila sa China. Sinalakay nila ang
Peking (kasalukuyang Beijing) at pinapatay ang maraming dayuhan.

8
Ang Nasyonalismo sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol sa loob ng 333 taon na nagsimula
noong 1565. Nakaranas ang mga Pilipino ng pagmamalupit at pang-aabuso sa
kamay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mga patakarang hindi makatuwiran
gaya ng sapilitang paggawa o polo y servicio, buwis o tributo at sapilitang pagbebenta
ng produkto o bandala. Nagsimula ang pagsiklab ng pag-aalsa laban sa mga
Espanyol noong ika -16 na siglo.

Mga Pinunong Nag-aalsa na Laban sa mga Espanyol

Tenyente-Heneral Pantaleón Villegas y Soldi

(Hulyo 27, 1873 - Abril 8, 1898) na mas kilala bilang


León Kilat ("Lightning Lion" sa Cebuano), ay isang
Pilipinong rebolusyonaryong pinuno sa Cebu na
nag-aalsa laban laban sa Espanyol.

https://twitter.com/jerome_aning

Francisco Dagohoy
Ipinanganak si Francisco Sendrijas noong 1724, isa
siyang rebolusyonaryong Pilipino at katutubo mula sa
Inabanga Bohol. Siya ang namumuno sa
pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng
Pilipinas, ang Rebolusyong Dagohoy. Ito ay ang
paghihimagsik laban sa pamahalaang kolonyal ng
Espanya na naganap sa isla ng Bohol mula 1744
hanggang 1828, humigit-kumulang 85 taon.

https://i-am-a-filipino.fandom.com/wiki/Dagohoy

Lapulapu o Lapu-Lapu

Ang kanyang pangalan ay unang naitala bilang


Çilapulapu, isang datu ng Mactan mula sa Visayas.
Kinikilala siya ng modernong lipunan ng Pilipinas
bilang unang bayaning Pilipino dahil sa kanyang
pakikipaglaban sa grupo ni Ferdinand Magellan.

https://countrywithinacity.wordpress.com/

9
Pag-aalsa ng mga Katipunero

Andres Bonifacio
Sumiklab noong 1896 nang ilunsad ang
himagsikang pinangungunahan ni Andres
Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan. Layunin ng
kilusang ito na patalsikin ang mga Espanyol sa
Pilipinas at makamit ang ganap na kasarinlan.
Humantong ito sa deklarasyon ng kasarinlan ng
Pilipinas sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo bilang
pangulo. Subalit nasakop ng mga Amerikano ang
Pilipinas kaya nagpatuloy ang pakikibaka ng mga
rebolusyonaryo laban sa bagong tatag na
kapangyarihan ng mga Amerikano hanggang 1913.

Kilusang Propaganda
Pinangungunahan ng mga ilustrado o mga Pilipinong nakapag-aral sa Pilipinas at
maging sa Europe.

Jose Rizal Graciano Lopez Jaena Marcelo H. Del Pilar

Isaisip

Sa paksang ating natalakay natutunan natin kung paano nakikibaka ang bawat
bansa upang makamtan ang kasarinlan. Naipapakita nila ang mga paraan ng
pagmamahal sa bayan. Nakilala rin natin ang mga matatapang at makabayang
pinuno sa iba’t ibang bansa. Sa puntong ito, kunin ang sagutang papel at sagutin
ang isang maikling Gawain sa Sort and Classify.

10
Panuto: Sort and Classify. Tukuyin kung saang bansa kabilang ang mga pinuno
at mga rebolusyong naganap. Isulat ang pangalan at ang mga pangyayaring naganap
sa Talahanayan sa ibaba.

Alfred Windschgratz July Revolt


Bismarck Kilusang Propaganda
Camillo Benso Cavour Rebelyong Boxer
Ci Xi Rebelyong Sepoy
Francisco Dagohoy Rebelyong Taiping
Hung Hsui -Chuan Quadruple Alliance

Bansa Pinuno Rebolusyong Naganap

Austria -Hungary

China

France

India

Italy

Pilipinas

Isagawa o Pagyamanin

PANUTO: FILL IN THE BLANKS. Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo
ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

kabutihan pamamahayag
kamalayan pamamayani
kasarinlan pamilihan
mapaniil panghihimasok
pagkabuklod-buklod sugpuin

1. Ang karaniwang tugon ng pamahalaan sa rebelyon ay ________________ ito.


2. Ang mga programa at proyekto ng pamahalaan ay para sa ________________.
3. Hindi nakabubuti sa ating bansa ang _______________ ng ibang bansa sa ating mga
patakaran.
4. Mahalaga ang karapatan sa ________________ upang malayang maipaalam ang
saloobin ng mamamayan.
5. Isinisi ng mga Tsino sa Dinastiyang Qing ang ________________ ng kapangyarihang
Kanluranin o Europeo sa China.

11
6. Mahalaga ang _____________ng mga mamamayan upang maitaguyod ang mithiin
ng isang bansa.
7. Maraming pag-aalsang naganap sa mga bansang nasakop dahil sa mga __________
na patakarang ipinatupad ng mga dayuhang imperyalista.
8. Nagsagawa ng himagsikan ang maraming mga bansang nasakop sa Asya upang
makamtan ang kanilang _________________.
9. Nagsilbi ang mga bansang nasakop bilang pinagkukunan ng hilaw na materyales
at ___________________para sa produkto ng mga bansang nanakop.
10. Mahalaga sa pagbuo ng nasyonalismo ang ________________________ ng
mamamayan na sila ay isang lahi.

Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga pangalan ang naging pinuno sa France?


A. Charles X B. Cavour C. Jose Rizal D. Louis Napoleon Bonaparte
2. May digmaang nangyari sa Greece noong 1821. Alin sa mga sumusunod na
dayuhan ang kanilang nilabanan upang makalaya sa pananakop?
A. French B. German C. English C. Ottoman Turk
3. Anong bansa ang nag-aagawan sa bansang India?
A. Austria at Great Britain C. Germany at Italy
B. Great Britain at France D. Russia at Germany
4. Ang Germany ay binubuo ng mga magkakahiwalay na estado. Anong bansa ang
namumuno nito?
A. Austria B. Great Britain C. Prussia D. Sweden
5. Ilang taon ang labanan ng Great Britain at France sa India?
A. pitong taon B. walong taon C. siyam na taon D. sampung taon
6. Alin sa mga sumusunod ang ninais na gawin ni Hung Hsui- Chuan ng China?
A. Mapaalis ang lahat ng mga dayuhang mananakop.
B. Makontrol ang mga produkto na galing sa ibang bansa.
C. Mapag-isa ang lahat ng mga Tsino sa kabila ng pananakop.
D. Mapalaganap ang kapayapaan sa China sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
7. Ano ang ibig sabihin ng “nasyonalismo?”
A. paghahangad ng kayamanan C. pagmamahal sa bansa
B. paghahangad ng kapayapaan D. pagbibigay ayuda sa mamamayan
8. Alin sa mga sumusunod ang KABILANG sa Rebolusyong India?
A. Pag-aalsa ng mga Katipunero C. Rebelyong Boxer
B. Pag-aalsa ng mga Ottoman D. Rebelyong Sepoy
9. Alin sa mga sumusunod na lugar na naging teritoryo ng Austria?
A. Belguim B. Ceylon C. Venetia D. Warsaw
10. Sino ang tinaguriang Supremo ng Katipunan na nag-alsa laban sa mga
Espanyol?
A. Andres Bonifacio B. Francisco Dagohoy C. Lapu-lapu D. Leon Kilat

12
11. Bakit sumiklab ang Digmaang Sepoy?
A. Nagkagulo ang mga Muslim at mga Hindu.
B. Nag-agawan ng teritoryo ang mga pinuno ng tribo.
C. Nagalit ang mga English dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran.
D. Kumalat ang balita na ang mga cartridge para sa mga bagong armas
ay ginagamitan ng langis galing sa taba ng baka at baboy.
12. Noong Pebrero 1848 isinagawa ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa France.
Ano ang kanilang mga paniniwala na nag-udyok sa kanilang pag-aalsa?
A. Hindi pagsunod sa mga patakaran ng mga dayuhang mananakop.
B. Makikipag tunggali sa pamamagitan ng mapayapang pakikipabaka.
C. Ang pagkamit ng kasarinlan ay nasa kasunduang pangkapayapaan.
D. Ang politikal at panlipunang katarungan ay makakamit sa pamamagitan
ng rebolusyon.
13. Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pahayag tungkol sa pananakop ng mga
Espanyol?
A. Sinakop ang Pilipinas sa halos 233 na taon.
B. Malayang naibenta ng mga Pilipino ang kanilang mga produkto.
C. Walang buwis ang pinapataw sa mga mamamayan at sa mga produkto.
D. Hindi makatwiran ang naging patakaran ng mga Espanyol gaya ng
sapilitang paggawa.
14. Ano ang layunin ng isang kilusang radikal sa Germany?
A. Pakikipagdigmaan laban sa mga mananakop.
B. Magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong German.
C. Wasakin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga dayuhan.
D. Pagbuo ng isang kasunduan upang mapalaya ang bansang Alemanya.
15. Paano bumalik sa kapangyarihan si Ferdinand VII ng Spain?
A. Dahil sa tulong ng Quadruple Alliance
B. Sa pamamagitan ng isang kasunduan
C. Kusang ibinalik ang kapangyarihan kay Ferdinand VII
D. Ibinigay ang Karapatan na mamili ang mamamayan kung sino ang pinuno.

Karagdagang Gawain
GAWAIN: “AKO, BILANG ISANG PANGULO”
Ang West Philippine Sea ay isang malaking problema ng ating bansa laban sa
China. Datapwat nanalo ang Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of
the Sea (UNCLOS) hindi pa rin ito binigyan ng pagkilala ng China. Kung ikaw ay
bigyan ng isang pagkakataon na maging presidente sa Pilipinas, ano ang iyong
gagawin upang mabawi ang West Philippines Sea? Sumulat ng isang sanaysay na
binubuo lamang ng limang pangungusap.

Sanggunian
Aklat:
Bustamante, E., & Abendaño,F,(2015,2016). Sulyap sa Kasaysayan
ng Daigdig. Queszon City, Philippines: St. Bernadette Publishing
House Corporation.
13
Jimenez, Everlida Diala, (2014). Araling Panlipunan sa Makabagong Siglo:
Kasaysayan ng Daigdig, Makati City Philippines: Don Bosco Press Inc.

Mateo, G E.et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City,


Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Online References:
Britanica Kids.(n.d.). Cixi. Retrieved January 30, 2021 from
https://kids.britannica.com/students/article/Cixi/277481

Department of Foreign Affairs. (2014). FLAG PROTOCOL. Retrieved January


19, 2021 from https://riyadhpe.dfa.gov.ph/about-us/phl-flag-protocol

H. Hearder. ( 2011). Cavour and Italian Unification. Retrieved January 28,


2021 from
https://www.history.org.uk/secondary/resource/4699/cavour-and-italian-

Makabayangradefive.weebly.com. (n.d.). The Reformist Graceano Lopez


Jaena. Retrieved January 30, 2021 from
http://makabayangradefive.weebly.com/uploads/2/0/2/8/20282827/the_r
eformists-_graciano_lopez_jaena.pdf

Miniaturas. (2018). Andrés Bonifacio, Katipunan Supremo. Retrieved January


30, 2021 from https://www.1898miniaturas.com/en/2018/andres-
bonifacio-katipunan-supremo/

Sicat, Gerardo P. (2019). Jose Rizal’s ideals and ideas. Retrieved January
30, 2021 from
https://www.philstar.com/business/2019/01/02/1881538/jose-rizals-
ideals-and-ideas

Wikipedia. (n.d). Romantic nationalism. Retrieved March 20, 2021 from


https://en.wikipedia.org/wiki/Romantic_nationalism

World of the Habsburgs. (n.d.). Franz Joseph I. Retrieved January 28, 2021
from
https://www.habsburger.net/en/persons/habsburg-emperor/franz-joseph-i

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

15

You might also like