Filipino Noli-Report (V2)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 1

Isang Handaan

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni


Don Santiago de los Santos na higit na popular sa
taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang.
bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na
nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.

Kabanata 1: Isang Pagtitipon

Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni


Don Santiago de los Santos na higit na populár sa
taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa
kaniyang bahay na nasa Kalye Anloague (na
ngayo'y Kalye Juan Luna) nakaratig ng Ilog
Binundok.

Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok


ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat
ang mayamang Kapitán ay kilala bilang isang
mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang
palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba
ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa
mismong araw ng handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya


ng dapat asahan.
Puno ang bulwagan. Ang nag-listima o tumatanggap
sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang
babae na pinsan ng maybahay, Kabilang sa mga
bisita sina tenyente ng guardia civil, Padre Sibyla,
ang kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na
madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang
paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.

Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol


sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay
sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran
tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit
ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako.
Nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang mapanlait
na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin
niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw rin sa
usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa
mga Pilipino noong mga nakalipas na araw.
Mapanlibak si Padre Damaso. Kung kaya't iniba ni
Padre Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa


ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng dalawampung taon bilang
kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang
hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa
ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito ay tinutulan ng tenyente ng Guardia Civil sa


pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tenyente ang dahilan ng
pagkakalipat ni Padre Damaso.
Ito umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang
sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng
Kapitan Heneral.

Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang


parokya ang paring Pransiskano bilang parusa.
Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya
ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni tenyente ang umpukan, pagkatapos


nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre Sibyla
na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso.

Lumawig(Nagpatuloy) muli ang talakayan. Dumating


ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito
ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at
Donya Victorina.
Kabanata II

Si Crisostomo Ibarra

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa


pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong
taong pag- aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang
Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang
pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang
sarili sa mga nanduruong kamukha niyang
panauhin.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-


luksa ang kasuotan (nakasuot ng itim). Binating
lahat ni kapitán ang mga panauhin at humalik sa
kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre
Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kaniyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong
taong pag- aaral sa Europa.

Malusog ang pangangatawan ni ibarra, sa kaniyang


masayang mukha mababakas ang kagandahan ng
ugali. Bagama’t siya ay kayumanggi, mahahalata rin
sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.

Tinangkang kamayan ni ibarra si Padre Damaso


sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kaniyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin
ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila
niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.

Napahiya si ibarra at iniatras ang kamay. Dagling


tinalikuran niya ang pari at

Napaharap sa tenyenteng kanina pa namamasid sa


kanila. Masayang nag- usap sina tenyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tenyente sapagkat dumating
ang binata nang walang numang masamang
nangyari. Basag ang tinig ng tenyente ng sabihin
niya

Sa binata na ito ay higit na naging mapalad sa


kaniyang ama.

Ayon sa tenyente ang ama ni Ibarra ay isang taong


mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-
habag na sinapit ng kaniyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tenyente ay


sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan nang walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Alemán na natutuhan ni Ibarra


buhat sa kaniyang pag- aaral sa Europa, ipinakilala
niya ang kaniyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin
Ang mga babae ay hindi umimik sa kaniya. Ang
mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kaniya.
Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa
pagsusulat.

Malapit nang tawagin ang mga panauhin para


maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan.

Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat


nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw
na naturan.

You might also like