Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

lOMoARcPSD|36542192

AP-8 Q2 Module-3
Kabihasnan-sa-America-Africa-at-mga-Pulo-sa-Pacific v5
geodetic engineering (Holy Trinity University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)
lOMoARcPSD|36542192

8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Kabihasnan sa America,
Africa at mga Pulo sa Pacific

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na
Kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Raulyn G. Paner
Editor: Noel V. Elises, Rodolfo F. de Jesus
Tagasuri: Mailanie C. Manaban
Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Kabihasnan sa
America, Africa at mga Pulo sa
Pacific

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag-usbong at Pag-unlad ng mga
Klasikal na Kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Kabihasnan sa
America, Africa at mga Pulo sa Pacific!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay


nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Alamin
Ang modyul na ito ay karagdagang kaalaman ukol sa iba pang mga klasikong
kabihasnan sa daigdig. Sa nakaraang mga aralin ay tinalakay ang mga sinaunang
kabihasnan sa Greece at Rome. Susunod mo naman pag-aaralan ang mga umusbong
at umunlad na mga klasikal na kabihasnan sa Amerika, Africa, at mga Pulo sa Pacific.

Tatalakayin sa Modyul na ito ang mga sumusunod na aralin:


1. Kabihasnang Mesoamerica (Maya, Aztec at Inca)
2. Heograpiya ng Africa at mga Kabihasnan (Axum, Ghana, Mali at Songhai)
3. Mga Pulo sa Pacific (Polynesia, Micronesia, Melanesia)

Pamantayang Pangnilalaman:
Sa pagtatapos ng pag-aaral ng modyul, ikaw ay inaasahang naipamamalas ang
pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa klasiko at transisyunal na panahon
sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.

Pamantayang sa Pagganap:
Sa pagtatapos ng pag-aaral ng modyul ikaw ay inaasahang nakabubuo ng
adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging
kontribusyon ng klasiko at transiyunal na panahon na nagkaroon ng malaking
impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang pagkakatatag ng mga kabihasnan sa Amerika (Maya, Aztec,
Inca).
2. Nasusuri ang heograpiya ng Africa at mga kabihasnang Axum, Ghana, Mali at
Songhai.
3. Napaghahambing ang mga Pulo sa Pacific (Polynesia, Micronesia, at Melanesia).

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Narito ang panimulang pagtataya.


Susubukin nito kung ano na ang mga
nalalaman mo para sa aralin sa
linggong ito.

Subukin

Gawain 1: Panimulang Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa papel ang letra ng
iyong sagot.

1. Ang sumusunod ay mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica, maliban sa


__________.
A. Inca B. Aztec C. Maya D. Mali
2. Anong kabihasnan ang unang sumibol sa Yucatan Peninsula na isang rehiyon sa
Timog Mexico hanggang Guatemala?
A. Mali B. Inca C. Aztec D. Maya
3. Ano ang tinawag ng mga kanluranin bilang dark continent dahil sa nahirapan
silang galugarin ito?
A. America B Africa C. Asya D. India
4. Ang mga pangalan ng Pulo sa Pacific ay ibinatay sa katangian nito. Ano ang
tawag sa pangkat ng mga pulo kung saan ay maiitim ang mga nakatira?
A. Melanesia B. Polynesia C. Africa D. Micronesia
5. Isa itong uri ng vegetation cover na matatagpuan sa kontinente ng Africa. Ano ang
tawag sa lugar na ito sa Africa na may malawak na damuhan na may mga puno?
A. Sahara B. Oasis C. Savanna D. Grassland

6. Ang kabihasnang Aztec ay nakilala sa larangan ng agrikultura. Bakit lumikha ang


mga Aztec ng mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden?
A. para sa pagtatanim ang kanilang ikinabubuhay
B. hindi sapat ang lawak ng mga lupain
C. upang gumanda ang pamayanan
D. makahikayat ng mga mangangalakal
7. Ang sentro ng bawat lungsod sa kabihasnang Maya ay isang pyramid na ang
itaas na bahagi ay dambana para sa mga Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. magaling sa arkitektura ang mga taga-Maya
B. nakaririwasa ang pamumuhay ng mga mamamayan
C. mayroong paraan ng pananampalataya
D. magkakaiba ang mga kultura ng mga tao
8. Ang pagsasaka at pangingisda ang kadalasang naging hanapbuhay ng mga tao
sa mga sinaunang kabihasnan. Ano ang dahilan nito?
A. nakapagtatatag ng mga pamayanan malapit sa mga ilog
B. mahirap makahuli ng mga mababangis na hayop
C. walang ibang hanapbuhay ang mga sinaunang mamamayan noon
D. ito na ang nakagisnan na gawain ng mga tao

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

9. Ang kalakalan ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng sinaunang kabihasnan


Ano ang idinulot ng pakikipagkalakalan ng Africa sa Europe at iba pang bahagi ng
Asya?
A. nagkaroon ng mga pananakop sa bawat lugar na kanilang mapuntahan.
B. hindi naging maayos ang ugnayan dahilan sa inggitan sa mga produkto.
C. nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagpalitan ng produkto.
D. ang mga taga-Africa ay nanirahan na lamang sa Europe at ilang bahagi sa
Asya.
10. May iba’t ibang ritwal na ginagamit sa pagsamba. Paano ipinapakita ng mga
Polynesian ang kanilang pananampalataya?
A. umaakyat sila sa tuktok ng templo at gumagawa ng mga ritwal
B. naniniwala sila sa mana o banal na kapangyarihan
C. nagpapasalamat sa diyos ng araw na si Huitzilopochtli
D. lumulubog at lumangoy sa mga karatig ilog at dagat
11. Islam ang pangunahing relihiyon sa Hilagang Africa. Sino ang nagdala ng Islam
sa Hilagang Africa?
A. Muslim B. Arab C. Berber D. Nomad
12. Ang pananakop ay isang paraan ng pagpapalawak ng lupain. Paano nasakop
ng mga dayuhan ang matatapang na mga taga- imperyong Inca?
A. dahil kinaibigan muna sila ng mga dayuhan
B. dahilan sa makabagong teknolohiya ang gamit ng mga dayuhan
C. kakaunti lamang ang mga mandirigma sa Imperyong Inca
D. walang magaling na pinuno ang Imperyong Inca
13. Siya ang kaunaunahang hari at pinuno na nagpalawak ng emperyong Songhai.
A. Sunni Ali B. Mansa Musa C. Sundiata Keita D. Dia Kossoi
14. Ang caravan ay grupo ng mga mangangalakal na magkakasamang naglalakbay.
Anong caravan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan?
A. Kalakalang Axum C. Caravan
B. Trans-Sahara D. Kalakalang Persian
15. Sa Kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng kabihasnang
Mesoamerica. Alin ang hindi kabilang sa pamanang ito?
A. Pyramid of Kukulcan C. Mosque
B. Machu Picchu D. Colossal Head

Natunghayan natin sa katatapos


lamang na aralin kung papaano unti-unting
sumibol ang kabihasnang Rome. Muli
nating balikan ang mga impormasyon ukol
dito sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain
sa ibaba.

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Aralin Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal na


Kabihasnan sa Amerika, Africa at Pulo sa
3 Pacific

Balikan
Gawain 2: Crossword Puzzle!
Panuto: Punan ang crossword puzzle. Gamiting gabay ang mga pangungusap sa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1 2

1
3

4 3
4
5

6
6
7
7 8

Pahalang
1. Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina
Romulus at ________.
2. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
3. Iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong ito na ang ibig sabihin ay isang
banal na lugar.
4. Mga maharlika at mga may katungkulan sa pamahalaan sa Roma.
5. Siya ay tinaguriang diktador, dahil sa kontrolado na niya ang kapangyarihan sa
buong Roma.

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

6. Reyna ng Egypt at napamahal kay Mark Anthony.


7. Sa simula ay sila ang makapangyarihan sa Mediterranean na nakalaban ng mga
Romano.
8. Binubuo ng tatlong daan (300) kagawad ng konsehong mula sa pangkat ng
patrician.

Pababa
1. Hari ang namumuno sa kalapit na tribo na ito sa hilaga ng Rome, kung saan
natutuhan ang mga paggawa ng mga arkitektura.
2. Sila ang mga mamamayan na kapos sa kabuhayan at naghihimagsik upang
magkaroon ng pantay na karapatan.
3. Ang labindalawang (12) Tables ay ang kauna-unahang nasusulat na _________.
4. Isang unyon ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan sa
Rome.
5. Gusali na hanggang sa ngayon ay makikita pa rin sa Rome. Isa itong
amphitheater para sa labanan ng mga gladiator.
6. Kasalukuyang pangalan ng bansa na kinapapalooban ng Rome.
7. Salitang latin na ang ibig sabihin ay panukalang hindi pagsang-ayon.

Tunay na mayaman sa
kasaysayan ang mga kabihasnan sa
Europe. Sa pagtalakay sa susunod
na mga kabihasnan sa iba pang
kontinente ng daigdig, ating
pansinin kung nahahawig din ba
ang kasaysayan ng mga ito sa pag-
usbong at pag-unlad ng Greece at
Rome.

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Tuklasin

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapunta sa ibang parte ng


daigdig, saan mo gustong makarating?

Gawain 3: Fly Now!


Panuto: Suriin ang bawat larawan at tukuyin kung saang kabihasnan ito matatagpuan.
Ilagay sa papel ang iyong sagot.

https://www.britannica.com/place/ https://www.oyster.com/articles/the-10-best-

1.____________________________ 2. __________________________

http://africanknowledge.weebly.com/
https://en.wikipedia.org/wiki/French_ g

3. __________________________ 4. _____________________________

Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa aralin na


tatalakayin natin sa modyul na ito? Handa ka na bang
tuklasin ang mga sinaunang kabihasnan sa
Mesoamerica, Africa at mga Pulo sa Pacific? Kung
ganun simulan na natin ang pag-aaral.

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Suriin Basahin at unawain ang sumusunod


na teksto. Humanda sa bagong kaalaman na
iyong matutuklasan sa bagong aralin at
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
bawat aralin.

Kabihasnang Mesoamerica
Sa patuloy na pagiging maunlad ng sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia,
India at China, nag-umpisa na ring mabuo ang mga pamayanang agrikultural sa Gitna
at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Ang mga kontinente ng Hilaga at Timog Amerika
ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan, ang Karagatang
Pasipiko at Karagatang Atlantiko. Ang mga karagatang ito ay naging hadlang upang
makipag-ugnayan ang mga kabihasnan sa America sa iba pang kabihasnan sa Asya,
Africa at Europe. Nagdulot ito ng pagkaroon nila ng namumukod-tanging kabihasnan.
Ang Mesoamerica ay isang makasaysayang rehiyon at kultural na lugar sa Hilagang
America. Humahangga ito sa gitnang Mexico sa pamamagitan ng Belize, Guatemala,
El Salvador, Honduras, Nicaragua at hilagang Costa Rica.

Mapa ng Mesoamerica
https://www.pinterest.co.uk/pin/506162445605867045

Timeline ng Kabihasnang Mesoamerica


3000 BCE 1200 BCE 250 CE 1345 CE 1200 CE
Pagtatanim ng Pagsisimula ng Pag-usbong ng Pagtatag ng Pagbuo ng
Mais Kabihasnang Kabihasnang Kabihasnang Kabihasnang
Olmec Maya Aztec Inca

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Kabihasnang Olmec ( 1200 BCE – 400 BC)

https://www.khanacademy.org/humanities/world-history/world-history-beginnings/ancient-americas/a/the-olmec-article

Ang Olmec ang kaunaunahang kabihasnang umusbong sa America.


Matatagpuan ito sa rehiyong Gulf Coast ng Timog Mexico hanggang Guatemala. Ito
ay isang agrikultural na pamayanan. Tinawag itong Olmec, na ang ibig sabihin ay
mga taong goma sapagkat sila ang pinakaunang gumamit ng dagta ng punong goma.
nagkaroon sila ng paraan ng pagsulat at napaunlad ang kanilang gawang sining.
Nakagawa rin sila ng kalendaryo na nagamit nila sa kanilang pagtatanim. Ang
konseptong zero ay natutuhan din nila at ginamit sa pagkukuwenta. Ang ritwal na
larong Pok-a-tok na nahahawig sa basketbol ay kanila ding naimbento. Kilala din sila
sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa mga bato. May ibang pangkat na sumakop
sa kanila kung kaya’t unti-unting humina at bumagsak ang Olmec.

Kabihasnang Maya (250 CE- 900 CE)

https://ancientcivilizationsworld.com/maya

Ang Kabihasnang Maya ay unang naitatag sa panahon pre-historiko pa


lamang kaya wala pa halos tala ukol dito maliban sa mga labi na nakuha sa mga
lokasyon kung saan pinaniniwalaang umusbong ang isa sa sinaunang kabihasnan sa
Mesoamerica.
Ika- 2000 BCE, pinaniwalaan na mayroon nang namuhay sa tangway ng
Yucatan, ito ay mula sa Timog-silangang Mehiko hanggang Gitnang Amerika. Mga
taong ang ikinabubuhay ay ang pangangalap ng pagkain at pangingisda dahil sa
malapit ito sa mga yamang tubig at natuto din silang magtanim na natutuhan nila sa

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

mga karatig tribo. Nakamit ng Mayan ang tugatog ng kabihasnan noong 200 CE
hanggang 900 CE.
Ang pinunong hari ang siyang namamahala at namamagitan sa Diyos at
mga nilikha. Marami na ding mga estruktura na nagpapakita na may kakayahan na
sa arkitektura at pagdidisenyo ang kabihasnang ito. Natuto din ang mga ito na
gumamit ng kalendaryo. Hindi rin maiiwasan ang mga digmaan lalo na sa mga
umuunlad na mga bayan. Kinakailangan ng mga alipin at mga tao para sa pag-aalay.
Aktibo na din ang kalakalan mula sa mga karatig- tribo. Isa rin ang pagkokontrol sa
kalakalan na dahilan kung bakit mayroon gustong manakop sa mga umuunlad na
bayan.

Pamprosesong Tanong
1. Anong katangian ng mga Olmec ang nakatulong upang sila ay umunlad?
2. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Mayan ang kanilang sistema ng
pagtatanim?

Kabihasnang Aztec (1325 CE- 1521 CE)

https://www.ancient.eu/uploads/images/2321.png?v=1600462803

Ang mga Aztec na ang ibig sabihin ay “mga nagmula sa Aztlan” ay naitatag
simula 1400. Nagsimula itong magpalawak ng kanilang teritoryo mula sa mga maliliit
na karatig na pamayanang agrikultural sa Lambak ng Mexico. Noong 1325, itinatag
nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco.
Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging
mahalagang sentrong pangkalakalan.
Ang Tenochtitlan ay mayroong matabang lupa kung kaya’t magandang taniman
ngunit hindi lubos na malawak. Dahil dito, naisipan ng mga Aztec na gumawa ng mga
floating garden o artipisyal na pulo. Natugununan ng mga floating garden ang
pangangailangan nila sa pagkain at maging ang mga produktong pangkalakalan.
Pagtatanim ang kanilang ikinabubuhay kung kaya’t ang pinakamahalagang diyos nila
ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw ganun din ang diyos ng ulan na si Quetzalcoat.
Ipinapakita na mayroon nang paraan ng pagsamba sa kalikasan ang mga Aztec noon
pa man.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo nagsimula ang mga digmaan. Kinakailangan
manakop ng ibang tribo upang makontrol ang kalakalan. Ang mga nakukuhang bihag
ay ginagawang alipin o handog sa mga diyos. Iniaalay ang mga bihag upang

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

pagkalooban sila ng magandang ani. Nagsimula din ang pagbuwis sa mga nasasakop
nilang teritoryo. Naging sentrong pangkabuhayan ang Tenochtitlan.
Sa mga templo nagaganap ang pag-aalay. Mahusay din sa pag-iinhenyero
ang mga Aztec. Nakagawa na sila ng mga sistema ng patubig gaya ng kanal o
aqueduct, mga dam at sistema ng irigasyon. Natigil ang pamamayani ng mga Aztec
nang dumating ang mga mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Hernando Cortes.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano napaunlad ng mga Aztec ang kanilang pamumuhay?
2. Ano-anong mga sistema at kultura ang isinabuhay ng mga Aztec?

Kabihasnang Inca (1200 CE- 1521 CE)

Habang umuunlad ang mga karatig-bayan sa


Mesoamerica at dumadami ang mga estruktura, nagsimula
naman ang simpleng pamumuhay ng mga Inca. Mula ang
Inca sa isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang
kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng
Lambak Cuzco. Pinamumunuan ng isang pamilya kung saan
kinuha ang pangalang Inca na nangangahulugang
“imperyo.” Sa pamumuno ni Cusi Inca Yupagqui o
Pachakuti ang imperyo ay napaunlad at nabuo ang isang
sentralisadong estado. Napasailalim sa imperyo ang mga
lugar ng hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia at Chile
ganun din ang pinakamahigpit nilang katunggali na si
Chimor o Chimu ng Peru. Dahil sa sobrang lawak ng
https://www.ancient.eu/image/2612/map-of-the-inca-empire
nasasakupan ng Inca, naging mahirap itong pangasiwaan at
naging daan upang madali silang masakop ng mga
dayuhang Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro
Pamprosesong Tanong:
Paano nakaapekto sa pag-unlad ng lipunan ng Inca ang katangian ng mga pinuno
nito?

Ang Sinaunang Kabihasnang Africa


Ang Africa ay nasa bandang Timog ng Europe at
Timog kanluran ng Asya. Sagana sa mga
yamang mineral, kagubatan at tubig ang
kontinente. Ang pinakamainit at pinakamaulang
bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator.
Bagamat matatagpuan dito ang Sahara, ang
pinakamalawak na disyerto, mayroon din dito na
mga rainforest kung saan sagana sa ulan at mga
malalaking puno. Mayroon ding Savanna o
malawak na grassland sa hilaga ng equator.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:African-
civilizations-map-pre-colonial.svg
10

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Bukod tangi ang Oasis, lugar sa Sahara na maaaring matirhan sapagkat kayang
bumuhay ng hayop at halaman.

Ang mga pamayanan na malapit sa Sahara ay unti-unting umunlad ang kultura.


Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag nila itong
Trans-Sahara. Noong 3000 BCE ay umusbong ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang
Africa at Kanlurang Sudan, rehiyon sa timog ng Sahara. Tinatawid ang Sahara ng
mga nomadikong mangangalakal gamit ang caravan, o isang pangkat ng tao na sama-
samang naglalakbay gamit ang kamelyo. Nang makapagtatag ng mga pamayanang
Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa
kultura at kabihasnang nananahan sa kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng
mga Berber, mga mangangalakal sa hilagang Africa. Pumupunta sila sa kanlurang
Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero at iba
pa.

Timeline ng Kabihasnang Africa


350 CE 700 CE 1240 CE 1335 CE
Umunlad ang Naging Naitatag ang Namayani ang
Kaharian ng Axum makapangyarihan Imperyong Mali pagpapalawak ng
sa Silangan Africa ang Imperyong nang matalo ang Imperyong
Ghana sa Imperyong Ghana Songhai sa
Kanlurang Africa pamumuno ng
dinastiyang
Songhai

Pamprosesong Tanong:
1. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Africa sa pag-unlad ng kultura nito?
2. Paano napaunlad ang kalakalan sa Kabihasnang Africa?

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan (350 CE)

https://en.wikipedia.org/wiki/African_empires https://www.ancient.eu/image/10270/map-of-kingdom-of-axum/

Ang sentro ng kalakalan ay itinatag sa kaharian ng Axum noong 350 CE sa


Silangang Africa. Mayroon itong pormal na kasunduan ng pakikipagkalakalan sa mga
Greek. Mga elepante, ivory, sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado

11

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

ang ikinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang


Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal at iba pa. Isa sa naging bunga ng
malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito sa Kristiyanismo. Naging
opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kabutihang dulot ng pakikipagkalakalan ng kabihasnang Sahara at Axum?
2. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang kalakalang Trans-Sahara at Kalakalang
Axum?

Ang Imperyong Ghana (700 CE)

Ang kanlurang Africa ay naging tahanan


ng mga kabihasnan tulad ng Imperyong Ghana
noong 700 BC. Nagkaroon ng palitan ng mga
produkto mula sa kalakalang Trans-Sahara. Ang
mga produkto nila ay ipinagpapalit sa mga bagay
na wala sila tulad ng asin, bakal at iba pa. Natuto
din ang mga ito na magtanim dahil sa matabang
lupa. Naging sagana sa pagkain kung kaya’t
nagdulot ng paglaki ng populasyon. Malaki ang
naitulong ng kalakalan upang maging matatag
ang kanilang imperyo. Gumamit sila ng mga
sandatang gawa sa bakal upang magpalawak pa
ng mga teritoryo. Mabilis at ligtas ang mga
mandirigma dahil na din sa mga kabayo bilang
transportasyon.
en.wikipedia.org/wiki/Ghana_Empire

Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong produkto ang nagamit sa pakikipagkalakalan ng Ghana?
2. Paano nakatulong ang pakikipagkalakalan sa pag-unlad ng Ghana?

Ang Imperyong Mali (1240 CE)


Sa pagsapit ng 1240 ang humalili
sa Ghana ay ang Mali. Nagsimula ito sa
estado ng Kangaba. Patuloy na
nagpalawak ng teritoryo ang Mali sa
pamamagitan ng pakikipagdigma. Pa
kanluran patungong Senegal at Gambia
River, pasilangan patungong Timbukto,
at pa hilaga patungong Sahara Desert.
Maraming magaling na pinuno sa Mali
tulad na lang ni Mansa Musa na
nagpahalaga sa karunungan at nagpatayo https://www.ancient.eu/image/10129/map-of-the-mali-empire-c-1337-
ce/
ng mga mosque at naging sentro ng
karunungan at pananampalataya.
12

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magaling na lider sa pagtatag ng
imperyong Mali?
2. Sino si Mansa Musa? Ilarawan ang kaniyang pamumuno.

Ang Imperyong Songhai (1335 CE)


Noong 1335 nagtagumpay ang
Songhai sa pananalakay ng mga Mali.
Naging aktibo din na makipagkalakalan sa
mga Berber, na nagdala hindi lamang
produkto kundi ng relihiyong Islam. Hindi
tinanggap ng Haring Sunni Ali ang Islam
pero hindi ito naging hadlang para sa
paghirang ng ilang mga Muslim sa
pamahalaan. Patuloy na naghari ang
Songhai sa kabila ng pakikipagdigma ng
Mali upang maagaw ang Imperyo. Hindi
nagtagal sa pamumuno ni Haring Sunni Ali,
ang Songhai ay naging matatag at malawak
na imperyo na nagtagal mula 1461
hanggang 1492.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SONGHAI_empire_map.PNG

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging kalagayan ng relihiyong Islam sa pamumuno ni Haring Sunni?
2. Paano pinamunuan ni Haring Sunni Ali ang pagpapalawak ng Imperyong Songha?

Mga Pulo sa Pacific

https://www.britannica.com/place/Polynesia

13

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Ang mga pulo sa Pacific Ocean, na tinatawag na Pacific Islands ay binubuo ng


tatlong pangunahing grupo ng mga pulo - ang Melanesia, Micronesia at Polynesia.
Ang Pacific Islands ay maaaring tumukoy sa mga bansa at pulo na may karaniwang
pinagmulan ng Austronesian, pulo minsan o kasalukuyang kolonya o Oceania. Ang
mga katutubong naninirahan sa Pacific Islands ay tinutukoy bilang Pacific Islanders.
Ibinatay ng mga kanluranin ang katawagan ayon sa pagkakaayos ng mga uri ng mga
pulo at mga tao na nakatira dito.

Polynesia
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu,
Wallis at Futuna, Tonga, Tekelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands,
French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn.
Ang populasyon ng bawat pamayanan ay nakabatay sa dami ng pinagkukunan ng
pagkain. May paraan sila ng mga ritwal at pagpupulong. Ito ay tinatanghal nila sa
tohua na nasa gilid ng bundok. Nakatira malapit sa tohua ang mga pari at mga banal
na estruktura. Pagsasaka at pangingisda ang kabuhayan ng mga Polynesian.
Napaliligiran ang pamayanan ng mga yamang tubig kung kaya napakataba ng lupa
upang pagtamnan ng mga saging, tubo, niyog, ube, gabi at marami pang iba. May
mga paniniwala din sila tulad ng mana na ibig sabihin ay lakas o bisa. Maaring ito ay
nasa mga gusali, bato, bangka at iba pang bagay.

Pamprosesong Tanong
1. Bakit tinawag na Polynesia ang pangkat ng mga pulong ito?
2. Ano ang hanapbuhay ng mga Polynesian?

Micronesia
Binubuo ng mga maliliit na mga pulo ang Micronesia. Ito ay nasa silangan ng
Asya. Binunuo ito ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Kiribati at
Nauru. Pagsasaka ang kanilang pangunahing hanapbuhay at may kaalaman din sila
sa paggawa ng palayok. Nakikipagkalakalan na sila sa mga karatig –pulo. Animismo
ang kanilang sinaunang relihiyon. Ang mga rituwal para sa mga makapangyarihang
Diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang ani.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-anong pulo ang bumubuo ng Micronesia?
2. Ilarawan ang mga kasanayan ng mga naninirahan dito.

Melanesia
Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilagang baybay-dagat ng Australia. Ang
mga katutubo na naninirahan dito ay may maiitim na balat. Ito ay kasalukuyang
binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon
Islands, Vanuatu, New Caledonia at Fiji Islands. Pinamumunuan ng mga mandirigma
ang mga pamayanan. Mayroon na ding paraan ng pananampalataya. Pagsasaka at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay. Animismo ang kanilang paniniwala. Natuto
din silang makipagkalakalan hindi lamang sa karatig- isla kundi sa iba pang
kontinente.

14

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Pamprosesong Tanong
1. Bakit tinawag na Melanesia ang pangkat ng mga pulong ito?
2. Sino ang namumuno sa pamayanan ng Melanesia?

Magaling! Matapos na mabasa at masagutan ang mga


katanungan sa araling ito, paunlarin pa ang iyong
kaalaman tungkol sa kabihasnan sa pagsagot sa mga
gawain sa ibaba.

Ihanda ang sarili sa mga


susunod na mga gawain.
Isulat sa papel ang iyong mga
sagot.

Pagyamanin

Gawain 4: Groupie!
Panuto: Kumpletuhin ang tsart. Isulat sa bawat kolumn ang mga kabihasnang
nabuo sa bawat kontinente o lugar na tinutukoy. Ilagay ang iyong sagot sa papel.

Mga Kabihasnan sa Mga Kabihasnan sa Mga Kabihasnan sa mga


Mesoamerica Africa Pulo sa Pacific
1. 4. 7.
2. 5. 8.
3. 6. 9.

Gawain 5: What’s in the Box!


Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Hanapin sa kahon ang
nawawalang salita sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa papel.

Pyramid Sudan Tinochtitlan Mediterranean Micronesia Polynesia

10. Ang _________ ay ang sentro ng kalakalan sa Aztec.


11. Ang Trans-Sahara ay ang kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at Timog ng
Sahara o ang Kanlurang _________.

15

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

12. Ang tawag sa pangkat ng maliliit na pulo sa Pacific ay ___________.


13. Ang dagat na napagigitnaan ng Europe at Africa ay ______________.
14. Sa ___________gumagawa ng pagsamba at pag-aalay ang mga sinaunang tao
ng Maya at Aztec.

Gawain 6: Care to Compare!


Panuto: Suriin ang grupo ng mga salita. Punan ang patlang ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa papel.

15. Huitzilopochtli: diyos ng araw, _________________: diyos ng Ulan


16. Pyramid : templo, ____________: kanal
17. Maya: Francisco Pizzaro, Aztec: __________________
18. Grassland: ____________, Disyerto: Sahara
19. Islam: Trans-Sahara, Kristiyanismo: _____________
20. Mediterranean: _____________, Floating Garden: Pagtatanim

Gawain 7: Step by Step!


Panuto: Itala ang mga pangyayaring naganap sa bawat kabihasnan sa
Mesoamerica. Gamiting gabay ang hagdan sa bawat kabihasnan. Isulat ang iyong
sagot sa papel.

MAYA AZTEC

3. Pagbagsak 3. Pagbagsak
2. Paglawak 2. Paglawak

1. Pagkakatatag 1. Pagkakatatag

INCA

3. Pagbagsak
2. Paglawak

1. Pagkakatatag

Gawain 8: Ambag mo, Tulong mo!


Panuto: Magbigay ng mga kontribusyon at idinulot nito sa pagkakatatag ng mga
kabihasnan sa Africa. Isulat ang iyong sagot sa papel.

Kabihasnan sa Africa Ambag Tulong sa Pagkakatatag


ng Kabihasnan
Ghana
Mali
Songhai

16

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Narito ang ilan sa mga dapat isaisip at


dapat pakatandaan mula sa katatapos
lamang na aralin….

Isaisip

Basahin at isaisip ang mga sumusunod na kaganapan sa pag-usbong at pag-


unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa America, Africa at mga Pulo sa Pacific.

1. Ilan sa mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica ay ang Olmec, Maya,


Aztec at Inca na ang pangunahing ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mais.
2. Ang mga istrukturang pyramid na may dambana sa tuktok ay patunay na may
konsepto na ng pananampalataya ang sinaunang Maya.
3. May sistemang agrikultural ang mga Aztec na nakagawa ng mga floating
garden upang tumugon sa kanilang pangangailangan sa pagkain.
3. Nakagawa ng mahusay na kalsada, templo at iba pang gusali ang mga
kabihasnang umusbong sa Mesoamerica.
4. Ang mga sinaunang Kabihasnan sa Africa ay ang Ghana, Mali at Songhai.
5. Patunay ang Kalakalang Trans-Sahara at Axum sa pagkakaroon ng
magandang ugnayan sa pakikipagpalitan ng mga produkto ang mga pamayanan
sa Africa.
6. Naging paraan din ang kalakalan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at
Islam sa Africa.
7. Nahahati sa 3 pangkat ang mga Pulo sa Pacific batay sa katangian ng mga
pulo at mga naninirahan dito.
8. Polynesia- pangkat ng mga maraming pulo, Melanesia pangkat ng mga may
maiitim na mga tao at Micronesia pangkat ng pulo na maliliit.
9. Sagana sa matabang lupa dahilan sa napalilibutan ng katubigan ang mga isla.

Pagnilayan:
Alin sa mga ginawa ng mga sinaunang kabihasnan ang nais mong isagawa sa
kasalukuyan na maaaring makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga katangian ng mga sinaunang kabihasnan ang tumatak sa iyo? Bakit?

17

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

2. Bakit umusbong at umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa America, Africa


at mga Pulo sa Pacific?
3. Alin sa mga ginawa ng mga sinaunang kabihasnan ang nais mong isagawa sa
kasalukuyan na maaaring makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?

Sa susunod na gawain ay ating


isasabuhay ang mga kontribusyon ng
mga sinaunang kabihasnang Amerika,
Africa at mga Pulo sa Pacific.

Isagawa

Gawain 9: Past and Future!


Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa mga kabihasnang tinalakay at ibigay ang
naging epekto sa kasalukuyan. Ilagay sa papel ang iyong sagot.

Pangyayari Epekto sa
Kabihasnan sa Kasalukuyan
kabihasnan

Magaling! Ngayon sagutin ang panghuling pagtataya


upang malaman ang iyong natutuhan mo sa linggong
ito.

18

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

Tayahin

Gawain 10: Panghuling Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang letra tamang sagot
para sa bawat bilang. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Anong kabihasnan ang unang sumibol sa Yucatan Peninsula na nasa rehiyon sa


Timog Mexico hanggang Guatemala?
A. Mali B. Inca C. Aztec D. Maya
2. Ang sumusunod ay mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica, MALIBAN sa
__________
A. Inca B. Aztec C. Maya D. Mali
3. Ano ang tinawag ng mga kanluranin na dark continent dahil sa nahirapan silang
galugarin ito?
A. America B. Africa C. Asya D. India
4. Ano ang tawag sa grupo ng Pulo sa Pacific kung saan ay maiitim ang balat ng
mga nakatira?
A. Melanesia B. Polynesia C. Africa D. Micronesia
5. Ito ay lugar sa Africa na may malalawak na damuhan na may mga puno.
A. Sahara B. Oasis C. Savanna D. Grassland
6. Sino ang pinuno na nagpalawak sa Imperyong Songhai?
A. Sunni Ali B. Mansa Musa C. Sundiata Keita D. Dia Kossoi
7. Anong kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang
Sudan?
A. Kalakalang Axum B. Trans-Sahara C. Caravan D. Kalakalang Persian
8. Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng Kabihasnang Mesoamerica.
Alin ang hindi kabilang sa pamanang ito?
A. Pyramid of Kukulcan B. Machu Picchu C. Mosque D. Colossal Head
9. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?
A. Muslim B. Arab C. Berber D. Nomad
10. Paano nasakop ng mga dayuhan ang matatapang na mga taga- imperyong
Inca?
A. dahil kinaibigan muna sila ng mga dayuhan
B. dahilan sa makabagong teknolohiya ang gamit ng mga dayuhan
C. kakaunti lamang ang mga mandirigma sa Imperyong Inca
D. walang magaling na pinuno ang Imperyong Inca
11. Bakit lumikha ang mga Aztec ng mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay
floating garden?
A. pagtatanim ang kanilang ikinabubuhay C. upang gumanda ang pamayanan
B. hindi sapat ang lawak ng mga lupain D. makahikayat ng mga mangangalakal
12. Ang sentro ng bawat lungsod sa kabihasnang Maya ay isang pyramid na ang
itaas na bahagi ay dambana para sa mga Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. magaling sa arkitektura ang mga taga-Maya
B. nakakariwasa ang pamumuhay ng mga mamamayan
C. mayroong paraan ng pananampalataya
D. magkakaiba ang mga kultura ng mga tao

19

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

13. Bakit pagsasaka at pangingisda ang kadalasang nagiging hanapbuhay ng mga


tao sa mga sinaunang kabihasnan?
A. nakapagtatatag ng mga pamayanan malapit sa mga ilog
B. mahirap makahuli ng mga mababangis na hayop
C. walang ibang hanapbuhay ang mga sinaunang mamamayan noon
D. ito na ang nakagisnan na gawain ng mga tao
14. Ano ang idinulot ng pakikipagkalakalan ng Africa sa Europe at ilang bahagi sa
Asya?
A. nagkaroon ng mga pananakop sa bawat lugar na kanilang mapuntahan
B. hindi naging maayos ang ugnayan dahilan sa inggitan sa mga produkto
C. nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagpalitan ng produkto
D. ang mga taga-Africa ay nanirahan na lamang sa Europe at ilang bahagi sa
Asya.
15. Paano ipinakikita ng mga Polynesian ang kanilang pananampalataya?
A. umaakyat sila sa tuktok ng templo at gumagawa ng mga ritwal
B. naniniwala sila sa mana o banal na kapangyarihan
C. nagpapasalamat sa diyos ng araw na si Huitzilopochtli
D. lumulubog at lumangoy sa mga karatig- ilog at dagat

Narito ang isa pang gawain para sa


pagtatapos….

Karagdagang Gawain

Gawain 11: Just Draw It!


Panuto: Iguhit ang kasalukuyang mapa ng Mesoamerica, Africa at mga Pulo sa
Pacific. Tukuyin ang mga lugar kung saan unang umusbong ang mga kabihasnan.
Lagyan ng mga pananda: kulayan ng asul ang lugar na pinag-usbungan ng
kabihasnan, dilaw para sa mga bumagsak na kabihasnan at berde para sa mga
nananatiling nagpapatuloy ang kabihasnan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

20

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)
21
Paunang
Pagtataya Gawain 3
Gawain 1 1. Africa
1. D 2. Mesoamerica
2. D 3. Pulo sa Pacific
3. B 4. Africa
4. A
5. C
6. B
7. C
8. A Gawain 2 Gawain 4-5-6
Pahalang 1. Maya
9. C
1. Remus 2. Aztec
10. B
3. Inca
11. C 2. Punic
4. Ghana
12. B 3. Augustus
5. Mali
13. A 4. Patrician
6. Songhai
14. B 5. Caesar 7. Polynesia
15. C 6. Cleopatra 8. Micronesia
7. Carthage 9 Melanesia
8. Senado 10. Tinochtitlan
11. Sudan
Gawain 10 Pababa 12. Micronesia
1. D 9. C 1. Etruscan 13. Mediterranean
2. D 10. B 2. Plebeian 14. Pyramid
15. Quetzalcoatl
3. B 11. B 3. Batas
16. Aqueduct
4. A 12 C 4. Triumvirate
17. Hernando Cortes
5. C 13. A 5. Colosseum 18. Savanna
6. A 14. C 6. Italy 19. Axum
7. B 15. B 7. Veto 20. Pangingisda
8. C
Susi ng Pagwawasto
lOMoARcPSD|36542192
lOMoARcPSD|36542192

Sanggunian

A. Aklat

Mateo, Grace Estela C. et.al, Kasaysayan ng Daigdig. Metro Manila: Vibal Publishing
House, Inc., 2012.

Soriano, Ceila D., Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M.
& Samson, Maria Carmelita B. Kayamanan (Kasaysayan ng Mundo). Manila City. Rex
Books Store, Inc., Binagong Edisyon 2012.

Vivar, Teofisto L., de Leon, Zenaida M., Discipulo, Nieva J., Quiray, Remedios E.,
Rillo, Priscilla H., Viloria, Evelina M. Araling Panlipunan: Kasaysayan at Kabihasnan ng
Daigdig. Quezon City. Vibal Publishing House, Inc., 1999.

B. Modyul
Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig. Kagawaran ng Edukasyon, 2014.

C. Elektronikong Sanggunian

https://www.britannica.com/topic/Mesoamerican-civilization
https://www.marc.ucsb.edu/research/maya/ancient-maya-civilization
https://www.encyclopedia.com/fashion/encyclopedias-almanacs-transcripts-an
https://www.youtube.com/watch?v=roJjLRjNYxk
https://study.com/academy/lesson/expansion-of-melanesian-polynesian-micronesian-
cultures.html

22

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)


lOMoARcPSD|36542192

23

Downloaded by Rochelle Rosales (rosalesrochelle48@gmail.com)

You might also like