Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Layunin:

1.Magagawa kong matukoy ang mga


gawain o karanasan sa sariling
pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.

2. Magagawa kong masuri ang pag-


iral ng pagmamahalan,pagtutulungan
at pananampalataya sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan
o napanood.
- Inaasahang na sa pagtatapos
ng aralin ay iyong maiuugnay
ang pamilya, karanasan at
pagpapahalaga sa pagbuo ng
iyong pagkatao at sa
pagkakaroon mo ng maayos na
ugnayan sa iyong kapwa.
“Isang Salita para sa Pamilya”
(3 minuto) Magbigay ng isang
salita na maaaring
maglarawan sa inyong
pamilya at ipaliwanag ito.
“Pamilya” (2 minuto)
Magbigay ng tatlong(3) salita
na sa inyong palagay ay
mahalagang sangkap upang
magkaroon ng matibay na
pundasyon ng isang pamilya.
• Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan
sa pamilya na iyong nakapulutan ng
aral o nagkaroon ng positibong
impluwensiya sa iyong sarili o
pagkatao. Suriin mo rin kung paano ka
inihanda ng iyong pamilya sa malaking
mundo ng pakikipagkapuwa.
Pagtataya:
Test I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi.
_____1.Ang pamilya ay likas na institusyon sapagkat maaari nating piliin kung sino ang
mamumuno rito.
_____2. Ang bawat miyembro ng pamilya ay may karapatang tanggapin at mahalin.
_____3. Ang pamilya ay komunidad ng buhay at pagmamahal.
_____4. Ang suliranin ng pamilya ay maaaring maging suliranin ng isang lipunan kalaunan.
_____5. Ang tanging pundasyon ng lipunan ay ang mga namumuno rito.
_____6. Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina anak.
_____7. Maituturing lamang na pamilya kung ang bawat miyembro ay kadugo.
_____8. Sa pamilya unang natututong magmahal ang isang bata.
_____9. Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na daloy ng komunikasyon sa pamilya.
_____10. Ang kahulugan ng pamilya ay maaaring magbago-bago depende sa henerasyon.
Test II. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
____11. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga
institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A.Paaralan C. pamilya
B.pamahalaan D. barangay
____12. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?
A. Pinagsama ng kasal ang magulang
B. Pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya
____13. Ang pamilya ay orihinal na paaralan ng ____________.
A. Karunungan C. Pagsasabuhay
B. Katarungan D. Pagmamahalan
____14. Isa ito sa nagpapatatag ng samahan at ugnayan ng pamilya.
A. Pagpapakasal C. Pananampalataya
B. Pagsasama D. Pagkakaisa
____15. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na
pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
Answers
Test I:
1. MALI
: Test
II:
2. TAMA 1. C
3. TAMA 2. A
4. TAMA 3. D
5. MALI 4. A
6. TAMA 5. C
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI

You might also like