Filipino sa iba't ibang programang panradyo ay may malaking impluwensiya sa mga tagapakinig sa bansa. Ang wikang ito ang ginagamit na midyum ng komunikasyon ng mga broadcaster at commentator sa pagsasahimpapawid ng kanilang mga balita, ulat, at puna sa mga pangyayari sa ating bansa. Bunga nito, marami na ang nakauunawa at nagsasalita ng wikang Filipino dahil ang wikang ito ang pangunahing wika ng radyo. Bagama't may mangilan- ngilan na gumagamit ng wikang Ingles sa ibang mga programang panradyo nangunguna parin ang gamit ng wikang Filipino sa radyo sa AM man o sa FM. May mga programang panradyo sa iba't ibang lalawigan na gumagamit na rehiyonal na wika subalit kapag may kinakapanayam sila sa himpapawid, ang wikang Filipino pa rin ang ginagamit na midyum sa pakikipag-usap sa taong kinakapanayam. Ang paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang programang panradyo ay Ang malaking hamon sa kakayahan ng mga broadcaster at commentator dahil hindi lamang sila nakatutulong sa pagpapalaganap ng wikang Filipino, bagkus naitataas pa nila ang antas ng mga gamit ng wikang Filipino. Ang layunin ng mga programang panradyo ay magbigay ng kasiyahan at kaalaman sa publiko tungkol sa iba't ibang bagay at bukod pa sa serbisyo sa mga taong nangangailangan at wala nang matakbuhan kundi ang ilang kilalang broadcaster na magsasahimpapawid ng kanilang problema. Isa pa ring nakatatawag ng pansin ngayon na nauuso at popular sa mga millennial ang pagtawag sa host ng programa upang idulog ang kanilang problema sa pag-ibig, pamilya, kaibigan, at kung ano-ano pa. Dito sila humihingi ng payo sa paglutas ng kanilang problema na hindi nila naidudulog sa kanilang mga magulang kaibigan. Ang radyo ay nagiging instrumento rin sa pagsusulong ng mga musikang Pilipino, dahil sa paulit-ulit na pagpapatugtog nito sa himpapawid gayundin sa pagsusulong ng kulturang Pilipino na natutuklasan sa mga dulaang panradyo. May mga follower ang dulaang panradyo dahil marami ang tagasubaybay sa ganitong programa. Halimbawa ng AM RADIO STATIONS Halimbawa ng AM RADIO STATIONS Bakit bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang pakikinig sa mga programang panradyo? Ang pakikinig sa mga programang panradyo ay naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino dahil nagkakaroon sila ng kaalaman sa mga nangyari, nangyayari, at mangyayari pa sa ating bansa bukod pa sa nagbibigay ito ng aliw sa mga tagapakinig.