Professional Documents
Culture Documents
Ferrer Dalumat Sanaysay 1
Ferrer Dalumat Sanaysay 1
Ferrer Dalumat Sanaysay 1
Ang binigyang- diin ni Quinto sa kanyang paksa ay ang mga negatibo nitong epekto,
una na rito ay ang karahasan at krimen sila ay nagiging desperado para lang may
makain at mas pinipili na lang mabuhay sa kalye at magnakaw. Ang mga kababaihan
naman ay napipilitang ibenta ang kanilang sarili at maging ang mga bata ay natututong
mangdaya at gumawa ng di - tama. Bilang Konklusyon sa aking naunawaan sa pag-
aaral ni Quinto ay “ Ang pag taas ng Karahasan at Krimen ang isa sa mga seyosong
bunga ng Kawalan ng Trabaho, Nakakalungkot na aminin na dahil sa kawalan ng
trabaho at di pagkakaroon ng sapat na pera upang mabuhay ay napipilitan ang
karamihan na kumapit sa patalim upang matugunan ang pangangailangan, At Lubos na
nakakababa ng moralidad ang ganitong gawain. Sila ay napipilitan at wala ng ibang
maisip pa na gawin upang isalba ang kanilang sarili sa kalam ng tiyan kung hindi ang
kasamaan at paggawa ng mali sa kanilang kapwa.
Ayon naman sa Dayuhan na Pag- aaral ni Ray Brooks sa kanyang akda na may
pamagat na “ Why is Unemployment High in the Philippines? “ sa kanyang iminungkahi
na kanyang sinabi “ Unemployment has remained high in the Philippines, at almost
twice the level of neighboring countries, despite relatively fast employment growth in the
past decade. Employment growth was not sufficient to reduce unemployment because
of rapid population growth and increased labor force participation.It shows that
Philippine employment growth and unemployment declines were positively correlated
with real GDP growth and, to a lesser extent, negatively with the real minimum wage.
The key policy implications are that higher economic growth and moderation of
increases in the real minimum wage are required to reduce unemployment.” Sa
nabanggit inilatag ni Brooks ang mga datos na nag papakita ng paggalaw ng mga may
trabaho, makikita sa kanyang impormasyon na habang tumataas ang mga nagkakaroon
ng trabaho ay sumasabay rin ang pag taas ng mga walang trabaho. Sa aking
naunawaan, Ang nais na iparating ni Brooks sa kanyang mga konklusyon ay ang
kaugnayan ng populasyon sa Kawalan ng Trabaho, Kahit na may mga programa na
itinataguyod ang Gobyerno upang makatulong sa mga walang trabaho, Hindi pa rin nito
lubos na nasosolusyunan ang mataas na pagtaas ng kawalan ng trabaho dagdag na
rito ang mabilis na paglobo ng populasyon, ito ang nakikita ni Brooks na dahilan bakit
patuloy pa rin na tumataas ang Kawalan ng trabaho bukod sa mga kadahilanan pa tulad
ng Di - nakapagtapos, maagang pagbubuntis at pagbuo ng Pamilya at Kawalang
kakayahan upang magtrabaho.
Bilang Konklusyon, Nakatulong sa akin ang mga pag - aaral na nabasa ko upang mas
maunawaan ko pa kung gaano kaseryoso ang suliranin na ito, sapagkat aking
napagtanto na ito ay may malaking epekto sa buhay ng isang pilipino at maging ng
kanyang pamilya. Ang kawalan ng Trabaho ay maiuugnay sa iba pang suliranin sa
Bansa tulad ng Karahasan, Kahirapan, Malnutrisyon, Paglobo ng Populasyon, Mental
na Kalagayan ng bawat Pilipino at Maging Krimen, Prostitusyon at Kamatayan.
Karamihan ay kawalan ng Trabaho ang ugat upang humantong sa ganitong mga
kalagayan. Ang kawalan ng de kalidad na Edukasyon, Di nakapagtapos sa pag aaral,
Kakapusan sa buhay, Maagang pagbubuntis at pagbuo ng pamilya at Kawalan ng
interes upang mag sumikap na maka-hanap ng trabaho ang ilan sa mga pangunahing
sanhi kung bakit walang trabaho ang karamihan sa mamayang pilipino, Ganun kalawak
at kalalim ang mga ugat na dapat nating putulin upang masolusyunan ang matinding
suliranin na ito. Bilang aking mga mambabasa, Nais ko na itatak sa isip niyo kung
gaano kalubha ang magiging epekto ng suliranin na ito, kung kaya ay inilatag ko ang
ang mga sanhi at epekto nito upang makapagnilay kayo na isaalang - alang ang
kahalagahan ng trabaho sa pamumuhay ng isang pilipino. Tayo, bilang isang mag -aaral
ay inihahanda ang sarili natin upang pagdating ng panahon ay maging handa tayo sa
tunay na buhay at makahanap ng angkop na trabaho na makatutulong sa atin upang
matugunan ang ating mga pangangailangan. Tayo ay nag - aaral upang dumating ang
araw na makatayo tayo sa ating mga sariling paa at makatulong sa ating pamilya at
Bansa. Nais kong bigyan niyo ng halaga ang aral na nais ko ipahayag sa sanaysay na
ito, upang di tayo maging kabilang sa mga populasyon ng walang trabaho at danasin
ang mga negatibong epekto na aking nabanggit kanina. Tayo man ay nabubuhay ng
walang kasiguraduhan sa ating hinaharap ay nais kong gawin natin ang ating makakaya
upang matulungan ang bansa na mabawasan ang suliranin na ito sa pamamagitan ng
pagsimula nito sa ating mga sarili. Igapang natin na matapos ang ating mga pag-aaral
at higit sa lahat ay maging masigasig na humanap ng mga oportunidad na angkop sa
atin at maging huwaran sa ating henerasyon at kapwa pilipino upang matulungang
mabawasan ang mga kabilang sa suliraning Kawalan ng Trabaho.
MGA SANGGUNIAN:
Pag -aaral ng Alinks. Org. tungkol sa kung “Ano ang Kawalan ng Trabaho?”
https://tl.alinks.org/ano-ang-kawalan-ng-trabaho/