DLL Q3 W4 Catch-Up

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CATCH-UP FRIDAY

GABAY SA PAGTUTURO

I. PANGKALAHATANG IDEYA
Asignatura: FILIPINO Antas: Baitang 10
Markahang Tema: Community Lingguhang Tema: Cooperation
Awareness (refer to Enclosure No. 3 of DM 001, s. 2024, Q3)
(refer to Enclosure No. 3 of DM
001, s. 2024, Q3)
Oras: Petsa: Marso 1, 2024
II. DETALYE NG SESYON
Pamagat ng Sesyon: ANEKDOTA NI SAADI
Anekdota mula sa Persia/Iran ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Layunin ng Sesyon: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na matatamo ang mga sumusunod:
a) Natutukoy ang kultura ng bansang Persia batay sa napakinggang anekdota.
b) Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol pinakamayamang
pamanang sining sa kasaysayan ng mundo na sumasaklaw sa maraming
disiplina.
c) Napangangatuwiranan ang halaga ng anekdota upang makapagmungkahi at
makapaglapat ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayaring makapag-iiwan ng
kakintalan o aral sa mga mambabasa.
d) Napahahalagahan ang katatagan sa paniniwala at paninindigan ng pangunahing
tauhan sa akda.
Pangunahing  Mapag-aaralan rito ang kultura ng bansang Persia na kasalukuyan ay
Konsepto: tinatawag na Iran. Ito ay isa sa pinakaluma at pinakatanyag na bansa na may
mayamang kultura pagdating sa Gitnang Silangan o Middle East.
 Ito ang may pinakamayamang pamanang sining sa kasaysayan ng mundo at
sumasaklaw sa maraming disiplina katulad ng arkitektura, pagpipinta, habi,
kaligrapiya at iba pang kontemporaryong sining.
 Ang anekdota ay makatutulong upang ang isang indibidwal ay
makapagmungkahi at makapaglapat ng isang matalinong desisyon batay sa
pangyayaring makapag-iiwan ng kakintalan o aral sa mga mambabasa.
 Nakatulong ang panitikan ng Persia upang maiangat ang kanilang kalagayan tungo
sa pagkakaroon ng makabagong uri ng pamumuhay.
 Ipinakita ng may akda na si Idries Shah ang Sufism bilang isang unibersal na anyo
ng karunungan. Ang binibigyang-diin ng Sufism ay ang pagpapaunlad ng bawat isa
sa pamamagitan ng kanilang mga pandama at hindi ang pagpapahalaga sa oras, pera
o maging karangalan. Ang Sufis ay may mga mahahalagang papel sa pagbuo ng
lipunan ng mga Muslim sa pamamagitan ng kanilang gawaing misyonaryo at pang-
edukasyon. Hindi lamang isa itong relihiyon o pilosopiya kundi ito ay bahagi ng
buhay ng bawat isa. Ayon kay William Chittick, ang Sufism ay maaaring inilarawan
bilang pagsasaling-wika at pagpapalakas ng pananampalataya at kasanayan sa
Islam.
 Ipinakita ng anekdota ni Saadi na ang bawat isa ay may kakayahan at kalayaang
isagawa at sundin ang kanilang karapatan na hindi dinidiktahan ng kahit sino man.

III. Mga Estratehiyang Pampagtuturo:


Bahagi Panahon Gawain at Pamamaraan
Panimula 10 minuto Gawain: Batid Ko, Karapatan Ko!
Bago Magbasa Kagamitan: Bidyo, PPT, Telebisyon, Speaker, Pisara,
Chalk/Whiteboard marker/Bond paper/papel
Pamamaraan: (Integration-Public Order and Safety and
Social Justice and Human Rights)
 Tuklasin ang ilan sa mga Karapatan at Tungkulin ng isang
mag-aaral/indibidwal.
 Pakinggan gamit ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=3cAOdvntg_c&t=52s
 Isulat sa pisara o idikit mula sa naisulat sa bond paper o
papel ang mga natuklasang karapatan at tungkulin ng
bawat mag-aaral/indibiwal.

Habang Nagbabasa 25 minuto Gawain: Ang Tagapagsanay at Ang Tagapagbasa


Pamamaraan: (Integration- Social Justice and Human
Rights)
 Hahanap ng kapareha ang mga mag-aaral. Ang isa ay
tagapagsanay at ang isa naman ay tagapagbasa.
 Magpapalitan sa pagbasa sa bawat talata ang
magkapareha.
 Ibabahagi ng bawat mapipiling pares ang kanilang
kasagutan sa mga gabay na tanong.
1. Ilarawan mo si Saadi batay sa iyong binasang
anekdota.
2. Anong katangian ni Saadi ang iyong naibigan?
3. Batay sa mga ipinakita ni Saadi karapat-dapat ba
siyang maging bahagi ng lipunan? Bakit?
4. Paano ipinakita ni Saadi ang kaniyang katatagan sa
kaniyang paniniwala at paninindigan?
5. Gaano kahalaga sa isang indibidwal na tukoy o alam
niya ang kanyang karapatan sa kanyang lipunang
kinabibilangan?
Pagkatapos Magbasa 10 minuto Gawain: Reaksiyon sa Leksiyon (Pagsulat sa Dyornal)
Pamamaraan:
 Isusulat ng mga mag-aaral sa kanilang Journal Notebook
ang kanilang reaksiyon sa nabasang anekdota sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Makatuwiran ba ang ginawa ni Saadi? Patunayan.
2. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng anekdotang
iyong nabasa? Pangatuwiranan ang sagot.
Pagtataya 5 minuto Gawain: Maikling Pagsusulit
Pamamaraan:
 Pipiliin at isusulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Isa siyang mongheng may malalim na karunungan,


matapang, at may malakas na loob.

A. Mullah B. Nassreddin C.Hodja D. Saadi

2. Ang ________ ay may mga mahahalagang papel sa


pagbuo ng lipunan ng mga Muslim sa pamamagitan ng
kanilang gawaing misyonaryo at pang-edukasyon.

A. Sufis B. Confucianism C. Humanism D. Buddhism

3. Ito ang iba pang katawagan sa ministro.


A. Mullah B. vizier C.Sultan D. Mohametano

4-5. Tukuyin kung sino ang nagwika ng mga pahayag


sa ibaba.

4.“Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam,


tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang
at kababaang loob.”

A. Mullah B. Monghe C.Sultan D. Saadi

5.“Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang


para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay
nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at
hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang
Sultan.”

A. Mullah B. Mongheng Mohametano


C.Sultan D. Saadi

Inihanda nina:

CECILE C. BLANCAFLOR
Guro III, Filipino 10

Binigyang-pansin ni:

PAMELA O. DESCARTIN
Puno ng Kagawaran III, Filipino

Pinagtibay ni:

EDNA V. BAŇAGA
Punungguro IV

You might also like