Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

CLARENDON COLLEGE INC.

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro


Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

DETALYADONG BANGHAY ARALIN


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T- IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11 – GREGORIO Y. ZARA
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig;
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa;
Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang
teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya, b. komunidad, c. bansa at d.
daigdig
Layunin:
a) Naipapaliwanag ng mag-aaral kung ano nga ba ang tamang pagsulat ng
reaksiyon
b) Naipapahayag ang sariling opinyon, reaksyon o ideya sa isang isyu.
c) Nakabubuo ang mga mag-aaral ng reaksiyon mula sa kanilang napanuod na
isyu
II. NILALAMAN
Aralin 10: Makabuluhang Reaksiyon, Iyong Ilahad at Isulat
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pahina: Pahina 120-129

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Tatawag ang guro ng isang Tayo po ay panandaliang tumayo at ipikit ang
mag-aaral upang pangunahan ating mga mata para sa panalangin
ang panalangin.
2. Pagbati
 “Magandang Umaga sa lahat!” Magandang Umaga rin po Bb. Julian
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
 Maaari bang paki-ayos muna ng Aayusin ang mga upuan at magpupulot ng kalat
mga upuan at pulutan ang kalat.
4. Pagtala ng Liban
 Mayroon bang liban ngayong Wala po
araw?
5. Balik-aral
 Bago tayo magsimula sa Ito po ay patungkol sa Masining at Masinsing
panibagong paksa, ano ang Pagbasa sa Iba’t Ibang Uri ng Teksto
natatandaan ninyo sa tinalakay
noong nakaraan?
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

B. Pagganyak “LUHO”
 Magbibigay ang guro ng isang
maikling kwento at babasahin ito Linggo ng umaga, lumapit si Tricia sa kaniyang
ng tatlong mag-aaral. tatay, “Tay, bilhan nyo na po ako ng bagong
cellphone, sobrang luma na po ng cellphone ko
Mag-aaral 1- Tricia at tsaka pinagtatawanan na po ako ng mga
Mag-aaral 2- Aling Jocelyn kaklase ko kasi hindi daw ako naka Iphone”
Mag-aaral 3- Tatay paglalambing ni Josie.

“Eh, anak kakabili lang namin nyan ni nanay mo


nung nakaraang birthday mo ah wala pang isang
taon yang cellphone mo at tsaka sa hirap ng
buhay ngayon anak e mukang malabo na
mapagbigyan ko ang gusto mo”,tugon naman ng
tatay ni Josie.

“Maayos pa naman ang cellphone mo


anak,mukang bago pa nga, hindi naman
kailangan na lagi kang sumabay sa uso lalo na’t
sa factory lang kami nagtatrabaho ng tatay mo”,
sambit naman ni Aling Jocelyn nang marinig ang
pinag uusapan ng mag ama.

“ Ano ba naman yan, nakakainis naman, pwede


nyo namang pag-ipunan e, ano nalang sasabihin
sakin ng mga kaklase ko na sobrang hirap ko
ganun?, pabalang na sagot ni Tricia, pumasok ito
sa kanyang kwarto at malakas na isinara ang
pinto.

Gabay na tanong:

1. Ano ang iyong reaksiyon sa inasal ni


Tricia? Ma’am ako po ay nalungkot sapagkat siya po ay
nagalit at nagtampo nung hindi nasunod ang
kaniyang gusto kahit alam niya na mahirap ang
buhay.
2. Ano ang inyong nahihinuha na panibagong
paksa na ating tatalakayin para sa araw na Ma’am ito po ay tungkol sa Reaksiyon o Opinyon.
ito batay sa naging sagot ng inyong
kaklase sa unang katanungan?

Magaling!
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
C. Paglalahad ng Aralin
 Ang ating tatalakayin ngayong
araw ay patungkol sa
Makabuluhang Reaksiyon, Iyong
Ilahad at Isulat.

D. Pagtalakay
 Aralin 10: Makabuluhang
Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating
Reaksiyon, Iyong Ilahad at Isulat paligid, sa mga napapanuod natin sa iba’t-ibang
uri ng media, maging sa mga taong
nakakasalamuha natin, palagian na tayong may
reaksiyon.

Kung minsan, magiging paksa pa ito ng ating


status sa mga social networking site, o kaya
naman ay naibabahagi natin sa ating mga
kapamilya, kaibigan at kakilala.

Mahalagang magkaroon ng kabatiran kung


paano nga ba isusulat ang mga reaksiyong ito
bilang pamamaraan ng ating pagpapahayag.
Ano- ano ang mga maaaring maaaging dahilan
Iba’t iba ang dahilan kung bakit tayo nagsusulat.
kung bakit tayo nagsusulat ng reaksiyong papel?
Maaaring bilang personal na reaksiyon o
ekspresyon at pagbibigay rin ng kahulugan ukol
sa isang paksa. Sa ganitong aspekto,
nagsisimula tayo sa pamamagitan ng isang
personal na pagsasalaysay at ang tono ng
salaysay ay nasa unang panauhan.
Sino ang pangunahing bida kapag nagsusulat ng
Ang pangunahing bida rito ay “Ako” o ang
reaksiyong papel?
mismong nagsasalaysay. Ang mga sariling
karanasan na inilalahad ng mga mag-aaral ay
nakatutulong upang mas madaling maibigay ang
kahulugan ng paksang nais ipabatid.

Maaari din namang magsulat bilang reaksiyon


bunga ng kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan,
gawi, at tradisyon. Sa puntong ito, mainam na
makilala ang salik na pinagmumulan ng
manunulat, kung saang institusyon ba siya
nabibilang, halimbawa upang maunawaan natin
ang kaniyang mga nabuong pakikilahok o pag
sang-ayon.
Ano ang epekto na dapat makita sa iyong isinulat
Mayroon din namang nagsusulat ng kanilang
na reaksiyong papel?
reaksyon para sa ninanais na panlipunang
pagbabago. Binibigyang diin sa ganitong anggulo
ang mga paksa hinggil sa isyu sa Lipunan,
Ekonomiya, at Politika. Inaasahang
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
makapagbigay ito sa mga mambabasa ng
epektong makapag-uudyok sa kanila upang
magbigay ng matitinding suhestyon o mungkahi,
dili kaya’y pagsang-ayon o pagtanggi.
Ano ang dalawang layunin sa pagbibigay ng Possible rin naman ang pagbibigay ng reaksiyon
reaksiyon? ay magkaroon ng layuning behavioral at
functional.

Kinikilala rito ang mga pormularyo na


nangangailangan ng masusing pagsisiyasat.
Ano ang mga kabilang sa elemento ng pagsulat
Kabilang sa element ng pagsulat ang:
ng reaksiyong papel?
1. Paksa na maaaring makuha mula sa
reaksiyon ng tao sa kanyang paligid;
reaksiyong pangkomunikatibo sa nabasa o
nasaksihan; at layuning makapagpasiya
gamit ang malawak na imahinasyon.
2. Layunin na maaaring pansariling
pagpapahayag, pagbibigay ng
impormasyon, at malikhaing pagsulat
upang ipadama sa mga mambabasa ang
makulay na larawan ng buhay;
3. Audience o taga-tanggap ng susulatin ng
manunulat; at
4. Wika kabilang na ang kabuluhan nito
maging pagsunod sa mga tuntuning
pambalarila, palabaybayan at
pagbabantas.
Ano ang kailangan upang mas maging
makatarungan at katanggap-tanggap ang binuo Samakatuwid, ang pagsulat ng reaksiyong papel
mong reaksiyon? ay hindi lamang tumutukoy sa pagpuri ng mga
kalakasan o pagpuna sa kahinaan ng isang
tekstong nakahain. Bagkus ay kinapapalooban
din ito ng mga elemento o sangkap upang mas
maging makatarungan at katanggap-tanggap ang
binuo mong reaksiyon.

Sa puntong pedagohikal, maituturing na mga


pahayag ang paggamit ng wika bilang instrument
sa mabisang paglalahad ng pansariling
reaksiyon, impluwensiyang rehiyunal, at
kaligirang kultural. Nagpapakita rin ito ng
kagustuhang mapaunlad ang bokabularyo ng
salita.
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

REAKSIYON
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

PAGKILALA SA MGA DATOS

Kung isasama sa ginagawang reaksiyong papel


ang mga impormasyong nabasa, mahalagang
makilala ang mga pinagmumulan ng mga datos.
Maaari itong pangunahing datos o sekondaryang
Ano pag sinabing pangunahing datos? datos.

Pangunahin ang mga datos kung nagmumula ito


sa mga indibidwal na tao, akdang pampanitikan,
pribado o publlikong organisasyon, batas,
dokumento, at iba pang orihinal na talaan.
Ano naman ang sekondaryang datos?
Sekondarya naman ang datos kung mula ito sa
mga manuskrito, ensayklopedya, magasin,
diyaryo at iba pang aklat na nasulat na ng may
akda.
Ano ang direktang sipi?
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

Ano ang paraphrasing?

Ano ang pagbubuod?

Mga Bahagi ng Reaksiyong Papel


Ano ang nakapaloob sa panimula na bahagi ng
reaksiyong papel?
1. Panimula

Isinasagawa rito ang pagpapakilala sa paksa.


Introduksiyon ito at pinupukaw ang interes ng
mga mambabasa. Marapat na pagbutihin ang
pagkakasulat nito upang mahikayat ang mga
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
mambabasa na magpatuloy pagbabasa
hanggang wakas. Karaniwan nang nagsisimula
ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa
paksa. Ang huling pangungusap sa panimula
tesis na pahayag ng pangunahing ideya.
Ano ang nakapaloob sa Katawan ng reaksiyong Inilalahad din dito ang authorial stance ang
papel? pananaw ng may-akda.

2. Katawan

Isinasaad dito ang nilalaman ng teksto kung saan


pinagsasama-samaang mga kaisipang
magkakasing-uri at isinasaayos ang mga
Ano ang makikita sa Wakas na bahagi ng
kaisipanmakatuwirang pagkakasunod-sunod.
reaksiyong papel?
Ang bawat talata ay may sariling singitna, at
wakas upang makabuo ng mas malawak na
kabuuan.

3. Wakas

Ito ang pinakabuod o kongklusyon ng teksto.


Ano ang mga gabay sa Pagsulat ng Reaksiyong Depende ang haba nito sa haba ng buong teksto.
Papel? Maituturing na kongklusyon ang wakas kung
nakapaghain ka ng mga katibayan at
pangangatuwiran sa iyong sulatin.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Reaksiyong Papel

1.Siguraduhing maayos ang estruktura ng


panimula na nagtatapos sa tesis na pahayag.

2. Magkaroon ng malinaw na panimulang


talata.

3. Isulat ang paksang pangungusap sa bawat


talata.

4. Bawat talata ay naglalaman ng mga


katibayan (halimbawa, direktang sipi,
katotohanan).

5. Magdagdag ng mga kawili-wiling


pangungusap sa bawat talata para
makabuong komprehensibong kongklusyon.

6. Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang


pahayag.
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
E. Paglalahat
7. Siguraduhing makikita ang katotohanan ng
1. Paano mo masasabi na makabuluhan ang tesis na pahayag kapag nabasa ang kabuuan
isang reaksiyon? ng sulatin.

2. Ilang bahagi meron ang reakiyong papel?

3. Magbigay ng dahilan kung bakit tayo


nagsusulat ng reaksiyong papel?

F. Paglalapat

Pangkatang Gawain: Papangkatin ang klase sa


apat (4) upang magbigay ng reaksiyon patungkol
sa “299 Engagement Ring Issue”. Isusulat ng
bawat grupo ang kanilang opinyon o reaksiyon sa
malinis na papel at ilalahad ito sa buong klase.

`
V. PAGTATAYA

Piliin ang sagot sa kahon.

Status Pagbubuod
Reaksiyon Paraphrasing
Bagay Direktang Sipi
Dahilan

1) Sa mga ______ na naoobserbahan natin sa ating paligid, sa mga napapanuod natin sa


iba’t-ibang uri ng media, maging sa mga taong nakakasalamuha natin, palagian na tayong
may reaksiyon.
2) Nagiging paksa pa ito ng ating ______ sa mga social networking site, o kaya naman ay
naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at kakilala.
3) Iba’t iba ang ________ kung bakit tayo nagsusulat.
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
4) Maaaring bilang personal na _________ o ekspresyon at pagbibigay rin ng kahulugan ukol
sa isang paksa.
5) Isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian.
6) Ginagamit kung sasabihin muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian ngunit
gagamitin ang sariling salita
7) Isinasagawa upang mailarawan ang pangkalahatang kaalaman mula sa napakaraming
sanggunian at matiyakang mga pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto.
8-10. Ibigay ang 3 (tatlong) bahagi ng reaksiyong papel.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL

MGA PAMANTAYAN 10 8 6 4

A. Organisasyon Mahusay ang Maayos ang May lohikal na Hindi maayos ang
(10 pts.) pagkakasunod- pagkakasunud organisasyon organisasyon at
sunod ng ideya sa sunod ng ideya sa ngunit hindi walang panimula
kabuuan ng talata, talata, may masyadong at kongklusyon.
mabisa mag angkop na simula mabisa ang
panimula at at kongklusyon. panimula at
malakas kongklusyon.

B. Lalim ng Napakalalim na Malalim na Mababaw at hindi Napakababaw at


Repleksyon makikita ang pag- makikita ang dati gaanong makikita walang pag-
(10 pts.) uugnay ng dating at bagong ang pag- uugnay ang dati
kaalaman at kaalaman. uugnayan ng at bagong
karanasan sa dating at bagong kaalaman.
bagong kaalaman kaalaman.

C. Paggamit ng Napakahusay ang Mahusay dahil Maraming mali sa Kailangang


Wika at paggamit ng wika, kakaunti lamang gramatika at baguhin dahil
Mekaniks (10 walang mali sa ang mali sa baybay gayundin halos lahat ng
pts.) gramatika, gramatika, baybay sa gamit ng pangungusap ay
baybay, at gamit at gamit ng bantas. may mali sa
ng bantas, may bantas. gramatika,
mayamang baybay at gamit
bokabularyo. ng bantas.

D. Presentasyon Malinis at maayos Malinis ngunit May kahirapang Mahirap basahin,


(10 pts.) ang pagkakasulat hindi maayos ang unawain ang hindi maayos at
ng talata. pagkakasulat ng pagkakasulat ng malinis ang
talata. mga pagkakasulat ng
pangungusap. talata.

E. Pamamahala Ginamit ang sapat Natapos at Natapos at Naisumite ngunit


ng Oras (10 na oras upang naisumite sa naisumite isang hindi handa at
pts) ihanda at tapusin takdang oras o linggo pagkatapos hindi tapos.
at naibigay, bago deadline. ng deadline.
ang deadline.
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

VI. TAKDANG-ARALIN

Pag- aralan ang mga paksang tinalakay para sa paparating na pangatlong markahang pagsusulit.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Julian Muros Elisa May F. Gusi, LPT

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Hazel P. Palapus, MEng.

Punong-Guro

You might also like