Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

UNANG PAGBASA

Isaiah 11: 1 -5

Tagapagbasa: Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Isayas, ika-labing isang kabanata, nagsisimula sa
unang talata.

1
Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse.
Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw
ang isang bagong hari.
2
Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh,
ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,
ng mabuting payo at kalakasan,
kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh.
3
Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh.
Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita,
o magpapasya batay sa kanyang narinig.
4
Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha,
at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa.
Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita,
sa hatol niya'y mamamatay ang masasama.
5
Maghahari siyang may katarungan,
at mamamahala ng may katapatan.

You might also like