Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

2ND SEM- MIDTERM LECTURE_PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

 HAUSER AT GRAY- Sila ang nagbigay ng pangunahing tip para sa mabisang


pagtatala ng mga impormasyon mula sa kanilang aklat na Writing the Research and
Term Paper.

I. BALANGKAS
- Ito ay parang isang iskeleton na nagsisilbing gabay sa pagsulat ng isang paksa
- SITEMATIKO ang paghahanay ng mga ideya upang malinawan ang kanilang
ugnayan.
- binubuo ng PANGUNAHING IDEYA AT PANTULONG NA IDEYA
- PAG- OORGANISA ay makatutulong ito sa mabilis na pagkaunawa sa mga
nakalap na impormasyon

Ang pagsasaayos ng mga nakalap na impormasyon para sa pagsulat ng isang


paksa ay maaaring pag-sunud-sunurin batay sa:
- Background
- Debelopment
- Impluwensya
- anumang balangkas na may lohikal na tunguhin

A. PARAAN NG PAGBABALANGKAS
1. BALANGKAS NA PAPAKSA- Ito ay uri ng pagbabalangkas kung saan ang
mga salita o parirala ang ginagamit sa paghahanay ng kaisipan.
2. BALANGKAS NA PANGUNGUSAP- Ang kaisipan ay ipinahahayag sa isang
buong pangungusap.
3. BALANGKAS NA PATALATA- Ang kaisipan ay ipinahahayag sa isang buong
pangungusap.

B. PANANDA SA PAGBABALANGKAS
1. BILANG ROMANO- ang panandang ginagamit sa dibisyon ng balangkas .
2. BILANG ARABIKO- ginagamit sa modernong balangkas

C. PAGMAMARKA- HIGHLIGHTING
2ND SEM- MIDTERM LECTURE_PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

- Isa itong mabisang paraan upang hindi mawaglit sa isipan at


paningin ang mga keywords na dapat tandaan
- 10% ang porsyento lamang ang dapat malagyan ng highlight sa
isang pahina na inaaral ng isang tao

D. MARGINAL NOTES
- Ito ang mga simbolo, salita o drawing na nakatala sa gilid o margin/
palugit ng pahina na ginagamit ng sanay, sariling likha lamang ng
gumagawa nito para madaling matandaan at maunawaan ang mga
detalye sa binabasa.

II. PAG-UNAWA SA MGA GRAPIKONG REPRESENTASYON

- BAUTISTA AT MENEZ -grap ang pinakamabisang paraan upang


mailarawan ang mga datos o impormasyon sa biswal na
representasyon.

A. Grapikong Representasyon
- Ginagamit ang mga ito upang madali at malinaw na maipaliwanag ang
mga numerikong datos na nakalap sa pananaliksik.

B. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA GRAP


1. Literal na kahulugan- Ito ay pagbibigay ng kahulugan sa pagsagot sa
tanong na nagbibigay ng mga impormasyong makikita sa grap.
2. Pagsusuri sa kahulugan- Pagbuo ng ideya, paghahambing, pagbibigay
ng hula o prediksyon ng konklusyon tungkol sa mga inilahad na
impormasyon sa grap.
3. Kahulugan sa antas ng Interpretatibo- paghango sa kahulugang
ipinapahiwatig ng kaugnayan ng mga impormasyong inilalarawan sa grap

C. URI NG GRAP
1. BAR GRAP- ito ang ginagamit upang tukuyin ang kantidad o value ng
datos.
2. FLOW CHART- Ipinapakita ang daloy o proseso.
3. LINE GRAP- Binubuo ng dalawang guhit perpendicular o hugis L. Ang
patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas.
4. TALAHANAYAN- Nasa anyong tabulasyon ang mga datos.
5. ORANISASYONG STRAKSYURAL- Ipinapakita nito ang ranking sa isang
organisasyon o samahan.
6. PICTOGRAP- Larawan ang ginagamit na kumatawan sa mga datos at
impormasyon
7. PIE GRAP- Bilog na hinahati bilang representasyon ng mga datos.
2ND SEM- MIDTERM LECTURE_PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

III. PANGUNAHING KASANAYAN SA PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN

 Cruz et.al. (2004) – Ang DIKSYUNARYO ay isang alpabetikong pagkakasunod-


sunod ng mga salitang binibigyang- kahulugan.
 Balunos- Ang salitang balbal ay Tagalog bersyon ng slang.
 SALVADOR (2008)- mahirap masumpungan kung saan nga ba nagmula ang salitang
slang o balbal.


WIKA- Sa proseso ng komunikasyon, isa sa mga communication noises o filters

 TALASALITAAN (TALATINIGAN)
- Nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan para sa
komunikasyon at pagkamit ng kaalaman.

 TALASALITAAN AYON SA INTSIK


- isang malawak na dagat ng mga salita na dapat hulihin.

 TALASALITAAN AYON SA ANGLO-SAXON


- Ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin at
pahalagahin.

 ETIMOLOHIYA- Disiplina ng Linguistik na may pananagutan sa pag-aaral ng


pinagmulan at ebolusyon ng mga salita.

1. SALITANG- UGAT- Mga basal na anyo o mga salitang hindi pa nalalagyan ng panlapi.
2. PAGTATAMBAL- Pagsasama ng dalawang salita.
a. Tambalang ganap
b. Malatambalang salita- Pagtatambal na karaniwang isinusulat na may gitling sa
pagitan ng dalawang salita

3. PAGPAPANGKAT- PANGKAT- Isinasama sa isang klasipikasyon ang mga salitang


magkakasing-uri o nagtataglay ng isang katangiang katulad ng isang batayang salita.

4. PAGHAHALO- Sa paraang ito, walang salita ang ginagamit nang buo.


- Dalawa o higit pang pinaikling mga salita na pinaghahalo upang
bumuo ng isa pang salita
5. PAG- UULIT-
a. Ganap
b. Parsyal
2ND SEM- MIDTERM LECTURE_PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

6. PANLAPI- Ang tawag sa kadalasang idinurugtong o ikinakabit sa salitang-ugat.


a. Unlapi
b. Gitlapi
c. Hulapi
d. Kabilaan
7. PAG- AANGKIN O PANGHIHIRAM- (Hornedo) Ang pag-aangkin o panghihiram ay
tawaging PAG-AAMPON ng salita at hindi panghihiram.

8. PAGLIKHA- paglinang o pagdedebelop ng wika ayon sa kalikasan nito (slang o balbal)

9. PAGSISINTUNUGAN- Paggamit ng mga salitang pareho ng baybay subalit nagkakaiba ng


tunog at kahulugan.

10. POLYSEMI- Salita na maraming kahulugan.

11. KASINGKAHULUGAN- Mga salita na halos pareho ang kahulugan


a. KONOTASYON- Pansariling kahulugan ng isang tao.
BALATSIBUYAS- maramdamin
b. DENOTASYON- Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo.

a. Tipanan- tagpuan
b. Kwaderno- notebook
c. Talatinigan- diksunaryo
d. Salipawpaw- eroplano
e. Kalimbahin- pink
f. Logos- salita
g. Ethimos- tunay
h. Antipara- salamin
i. Hating- telepono
j. Miksipat- mikroskopyo
k. Lagusnilad- underpass
l. Binhisipan- seminar
m. Daktinig- mikropono
n. Hatidwad - Telegrama
2ND SEM- MIDTERM LECTURE_PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

IV. ANG SINING NG PAGSULAT

A. PAGSULAT
- Ito ay ang pagsasatitik ng anumang simbolo sa kahit anong midyum
upang maghatid ng mensahe ang isang tao sa iba.
- (DR. LALUNIO)- Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan.

 LAYUNIN- Ito ang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao.
 SIMBOLO- ang titik, numero, hugis, bantas, at nota
 MIDYUM- Ito ay tumutukoy sa kung saang kaparaanan, tsanel, daluyan o daanan naisagawa
o naisakatuparan ang pagsusulat.

B. BAHAGI NG PAGSULAT
 Simula- Tungkulin nitong pukawain ang interes ng mambabasa, inihahalintulad ito sa window
shopping / display window.
 Gitna- narito ang nga tiyak na detalyeng nabibigay-linaw sa paksa.Dito makikita ang
nilalaman ng akda
 Wakas- Madalas na buod o kongklusyon ang anyo nito at tungkulin nitong mag-iwan ng kintal
o bisa. Bitin o open-ended ang estratehiya ng bahaging ito.

1. SOSYAL O TEKNIKAL NA PAGSULAT- memorandum, resume, police crearance


2. PERSONAL NA PAGSULAT- Kongkretong halimbawa nito ang pagsusulat ng
pagninilay.
3. MALIKHAING PAGSULAT- epico, maikling kwento
4. AKADEMIKONG PAGSULAT- desertasyon, panunuring pampanitikan’
5. JOURNALISTIC NA PAGSULAT- editorial
6. PANGANGALAP NG DATOS- Ito ay paghahanap ng mga impormasyong isusulat.

4. PAKSA- Sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang isusulat?” Kadalasang mga paksa
ay ang mga bagay na naranasan na ng isang manunulat.
5. BALANGKAS- Ito ay nagsisilbing plano upang hindi malihis sa paksang isusulat.
6. EDITING- Tinitingnan sa prosesong ito ang kamalian sa gramatika at ispeling na maaari
pag iwasto.
7. PAGSULAT NG BURADOR- Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
8. PAGREREBISA- Binabago sa prosesong ito ang diwa ng naisulat
9. PAGLALAHATHALA- Ito ang mismong pagpasa ng buong manuskrito.

You might also like