Bierner Dolores

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pitong Hapis ng Mahal na Birhen ay ang mga pangyayari sa buhay ni Maria, ang Ina ng

Panginoong Hesukristo. Ang mga pagsasalarawan ng kanyang pagdadalamhati at kalungkutan


kaugnay ng mga pangyayari sa buhay ng Panginoon ay nakasentro sa Kanyang
pagpapakasakit at kamatayan sa krus. Ito ay isang kilalang debosyon o pagpaparangal ng mga
mananampalatayang Katolikong namimintuho kay Maria, ang Mahal na Inang Nagdadalamhati.
Sa loob ng Panahon ng Kuwaresma, ang Viernes Dolores o ang Biyernes ng Pitong Hapis, ang
Biyernes bago sumapit ang Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon ay ang araw
kung kailan binibigyang parangal ang Mahal na Birhen sa kanyang sagisag na ‘Mater Dolorosa’
(Mother of Sorrows).

- Ang Pitong Hapis ng Mahal na Birheng Maria -

1.Ang Hula ng Propetang si Simeon sa sanggol na si Hesus.


(Lukas 2:34)
34
Binasbasan sila ni Simeon at sinabi niya kay Maria na ina ng bata: Narito, siya ay itinalaga upang
ibagsak at itindig ang marami sa Israel. Siya ay magiging isang tanda na kanilang tututulan. 35 Ito ay
mangyayari upang mahayag ang mga pagtatalo ng maraming puso. Sa iyo rin, isang tabak ang tatagos
sa iyong kaluluwa.

2.Ang Pagtakas Patungong Ehipto ng Banal na Mag-Anak.


(Mateo 2:13)
13
Nang sila ay nakauwi na, nangyari na ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang
panaginip. Sinabi ng anghel: Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina. Tumakas kayo
papuntang Egipto sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin. Manatili kayo roon
hanggang sa sabihin ko sa iyo.

3.Ang Pagkawala ng Batang Hesus ng Tatlong Araw.


(Lukas 2:43)
43
Sila ay bumalik nang mabuo na nila ang mga araw ng kapistahan. Sa kanilang pagbabalik, ang batang
si Jesus ay nanatili sa Jerusalem na hindi nalalaman ni Jose at ng ina ng bata.

4.Ang Pagkasalubong ni Jesus at Maria sa Daan ng Krus.


(Lukas 23:26)
26
Sa pagdala nila kay Jesus, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na galing sa
bukid. Ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya na nakasunod kay Jesus.
5.Ang Pagkamatay ni Hesus sa Krus, kung saan ang kanyang Ina'y nakatayo sa paanan
ng Krus.
(Juan 19:25)
25
Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang
ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala.

6.Ang Pagbababa Mula sa Krus kay Hesus, kung saan kinalong ni Maria ang bangkay ni
Hesus.
(Mateo 27:57)
57
Nang gumabi na, dumating ang isang mayamang lalaki na taga-Arimatea. Siya ay si Jose na naging
alagad ni Jesus.

7.Ang Paglilibing kay Hesus.


(Juan 19:40)
40
Kinuha nga nila ang katawan ni Jesus. Binalot nila ito ng telang lino kasama ang mga pabango. Ito ay
ayon sa kaugalian ng paghahanda ng mga Judio sa paglilibing.

You might also like