Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gawain

Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?
Noong panahon nang pananakop ng mga Espanyol at mga Amerikano sa bansa kung
saan nasa ilalim ng kanilang control ang Pilipinas, itinatag ng mga dayuhan ang kanilang sariling
sistema ng edukasyon na nagging bahagi ng mga Pilipino; nagresulta ito sa pagbabalewala nila
sa sariling kultura at pag-aalipusta sa kasaksayan at pananaw. Kasabay ng pagdating ng mga
dayuhan mula sa ibang bansa ay ang pagdating din ng kanilang mga kanilang mga turo gaya ng
kanilang wika, kultura, at ideolohiyang ipinalaganap nila sa paraan ng edukasyon kolonyal. Dahil
dito, nagsimulang hindi magtiwala at mawalan ng paghanga ang mga Pilipino sa kanilang
sariling kultura at kasaysayan. Resulta ito ng turo ng mga banyaga na ang mga paniniwala,
kultura, at halaga ng mga dayuhan ay mas mahalaga at mas mabuti kaysa sa kanilang sariling
mga tradisyon at kuwento. Binago ng kolonyal na edukasyon ang paraan ng pag-iisip ng mga
Pilipino at kung ano ang kanilang pinahahalagahan. Tila nakalimutan nila kung sino sila at ang
kanilang sariling kultura at kasaysayan. Kaya naman, mahalaga nap ag-aralan at unawain ang
epekto ng kolonyal na edukasyon sa mga Pilipino, upang maprotektahan at maibahagi natin ang
tunay na kahalagahan ng ating sariling kultura at kasaysayan.
2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula
sa
kasalukuyang panahon at ipaliwanag.
Ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas ay may bahid ng impluwensya ng mga
banyaga at hindi maikakaila ang nagging epekto nito sa paggamit ng wikang Filipino, kung saan
hindi ito masyadong napahalagahan at naging mababaw ang halaga nito. Sa panahon ngayon,
tila mas malawakan ang paggamit ng wikang Ingles kung ikukumpara sa wikang Filipino, kung
saan makikitang nagdudulot ito ng pagkaantala sa pag-unlad at pagpapalaganap ng wikang
Filipino. Mas madalas pang gamitin ang wikang Ingles sa mga babasahing libro, sa mga
materyales sa paaralan, at maging sa pagsasalita habang nagtuturo sa silid-aralan. Kung kaya
naman, tila karamihan sa mga mag-aaral ang nahihirapang umintindi at makapagsalita ng
wikang Filipino nang mahusay.
Ang pagiging dominante ng wikang Ingles ay may dulot din na mga implikasyon sa
kulturang Pilipino sapagkat naging malawak ang impluwensiya ng mga Amerikano noong
kanilang pananakop. Kung tutuusin, naging mas tanyag pa nga ang mga produkto, kultura, at
kasanayang Amerikano na umabot sa puntong mas nais pa ito ng mga Pilipino kaysa sa mga
lokal na gawang Pilipino, dahil tila “sosyal” kung may mga bagay na galing sa ibang bansa, na
nagdudulot ng pagkawala ng pagpapahalaga sa sariling kultura at produkto ng bansa.
Bukod dito, napaghihiwalay ang pribado at pampublikong paaralan ang mga antas
panlipunan sa edukasyon, sapagkay para sa iba, mas mahusay sa pribadong paaralan. Ngunit,
resulta ito ng laganap na paniniwalang ang pribadong paaralan ay para sa mga mayayaman o
may pera, samantalang ang pampubliko naman ay para sa mga mahihirap o kapos sa pera.
Mababatid dito ang uri ng diskriminasyon na nagpapababa ng halaga at kalidad ng mga
paaralang pampubliko. Kaya naman masasabing halos walang pagkakakilanlan amg pag-unlad
ng wika, at pagpapahalaga sa sariling kultura ng Pilipinas. Upang malunasan ang mga isyung ito,
mahalaga na bigyang-pansin at suportahan ang wikang Filipino bilang pambansang wika. Dapat
ding itaguyod ang edukasyon na nagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa sapagkat sa
papapahalaga at paggamit ng wikang Filipino at mga lokal na produkto ay mapanatili ang
pagkakakilanlan at pag-unlad ng bansa.
3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon
ng mga Filipino?
Maraming solusyon na sa tingin ko ay maaaring maging susi sa edukasyon ng Pilipino,
ngunit ibang usapan kung paano ang implementasyon nito upang maging matagumpay.
Sapagkat, kung may solusyon, magiging bago ito sa pananaw ng bawat isa, kaya magiging
mahirap dahil iba ito sa kinagisnan at nakasanayan. Gayon pa man may magagawa pa tayo na
pwedeng makapagpabago at makatulong maging sa susunod na henerasyon. Una ay ang
pagpapahalaga sa sariling kultura at kasaysayan; mahalang maituro sa mga paarala ang
importansya ng sariling kultura at kasaysayan natin bilang Pilipino, sapagkat ito ang buhay ng
ating bansa. Dapat ay mabigyan ng pansin ang mga aralin at mapalalim ang ugyanan ng mga
mamamayan sa sariling kasaysayan, tradisyon, at kultura ng bansa.
Pangalawa, sa pagpapalawig at pagsasaayos ng kurikulum, magkaroon ng mas malawak
na sakop ang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino, Panitikan, at mga asignaturang may
kinalaman sa sariling kultura at kasaysayan. Makakatulong ito upang mapagyabong at
mabigyang-halaga ang kultura, tradisyon, at kasaysayan ng bansa, na magsusulong sa mas
malalim na pagkakaunawa sa mga katutubong kaalaman at karanasan ng mga Pilipino. Bilang
karagdagan, importante na suportahan ang mga lokal na kultura at tradisyon upang masigurong
mapapaunlad ang kultura at tradisyon sa mga paaralan at komunidad. Kung magkakaroon ng
mga aktibidad at proyekto na nagpapalakas ng pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa sariling
kultura ng mga Pilipino ay magiging malaking tulong din ito.
Ang pantay na pagpapahala sa paaralang pampubliko at pribado ay magiging malaking
tulong din sapagkat magbibigay ito ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga mag-aaral na
makakuha ng dekalidad na edukasyo na hindi nakabatay sa katayuan ng buhay. Kailangan din
na mapalakas at mapagtuunan ng pansin ang mga paaralang pampubliko upang mabigyan ng
pantay na pagkakataon ang lahat ng mga mag-aaral na magkaroon ng magandang kinabukasan
sa kabila ng hirap at hamon ng buhay.
Sa pamamagitan ng mga solusyong ito, maaaring mabawasan ang epekto ng lisyang
edukasyon sa mga Pilipino at maipalaganap ang pagpapahalaga at pag-unawa sa sariling kultura
at kasaysayan. Ito ay makakatulong sa pagbuo ng mga indibidwal na may malalim na
pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at may kakayahang mag-abot ng positibong pagbabago sa
lipunan.

You might also like