Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

LIKHA: ISANG PORTFOLIO NG MGA SULATIN SA

ASIGNATURANG FILIPINO SA PILING LARANG


(AKADEMIK)

1
LIKHA: Isang Portfolio ng mga Sulatin sa Asignaturang Filipino sa Piling
Larang (Akademik)

Ipinasa ni:
Bb. Jolly J. Jaramiel
Grade 12B

Ipinasa kay:
Bb. Geraldine Mae B. Dapyawin
Hunyo 2, 2021

2
PROLOGO

Ni Jolly J. Jaramiel

Huminto, matumba, at magpahinga. Subalit, huwag kalilimutang bumangon, lumaban, at


harapan ang mga pagsubok na mas malakas at matatag kumpara sa nakaraang sarili.

Ang pahayag na iyon ang nagsilbing inspirasyon ng manunulat na makalikha ng portfoliong


ito. Hango sa mga gawain ng akda sa kanilang asignaturang Filipino sa Piling Larang ang naging
pamagat sa ginawang Portfolio. Ang Portfoliong ito ay ay naglalaman ng mga sulatin na isinulat
batay sa karanasan at pagsisikap ng manunulat habang nag-aaral sa kanyang huling taon sa
sekondarya. Kabilang sa mga sulatin na matatagpuan sa Portfoliong ito ay ang Binalangkas
na Teksto, Binuod na Teksto, Talumpati, Memorandum, Adyenda, Replektibong Sanaysay,
Lakbay-Sanaysay, at Larawang-Sanaysay. Naipapakita sa pamagat ng Portfoliong ito ang
kahusayan ng manunulat sa pagtala ng kanyang mga sulating mula sa sariling kasipagan at
pagsisikap.

Ipinamahagi at inilathala niya ang kanyang mga akda batay sa kanyang kakayahan at
kaalaman upang maisulat ang mga ito na naaayon sa bawat paksa. Batid niyang hindi pa sapat
ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagsusulat kaya’t maaaring nagtataglay ito ng
pagkakamali. Sa pamamagitan ng mga gawain sa asignaturang ito ay umunlad ng paunti-unti
ang kaalaman at kakayahan ng may akda sa larangan ng pagsusulat.

Ang tagumpay na naranasan ng manunulat sa pagkatapos ng kanyang mga sulatin ay lubos


na ipinagpapasalamat niya sa Panginoon sapagkat binigyan niya siya ng tamang patnubay at
kalakasan na magpatuloy sa pagsulat. Nagpapasalamat din siya sa kanyang gurong si Bb.
Geraldine Mae B. Dapyawin dahil sa kanyang paggabay at pagsisikap na turuan ng mabuti silang
mag-aaral. Pinasasalamatan niya rin ang kanyang kapwa kamag-aral at pamilya sa pagsuporta
sa kanya sa bawat oras.

Ang Portfoliong ito ay inaalay ng manunulat sa kanyang guro at kapwa kamag-aral upang
magsilbing motibasyon at inspirasyon na palawakin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa
larangan ng pagsusulat.

3
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Binalangkas na Teksto ------------------------------------------ 5


Binuod na Teksto ----------------------------------------------- 7
Talumpati ------------------------------------------------------ 10
Memorandum ----------------------------------------------------- 12
Adyenda -------------------------------------------------------- 13
Replektibong Sanaysay ------------------------------------------ 14
Lakbay-Sanaysay ------------------------------------------------ 16
Larawang-Sanaysay ---------------------------------------------- 19

4
BINALANGKAS NA TEKSTO

Akda: Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi, at Sari-Sari


ni Tereso S. Tullao, Jr.

I. Panimula

A. Ekonomiks
1. Paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalakay ng diwa ng
ekonomiks.
2. Pagtukoy sa kahulugan at katuturan ng ekonomiks.
3. Ang limang pangunahing konsepto na bumubuo sa depinisyon ng
ekonomiks, ang agham panlipunan, kayamanan, hilig ng tao,
kagahupan, at pamamahagi.

II.Nilalaman

A. Ekonomiks at pamamaraang siyentipiko


1. Ang ekonomiks ay nahahati sa normatibong pagsusuri at
positibong pagsusuri.
2. Problema sa ekonomiks ang pagtukoy kung ano ang isyu sa kalayaan
ng mga imbestigador sa kanilang personal na paniniwala at
pagpapahalaga.
B. Ang kayamanan at pinagkukunang yaman
1. Ang kayamanan ng lipunan ay binubuo ng mga katangian ng mga
tao; mga bunga ng kalikasan at mga bagay na gawang-tao.
2. Ang problema sa ating likas na kayamanan ay ang mabilis na
paggamit at pagkaubos nito at ang kakulangan ng bansa na
maproseso mula sa hilaw na materyal tungo sa mga bagay na may
mataas na antas at halaga.
C. Hilig ng mga Pilipino
1. Istruktura ng pangangailangan, hilig, at kagustuhan ng mga tao
na nagpapatingkad sa pagkalimitado ng mga yamang-bayan.
2. Pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan.
D. Problema ng Iskarsidad
1. Unibersalidad ng problemang iskarsidad.

5
2. Pagtitimpi ng mga tao na matugunan ang kanilang mga hilig dahil
pinagbabawalan ng isang malakas na pwersa tulad ng kultura at
estado.

E. Pamamahagi at alokasyon ng mga yamang-bayan

1. Pamantayan ng isang lipunan sa pagsagot sa mga pangunahing


katanungan sa produksiyon at distribusiyon.
2. Pagtukoy sa kung anong mga bagay na gagawin, sa papaanong paraan,
at kung kanino ipapamahagi ang nagawang bagay at serbisyo sa
proseso ng pamamahagi.
3. Paggamit ng ekonomiya ng dalawang daan patungo sa pagbuo ng
isang panlipunang mekanismo ng pamamahagi, ang wastong
paggamit at pagpapalawak sa mga limitadong yamang-bayan at ang
pagkontrol ng dumaraming hilig ng tao.
4. Mga pangunahing modelo kung papaano namamahagi ang lipunan ng
kanyang yaman at produksiyon; ang pamamaraang tradisyonal,
pagpaplanong sentral, at pamamaraang bilihan.

III. Konklusyon

A. Layunin ng pagtatalakay sa limang konsepto ng ekonomiks sa


diwang Pilipino
1. Makapagbigay ng panimulang introduksiyon sa ekonomiks
2. Paggamit ng kaalamang nakuha sa pag-aaral ng ekonomiks sa
paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at
pangkaunlaran

B. Pag-aaral ng ibang sangay ng agham panlipunan.


1. Papel na ginagampanan ng pulitika, kultura, at ang
sikolohiya at sosyolohiya sa kalagayang pangkabuhayan.
C. Pagtukoy kung papaano nag-iisip ang mga Pilipino at kung ano
ang kanilang konsepto ng mabuting buhay.
1. Paghalo ng mga katangian, kaugalian, kultura, at mga pananaw
ng Pilipino sa mga prinsipyo at teorya ng ekonomiks upang
lutasin ang mga problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

6
BINUOD NA TEKSTO

Akda: Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi, at Sari-Sari


ni Tereso S. Tullao, Jr.

Layon ng salaysay na matalakay ang mga pangunahing konsepto na


bumubuo sa depinisyon ng ekonomiks sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
Filipino upang mailahad ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks sa
buhay ng mga mamamayang Pilipino. Ang limang pangunahing konsepto ay
ang agham panlipunan, kayamanan, hilig ng tao, kagahupan, at pamamahagi.

Ang pangunahing konsepto ng ekonomiks ay ang agham panlipunan o


ang pamamaraang siyentipiko na ginagamit upang pag-aralan ang ekonomiks.
Sa unang bahagi ng sanaysay ay ibinahagi kung papaano tumutugon ang
lipunan sa problema ng kabuhayan at kaunlaran na pinag-aaralan sa
ekonomiks. Ang ekonomiks ay isang pag-aaral na nakatuon at naglalarawan
sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ito ay itinuturing na isa sa mga
pangunahing sangay ng agham panlipunan na inaaral ang ginagampanan ng
bawat miyembro ng lipunan at ang kanilang relasyon upang matugunan ang
pangunahing layunin ng lipunan. Ito rin ay gumagamit ng maayos at
organisading pamamaraan ng pag-aaral at pagsusuri upang gabay sa
pagtuklas ng mga problema sa ating kabuhayan. Ang ekonomiks ay binubuo
ng dalawang uri ng pagsusuri, ang positibo at normatibong pagsusuri.
Ang positibong pagsusuri ay itinuturing na siyentipiko o nakabatay sa
malalim na pagsusuri sa sistemang kabuhayan habang ang normatibong
pagsusuri naman ay isang pagsusuri sa kabuhayan na nakabatay sa personal
na konsepto at paniniwala ng isang lipunan. Sa pag-aaral ng ekonomiks,
hindi maiiwasang hindi mailayo ang normatibong pagsusuri sa positibong
pagsusuri sapagkat mahirap na iwaksi ang subhetibong pag-iisip ng mga
tao ukol sa mga konsepto tungkol sa tao at ideyal na lipunan. Ang mga
pangunahing suliranin sa ekonomiks ay ang pagtukoy sa kung ano ang mga
nararapat na bigyang pansin sa pamamaraan ng pagsusuri at ang isyu sa
kalayaan ng mga miyembro ng lipunan sa kanilang mga personal na
paniniwala at pagpapahalaga. Dahil sa mga problemang ito ay ninanais
gamitin ng mga ekonomista ang positibong paraan ng pagsusuri upang
pahalagahan ang pagkasiyentipiko at obhetibo ng ekonomiks bilang agham
panlipunan at maiwaksi ito sa personal na konsepto ng mga tao at hindi
iayon sa isang pamantayan at layuning panlipunan.

Ang ikalawang konsepto ng ekonomiks ay ang kayamanan. Kaakibat ng


ekonomiks ang kayamanan sapagkat layunin rin nito ang pag-aralan ang
kabuhayan at ang pagtugon sa mga pangangailangan at hilig ng mga tao.
Ang kayamanan ng isang lipunan ay nakukuha sa katangian ng mga tao, likas
na yaman, at mga bagay na gawang-tao. Karamihan ay nagsasabi na mayaman
ang ating bansa. Gayunpaman, marami pa rin ang mga mahihirap dahil sa

7
iba’t ibang kadahilanan. Katulad na ang hindi wastong paggamit ng mga
ito. Malaki ang ating populasyon at maraming Pilipino ang may kakayahan
at abilidad na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa. Subalit, dahil sa
malaking bilang ng populasyon, marami rin ang kapansanan ang kalidad
ng mga tao upang maging instrumento sa pag-unlad ng bansa. Kasama na
rito ang pagkakaroon ng mataas na porsiyento na kabilang sa ating
populasyon ay bata, mga walang mapagkakakitaan, pagkakaroon ng mga sakit,
at may mababang kalidad ng edukasyon.

Patungkol naman sa ating likas na kayamanan, malawak ang mga lupain,


karagatan, at mga minahan na nagbibigay ng mga yamang mineral. Ang
suliranin ng likas na yaman ay ang mabilis na paggamit at pagkaubos nito
pati na rin ang kakulangan ng bansa na maproseso ang mga nakuhang materyal
tungo sa mga bagay na may mataas na halaga. Ang yamang-pisikal ay binubuo
ng mga ginawa ng tao, kabilang na ang mga istrukturang makikita sa ating
kapaligiran. Dahil may kakulangan ang uri at kaildad ng mga yamang likas,
ipinapalagay na may kakulangan ang uri at kalidad ng mga yamang-pisikal
na nagpapakita ng mabagal na pag-unlad ng bansa. Marami pa ang nararapat
na gawin upang mapaunlad ang bansa dahil sa lagay ng ating kayamanang-tao,
likas na yaman, at mga yamang-pisikal. Suliranin din ng kayamanan ang
pagiging limitado nito sapagkat maraming tao ang makikinabang at ang
kanilang pag-abuso nito dahil marami ang maaaring panggamitan.
Itinutukoy na ang teknolohiya ay isang pamamaraan upang masolusyunan
ang pagkalimitado ng ating mga kayamanan.

Sa kabilang dako, sinasabing kailangan rin suriin ang instruktura


ng pangangailangan, hilig, at kagustuhan ng mga tao upang mas malaman
ang rason ng pagkalimitado ng mga yamang-bayan. Sa ikaapat na konsepto
ng ekonomiks ay ipinapaliwanag ang kaugnayan ng hilig sa ating mga
kayamanan. Ang hilig ng mga tao ay tumutukoy sa kalipunan ng mga
kagustuhan ng bawat miyembro ng lipunan. Ang mga bagay na ginagamit at
pinapahalagahan ng bawat isa ay ayon sa ating pagkatao. Ito ay maaaring
nakabatay sa kultura, nakalakihan, o karanasan na nakikita sa
kapaligiran bilang tugon sa ating mga hilig at pangunahing
pangangailangan. Maraming hilig at kaugalian na hindi mauunawaan ng mga
tao sa Kanluran ngunit ginagawa pa rin sapagkat parte ito ng ating
pagiging Pilipino.

Napakarami ng mga hilig ng tao at limitado lamang ang kayamanang


magagamit upang tugunan ito kung kaya't hindi maiiwasan ang pagkakaroon
ng suliranin sa iskarsidad. Ang suliranin sa iskarsidad ang ikaapat na
konsepto ng ekonomiks na nangangailangang bigyang pansin upang
masolusyunan ito. Kailangan na magtimpi ang mga tao at kontrolin ang
kanilang mga hilig sapagkat may problema ng iskarsidad o ang pagiging
limitado ng mga kayamanang-bayan upang matugunan ang mga ito.

8
Ang ikalimang konsepto ng ekonomiks ay ang pamamahagi at alokasyon
ng mga yamang-bayan. Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng isang lipunan
sa paghahati-hati ng kayamanan para matugunan ang ating mga
pangangailangan. Mayroong dalawang daan patungo sa pagbuo ng isang
mekanismo ng pamamahagi ng lipunan. Ito ay ang wastong paggamit at
pagpapalawak sa mga limitadong yamang-bayan at ang pagkontrol ng
dumaraming hilig ng tao. Sa pamamagitan ng wastong pamamaraan ay
kinakailangang tuklasin ang mga nararapat na pagpapahalaga sa mga yaman.
Nararapat din na paunlarin ang mga katangiang-tao at lipunan. Halimbawa,
ang pakikisama o pakikipagkapwa-tao at pagtuturo sa iba ay makadadagdag
sa yamang-tao ng Pilipinas pati na rin ang tamang paggamit at
pangangalaga ng mga ito. Ang ikalawang dapat pagtuunan ng pansin ay ang
pagdarami ng hilig ng tao. Nangangailangang maisaayos ang mga ito ayon
sa kanilang kahalagahan sa lipunan upang tugunan ng mga limitadong yaman.
Mayroong tatlong modelo kung papaano naipapamahagi ang mga yaman at
produksiyon sa lipunan. Ito ay ang pamamaraang tradisyonal, pagpaplanong
sentral, at pamamaraan sa bilihin. Sa pamamaraang tradisyonal, nakabatay
sa tradisyon ng isang lipunan ang pagtalaga ng mga gagawing produksiyon,
sino at papaano gagawin, at kung paano paghahatian ang mga ito. Sa
ikalawang modelo naman ay batay sa isang pamantayang mula sa lipunan
kung kaya’t hindi kusang nanggagaling sa mga mamamayan ang pagtitimpi
ng kanilang mga hilig. Sa pamamaraang bilihin naman ay ayon sa mekanismo
ng presyo ang pagsagot sa mga katanungang ukol sa produksiyon,
distribusiyon, at pagtitimpi ng mga tao. Dahil nakaayon sa presyo ang
proseso ng mga ito, nakabatay ang gagawing pagtitimpi sa desisyon ng
mga tao.

Sa pangkalahatan, naipaliwanag ang limang mahalagang konsepto ng


ekonomiks at nailahad ang katuturan at kahulugan nito sa pag-aaral ng
kabuhayan at nang matugunan ang ating mga pangangailangan. Nararapat
din na pag-aralan ang iba pang agham panlipunan at mga konsepto ng
Pilipino sa iba’t ibang bagay upang mas lalong maunawaan ang teorya ng
ekonomiks at malutasan ang mga suliraning pangkabuhayan at
pangkaunlaran.

9
TALUMPATI

“KAYA KO AT KAKAYANIN KO PA”


Ni Jolly Jaramiel

Pagod na ako. Isa sa mga kadalasang ibinabanggit kapag sinusubok


ng panahon ang katagang ‘pagod na ako'. Sa panahon ngayon, napakahirap
na pagsabayin ang kahit anong gawain, katulad ng pag-aaral at pagharap
sa mga suliraning dulot ng pandemya. Tila inilayo na sa atin ang karapatan
na makamit ang wastong edukasyon dahil sa biglaang pagbabago ng mundo.
Napakaraming pagsubok na ang dapat harapin sa panahon na taliwas sa
pagtupad ng mga pangarap natin. Kasabay ng pagkakaroon ng pangarap ay
ang sakit at hirap na nangangailangang makasanayan at maranasan sa
pagkamit ng mga ito, na tila maihahalintulad ko sa paghila sa isang
lastiko.
Nakakapagod na. Nakakapagod na kung kaya't mas gugustuhing tumigil
na muna sa pag-aral, tumigil sa pagtrabaho, at tumigil na muna sa lahat
ng gawain na nakakapagod para sa ating mga tao. Mayroong tumigil at sumuko
subalit mayroon rin na nanatili at nagpatuloy. Alam kong hindi lahat
ay may kakayahang magpatuloy. Hindi naman lahat ay nakakayanan ang sakit
na dulot ng pang araw-araw na suliranin at bigat ng ating mga dinadala.
Ngunit sa kabila nito, alam ko na lahat tayo ay may pangarap na nakaukit
sa ating mga isipan at puso. Mahirap man o mayaman, mababa man o mataas
ang pinag-aralan, lahat tayo ay may mga taglay na pangarap. At sa pagtupad
nito, sandamakmak na problem ang nararapat na malagpasan at mga daan
na kailangang pagpilian at lakaran. Maihahalintulad ang ating buhay sa
isang lastiko, sa isang bagay na hilig paglaruan ng mga tao. Kapag
hinihila, maihahambing ang ating mga pangarap sa bandang itaas habang
ang reyalidad naman ay nasa ibaba. Mahirap na biglaang ialis ang mahigpit
na pagkakahawak dito sapagkat nangagahulugang bibitawan na rin ang mga
pangarap na inaasam na makamit. Naitukoy ang pagitan ng pangarap at ang
ating realidad ngunit ano nga ba ang pumapagitna sa mga ito? Bakit
mayroong pagitan at hindi basta basta na lamang maaaring makamit ang
nais mangyari ng bawat isa? Ito ay ang tensyon. Sa gitna ng realidad
at pangarap ay ang tensyon, problema, at paghihirap na mararanasan ng
tao. Nangangahulugan lamang ito na kapag may pangarap ay may kaakibat
na paghihirap. Sadyang hindi madali ang buhay para kanino man at dapat
na palagi natin maitatak sa mga isipan na napapagod tayo dahil sa pangarap
na gusto natin maabot balang araw. Sabi nga sa isang komersiyal ng kape,
para kanino tayo bumabangon? Bakit patuloy na hinahangad pa rin na
matupad ang mga pangarap natin kahit na mahirap at nakakapagod? Para
saan at kanino nga ba ang lahat ng ito? Sa pagbuo ng mga pangarap, mahalaga
lamang na tukuyin ang layunin ng ating mga paghihirap sa buhay.
Tunay nga na tayo ay napapagod, nasasaktan, at tumitigil
pansamantala kapag nangangailangan. Ayos lang ang mapagod at lumuha sa
kadahilanang tao rin naman tayo na may karapatang masaktan at magpahinga.

10
Ngunit laging tandaan ang rason kung bakit tayo nagpapakahirap na maabot
ang mga pangarap at layunin ng planong itinatak sa puso't isipan.
Tumigil, umiyak at mapagod ng pansamantala ngunit piliin na magpatuloy
at tapusin ang nasimulan para sa pangarap ng bawat isa.
Kung kaya’t, hindi nararapat na matapos lamang sa katagang 'pagod
nako' kung hindi, sabihing ‘pagod nako, pero hindi ako titigil at susuko'
dahil may pangarap ako na ipinangako ko sa aking sarili at sa mga mahal
ko sa buhay. Kung napapagod ka man at nahihirapan dahil sa iba’t ibang
kadahilanan, ayos lang na magpahinga at tumigil muna. Subalit huwag
magpapadala sa negatibong nararamdaman at piliin na magpatuloy at
magpakatatag upang matamo ang isinasambit ng ating mga diwa.

11
Sorsogon State University
Almendras-Cogon (Pob.), Magsaysay
St. Sorsogon City, Sorsogon
(056) 211 0200

MEMORANDUM

Para sa : Mga Mag-aaral ng Ikalabindalawang Baitang ng Seksyon B


Mula kay : Jolly J. Jaramiel
Pangulo sa Seksyon B ng Ikalabindalawang Baitang, Sorsogon
State University
Paksa : Mga Patakaran sa klasrum sa kalagayang New Normal
Petsa : Hunyo 21, 2021

Marami ang nararapat na maisaayos dulot ng pagbabagong dala ng


pandemya. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral upang maiwasan ang
sakuna na bunga nito. Kung kaya’t inaasahan kong makadalo ang mga
mag-aaral ng Ikalawang Baitang ng Seksyon B upang mapag-usapan ang mga
gagawin sa loob ng silid.

Sa darating na Huwebes, Hunyo 24, 2021 kayo ay pinapakiusapang magdalo


sa isasagawang pagpupulong upang pag-usapan ang mga bagong patakaran
sa klase na naaayon sa kalagayang New Normal na dulot ng COVID-19
Pandemya.

Oras Paksa Taong Tatalakay


10:30 - 11:30 n.u. Bagong patakaran sa loob Jolly J. Jaramiel
ng silid
1:30 - 2:00 n.h. Karagdagang suhestiyon Erianne T. Bagsic
sa mga patakaran
2:00 - 2:10 n.h. Napagkasunduang mga Aljana J. Arbolente
patakaran

JOLLY J. JARAMIEL
Pangulo ng klase

12
PANUKALANG ADYENDA

Petsa : Hunyo 24, 2021

Oras : 10:30 - 11:30 n.u. at 1:30 - 2:10 n.h.

Lugar : Sorsogon State University (Sa klasrum ng Seksyon B sa


Ikalawang Baitang)

Paksa/Layunin : Mga Patakaran sa klasrum sa kalagayang New Normal

Mga Dadalo:

1. Jolly Jaramiel (Pangulo)


2. Erianne T. Bagsic (Pangalawang Pangulo)
3. Aljana J. Arbolente (Sekretarya)
4. Jazel D. Jimenez (Awditor/Tagasuri)
5. Kyla Christine F. Gonzalels (Pangunahing Opisyal ng Pampublikong
Impormasyon)
6. Trisha Mae P. Lovedorial (Pangalawang Opisyal ng Pampublikong
Impormasyon)
7. Geraldine Mae Dapyawin (Guro ng klase)
8. Mga Mag-aaral ng Ikalawang Baitang ng Seksyon B

Paksa Taong Tagatalakay Oras


1. Bagong patakaran sa loob ng Jolly J. Jaramiel 60 minuto
klase sa kalagayang New
Normal
2. Mga karagdagang suhestiyon Erianne T. Bagsic 30 minuto
sa mga patakaran
3. Napagkasunduang mga Aljana J. Arbolente 10 minuto
patakaran

Inihanda ni:

JOLLY J. JARAMIEL
Pangulo ng klase

13
REPLEKTIBONG SANAYSAY

“PINILING KARERA”

Ni Jolly J. Jaramiel

Ayon sa kasabihang “I know for sure that what we dwell on is who we become” ni
Oprah Winfrey ay ipinapalagay nito na kung ano ang ating pinagkakaabalahan at nais marating
ang siyang huhubog sa ating pagkatao sa hinaharap. Isa sa mga suliraning ikinakaharap ko bilang
isang mag-aaral na magtatapos sa sekondarya ay ang pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.
Napakahirap pumili ng kursong naaayon para sa akin lalo pa at kaunting oras na lamang ang
natitira upang pag-isipan ko ito. Paano ko nga ba malalaman ang kursong nararapat sa akin
at ano nga ba ang kailangang isaalang-alang sa pagpili nito? Maraming salik ang nangagailangang
isaisip bago pumili ng kurso na kadalasang nagiging batayan sa propesiyong pipiliin balang araw.
Kabilang na rito ang hilig at kagustuhan, kasanayan, at kalagayang pinansiyal na makatutulong
sa pagtuklas ng naaayong kurso para sa akin.

Isa sa mga nararapat na bigyang pansin sa pagpili ng kurso ay ang kaugnayan nito sa
hilig ng bawat isa. Nais kong pumili ng kursong masisipagan akong pag-aralan ang mga leksyon
at paksa kahit na mahirap ito. Ayon kay Gabolmel Ignacio, ang pagpili ng isang kursong angkop
sa hilig at gusto ng isang tao ay parang pagpili sa kung ano ang magpapasaya sa kanya.
Nararapat lamang tandaan na ang tamang pagdedesisyon ay mayroong naidudulot na
magandang epekto. Piliin ang kurso na naaayon sa iyo hindi dahil batay sa tawag ng
responsibilidad ng mga taong nakapaligid at nakakasama mo kundi kung pano ka makikinabang
dito pati na rin ang kahalagahan sa inyong lipunan. Napakahalaga na pumili ng isang kursong
ayon sa nais ng isang tao at hindi ayon sa kagustuhan ng iba. Nararapat din na isaisip ang
magiging epekto ng piniling kurso sa kinabibilangang lipunan upang makatulong sa pagpapaunlad
nito.

Ang ikalawang salik na makaaapekto sa pagpili ng kurso ay ang kagustuhan ng sarili o


ibang tao. Nais kong pumili ng kursong hindi nakabatay sa kagustuhan ng iba kundi sa aking
pansariling kagustuhan. Marami ang nagpapalit ng kurso upang matugunan ang kani-kanilang
mga kagustuhan. Piliin ng mabuti ang kursong nais at kung saang larangan ka magaling upang
mapasayo ang natatanging propesiyon. Kadalasang ibinabanggit na kapag hindi naaayon sa
kagustuhan ng isang tao ang pipiliing kurso ay hindi magiging madali ang pag-aaral nito.

14
Ang pagiging praktikal naman ay nararapat din na tandaan sa pagpili ng kurso. Ayon
kay J. Bocobo, mahalagang isaalang-alang ang kasalukuyang kalagayan o kakayahang pinansiyal
ng mga magulang. Gayundin, ang mga taong nagbibigay ng suportang pinansiyal sa pag-aaral
ng tao. Kailangang pumili ng nais na kurso na naaayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya.
Sa kabilang dako naman, kailangan na maging sigurado sa napiling kurso upang huwag masayang
ang suportang ibinigay ng mga taong nagpapa-aral sa iyo. Ang kasanayan ay isa rin sa
maituturing salik sa paghahanda sa pipiliing kurso. Ang mga kasanayan ay ang mga bagay o
larangan na kung saan ang isang tao ay mahusay o magaling. Nakatutulong ang pagiging mahusay
sa isang bagay na nababagay sa napiling kurso sapagkat matutulungan nitong mapadali ang
mga gawain at maging kawili-wili ang pag-aaral nito.

Ayon kay J. Bocobo, hamon ang pagpili ng nais na kurso sa nalalapit na pagtatapos
sa Senior High. Nararapat lamang na paghandaan ito upang makabuluhan ang pipiliing
hanapbuhay at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Sa buod, kailangan na pag-isipang mabuti bago pumili ng kurso at laging dapat tandaan ang
mga salik na makatutulong sa mga mag-aaral sa pagpili ng nais nilang kurso sa kolehiyo. Bigyan
ng sapat na oras ang sarili at hayaang isaisip ang mga salik at ang maaaring maidulot nito
sa iyong buhay. Sa pagtatapos ng sulating ito, natuklasan ko na malalaman ko ang kursong
para sa akin kung bibigyan ko ng sapat na oras ang sarili sa pagdedesisyon, kaakibat ng pag-alam
sa mga salik na maaaring makatulong sa pagpili ko ng kursong aking kukunin pagdating ng
kolehiyo.

Sanggunian:

https://www.coursehero.com/file/p5rehcs/Ang-pagpili-ng-isang-kursong-angkop-sa-iyong-hil
ig-at-gusto-ay-parang-pagpili/

https://www.coursehero.com/file/p2uofc6r/Noon-pa-man-uso-na-ang-pagpalit-ng-kurso-u
pang-matugunan-ang-kagustuhan-ng/

https://www.academia.edu/35959854/Mga_Pansariling_Salik_sa_Pagpili_ng_Kurso_Daan_sa
_Maayos_at_Maunlad_na_Hinaharap

15
LAKBAY-SANAYSAY

“TUNAY NA KAYAMANAN NG SORSOGON”

Ni: Jolly J. Jaramiel

Napakaraming magagandang tanawin sa aming lugar sa Sorsogon. Kabilang na rito ay


ang Jollibee at Rompeolas na sikat at madalas na puntahan upang magsaya at magsama-sama
ang pamilya. Sa aming paglalakbay sa sandaling panahon ay aking ipapakita ang taglay na
kagandahan ng ilang lugar sa
Sorsogon.

Ang larawan ay
nagpapakita ng istruktura ng
Jollibee na aming unang
pinuntahan. Matagal na noong huli
kaming nagsama-sama ng buong
pamilya kung kaya't naisipan ng
aking mga kapatid na magsalo-salo
ang buong pamilya. Nakarating
kami sa lugar gamit ang dalawang
sasakyan sapagkat napakarami namin. Pagkatapos marating ang destinasyon ay humanap na
kami ng mauupuan at ipinaayos ang lamesang gagamitin. Napansin ko noon na marami rin pala
ang nagtungo sa kainan kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Napakasayang pagmasdan ang
nagtatawanan at kuntentong mukha ng bawat isa sa pagsasalo-salo lamang. Masasabi kong
likas itong pangyayari sa mga Pilipino na maging mapagmahal at masaya sa kanilang pamilya.

Sa ikalawang larawan ay
makikitang nagsasalo-salo na kami
sa pagkaing inihanda ng mga
manggagawa sa establisyemento.
Habang pinagmamasdan ko ang
aking paligid noong panahong
iyon ay napansin ko ang
kasipagan ng mga manggagawa at
ang kanilang determinasyom
upang makapagbigay ng

16
magandang serbisyo sa mga tao. Gaano man kahirap ang kanilang trabaho ay hindi nawala ang
ngiti sa kanilang mga mukha kapag mayroong iniatas sa kanila. Tunay ngang nakamamangha
ang determinasyon nating mga Pilipino kapag isinasagawa ang isang bagay na mahalaga para
sa atin. Nagsilbi itong inspirasyon sa akin na patuloy na magsikap at maging pursigido sa mga
bagay na mahalaga para sa akin, katulad ng pag-abot sa mga pangarap na ipinangako ko sa
aking pamilya at sarili.

Sa sunod na larawan ay ang


litrato naming magkakapatid sa
ikalawang destinasyon ng aming
paglalakbay. Maikli lamang ang
pagitan ng unang destinasyon sa
ikalawang lugar na aming
pinuntahan, ang Rompeolas.
Napakaganda ng lugar na ito na isa
rin sa mga pasyalan na madalas
puntahan upang maglibang at
magsaya kasama ang mga mahal sa
buhay. Napakahalaga ng
pagkakataong iyon sapagkat bihira
lamang umuwi sa aming lugar ang nakatatanda kong kapatid. Siya ay nakatira sa Maynila dahil
doon nakadestino ang kanyang trabaho. Isa sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino
ang pagkakaroon ng kakayahang magtrabaho sa ibang lugar at patuloy na makapagbigay ng
tulong kahit na malayo sa piling ng kani-kanilang mga pamilya. Kung kaya't nararapat lamang
na pahalagahan ang oras na magkakasama ang bawat miyembro ng pamilya.

Sa sunod larawan
naman ay makikita ang
litrato ng aking pamilya ng
buo, masaya, at
magkakasama. Mayroong
lungkot na nadarama dahil
hindi nakasama ang aming
magulang sa kagustuhan
nilang umuwi at
magpahinga na sa bahay
pagkatapos naming kumain

17
sa naunang destinasyon. Gayunpaman, makikita pa rin ang kasiyahan sa mukha ng bawat isa
dahil sa muli naming pagsasama. Makikita sa larawang ito ang isang korte ng butanding na
sikat sa lugar ng Donsol, Sorsogon. Isa ito sa mga kahanga-hangang isda na makikita at
inaalagaan sa aming lugar.

Sa paglalakbay na ito ay natunghayan kong tunay ngang mayaman ang lugar ng Sorsogon.
Subalit ako'y naniniwala na hindi lamang sa kagandahan ng lugar makikita ang kayamanan nito,
kung hindi pati na rin sa ala-ala at kwento na kaakibat ng pagpunta sa bawat lugar na
matatagpuan sa pinakamamahal kong Sorsogon.

18
LARAWANG-SANAYSAY

“ANG PAGBABAGONG DALA NG PANDEMYA”

Ni Jolly J. Jaramiel

Likas sa mga
Pilipino ang
pagiging palangiti
sa kabila ng mga
pagsubok at
problemang
nararanasan ng
bawat isa sa
kanilang mga
pamumuhay.
Napakagandang
pagmasdan ang
sayang
nakaimprinta sa kanilang mg mukha na dulot ng pagtutulungan at matatag na samahan.

Subalit simula
noong Marso ng
nakaraang taon ay
tila nagbago ang
lahat at
unti-unting
nag-iba ang mundo,
pati na rin ang
mga taong
naninirahan dito.

19
Nagkaroon ng pandemya dahil sa isang sakit na mula sa bansang China. Napilitan ang lahat
na baguhin ang kanilang makasanayang pamumuhay upang makaiwas sa epektong dala ng sakit.

Nagpatupad ng mga bagong patakaran upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

20
Inatasan rin ang lahat na gumamit ng facemask at face shield upang maiwasan ang
pagkahawa sa sakit.

Napilitan ang ilan na isara ang kanilang mga tindahan at establisyemento sa kabuuang lugar
sa Pilipinas.

21
Ang dating nakasanayang mga palaro at pagtitipon sa bawat barangay ay pinagbawalan
at nawala na.

Ang dating masiglang at masayang samahan sa aming lugar ay tila naglaho na.

22
Nawalan ng trabaho ang ilang mamamayan dahil sa kakulangan ng pera upang ipasahod
ang mga ito.

Nagbago na rin ang paraan ng pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

23
Napakaraming pagbabago ang idinulot ng pandemya sa ating mundo at isa sa mga
nakalulungkot na pangyayari ay ang masasayang pagsasama at mga ngiting nakatago na malayo
pa muling makikita sa mukha ng bawat isa.

Sanggunian:

Google.com

24
EPILOGO

Ni Jolly J. Jaramiel

Ang Filipino ang isa sa mga asignaturang nahihirapan ang manunulat na maunawaan kapag
isinasatitik ang kanyang mga ideya at kaalaman sa wikang Filipino. Hindi madali sa may akda
ang pagsulat sa wikang Filipino sapagkat hindi sapat ang kanyang kaalaman sa larangan ng
pagsulat at wastong istruktura ng bawat pangungusap at pagkakaugnay nito. Naging gabay
ng manunulat ang mga nailathalang akda ng iba’t ibang awtor at mga leksyon ng kanilang guro
upang makapagsulat ng maayos at tama gamit ang wikang Filipino. Tunay nga na hindi naging
madali ang pagsusulat ngunit nakapagbigay pa rin ito ng kasiyahan sa manunulat dahil sa
karagdagang kaalaman na kasabay sa pagtuklas nito.

Sa asignaturang ito, natutunan ng manunulat ang tamang paraan ng pagtala ng iba’t ibang
uri ng sulatin. Natutunan rin niya na gumamit ng angkop na mga salita na naaayon sa uri
ng sulatin at madla ng bawat akda. Natuto siya na maging masinop sa pagsusulat upang
maiwasang magkaroon ng pagkakamali at mapaganda ang mga naisulat. Mayroong ilang suliranin
na naranasan ang manunulat habang isinasaayos ang mga akda ngunit mas marami ang kanyang
natutunan kumpara sa mga suliraning ito.

Kaakibat ng bagong kaalaman ay natutunan rin ng manunulat ang wastong pag-uugali sa


paggawa ng mga sulatin. Natuto siya na maging huwaran sa pagpili ng mga gagamiting salita
at palawakin ang sariling bokabularyo sa wikang Filipino. Naisip niyang bigyan ng sapat na oras
ang pagsulat sa mga sulatin upang mataas ang kalidad ng nilalaman nito. Natuto siyang bumuo
at sumulat ng mga pangungusap ng wasto upang maging maayos at kahanga-hanga ang mga
nagawang sulatin.

Ang pagkakaroon ng karanasan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin at paglinang ng


kakayahan sa paggawa nito ay mahalaga sa mga mag-aaral. Nararapat lamang na pag-aralan
ito ng mas maigi upang madagdagan ang kaalaman ukol sa asignaturang Filipino sa Piling Larang.

Mabuhay ang Wikang Filipino!

25
RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Prologo ----------------------------------------------------- 15%
Nilalaman --------------------------------------------------- 50%
Epilogo ----------------------------------------------------- 15%
Pagkamalikhain ---------------------------------------------- 20%
Kabuuan ---------------------------------------------------- 100%

26
Si Jolly J. Jaramiel ay kasalukuyang mag-aaral ng Sorsogon State University-Laboratory
High School na nasa ika-labindalawang baitang sa ilalim ng kursong STEM (Science Technology
Engineering and Mathematics). Siya ay labinwalong taong gulang, nakatira sa Bitan-o Sorsogon
City, Sorsogon. Ibig niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at kunin ang kursong
Inhinyerong Sibil.

27

You might also like