Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga datos na

nakalap mula sa mga Lokalisadong Aktibiti. Kabilang din dito

ang pagbibigay ng mga interpretasyon at maging mga

pagsusuuri sa mga datos.

Ano ang mga demograpikong datos ng mga respondante batay sa:

1.1 Antas ng edukasyon;

1.2 Taon sa serbisyo ng pagtuturo; at

1.3 Lugar na kinagisnan

Paksa: Demograpikong datos ng mga respondante

Antas ng edukasyon

Pagtalakay

Ang mga piling guro sa Filipino ng Buting Senior High

School ay may iba’t ibang antas ng edukasyon na tinapos. Ang

mga sumusunod ay ang kanilang mga kasagutan at ang mga

temang lumulutang mula dito:

Tema 1: Batsilyer ng Edukasyon Major in Filipino

R1: “BSED Major in Filipino”


R3: “Una, ako ay nakatapos ng Batsilyer ng Edukasyon Major
in Filipino at kasalukuyang tinatapos ang Master Degree o
tinatawag na unit earner”
R6: “Bachelor of Secondary Education Major in Filipino”
Tema 2: Master of Arts Major in Filipino
R1: “Master of Education Major in Filipino”
R4: “MA – 34 units”
R5: “Master of Arts in Filipinology”

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga datos na nakalap, ang mga guro ng Buting

Senior High School ay iba-iba ang antas ng edukasyon. Ang

tatlo sa kanila ay nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyon at ang

iba naman ay nakapagtapos na ng kanilang Master’s Degree.

Maaaring ang ilan sa kanila ay mas malawak na ang kaalaman

pagdating sa pagtuturo upang maging mas epektibo ang

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Taon ng Serbisyo

Pagtalakay

Ang taon sa serbisyo ay nakatutulong sa kasanayan ng

guro sa pagtuturo sapagkat nagkakaroon siya ng iba’t ibang

karanasan na maaari niyang magamit upang mapaunlad ang

kanyang kakayahan sa pagtuturo tungo sa mas epektibong

pagkatuto ng mga mag-aaral. Mula sa ideyang ito, ang mga

sumusunod ay ang mga kasagutan ng mga guro ukol sa taon ng


serbisyo nila sa pagtuturo at ang temang lumulutang mula

dito:

Tema 1: Matagal na sa serbisyo ng pagtuturo

R1: “Sampung taon, kasama na ron ang public at private”


R2: “Apat na taon sa pribado at Isang taon sa publiko”
R3: “Nasa panlimang taon na ako ng pagtuturo ngayon”
R4: “26 na taon”
R5: “Pitong taon”
R6: “6 years”

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga nakalap na impormasyon, masasabi na ang mga

piling guro sa Filipino mula sa Buting Senior High School ay

matagal na sa serbisyo sa pagtuturo. Ang ilan sa kanila ay

nasa ika-lima hanggang ika-pitong taon na ng pagtuturo at

ang ilan ay nasa 10-26 taon na sa serbisyo. Maaaring sila ay

mayroon ng iba’t ibang karanasan na nakatulong sa kanila

upang mas mapaunlad ang kanilang kasanayan at kahusayan sa

pagtuturo.

Lugar na kinagisnan

Pagtalakay

Ang lugar na kinagisnan ng mga guro ay maaaring

makaapekto sa kung paano sila magturo at sa mga


estratehiyang maaari nilang gamitin sa loob ng silid-aralan.

Ang mga sumusunod ay ang mga kasagutan na kanilang ibinahagi

at ang temang lumulutang mula dito:

Tema 1: Iba-iba ang lugar na kinagisnan

R1: “Pasig”
R2: “Pasig, City”
R3: “Ako ay galing sa Quezon Province”
R4: “Probinsya ng Laguna”
R5: “Pasig, City”
R6: “Pasig, City”

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga nakalap na datos, kapansin-pansin dito na

karamihan sa mga piling guro sa Filipino mula sa Buting

Senior High School ay nagmula sa Pasig bilang kanilang lugar

na kinagisnan at dalawa lamang ang nagmula sa probinsya.

Mula rito, mas nakagagamit ang mga guro ng mga estratehiyang

maiuugnay nila sa mga karanasan ng mga mag-aaral sapagkat

maaaring naranasan o nararanasan rin nila ito sa kanilang

buhay.

Ano ang mga karanasan ng mga guro sa paggamit ng

lokalisadong aktibiti sa kontekstwalisasyon batay sa

2.1 Kahalagahan

2.2 Hamon
Paksa: Karanasan sa paggamit ng Lokalisadong Aktibiti

Kahalagahan

Pagtalakay

Ang lokalisadong aktibiti ay isa sa mga kagamitang

pampagtuturo na maaaring gamitin upang mas maging

makabuluhan ang talakayan sa loob ng isang silid-aralan. Ito

ay may iba’t ibang gampanin at kahalagahang taglay para sa

mga guro at mag-aaral tungo sa kontekstwalisadong kaalaman

at talakayan. Sa pagsusuri, natukoy ang iba’t ibang na

impormasyon base sa pakikipanayam at sa obserbasyon.

Tema 1: Aktibong Pakikilahok

R1: “Sa paggamit ng lokalisadong aktibiti sa


kontekstwalisasyon mas naeengganyo ang mga magaaral na
lumahok sa gawain sapagkat mas nagiging madali sa kanila
ang pagbabahagi.”
R2: “…nagiging aktibo sila sa talakayan.”
R3: “Marapat lamang na magkaroon ng maayos na pagkakaunawa
kung ano ang lokalisadong aktibiti bago ito iimplementa sa
mga mag-aaral, sapagkat ito ang mag-uugnay sa proseso ng
pagsasagawa at pangnilalaman.”
R5: “Ang nagiging papel ng lokalisadong aktibiti sa
kontekstwalisasyon ng mga mag-aaral ay sa pamamagitan ng
pagtatanghal ng mga estudyante sa gamit ng ating sariling
wika, gamit ang ating sariling kultura na-e-express ng
estudyante ang kanyang kakayahan. Mayroong mga aktibiti na
naka-specify sa kung ano yung kailangan ng estudyante at sa
kung ano ang nilalapag ng DepEd sa amin base sa kurikulum
naipapakita ng mga localized aktibiti ano pa yung kakayahan
na mayroon ang isang estudyante, ano yung kanyang kaalaman
gamit ang sariling wika, at gaano kalawak yung kanyang
kamalayan sa kanyang sariling kultura.”
R6: “Nagiging training ground nila yung mga localized
activity na related sa lessons ng mga teachers. Kung meron
kasing execution inside the classroom, alam na rin nila
kung paano i-apply outside the classroom mahalaga talaga na
every after lesson yung mga localized activity na ipapa-run
thru ni teacher.”

Tema 2: Epektibong Pagkatuto

R2: “Malaki ang ginagampanan ng mga ito dahil dito natututo


ang mga mag-aaral”
R4: “Ang lokalisadong aktibiti ay ginagamit upang mapabilis
o mapagaan ang pag-unawa sa aralin at upang gawing angkop,
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.
Tumutukoy din ito sa proseso ng pag-aaral sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng aktibiti sa paksang tinatalakay.

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga ibinahaging pahayag, masusuri na sa

paggamit ng lokalisadong aktibiti sa pagtuturo ay

nagkakaroon ng aktibong pakikilahok ang mga mag-aaral dahil

naiuugnay nila ang kanilang sariling karanasan sa talakayan.

Napupukaw nito ang kanilang interes na nagiging dahilan ng

mas epektibong pagkatuto. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng

lokalisadong aktibiti sa mga karanasan sa buhay ng mga mag-

aaral, napapagaan at napapabilis nito ang pag-unawa sa

aralin, lalo’t ito ay may kinalaman sa kanyang kapaligiran,

kultura at wika na nauunawaan. Nagiging matagumpay ang

pagtuturo ng guro kung nakikita sa paligid ang mga aktibidad

na alam ng mga mag-aaral sapagkat ito ay iaakma sa kahingian

ng paksang tinatalakay.

Ito ay sinusuportahan ng pag-aaral ni Lacson (2021),

kung saan mas naging mabisa ang pagkatuto ng mga mag-aaral


sa pamamagitan ng paggamit ng kontekstwalisadong kagamitang

pampagtuturo sapagkat ito’y naiiugnay sa tunay na buhay at

sariling karanasan ng mga mag-aaral. Nalilinang at

napapataas ang kaalaman at kahusayan nila sa paggamit ng mga

lokalisadong aktibiti sapagkat napupukaw nito ang kanilang

interes, motibasyon, at aktibong pakikilahok sa aralin.

Sinuportahan din ito ng isinagawang pag-aaral ni Perin

(2011), kung saan napatunayang ang kontekstwalisadong

pagtuturo ay isang epektibong paraan tungo sa makabuluhan at

makahulugang pagtalakay ng aralin. Ang guro ay

kinakailangang gumamit ng mga makatotohanang pangyayari,

isyu, gawain, at awtentikong kagamitan na maiuugnay sa mga

mag-aaral upang maging magaan at mapabilis ang pag-unawa sa

aralin.

Hamon

Pagtalakay

Kaugnay ng pagtuturo ang iba’t ibang hamon na

nararanasan ng bawat guro tungo sa mahusay at epektibong

pagkatuto ng mga mag-aaral. Kinakailangan ng mga

estratehiyang angkop sa bawat mag-aaral na tiyak na

makapupukaw ng kanilang interes at magiging kawili-wili

dahil sa ito’y bago sa paningin at kaalaman. Lumutang sa


pagsusuri ang iba’t ibang hamon na kinahaharap ng guro sa

loob ng silid aralan tuwing magkakaroon ng talakayan.

Tema 1: Madaling makalimutan ang aralin

R1: “Isang malaking hamon ang kanilang natutuhan ay


manatili at madali o magamit nila hindi lang sa loob ng
klase sapagkat may mga pagkakataon kasi na kapag nasa loob
ng klase ay nauunawaan nila pero paglabas nila
nakakalimutan na nila. So, isang hamon yung dapat ay
magtagal yung naituro, hindi nila ito nalilimutan.”
R2: “Nakakalimutan nila ang kanilang mga natutunan madalas
ngayon lang nila alam pagkatapos hindi na.”

Tema 2: Paghahanda ng angkop na estratehiya sa pagtuturo

R3: “Tandaan na bawat mag-aaral ay may angking kakayahan na


iba sa iba. Huwag mong ibatay ang iyong tingin lamang sa
isa. Ang hamon dito, paano mo maihahanda lahat para sa nais
mong maging resulta.”
R4: “Ang hamon, pagiging matiyaga, dedikasyon sa propesyong
pinili, laging isaisip na ang ginagawa ay para sa mas
maliwanag at magaan pagkaunawa ng mga mag-aaral sa paksang
aralin.”
R5: “Malaking hamon ang pagsasagawa ng lokalisadong
aktibiti sa bawat paksa na ibibigay natin sa mga estudyante
lalo na nakadepende kung ano yung interes ng mga
estudyante. Ang mga estudyante ngayon gusto nila yung
patok, kung ano yung trending. Kapag pinag-uusapan na ang
pagiging localized activity, minsan pag-iisip ng mga ‘yan
‘ay hala! masyadong maka-Pilipino’ pero ikaw bilang guro
paano mo babaguhin yung ganoong pag-iisip ng mga
estudyante, paano mo sasanhiin na yung estudyante mamahalin
niya yung kanyang sariling kultura at kanyang sariling
wika. Malaking hamon yung paghahanda ng localized activity
dahil inaalam natin muna kung ano yung interes ng
estudyante at kung ano yung angkop sa kanilang bawat
kakayahan.”
R6: “Iba-iba yung paraan ng pagkatuto ng mga estudyante.
Kailangan yung aktibiti ko ay related kung paano sila
matututo. Halimbawa, yung iba mas mabilis matuto kapag may
paglapat ng multiple intelligences ng mga bata doon sa
aktibiti na ibibigay ko sa kanila.”

Analisis at Interpretasyon
Mula sa mga ibinahaging pahayag, ilan sa mga hamon ng

guro sa pagtuturo ng lokalisadong aktibiti ay ang mabilis na

pagkalimot ng mga mag-aaral sa mga aralin kaya’t kailangan

ng retention ng mga mag-aaral upang masigurong nagiging

bahagi ito ng kanilang permanenteng kaalaman. Kinakailangan

ang paggamit ng lokalisadong aktibiti o pumili ng

estratehiyang aakma at makakatulong sa pagpapahalaga ng

kaalaman ng mag-aaral.

Ang guro ay dapat na maging malikhain sa paraan ng

kanyang pagtuturo nang sa gayon ay hindi lang basta magiging

kawili-wili ang talakayan kun’di, mag-iiwan rin ito ng

kakintalan sa isipan ng mga mag-aaral na hindi nila agad

makakalimutan. Kailangan na magkaroon ng continuity of

learning ang mga mag-aaral isinasaad nga unang pahayag na

“mahalaga na hindi lamang sa loob ng klase natutunan ang

mga aralin kundi pati na rin sa labas nito” na

nagpapahiwatig ng kahalagahan ng patuloy na pag-aaral at

pagpapaigting ng mga natutuhan ng mga mag-aaral. Ang patuloy

na pagpapahalaga sa kultural na kaugnayan ng mga aralin ay

nagpapakita ng kahalagahan ng pagtuturo na may kaugnayan sa

mga karanasan at kultura ng mga mag-aaral. Ito ay nagbibigay

ng mas malalim na pang-unawa sa mga aralin at pagpapalakas

ng pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang sariling

kultura at wika.
Ang ideyang ito ay naiuugnay sa pag-aaral ni Gloria

(2021), kung saan dapat taglay ng isang guro ang pagiging

malikhain at palagiang paggamit ng imahinasyon. Ito’y isang

malaking faktor tungo sa aktibong pakikilahok ng mga mag-

aaral sa talakayan. Kinakailangan ng mga makabagong

estratehiya sa pagtuturo sapagkat ito’y nagbibigay ng iba’t

ibang benepisyo tulad ng motibasyon at interes ng mga mag-

aaral upang matuto. Makikita na mayroong puso sa pagtuturo

ang isang guro kapag binibigyang-pansin niya at

pinaglalaanan ng oras at pagsisikap ang pag-iisip ng mga

estratehiyang kanyang gagamitin sa kanyang klase.

Bahagi ng banghay-aralin na kadalasang ginagamitan ng

lokalisadong aktibiti:

3.1 Paglalapat

3.2 Pagpaparanas

3.3 Pakikilahok

3.4 Paglilipat

Paksa: Paraan ng pagkatuto sa paggamit ng Lokalisadong

Aktibiti

 Paglalapat

Pagtatalakay

Ang paglalapat isang paraan ng pagsusuri sa pagkatuto

ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdisenyo ng mga


aktibidad o gawain na magbibigay ng mga pagkakataon sa mga

mag-aaral na patuloy na mag-aral at maiugnay ang kanilang

natutunan sa iba't ibang sitwasyon sa kanilang buhay. Isa

ito sa hangarin ng lokalisadong aktibiti na ginagamit ng

guro sa kahit saang parte ng banghay aralin sapagkat sa

ganitong paraan ay mas nagiging aktibo at epektibo ang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Inaayon din ng mga guro ang

paggamit ng lokalisadong aktibiti batay sa sitwasyong

nararanasan ng mga mag-aaral upang sila ay mahikayat sa

pagkatuto.

Tema 1: Ugnayan mula sa Sariling Karanasan

R2: “Aplikasyon ng mga natutunan sa pang-araw—araw nilang


buhay.”
R5: “Bubuo tayo ng tanong kung paano sila mas makaka-relate
at maihahalintulad nila yung sarili base doon sa isang
espesipik na paksa.”

Tema 2: Paraan ng Paghihikayat

R1:“Mahusay na estratehiya sa pagtatanong.”


R3:“Inilalagay ng guro ang estratehiya sa sitwasyong
mayroon ang mag-aaral.”
R4: “Hayaan silang ibahagi ang kanilang sariling
karanasan.”
R5: “Tayong mga guro naka gabay tayo kung ano yung dapat
nating itanong sa bata kailangan pa ring mayroong
limitasyon.”
R6: “Sa oras ko pinapagawa ‘yung mga localized activity
para maramdaman nila na may guide ni Ma’am.”

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga ibinahaging pahayag, masasabi na ang

lokalisadong aktibiti ay higit na nakatutulong sa


kontekstwalisayon sa pamamagitan ng paglalapat. Mula sa

pahayag na “mahusay na estratehiya sa pagtatanong”

“inilalagay ng guro ang estratehiya sa sitwasyong mayroon

ang mga mag-aaral” “Hayaan ibahagi ang sariling karanasan”.

Ibig lamang sabihin na mahalaga ang pag-uugnay ng

sariling karanasan ng mga mag-aaral. Kaya’t kaialangan

magkaroon ng sining sa pagtatanong sa pamamagitan ng

paglalapat. Nagiging aktibo ang mga mag-aaral kung ang

estratehiyang gagamitin ay akma. Kaya ang lokalisadong

gawain ay higit na nakakatulong sa pagpapaunlad ng

pagkatuto.

Ang ideyang ito ay maiuugnay sa pag-aaral ni Cabigao

(2021), kung saan ang pagbabahagi ng sariling karanasan ay

nagbibigay ng karagdagang konteksto, pag-unawa sa mga

konsepto, at kasanayan na kanilang natutunan. Sa ganitong

paraan ay mas magiging epektibo at mas makabuluhan ang

pagkatuto ng mga mag-aaral na kanilang pinag-aaralan sa loob

ng silid-aralan kasama ang kanilang guro.

 Pagpaparanas

Pagtatalakay

Ang pagpaparanas ay pagkatuto ng kontekstong nakapaloob

sa paksa sa pamamagitan ng pagtuklas at pag-imbento. Kaya

mahalaga na ang mga interaktibong mga kagamitan ang

kailangan upang magkaroon ng pasibong pagkatuto ang mag-


aaral. Sa pagsusuri sa pakikipanayam ay lumulutang ang

dalawang tema.

Tema 1: Mabisa

R1: “Nagiging epektibo dahil naiiugnay ng mga mag-aaral ang


sarili sa paksa”
R2: “Oo, epektibo”
R3: “Epektibo, dahil makikita mo sa kanilang mga mukha ang
pagnanais na maibahagi ang kanilang natutuhan sa labas at
loob ng paaralan”
R4: “Oo, lalo na ako mahilig akong magtanong ng mga current
news”

Tema 2: Nasusukat ang Mabuting Pagganap

R1: “Nasusukat sa pamamagitan ng pagtataya o pagsusulit,


performance task”
R2: “Naisagawa ng tama at mahusay ang bawat gawain”
R3: “Sa paglalapat ng kasabihan “Kasali lahat, lahat
kasali”
R4: “Malaya silang nakapaglalahad ng kanilang natutuhan
tungkol sa paksa”
R5: “Sa pamamagitan ng rubrics”

Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga ibinahaging pahayag, ang mga respondante ay

pabor sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya na tutuklas sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Mula pahayag “Nagiging epektibo

dahil naiiugnay ng mga mag-aaral ang sarili sa paksa”, “Oo,

epektibo” “Epektibo, dahil makikita mo sa kanilang mga

mukha ang pagnanais na maibahagi ang kanilang natutuhan sa

labas at loob ng paaralan” “Oo, lalo na ako mahilig akong

magtanong ng mga current news” Ibig lamang pahayag na


epektibo ang pamamaraan na ito sa pagtuturo sa pamamagitan

ng aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral.

Ibinahagi rin na mahalaga ang paraan ng pagsukat ng

kahusayan ng mga mag-aaral batay sa ginamit na estratehiya

ng guro sa loob ng klase. Ipinakita ng mga respondante ang

kahalagahan ng tamang pagtataya o pagsusulit at performance

task sa pagsusuri ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang

pagsasagawa ng tamang gawain at mahusay na pagganap ay isang

epektibong pagtuturo at pagkatuto. Ang mga respondante ay

nagbigay importansya sa pagsasagawa ng mga pagtataya upang

masusing matuklasan ang pag-unlad ng bawat mag-aaral. Ang

bawat kasagutan ay nagpapahayag ng positibong epekto ng

lokalisadong aktibiti sa kanilang pag-aaral. Ito ay

naglalarawan ng masusing pagtutok sa personal na karanasan,

interaktibong talakayan, tamang pagsusuri, at pagtutulungan

ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto.

Ang ideyang ito ay naiuugnay sa pag-aaral ni Ardiza at

Bontilao et al. (2011), ayon kay Feketa (2009), Ang

pagsusuri sa karanasan ng mag-aaral sa paggamit ng

lokalisadong aktibidad at ang hamon na kinaharap ng mga guro

sa pagtuturo ay mahalagang aspeto ng edukasyon. Sinasabi rin

na aktibo ang mga mag-aaral dahil epektibo ang mga gawain sa

loob ng klase, masasabing umuunlad ang antas ng kanilang

kasanayan dahil sa paggamit ng lokalisadong aktibiti.


 Pakikilahok

Pagtalakay

Sa pakikilahok sa konteksto sa pagbabahagi, pagtugon at

pakikipagtalastasan isang daan upang magkaroon ng magandang

ugnayan ang guro sa kaniyang mga estudyante. Ang karanasan

pakikilahok hindi lamang makakapulot ng aral o may malalim

na natutuhan kundi ito nakakatulong sa tunay na pokus ng

kontektwal na tinatalakay. Kung saan sa ganitong paraan ay

nagiging matibay ang pundasyon ng mga mag-aaral sa

pagkatuto. Mula sa pagsusuri sa loob ng silid aralan at

pakikipanayam lumabas ang mga temang;

Tema 1: Estratehiya Tungo sa Pagkatuto

Respondante 1: “pagkakaroon ng kolaboratibong mga gawain o


‘di kaya ang mga palaro na maari ring magbigay-buhay sa
klase”
Respondante 2: “kung nasasagot ng buong husay ang mga
tanong ng mag-aaral”
Respondante 3: “paglalapat ng mabisang estratehiya na
makapag-iisa sa bawat mag-aaral”
Respondante 5: “gamitin ang mga written exams katulad ng
mga performance task pwede rin nating gamiting panukat ito
sa mga estudyante yung mga quizzes, written works, sulatin
na ibinibigay natin doon natin makikita yung kahusayan ng
isang estudyante base sa estratehiya na ating inilapat sa
isang aralin o lesson”
Respondante 6: “dapat magagamit yung communication skills
at speaking skills nila”
Tema 2: Kahalagahan ng Estratehiya sa Pakikilahok

Respondante 4: “Nakatitiyak na epektibo ang estratehiya ng


guro kung mababakas mo sa kanilang mga mukha ang saya at
pananabik sa muli ninyo ng pagkikita”
Analisis at Interpretasyon

Mula sa mga ibinahaging pahayag, masasabi na sa ang

lokalisadong aktibiti ay higit na nakatutulong sa

kontekstwalisayon. Nalaman natin na kinakailangan ang

pagkakaroon ng isang epektibong estratehiya ang dapat na

gamitin sa isang klase upang magkaroon ng masiglang

interaksyon ang guro at mga mag-aaral. Kung saan nagiging

aktibo ang pagkatuto ng bawat estudyante. pagkakaroon ng

kolaboratibong mga gawain o ‘di kaya ang mga palaro na

maari ring magbigay-buhay sa klase”.“kung nasasagot ng

buong husay ang mga tanong ng mag-aaral”“paglalapat ng

mabisang estratehiya na makapag-iisa sa bawat mag-aaral”

“gamitin ang mga written exams katulad ng mga performance

task pwede rin nating gamiting panukat ito sa mga

estudyante yung mga quizzes, written works, sulatin na

ibinibigay natin doon natin makikita yung kahusayan ng

isang estudyante base sa estratehiya na ating inilapat sa

isang aralin o lesson” “dapat magagamit yung communication

skills at speaking skills nila”. Ibig lamang na pakahulugan

na kailangan ng masusing pag-aaral ng mga estratehiyang

gagamitin mula sa kolaboratibong gawain, pagbibigay ng

performans task na aakma sa kakayahan ng mag-aaral at


pangangailangan nito batay sa alam niya sa kanyang

kapaligiran upang maiakma ang gawain.

Sinang-ayunan ito ni Cabigao (2021), ang pagiging

masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa

klase ay magbubunga ng aktibo, epektibo, at interaktibong

talakayan. Kaugnay rito ang paggamit ng mga estratehiyang

naiuugnay sa pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral.

Higit na nagiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-

aaral kung gagamitan ng estratehiya ang pagtuturo kung saan

ito ay nagbubunga sa isang interaktibong talakayan. Kung

saan ang mga mapupulot na aral ng mga estudyante ay maaring

maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

 Paglilipat

Pagtalakay

Sa paggamit ng paglilipat sa pagtalakay sa aralin ay

dapat malinang sapagkat anumang umiiral na kaalaman ng mag-

aaral ay lalong mapasigla at malinang ang pagtitiwala sa

sariling kakayahan at kaalaman na lulutas sa mga suliraning

nararansan. Kung saan ang mga natutuhan ay masasabuhay sa

pang-araw-araw karanasan hindi lamang sa loob ng paaralan

pati na rin sa kaniyang lipunan na ginagalawan. Sa ideyang


ito, ang mga sumusunod na impormasyon ay ang temang

lumulutang mula dito;

Tema 1: Gabay sa kontekstwalisasyon ng mga aralin

Respondante 1: “Yung resulta mismo ng kanilang pagsusulit


at yung kanilang binabahagi sa klase.”
Respondante 2: “Pag-iisip upang makasulat ng mabisang
lesson plan at kahandaan upang ipakita ito sa klase.”
Respondante 3: “Mga pagsasanay na interesante at
estratehiyang gumagamit ng mga makabagong gadyet.”
Respondante 4: “Kung ano ang pangangailangan ng estudyante
at base sa kanilang kakayahan.”
Respondante 5: “Pagbibigay ng aktibiti upang malaman ko
kung natuto ang estudyante.”

Tema 2: Paraan ng pagsasabuhay ng mag-aaral

Respondante 1: “Nagagamit pero hindi lamang sa loob ng


klase kundi maging sa kanilang pang-araw-araw na buhay o
yung kanilang decision-making.”
Respondante 2: “Malinaw niyang naipaparating ang mga ideya
niya na nabuo mula sa paksa at mga natutuhan.”
Respondate 3: “Isabuhay nila sa pamamagitan ng pag-uugnay
ng kanilang sarili, sa pamilya, bayan, mamamayan,
pamahalaan at bansa.”
Respondante 4: “Kapag ang estudyante ay nag-iisip na ma-i-
aapply na nila sa reyalidad ng buhay ang kanilang
natutunan.”
Respondate 5: “Gusto kong makita yung natutuhan nila sa
asignatura ko na ginagawa nila sa kanilang community hindi
lang sa loob ng paaralan.”

Analysis at Interpretasyon

Malinaw sa mga pahayag, ang pagkakaroon ng lokalisadong

aktibi ay nakakatiyak ng kontekstwalisasyon sa mga aralin.

Sa sitwasyon naisasabuhay ng mga mag-aaral ang natutuhan sa

aralin. Sa pamamagitan nito, ang guro ay nagiging mas


epektibo sa paghahatid ng mga kasanayang pagkatuto sa iba’t

ibang paksa na kanyang tinatalakay. Masusuri sa pahayag na

bawat natutuhan araw araw ng mag-aaral ay naisasabuhay sa

loob ng silid aralan, sa labas at sa komunidad. Malinaw na

malaki ang gampanin ng paggamit ng lokalisadong aktibidad ng

mga guro dulot ng positibong epekto sa buhay ng mag-aaral.

Sinangayunan ito sa lektyur ni Buenavista (2016) na

sinasabing mahalaga ang kontekstwalisasyon sa edukasyon. Sa

ganitong paraan ang bawat guro ay dapat na handa sa mga

aktuwal na kagamitan, iba’t-ibang aktibidad at paksa na

maiuugnay sa tunay na buhay ng mga mag-aaral upang mas

maging makabuluhan at epektibo ang pagtuturo. Sa ganitong

pamamaraan ito ay naglalayong gawin na mas konkreto at

praktikal ang mga aralin na nagtutulak sa mas malalim na

pag-unawa at pagpapahalaga mula sa mga mag-aaral.

Ayon kay Malabanan na batay kay Baltazar (2015) ang

pagtuturo ay kinakailangang maiugnay sa tunay na buhay o

reyalidad na sitwasyon nang sa gayon ay magamit ng mga mag-

aaral ang kanilang natutunan mula sa modyul. Sa pamamagitan

ng mga kontekstwalisadong akbtibidad at paksa, nagiging mas

malinaw at konkreto na nauunawaan ng mga mag-aaral kung

paano nila magagamit ang kanilang natutuhan mula sa mga

aralin sa kanilang totoong buhay. Ito rin ay nagtutulak ng


mas malalim na pagpapahalaga sa kanilang kasanayan na

kanilang natutuhan, habang nagbibigay daan sa kanila na mas

maging handa at epektibo sa pagharap sa mga hamon ng buhay

at labas ng paaralan.

Mula sa naging obserbasyon sa loob ng ilang lingo nasuri

at nakita na mahalaga ang paggamit ng localized na aktibi

gamit ang iba’t ibang estratehiya. Hindi matatawaran ang

positibong dulot nito sa mga mag-aaral. Napapahalagahan ang

kanyang kapaligiran, kultura, lugar na kinagisnan at wikang

ginagamit sa araw araw na pakikipag-ugnayan.

You might also like