Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANGALAN:_________________________ ISKOR:________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong.
Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng iyong
sagot.
1. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?
a. Tatanungin ang pangalan ng bata at kung taga-saan siya.
b. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
c. Isusumbong sa Kapitan ng barangay.
d. Ihahatid sa kanyang mga magulang.
2. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mag-aaral ng leksiyon. b. Manonood na lang ng mga palabas.
c. Mag-aaral palagi. d. Mangongopya sa katabi.
3. Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo
bilang mag-aaral?
a. Isusumbong sa titser.
b. Pagsasabihan na pulutin ang kaniyang basura.
c. Hindi ko siya pagsasabihan.
d. Hahayaan ko na lamang siya.
4. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
a. Bibigyan ko siya ng pagkain.
b. Hahayaan ko siyang umiyak.
c. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.
d. Bibigyan ko siya ng pera.
5. Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa
radyo ngayong umaga na may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?
a. Maghahanda nang mabuti.
b. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
c. Hindi tutulong sa mga magulang.
d. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
Pahina1
Panuto:Basahin at unawain ang pangungusap. Ibigay ang kaparehong kahulugan ng mga
salitang nakasulat ng madiin. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
6. Kasama ni Noe ang kanyang buong pamilya sa pagsakay sa daong.
A. dyip B. kotse C. barko
7. Inakala ng mga tao na nababaliw na ang angkan ni Noe.
A. kapitbahay B. kapamilya C. katrabaho
8. Sa kabila ng panlilibak na narinig ay hindi pa rin nag-isip nang masama si kapwa si Noe.
A. pagpaparatang B . pangungutya C. pangangaral
9. Tumaas ang tubig hanggang sa taluktok ng ng pinakamataas na bundok.
A. dalisdis B. paanan C. tuktok
10. Nang matapos ang malaking pagbaha ay gumawa ng dambana si Noe at naghandog sa
Panginoon.
A. nag-alay B. naglagay C. nagala
Basahin at unawain ang kuwento.
Ang Agila at ang Kalapati
Mayabang na inilatag ng Agila ang malalapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang
mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na Kalapati ang
mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila. “Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa
pabilisan ng paglipad?” Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapati na bigyan ng aral ang
humahamon. “O sige,” sagot ng Kalapati, “Kailan mo gustong magtunggali tayo?” Hindi
ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na sagot ng hinamon. “I... ikaw ang bahala
kung kailan mo gusto,” sabi nito. Napansin ng Kalapati na may nakaambang pag-ulan dahil sa
maitim na ulap sa kalangitan. Alam niyang ilang sandali lamang ay uulan na. “Kung payag ka ay
ngayon din. Upang maging masaya ang laban, kailangang may kagat-kagat tayong anumang
bagay sa paglipad natin. Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw naman ay
magdadala ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?” Tanong ng kalapati kay Agila.
Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa asin.
Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang paglipad at magtatapos sa
tuktok ng Berdeng Bundok. Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na
ulan. Ang bulak na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat nang bumigat.
Nagpapabagal ito sa paglipad ng Hari ng Ibon. Ang asin ay nalusaw naman na nagpapabilis sa
paglipad ng Kalapati. Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyayabang mula noon ang palalong
Agila.

Pahina2
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong.Bilugan ang letra ng napiling sagot.
11. Anong paglalarawan ang mailalapat mo sa katangian ng Agila nang sabihin niyang “Hoy,
Kalapati, lalaban ka ba sa akin?”
A. Maunawain B. mapagmataas C. palakaibigan D. palaaway
12. Bakit masasabi nating mapamaraan si Kalapati?
A. Alam niyang uulan kaya and dinala niya asin at hindi bulak.
B. Tinanggap niya ang hamon ni Haring Ibon sa paglipad.
C. Hindi siya nagyabang sa Agila.
D. Nanalo siya sa paligsahan.
13. Ano ang masasabi mo kay Agila nang tanggapin niya ang alok ni Kalapati na bulak ang
kanyang dalhin sa paglipad?
A. Mangmang B. mayabang C. matalino D. mapamaraan
14. Bakit hindi na muling nagyabang ang Agila?
A. Nanalo siya sa paligsahan. C. Natalo siya ng Kalapati.
B. Nabalian siya ng pakpak. D. Tinulungan siya ng Kalapati
15. Anong aral ang napulot mo sa pabula?
A. Huwag ipagmayabang ang angking lakas at kakayahan kahit kanino.
B. Ipagmalaki ang iyong pinanggalingan sa lahat ng oras.
C. Huwag maging kampante sa sarili na kaya mo ang lahat.
D. Maging mapamaraan at laging handa sa anumang pagkakataon.
Basahin at unawain ang seleksyon.
Isa sa mga banta sa buhay ng Pawikan at ng iba pang lamang-dagat ay ang pagkasira
ng kanilang tirahan dahil sa polusyon. Bukod sa mga basurang itinatapon sa mga katubigan,
isang matinding pinanggagalingan nito ay ang minahan. Ang mga katas, mga nakalalasong
kemikal na galing dito, kapag napunta sa karagatan ay lasong kumikitil ng buong ecosystem.
Ito ang nangyari sa mga ilog at baybaying dagat sa Marinduque nang magkaroon ng aksidente
sa minahan ng MarCopper noong 1996.
Dahil sa mga pangyayaring tulad nito, nagsasagawa ng petisyon laban sa pagmimina
ang maraming tao. Sila ay nangangalap ng mga lagda upang makumbinsi ang mga kinauukulan
na ipagbawal na ang pagmimina sa bansa. “Mga kababayang may pagmamahal sa kalikasan,
halina’t samahan kami sa aming laban,” ang panawagan nila sa ating lahat.

Pahina3
Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong.Bilugan ang letra ng napiling sagot.
16. Alin sa sumusunod ang mga banta sa buhay ng Pawikan at ng iba pang lamang dagat?
A. Mga basurang itinatapon sa karagatan at mga nakalalasong kemikal na galing sa mga
pabrika.
B. Paglilinis ng mga mamamayan sa mga karagatan
C. Matinding lindol na yumanig sa karagatan
D. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
17. Ano ang naging solusyon ng mamamayan sa kanilang problema?
A. Nilinis ang mga baybaying dagat at sinisid ang mga basura
B. Nagsagawa sila ng petisyon laban sa pagmimina
C. Ipinagbawal ang pangingisda sa kanilang lugar
D. Ipinasara ang mga minahan.
18. Bakit nalason ang ilog at baybaying dagat ng Marinduque?
A. Madalas gumamit ng dinamita ang mga mangingisda.
B. Gumagamit ng lason ang mga mangingisda sa kanilang gawain.
C. Nagkaroon ng aksidente sa minahan ng MarCopper noong 1996.
D. Pinabayaan ito ng mga taong nakapaligid sa mga karagatan at ilog.
19. Alin sa sumusunod ang pangunahing diwa ng talata?
A. Mga banta sa buhay ng pawikan
B. Panawagan para itigil ang pagmimina
C. Mga dahilan ng pagkasira ng buong ecosystem
D. Mga paraan ng pangangalaga sa yamang-dagat .
20. Bilang isang mag-aaral, papaano ka makatutulong upang mapangalagaan ang ating
yamang-dagat?
A. Makikiisa ako sa panawagan na ipatigil na ang pagmimina.
B. Mag-aaral ako nang mabuti para maabot ko ang aking pangarap sa buhay.
C. Pagsasabihan ko ang mga bata na huwag nang makialam sa problema ng pamahalaan.
D. Makikiisa ako sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa pangangalaga sa mga
yamang-dagat

Pahina4
Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Pagkatapos,ibigay ang wastong pagkasunod-sunod ng
mga pangyayaring nasa ibaba ng teksto.Isulat ang letrang A-J.
Liwanag sa Dilim:
Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog Si Maria Gennett Roselle R. Ambubuyog ay
ipinanganak noong ika-12 ng Enero, 1980 sa Maynila. Anak siya nina Gemme F. Ambubuyog at
Deanna B. Rodriguez. Naging masaya at tahimik ang unang mga taon ng kaniyang kabataan,
kasama ang kaniyang mga magulang at tatlong kuya na sina Glemm, Glenn at Garry. Noong
anim na taong gulang pa lamang si Roselle, nagkasakit siya at binigyan ng apat na gamot.
Bumuti ang kaniyang pakiramdam, subalit pagkatapos ng dalawang linggo, muli siyang
nagkasakit. Tinawag na Steven Johnson’s Syndrome, o labis na reaksiyon ng katawan sa mga
gamot na kaniyang iniinom ang kaniyang naging sakit. Dahit dito, nawala ang kaniyang
paningin. Dinala siya ng kaniyang mga magulang sa iba’t ibang doktor, subalit hindi na muling
nakakita si Roselle. Sa kabila nito, sinikap ni Roselle at ng kaniyang mga magulang na
maipagpatuloy ang dati niyang buhay. Umalis ang kaniyang ama mula sa dati niyang trabaho
upang tulungan si Roselle na muling matutuhan ang mga pang- araw-araw na gawain.
Nakabalik siya sa pag-aaral sa pamamagitan ng “Adult Braille Literacy Program” ng
Resources for the Blind, Inc (RBI) na isang organisasyong nagbibigay serbisyo at tulong sa mga
bulag sa buong Pilipinas simula pa noong 1988. Dahil dito, nakapagtapos siya bilang
balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino noong 1992 at sa Paaralang Sekondarya ng
Ramon Magsaysay noong 1996. Pagkatapos nito, nagtungo siya sa Pamantasang Ateneo de
Manila upang mag-aral ng Matematika. Nagbunga ang pagsisikap ng buong pamilya, dahil
noong 2001, nagtapos si Roselle bilang balediktoryan mula sa Pamantasang Ateneode Manila.
Sa kanyang talumpati bilang balediktoryan, pinasalamatan niya ang kanyang buong pamilya,
lalo na ang kaniyang ama, na nagsilbing mga bituin sa kanyang paglalakbay. Pagkatapos nito,
nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngayon, isa siyang
konsultant para sa isang kompanyang gumagamit ng makabagong teknolohiya upang gumawa
ng kagamitan para sa mga taong may kapansanan. Nagagamit niya ang kaniyang karanasan at
kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.
____21. Naging balediktoryan si Roselle ng Paaralang Elementarya ng Batino.
____22. Naging balediktoryan si Roselle ng Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay.
____23. Ipinanganak si Roselle sa Maynila.
____24. Nagkasakit si Roselle at uminom ng apat na gamot.
____25. Naging konsultant siya ng kompanyang gumagawa ng teknolohiya para sa may
kapansanan’
____26. Naging balediktoryan siya ng Pamantasan ng Ateneo de Manila.
____27. Nabulag siya dahil sa masamang reaksiyon ng kaniyang katawan sa gamot.
____28. Umalis ang kaniyang tatay sa dating trabaho upang mas matulungan ang mga katulad
niya.
Pahina 5
____29. Ginamit niya ang karanasan at kaalaman upang tulungan ang mga katulad niya.
___30. Nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas.
Isulat sa sagutang papel PB pambalana, PT pantangi, KT konkreto/tahas, BL basal o lansakan
ang mga pangngalang may diin.
____31. Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso sa iyong ibinalita.
____32. Si Ginoong Reyes ay mabait at mapagbigay sa mga nangangailangan.
____33. Binigyan ako ng aking anak ng isang dosenang rosas.
____34. Ang aking mga kaibigan ay masayang naglalaro sa bakuran.
____35. Bumili ako ng isang kahong tubig.
____36. Ako ay magiging mabuting alagad ng Panginoon.
____37. Iyan ang aking mga pangarap para sa ikauunlad ng mundo.
____38. Hanggang kalian ka tatalima sa utos ng iyong mga magulang?
____39. Sinoman sa atin ay may maiaambag sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan
ng sanlibutan.
____40. Huwag nating tularan ang mga taong masasam
Panuto:Itambal ang mga salita na nasa Hanay A sa katumbas nitong kahulugan sa Hanay B.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
____41. magbuklod a. karaniwang marurumi ang tubig na dumadaloy
sa lugar na ito
____42. salik b. inanod ng tubig
____43. lumaban c.mga tuntuning dapat sundin
____44. nagbabanta d. nakasasama
____45. panirahan e. kaalaman
____46. kabatiran f. nanganganib
____47. regulasyon g. tirahan
____48. pag-agos h. bahagi
____49. imburnal i. tumutol
____50. hindi mabuti j. magkaisa
Pahina6

You might also like